CHAPTER 2

1185
Chapter 2 Natapos ang kalahating araw ko sa klase sobrang badtrip ako. Nakakainis kasi ang ugali ni Khalia, ang hirap intindihin. Minsan masungit, minsan mabait, minsan maingay at minsan tahimik. Hindi ko ma predict kung anong ipapakita kong ugali sa kanya. Nakakabaliw! Dagdagan pa na magkatabi kami sa upuan! Eh bakit ba kasi kami ipinagtabi? Wait? Oo nga pala sabi ni Mrs.  Ochanco ay si Dean ang nag-utos na ipagtabi kami ni Khalia. Tsk! Akala ko ba tatantanan na ako ni Dean! Aish! Mabibigat na yapak ang aking ginagawa habang pamartsa papunta sa Dean's Office. Gusto kong magwelga kung bakit ganoon ang desisyon ni Dean without my permission. 'Di porket estudyante lang ako rito sa eskwelahan niya e gani-ganituhin lang niya ako? E paano ang rights ko bilang isang estudyante. Kailangan may boses ako! Hindi ako dapat magpaapi.  "Yes Mr. Herrera? How may I help you?"  Paano naman ako makakapagfocus nito sa klase kung ang katabi ko mas malakas pa sa boses ng guro ang hilik! "Mr. Herrera?"  Hindi naman yata tama iyon diba?? "Mr. Herrera!!!"  "Ay lamok na malaki!...Miss Yam! Hala sorry po! Wala po ako sa aking pag-iisip." Nagkamot ako nang ulo at tsaka ipinalibot ang mata sa paligid kung nasaan na ba ako. Shocks! Nandito na pala ako sa Office. Nakakahiya. Nagyuko ako at humingi ulit ng paumanhin.  "Pasensya na po talaga Miss Yam." Si Miss Yam ang secretary rito sa Office. Taga welcome at mag-eentertain ng mga estudyanteng nag-iinquire.  "It's fine Mr. Herrera. Kita ko nga kaninang wala ka sa sarili mo, halos magpalitan na nang pwesto ang mga kilay mo sa kakakunot nito. Oo nga pala, ano ang kailangan mo rito? Himala ngayon ka lang ulit napunta rito." Mahabang pagsasalaysay ni Miss Yam. Madaldal talaga si Miss Yam in a goodw way. Miss pa ang tawag namin sa kanya dahil wala pa namang asawa. Ewan ko rin rito kay Miss Yam bakit wala pang nakabingwit rito.  "Ahh kasi Miss Yam si Dean sana ang sadya ko rito." Paunang salita ko.  "Si Dean? Wait titignan ko if may appointment siya today." May tinitignan naman siya sa kanyang listahan. "Mr. Herrera nandoon lang sa sa office ang Dean." Imporma niya sa akin. Lalakad na sana ako pero bigla niya akong pinigilan. "Pero Mr. Herrera, may ka meeting kasi si Dean, kanina pa iyon. Pero baka okay lang siguro na puntahan niyo siya. O hihintayin mo na lang ba rito?" Nag-isip na muna ako pero mas pinili kong puntahan na lang si Dean para magreport. "Miss Yam, pupuntahan ko na lang, importante po kasi,"  "Okay tatawag na lang ako kay De-" "H'wag na po," Nagmadali na akong tinungo ang opisina nang Dean para 'di na tawagin pa ni Miss Yam. At sa wakas sa pagmamdali ko ay nakarating rin sa ikalawang palapag sa mismong pintuan nang opisina ni Dean. Wala gaanong tao ang pasilyo kaya ang naiisip ko ay baka tapos na mag meeting si Dean at ang mga bisita nito.  Kumatok na muna ako nang pangatlong beses, malumanay na katok lang ang aking ginawa. Bago pinihit ang siradora ay tumingin na muna ako sa aking relos.  "Pass 12 na pala, hindi pa ako nakapaglunch." Usal ko sa aking isipan.  Marahan ko nang pinihit ang doorknob at tsaka binuksan ang pinto. Nasa baba lamang ang aking ulo kaya hindi ko kita ang kasama ni Dean. Hanggang s patalikod ko ring sinara ang pintuan at marahang tinignan si Dean.  "Good noon po Dean," Nagyuko na ako tsaka nagyuko rin para sa mga panauhin. "Good noon rin po..." Nang nagtaas ako ng ulo ay literal ang pagbagsak nang aking balikat at pati mata ko'y napalaki ko na kahit singkit naman ito. "I-Ikaw!!? Anong ginagawa mo rito? Tsk! H'wag mong sabihin magrereport ka rin about sa pagtatabi natin sa klase! Hah! Pwes, thank you kasi nandito rin ako pa-"  "Mr. Herrera sit down!" Utos sa akin nang Dean kaya napatingin ako sa kanya.  Kinunot ko ang noo ko. "Pero Dean!" Angal ko.  "It's a good thing at nandito ka, ipapatawag na sana kita sa klase mo, mabuti at tumawag si Miss Yam na hinahanap mo ako." Nag-smirked si Dean matapos niya magsalita. Tsaka inaayos pa ang pagkakalagay nang kanyang anteoho bago ulit nagsalita.  "Don't be rude to them Hijo, this is Mr. and Mrs. Dela Merced, at kasama nila rito ang anak nilang si Khalia Dela Merced na kaklase mo di ba?" Sasagot na sana ako pero hindi ako pinagsalita man lang.  "They are here para sabihin sa'yo ang kanilang hinaing tungkol sa kanilang anak." Nilingon ko naman sila. At tsaka naalala ko na naman ang mga pinagsasabi nila kay Khalia kaninang umaga. Tinignan ko rin si Khalia at ibang Khalia na naman ang nakikita ko ngayon, dahil naka ekis pa ang kanyang mga binti habang nilalaro laro ang kanyang buhok sa harapan at pinaikot-ikot, at...what the heck! Ngumunguya pa nang chewing gum! Ano bang problema niya sa mundo at parang pati mundo ay namomroblema sa kanya. Argh! Nakakasakit siya nang ulo.  "Hijo, we need your help," Paunang pahayag ni Mrs. Dela Merced sa akin. "I know you already met my daughter Khalia, mahal namin ang anak naming ito. Gusto namin na makapagtapos siya dahil importante siya sa amin. Ayaw naming hindi siya makapasa sa school na ito dahil sa kanyang may kahinaan siya sa pag-aaral niya." She paused kaya naghintay na muna ako sa kasunod niyang sasabihin pero wala naman kaya ako na lang ang nagtanong. "At ano po ang tulong na kailangan ninyo sa akin?"  "Hmm, can you be her personal tutor for 6 months? Or 1 year. I promise I will give you enough allowance and money bilang kapalit sa pagtuturo mo sa anak namin. Please." May pagmamakaawa na ang boses ni Mrs. Dela Merced. Tinitignan ko lang si Mr. Dela Merced pero nakikinig lamang ito. Habang si Khalia ay nagheheadset na. Tsk! "Dean," Paghingi ko nang payo ni Dean.  "Mr. Herrera, kaya ikaw ang pinatawag ko at ikaw ang unang pumasok sa isip ko para tulungan si Miss Dela Merced ay dahil isa kang top scholar dito sa buong school. Sana naman mapagbigyan mo ang kanilang hinihiling, in fact may kapalit naman ang kanilang hinihinging tulong sa'yo, at alam ko naman na may pangangailangan ka rin sa buhay. Kaya sana tanggapin mo ang offer nila." Mahabang pahayag ni Dean sa akin. Hindi na ito ang unang beses na may ganitong hinihiling si Dean. Pero magkaiba lang ay isang buwan lang ang tinagal noon at lecture lang ang ginagawa ko.  Pero may kaibahan kasi ito dahil matagal-tagal ang palugit, 6 months to 1 year alam ko ako ang higher grades sa Elementary dito sa same school. Kilala na rin kaya kahit dito sa highschool ay nadala na. Pero nangako sa akin si Dean noon na iyon ang una at huling beses na may ipalecture siya sa akin. At take note. Elementary lang ako noon. Grade 6 ang problema nang tinuturuan ko ay baka hindi siya makagraduate. Pero ngayon kasi...iniisip ko pa lang na si Khalia ang e tutor ko. Sumasakit na ang ulo ko.  "Pag-iisipan ko po." Tanging nasabi ko sa mahabang pananahimik ko.  "Tsk! Pag-iisipan daw!" Kahit na mahina ay narinig ko ang sinabi ni Khalia. Nakita ko rin ang pagtabig sa kanya ng Mommy niya. Tsk! Siya pa nga itong nanghihingi ng tulong! Siya pa ang may attitude! Napaka-unpredictable!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작