Chapter 3

928
Saya's POV, Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata. At uminat-inat, may pasok pa pala ako ang ganda naman ng tulog ko napaka komportable. Pero, bigla akong napabangon ng may nakita ang chandalier sa kisame. Wait, inalala ko lahat ng nangyari sa akin. Palaka tapos may lalaki tapos! Whaaa! s**t! Dali-dali kung tiningnan ang katawan ko sa loob ng kumot. OMG! Thanks God. Pero wait nasaan ba ako, at ang ganda naman ng kwarto nato, siguro mas malaki pa to sa bahay namin ni Saki. Bumaba ako sa kama at nilibot ang buong kwarto. Aba! Bongga may sariling c.r dito, pwede ng gawing bahay. Napabalikwas ako ng may pumasok sa kwarto, naka maid's uniform siya. "Ma'am bumaba na daw po kayo, kakain na po kayo ni Sir." saad niya sa akin at yumuko. "Teka? Saan ba ako? Anong lugar to?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Nasa hell napo kayo Ma'am kaya mag-ingat kayo." sagot niya sa akin napataas naman ang kilay ko sa sagot niya naka drugs ata si Ale eh, nako mga tao nga naman oh. "Syempre joke lang Ma'am, bumaba na po kayo nandoon na si Sir. May damit po sa closet maligo nalang kayo." saad niya ulit sa akin at nauna ng bumaba. Ako naman naiwang mag-isa dito, ay bwesit may pasok pa ako eh at ano ba ang ginagawa ko dito, yung lalaki siguro ka gabi, ay bwesit naman oh babayaran ko naman siya eh pero matatagalan lang. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na kaya niya ako dinala dito para wala na akung kawala sa utang ko. Oh ang talino ko no? Maganda pa. Hahaha! Maligo na nga ako at nag bihis tapos bababa na ako. Pero sa pinto palang ako parang gusto ko ng bumalik sa kwarto. Kasi naman po, ang daming naka tuxedo sa hagdan, mga guard siguro? Dahan-dahan akung bumaba ng hagdan, yung parang wala lang akong nakita. Ang gara naman ng bahay 'to pwede ng gawing palasyo sa sobrang laki. Lahat ng mga gamit dito mamahalin, galing siguro ibang bansa. Tinitingnan naman ako ng mga men in black dito. Hehehe. Ang ganda ng term ko "men in black". Hmmm , bagay din. "Hehehe Good Morning." saad ko sa kanila at ngumiti. "Magandang umaga din po, Ma'am!" sagot nila ng sabay-sabay nagulat naman Ako, naka tayo pa ng tuwid ha. Grabi naman ang bahay nato masyadong delikado ang daming men in black. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad na parang sa wala lang,  snobber kasi ako. Ang ganda ko kasi mukhang manika. Syempre joke lang. Sniff,sniff,sniff, ang bango naman. Sinundan ko ang amoy na yon at nanggaling ito sa kusena, malamang Saya alangan naman sa banyo, bobo talaga. Haysss. Wow! Ang daming pagkain. Lumapit ako sa lamesa pero.... Bigla akong tumalon sa gulat ng may nagsalita sa likuran ko. "Finally your awake!" saad ng matipunong boses sa likuran ko parang nanggaling sa ilalim ng lupa katakot pero katakot parin ang palaka. Unti-unting humarap ako sa likuran ko tsaka ngumiti, napanganga naman ako. OMG! Greek god ba ang kaharap ko ang gwapo! Amputa ang bango pa. "Good Morning po." saad ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko, ay este gwapong lalaki pala. "Kumain kana may pag-uusapan tayo!" Deretsang sabi niya sa akin. Aba! Kahit gwapo to papatulan ko to. Ang lapit-lapit ko sa kanya tapos sisigaw, aba! Masira eardrum ko eh. Walang hiyang lalaki to. Ibibinta ko katawan mo, hehehe. Madami bibili niyan. "Grabi naman makasigaw oh, nasa harapan lang ako." sagot ko habang nakakunot ang noo ko. -_- Siya yan. At ang! Tinalikuran ako, bastos to ha. "Aba! Hoy mister, dinala mo ako dito sa pamamahay mo tapos tatalikuran mo ako!? Aba grabi ha!" singhal ko sa kanya. Tama kayo ng nabasa. Yung lalaking nasa tulay siya ang kaharap ko ngayon nag galit-galitan nga ako, baka effective at hindi na ako pagbabayarin ng utang ko. hahaha. Nice palusot to, hehehe! "Kung hindi mo tinapon ang Cellphone ko wala ka talaga dito! Kaya kumain kana kasi pag-uusapan pa natin ang utang mo babae!" balik sigaw niya sa akin. Napatahimik naman ako, natakot ako don ha. Yumanig ata ang bahay sa sigaw niya. Ang mga katulong naman dito nanginginig sa takot. Tssk. Medyo takot ako syempre pero ang gwapo niya talaga, hehehe gwapong demonyo naman niya. Tssk, bwesit! Dahil sa tamad na ako mag salita lumapit nalang ako sa lamesa at kumain na SANA! Kasi naman e, ang demonyong to ang sama ng ugali. Ang sabi niya hindi pa ako kakain kapag hindi pa siya tapos. Boss, nga daw siya kaya haysss, kainis hindi naman ako madumi ha, nagugutom na ako eh. Memorize ko pa ang sinabi niya. "You crazy lady! Who the hell told you to eat? Bawal kang kumain kapag hindi pa ako tapos kaya tumayo ka lang jan! Huwag kang Feel at Home!" ang sweet niya diba, kinilig ako sobra namumula na nga ako eh, namumula sa galit kasi naman eh. Bwesit demonyo ka pala sa loob akala mo kung sinong gwapo. Tsk, walang poreber! Magkaka pimples ka din sana sa ilong talaga, hahahhaha ay. Kumati naman ang ilong ko, bwesit na lalaki to. Nang tapos na siyang kumain tumayo siya at humarap sa akin. "Sorry ha wala na kasi akung badyet kaya para lang sana sa akin ang breakfast ko pero tinirhan naman kita pag tsagaan mo nalang." saad niya at iniwan ako, ano daw? Ano ako aso? Na ang tira niya ang ipapakain sa akin? Bwesit yon ha! Lumapit ako sa lamesa hindi naman mga tira ha bobo na lalaki yon, mayaman kasi kaya walang problema sa pagkain ang dami kayang naghihirap ngayon at isa na ako doon, joke. Ang yaman ko kaya, hehehe maganda pa. Kumain nalang ako gutom na ako eh. Kapag gutom kasi ako wala akung pakealam sa mga nangyayari basta ang akin kakain ako, period. Haysss, miss ko na sila.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작