Chapter 03

2732
Atarah Klyte MALAKAS Ang kabog ng dibdib ko at tulala lang ako. Paulit ulit kong naalala 'yung mukha nung gwapong doctor na naka one night stand ko. Ayos din si tadhana. Mapaglaro talaga, Akalain mo naman na Doctor pala 'yung naka one night stand ko. At worst siya pa pala 'yung Rare na sinasabi nila na na deploy dito sa hospital na pinagta-trabauhan ko. Hayz. Hindi niya ako pwede makilala o makita man lang. Natatakot lang ako at nahihiya. Halos dalawang linggo pa ang natitira ko bago ako muli pumasok sa trabaho. So dalawang linggo ko pa siya possibleng hindi makita. Ang kaso lang, ang problema paano kapag natapos na 'yung dalawang linggo? Paano na 'yun!? Ano na gagawin ko? "A-ate Ath.." nabalik lang ako sa Reyalidad nang may tumawag sa akin. Sh-t, si Chuchu nga pala ang pinunta ko rito. Dapat lang na alisin ko muna sa isipan ko 'yang Rare na 'yan. "Hija, ok ka lang ba? Namumutla ka. Kanina ka pa tulala at balisa." tanong naman ng Mommy ni Chuchu. I shrugged and smiled bitterly. "Ok lang po ako hehe. 'Diba Chu Chu, Ok lang tayo? Ka-kayanin pa natin lumaban diba? Go go fight fight pa diba." saad ko batang si Chu Chu na nakahilata sa Hospital bed. Maputla ang balat, nangingitim ang ilalim ng mata at nangangayayat na talaga ito ng sobra. Base sa mata niya, mukhang pagod na pagod na talaga siya. "Ate, I can't... I'm tired." mahina at pagod napagod na sambit ni Chu Chu. Sa isang iglap ay biglang tumulo ang luha ko. Bigla nawala ang mga iniisip ko. Ang tanging naiisip ko lang ang kalagayan ni Chu chu. "Ate Ath... don't cry. I'm happy naman na po. Gano'n din sina Mama. Right Mama and Papa? Happy na kayo na magpapahinga na ako. Pumayag na po kayo 'diba?" nakangiting sambit ni Chu Chu sa Mama niya. "Y-yes a-anak. We're happy." nakangiti pero halatang masakit para sa ina ni Chu Chu ang sinabi nito. Samantala ang ama naman ni Chuchu ay tumango lang at ngumiti. "See ate? Gayahin mo sina Mama. 'Di sila nagiiyak. Happy sila for me. Can I close my eyes na po? I want to rest na.." masaya ang boses nito na may halong pagod. "No..no." naiiling mong sambit pero hinawakan lang ako sa balikat ni Tita, na Mama ni Chu Chu. Tinanguan lang ako nito at nginitian na mapait na para bang sinasabi na, 'Ok na, hayaan mo na. She's tired. Tangap naman na namin.' Pinikit ko ang mga mata ko, napabuntong hininga rin ako, dinilat ko ang mga mata ko ulit at dahan dahang tumango. "You can rest now baby."nauutal kong saad. "Yes! Thank you p-po sa lahat Ate Ath especially to you Mama and Papa, I love you all." pahina ng pahina niyang sambit kasabay ng unti unti nitong pagpikit. Chineck ko ang pulse niya pahina na ng pahina ang pag pump nito. Malakas ang naging hagulgol ni Tita, nilapitan At kino-comfort na lang siya ng asawa n'ya. Dumating na ang Doctor. Si Doctora Aljen. Lumayo muna ako, at hinayaan na suriin si Chu Chu. "Time of death, 2:37 pm." sambit ni Doctora dahilan para manlambot ang tuhod ko. °°° ALASYETE na ng gabi nang makauwi na ako. At sa bahay muna ako umuwi dahil bigla kong namiss ang kwarto ko sa mansyon. Pagpasok ko ay agad bumungad saakin si Ate Akisha habang masayang nilalaro si Akeila sa sala. Hindi ko nalang sila pinansin at dire diretso lang paakyat sa taas kaso narinig ko ang pagtawag ni Akisha oh I mean Ate Akisha. "Ath? Bakit 'di ka umuwi kagabi. Umiyak ka ba?" nilingon ko ito at binigyan ng malamig na tingin. "Sa condo ako umuwi. Yes." sambit ko sabay nagmadaling umakayat pataas. Ayoko siya kausap baka kung ano ano lang masabi ko sakaniya. Pumasok na ako sa kwarto ko at kaagad ko itong nilock. Humilata ako sa kama ko dahil nakaramdam ako ng matinding pagod at bigat ng mata ko. °°° BINABANTAYAN ko ngayon si Akeila dahil busy sina Mom, Dad and parents ni Akeila. Nag p-prepare kasi sila for Ate Akisha's birthday. Next next week pa pero aligaga na sila. Engrande kasi ang party na magaganap lalo na may big announcement na naman daw sila. Well kahit hindi pa nila sabihin na s-sense ko na kung ano 'yun. Mabilis kumayod si Charl and alam kong buntis ulit si Ate Akisha. Nakita ko kasi na nagsuka siya kanina. Isang sign 'yun, morning sickness. Hindi naman siya gano'n dati so alam na thiz. Haynako, Buti pa si Ate nakakadalawa na. Ako? Nganga pa rin. One week na ang nakalipas since may naka one night stand ako pero wala pa rin. Nag try na ako mag pregnancy test pero negative pa rin ang resulta kasi one week palang naman ang nakalipas simula nakipag talik ako. Siguro mga After 2- 3 weeks pa tyak may mabubuo na. Hihihi so excited. Hindi na ako ipe-pressure nina Mom and Dad na mag anak dahil magkakaroon na talaga ako ng sariling baby. Hindi na ako mai-inggit. One week nalang ang natitira vacation ko and boom back to work na naman and doble boom malilintikan na dahil makikita ko na si Mr.Rare na naka one night stand ko pero anyway, malaki ang hospital siguro naman kaya ko siyang iwasan. Hays! Sana maiwasan ko nga. Nakakahiya magpakita sakanya ih. "Kawawa nman si Baby Akeila, may bago ng baby sina Mommy." Sambit ko kay Akeila na masayang naglalaro sa lapag dito sa playroom niya. "M-mam." cute na sambit nito. mag t-two year old palang siya at hindi pa marunong magsalita. Binuhat buhat ko siya na para bang hinahagis hagis. "Ang baby. Ang baby Akeila na 'yon. Ang baby. Ang baby~ a burbur bur. Yieeyah!" nakangiti kong sambit. Nakakagigil siya. Ang cute cute niya, sana mag ka anak ako ng gan'to. "Hihihi." Hagikgik niya kaya natawa din ako pero biglang----napansin ko ang matinding amoy na umaalingasaw. "Uhm baby, nag po poo ba you?" tanong ko na kala mo naman sasagot. Sinilip ko naman ang diaper niya and confirm tumae nga. Binuhat ko siya saka tumayo, hindi na ako nag abalang tawagin sina manang dahil ako nalang mag papalit ng diaper niya. Umakyat kami sa raas para pumunta sa kwarto nina Ate Akisha. Nandun kasi 'yung mga gamit like diaper, alcohol and etc. Nang makadating kami ay binuksan ko ang pintuan gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan naman ay buhat buhat ko dun si Akeila. Dumaretso kaagad kami sa CR at doon ko na siya hinugasan. "Hihihi. Tat-a." humihigikgik na sambit ni Akeila kaya napangiti ako. She's so adorable. I pinched her nose then I kissed her forehead. Gad! Nakakagigil How I wish na magkaroon din ako ng anak na katulad niya. Nang matapos ko na siya hugasan ay nag hugas din ako ng kamay at Sinabon ito. Pagkatapos, ay hiniga ko siya sa crib niya. "Wait ka lang ah. Hahanapin ko kung saan nakalagay 'yung diaper mo. h'wag malikot." sambit ko rito na animo ay naiintindihan ako. "Hihihi." hagikgik lang nito kaya napangiti ako ng matamis. Nag alcohol muna ako ng kamay saka kinuha ko ang powder at wipes. Nilapag ko ito sa kama. Sunod naman ay binuksan ko isa-isa ang kabinet kung saan nakalagay ang mga diaper ni Akeila. Nang makita ko na ang diaper ay kumuha ako ng isa pero nabitawan ko ito. Yumuko ako at kinuha ito pero may napansin akong itim na box sa ilalim ng kama nina Ate. Nilabas at kinuha ko ito. "Ano 'to?" curious kong sambit. Gusto kong buksan pero mamaya na asikasuhin ko muna si Akeila. Kinuha ko siya sa crib niya at inihiga siya sa kama nina Ate Akisha. Mabilis kong winipe ang singet singet nito at pagkatapos nilagyan ko ito ng powder at isinuot na ang diaper dito. Nilapag ko muna siya ulit sa crib niya at kaagad kong binuksan ang itim na nox. Honestly, ngayon nalang ulit ako nakapasok dito Sa kwarto ni Ate. At bakit nga ba nacurious sa box na 'to? Kaagaw agaw pansin kasi ang matte black na kulay nito at alam ko ang ugali ni Ate, ayaw na ayaw nito na naglalagay ng kahit ano sa baba ng kama niya dahil para sakanya madumi ito tignan, Wait so baka hindi sakanya 'to? Baka kay Charl 'to? Bago pa ako magisip ng kung ano ano ay binuksan ko na ito. At agad tumambad saakin ang mga colorful na papel. Parang Love Letters ah. Kumuha ako ng Isa, At binasa ito nakumpirma ko nga na mga love letters 'to mula sa mga Admirer niya nung Elem-College. Nakita ko kasi na iba ibang taon tapos iba rin ang mga pangalan. So admirers niya nga.Wow, sana all talaga may admirers. Lol. Patuloy pa din ako sa pagkakalkal nang may nakita na akong mga pictures, tinignan ko isa isa ang mga ito. At napangisi ako ng makita ang mga picture niya with her EX boyfriends. Paano kaya kapag nakita ni Charl 'to? Uhmm. Selosan? Mag aaway ba? Napaka sinop naman pala ni Ate, Tinatabi niya lahat ng memories niya nung mga dalaga pa siya sana ganyan din ako laso, Hindi ih. Burara ako. Lol. Kinalkal ko pa ng kinalkal ang box pero biglang nawala ang ngisi ko dahil may nakita akong 'di kanais nais. Isang picture ni Ate. May Nakabackhug na lalaki sakanya. At Ang lalaki na 'yung ay walang iba kung hindi si Rare. Napakagat ako ng labi saka tinitigan ang picture na 'yun baka namamalikmata mata ako pero siya nga! Wait wait! Baka kamukha lang. Oo tama, naniniwala ako na may pitong magkakamukhang tao sa mundo Oo yeah tama tama. Ibabalik ko sana ang picture sa box pero may napansin ako na nakasulat sa likod. "I love you Beb, I love you Rare." 'RARE MY FIRST LOVE' Halos malaglag ang panga ko sa nabasa ko. Kumpirmado si Rare nga 'to na naka one night stand ko! Wha! Tadhana naman bakit ganyan ka?! Huhuhu. Hindi ko kilala si Rare! Lahat na nagiging boyfriend ng Ate ko, kilala ko at alam kong First Love ni Ate si Kuya Luke. So p-paanong si Rare 'yun?! Pinakatitigan ko muli ang Itsura ng mga nasa picture. At dun ko lang napansin na nasa likod pala nila ang Eiffel tower. Nasa Paris ito. At batang Bata pa Ang itsura nilang dalawa. Mga nasa 13-14 years palang sila dito. And kung tama ang naiisip ko. Naalala ko na Si Ate nagbakasyon sa Paris nung 13 siya, dahil gusto niya mag stay with Lola nun sa side ni Mommy. "What the hell." Nanlalambot kong sambit. Paano nangyari 'to? Bakit napaka Co-incident naman. Tadhana! Nuenigagawa mo?! Bakit nanlalaro ka nanaman. Jusko. °°° MABILIS ang araw and eto na back to work na ulit. Sa ilang years kong nagtatrabaho as a nurse ngayon lang ako naga-alinlangan na pumasok, Dahil for me hospital is my home at patient and my co-workers is my family pero ngayon, mas gugustuhin ko na na h'wag pumasok pero Hindi pwede. Kailangan ako dun. Otw ako ngayon sa St.Calisha. Habang nag da-drive ako ay biglang nag ring ang Phone ko. Ate Akisha is Calling.. Nireject ko ang tawag nito pero bigla ulit nag ring ang phone ko kaya nireject ko ulit kaso bigla nanaman nag ring. Na dididstract ako at naiirita kaya pinili ko nalang na sagutin. "Oh?" mataray kong bungad. [ Ahm Ath Sorry sa Distorbo 'Di mo Kasi nirereplyan Text ko tapos Tatlong araw ka ng nasa Condo mo Kaya 'di kita----] "Diretsuhin mo na ako. What do you want?" [ Mag papasukat ka na ng damit. Ikaw nalang 'di pa nagpasukat eh. Sa Biyernas na ang party Ath. ] "Ok, mamaya." agad kong binaba ang tawag at ipinaikot ang mga mata ko. Nag focus nalang ako sa pag d-drive habang nag so-soundtrip at hindi rin nagtagal ay nakadating na ako. Pinark ko na ang kotse ko. At Pagkababa ko palang ay napalinga-linga na ako upang suguraduhin na wala sa paligid ko si Rare. Balita ko kinabukasan nung nakita ko siya dito ay nagsimula na siya mag work kaya dapat ay magingat ako. Nang nasiguro ko na wala siya ay kinuha ko ang bag and wallet ko sa loob ng kotse at nag simula ng maglakad. "Baby!" napatigil naman ako sa paglalakad at nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang katagang 'Baby.' "Hey Baby Ath!" nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. "Ang aga aga naman, sumisigaw ka d'yan Kristan." masungit kong salubong sakanya. "Aw ang sunget ni Baby Ath, ma miss lang naman kita eh, Hug mo nga ako." Bigla siyang ngumuso at umakmang yayakapin ako kaya napailing iling ako saka hinampas siya sa braso. He's Kristan Gil Laspiatio my boy bestfriend. Kami ni Mikee actually. Doctor rin siya rito sa St Calisha. Gwapo pero kahit na license Doctor siya ay hindi siya mature tignan. Parang laro laro palang sakanya and totoo 'yun. Mapagbiro at clingy si Dr. Kristan. Minsan ang childish niya pero kapag about sa work naman mag se-seryoso siya. 'Yun ang mabuti sakanya. Masasabi ko na He's the best doctor/ surgeon na napatunayan ko talaga not like Dr. Rare, hindi ko pa kasi talaga siya nakita mag work. What do you expect? Bago lang siya rito and hindi naman ako curious sakanya kaya hindi na ako nagbabasa ng mga articles about sakanya. "Hey? Are you ok?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tawag ni Kristan. "Yes. Hahaha. Tara na nga late na tayo." Naglakad na kami papasok ng Hospital. Hindi ko maiwasan ang mag palinga-linga dahil baka biglang nasa tabi ko na pala si Rare. "Hey? May problema ka ba? You acting weird?"nakakunot noong tanong ni Kristan. "Ha? Wala no!" "Sure ka?" May pagaalinlangan na tanong nito. "Yes yes!" Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. MABILIS ang naging oras, At alasais na ng gabi. Sa Kabutihang palad naman ay hindi pa rin nagtatagpo ang landas namin ni Rare. Ang galing ko no? Automatic kasi na kapag may mga nagbubulungan and humihiyaw. Isa lang ibig sabihin nun nandun or malapit lang si Rare. Hearthtob siya rito ih. Kaya agad ako nakakagawa ng paraan para maiwasan siya. Alam kong hindi ako lagi si-swertehin. Alam kong dadating ang araw na magkikita kami. Aware ako do'n pero hindi ko naman alam kung anong gagawin ko kapag dumating 'yung araw na 'yun. Hays, bahala na. Matatapos na nyan ang work mamayang 6:30 and pagkatapos nun diretso ako sa botique para magpasukat ng dress na susuotin ko this Friday sa birthday party ni Ate. Pumasok ako ngayon Isang kwarto, Kukunan ko kasi ng dugo ang I-isang lasyente rito. "Hi po, goodevening Ma'am and Baby gurl, Kunan ko na po ng blood si baby ah." napapout naman ang bata kaya napangiti ako ng matamis. "Baby gurl. What's your name?" imbes na sagutin ako ay biglang umiyak ang bata. "Shhh, baby. H'wag ka na umiyak. Aalisin natin sakit mo ok? May aalisin lang si Ate na bad things sa body mo ah. Kailangan alisin 'yun para gumaling na ikaw, pagkatapos kapag gumaling ka na anong gusto mong gift?" Unti unti tumahan ang Bata at sinisinok pa ito. "D-doll." nauutal na sambit nito. "Ok, bibigyan kita ng doll tapos may kasamang doll house ok? Pero kailangan na muna natin alising 'yung bad things dito. Ok lang ba? Para gumaling ka na." Dahan dahan namang tumango ang Bata. "Ok, hug mo si Ate and close your eyes. Mabilis lang 'to." dahan dahan ko tinurok ang injection. "Ang tapang tapang naman ni baby gurl. Oh ok na, Yehey." puri ko nang matapos ko na siyang kuhanan ng dugo. "Babalik si Ate ah? Tapos Bibili na ako ng doll mo, Ok?" dahan dahan itong ngumiti saka tumango. Tok! Tok! Lumapit ang mommy ni baby girl sa pintuan para tignan kung sino ang kumakatok. "Oh doc ikaw po pala." haharap sana ako kaso bigla kong narinig ang pamilyar na boses. "Yeah, I just want to check Esang, malapit na operation niya." napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yun ni Rare. Oh-oh? Pa-paano na 'to?
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작