Kabanata 2
Naligaw
Kanina pa ako palakad-lakad sa eskinitang ito. Pero 'di ko magawang makalabas sa kung saan ako galing kanina. Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari sa akin. Mabuti na lang at hindi naman madilim, may liwanag pa rin naman kahit na makipot itong kinalalagyan ko ngayon. Nasaan ba kasi ito banda? Eh ang naaalala ko lang naman ay sa gilid lang naman ako nang factory ng mga tsinelas. At nangangalakal lang ako't namumulot sa bawat makikitang plastic at metal. Pilit kong inaalala ang dinadaanan ko kanina pero sa bawat pilit kong isipin iyon ay sakit lang ng ulo ang aking nakukuha.
"Aish! Tanga ka kasi Nessay e. Ang tagal mo na sa eskinita naliligaw ka pa rin!" Pinapagalitan ko ang aking sarili.
Inilibot-libot ko na lang ang ulo ko sa buong paligid at baka may maalala ako sa lugar na ito. Sa tinagal-tagal kong pagtingin-tingin sa paligid ay naalala ko rin.
"Damn! Kaya pala ako naliligaw. Bwiset bakit ko ba naman nakalimutan ang lugar na ito. E, ito pala ang sinasabi ni Aling Tanya na lugar kung saan malimit talagang maraming naliligaw dahil sa magkakakulay lahat ang mga gusali rito.
Napapitlag ako sa gulat nang biglang may tumalon na itim na pusa galing sa malaking kahon ng basurahan.
"Anak ka ng pusa naman oh!" Napamura na lamang ako dahil sa gulat na nararamdaman.
Aba't may gana pang tumitig ang pusang ito. At ako pa talaga ang hinarap at saka pinakita pa ang kanyang maliliit pero matatalim nitong ngipin.
"Huh! Akala mo naman matatakot mo ako niyang maliliit mong ngipin! Tsk! Gawin kitang siomai o chorizo e! Sige! Ano? Ha. Ano??" Pananakot ko sa pusang gala gamit ang mga hawak kong sako na may lamang pinangalakal ko.
"Meow!" Mas lalo pang lumakas ang pagngiyaw nitong pusa. Aba't matapang rin ah.
Kaya ginamit ko na naman ang sako para maitaboy ang pusa. Nagulat naman ang pusa kaya tumakbo na ito ng mabilis.
Bigla namang kumulo ang aking tiyan.
"Ayst! Ilang oras na ba akong paikot-ikot lang sa eskinitang ito, at nakakaramdam na ako ng matinding pagkagutom." Usal ko sa sarili.
Habang patuloy lang ako sa pagtitingin-tingin sa buong lugar at naghahanap ng maaring malabasan ay patuloy rin ang pagkulo ng aking tiyan. Kaya nagtiis muna ako at nagmamadali na sa paglalakad-takbo. Hanggang sa may malakas na tahol akong naririnig.
"Naku po! Bakit ngayon pa. Sana later na lang, I am so hungry na!" Tumigil ako at saka dahan-dahang humarap sa mga asong tumatahol. Yes tama ang pagkabasa ninyo. 'Di lang isa o dalawang aso ang na sa aking harapan ngayon kundi tatlo.
"Doggie, doggie bakit ngayon pa? Gutom na ako. Oo na alam kong gutom na rin kayo pero sana naman maintindihan ninyong gutom na rin ako. Kaya sana h'wag niyo na akong tatahulan kas-"
"AW! AW! AW!"
"AW! AW! AW!"
Napatigil ako sa pagsasalita at pinagdaop ko ang aking dalawang palad at nagsusumamo na't nagdarasal na sana ay hindi ako kagatin ng mga asong gala!
'Di ko na maitago ang labis na kaba dahil sa patuloy pa ring pagtatahol ng mga aso.
Dahil na rin siguro sa gutom ay nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at saka sa labis na pag-iyak ko ay 'di ko na makita ang mga asong na sa aking harapan. Tatayo na sana ako upang humakbang palayo sa mga aso nang bigla akong nalupaypay at bumagsak sa lupa.
Ang huli kong naaninagan ay ang dalawang pares ng kamay at matigas na bagay na aking ginawang unan.
"Miss! Miss!"
At ang pagtawag ng boses na iyon ay naging parang musika na lang sa aking pandinig dahil after noon ay naging itim na ang buong paligid.
Someone's POV
"Kung minamalas ka nga naman oh! Bakit pa kasi ako ang pinapatapon ni Daddy nitong basura niya sa kanyang opisina? For what? Para may silbi raw ba ako? He's so impossible! Anak niya ako at ito ang pinapagawa niya instead of giving me some of his paperworks? Sheez!" Naiinis ako sa naging trato ni Daddy sa akin. How could he allow his only son to do this kind of work! Ako rin naman ang magmamana ng kompanyang ito! Tinitignan ko pa ang buong building nang na sa labas na ako nitong kompanya. Malaki ang building namin na sa dalawangput-walo na palapag ang gusali. Kaya matayog talaga tignan ito.
Dahil nga sa taas nito'y nalula ako saglit.
Dalwang trashbag ang dala ko. Paano naging marami ang basura ni Dad sa kanyang opisina? Grabe naman siya makatambak ng basura. E, may maintenance naman ang buong palapag. Oh baka he's really trying to test my temper. For what? I have a long patience so why?
Nang biglang my tumakahol na mga aso sa may bandang likod ng building. E, ayaw ko pa naman ng maiingay na lugar! Kaya nga 'di ako pumupunta sa mga clubs o bars dahil nakakarindi ang mga speakers parang mga bingi ang mga tao roon!
Iiwanan ko na sana ang maiingay na aso nang naitapon ko na ang trashbags at tatalikod na sana ako nang biglang may narinig akong malakas na iyak ay saka malakas na kalabog sa bandang likod. Kaya tumakbo ako't sinilip ang likurang bahagi ng gusali at nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang isang batang babae na nakahilata na sa sahig.
Wala na ang mga aso ng makalapit ako sa babae at saka iniharap ko ito't inalalayan gamit ang dalawa kong kamay. Una ay nakabuka pa ang kanyang mga luha na mamasamasa dahil siguro sa luha na iniyak niya kanina. Siya pala iyong naririnig kong umiiyak.
Iniangat ko na siya at saka pinasandal sa dibdib ko sabay pukaw ko sa kanya.
"Miss! Miss!"
Pero wala akong sagot na nakuha dahil siguro nahimatay siya. Dali-dali naman akong nagpatulong sa guard na nakatuka sa harap ng aming kompanya.
"Manong guard! Kindly get my car po! Ito po ang susi. Please hurry!" Minandoan ko na magmadali dahil emergency itong aking kinakarga.
"Ito na po Sir!" Wala na rin sa sarili si Manong Guard dahil sa pagmamadali.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka ipinasok ko ang babae sa likod at pinahiga.
"Manong, 'pag hinanap ako ni Daddy, please tell him na may importante akong ginagawa." At nagpaalam naman ako sa Guard at saka pinaharurot na ang sasakyan.
"Sheez! Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sa batang ito!" Pinagsabihan ko ang aking sarili sa ginawang unusual para sa akin.
Tsk!