PROLOGUE

1108 Words
Keflin's Pov "You should be good at me! Ako ang nag-asikaso sa mga dapat mong asikasuhin nong nasa amerika ka." panunumbat sa 'kin ni Miller, kaibigan ko. "Yah, whatever." Binaba ko ang class record na hawak ko at tinapunan sya ng tingin. "Ano bang ipinunta mo dito? Im pretty sure na 'di ka nagpunta dito para lang manumbat." Sagot ko naman sakanya. Sa pagkakaalam ko, don sya nag-sstay sa administration building. "I need a cooperation." Sagot nya at umupo sa upuan nya. We share the same faculty room. "Well, we're going to have a tutorial class" Bahagyang nangunot ang noo ko sa sinabi nya. "Tutorial class like a Grade school?" tumango sya. "Yeah. But it's your choice if you're going to cooperate or not. I understand that half of teachers will not be able since we have our own life and own business, and almost all are busy. So, it's your choice if you're going to volunteer or.. not." Makahulugan akong tumingin sakanya saka Napangisi. "At ba't mo naman pinatupad 'yon? Kung pwede namang 'yong ibang estydyante nalang ang magturo sa kapwa nila estudyante?" Agad nya kong tinapunan ng masamang tingin. "Kung ikaw na-inlove sa estudyante, pwes ako hindi! At pwede ba, gamitin mo naman utak mo kahit papano? Do'n ka lang nanirahan sa US ng mahigit tatlong taon 'di na gumana 'yung utak mo." Naiirita nyang sagot na bahagyang nagpa-tawa sa'kin. Sa 'ming lahat sya talaga ang pinaka-pikon. Napailing na lamang ako. "Proceed." "Halos lahat ng estudyante rito ay busy. 'yong iba ay working student pa nga kaya mas magandang 'di maabala 'yong mga 'yon halimbawang may magpapa-turo. " Tumango-tango ako. It's a nice idea. "Okay, then?" Tanong ko ulit. Kita kong mas lalo syang nairita. Daig pa nya ang menopause. "Pwede bang wag na masyadong maraming tanong? Alam ko naman na magvo-volunter ka." iritadong sagot nya. Well, yeah. "Di naman mahirap 'to. Dahil sa mga subject claas mo lang naman tuturuan. Halimbawang may bagsak sa mga estudyante mo, sila lang 'yong tuturuan mo. At history teacher ka kaya history lang din ang ituturo mo. " Napatango-tango ako at ibinalik ang tingin sa folder na naglalaman ng class record. Agad kong hinanap ang pangalan nya at tinignan ko rin ang mga files nya sa dati nyang school at halos lahat naman ng subject nya ay 90+ maliban sa History nya na 80 lang. Napangiti ako dahil dito. Hmm, she's still having a hardtime when it comes to History. Im sure that she's one of the students who's going to take a tutorial class. Maya't maya ay napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Its already 4:50 pm. My last class will gonna start after minutes. Tumayo na ako at inayos ang mga kailangan kong gamit para sa klase. "Labas na 'ko. Mag-sisimula na 'yong last class ko." Paalam ko kay Miller na ngayon ay nagtitipa na sa cellphone. Tumango lamang sya. Agad akong lumabas at pumunta sa Classroom ko. Medyo maingay na sa loob pero tumahimik naman ng maka-pasok na 'ko. "Magandang hapon sa inyong lahat. Ako si Keflin martinez at ako ang inyong magiging guro para sa inyong History subject." Maiksi kong pagpapa-kilala sa kanila. Rinig ko ang mga impit na tili na nanggagaling sakanila at halos matawa lamang ako habang pinagmamasdan ang mga reaksyon sa mukha nila. Ani mo'y nakakita sila ng multo. Ang iba ay nagbubulungan na at nagkukurutan lalo na ang mga kababaihan. "Hindi! Ang panget nya nga e!" Naagaw ang atensyon ko nang may sumigaw. Agad akong napatingin sakanya. It' Selene. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nya na hindi maka-paniwala sa nagawang pag-sigaw. I raised my eyebrow and a smirk appeared in my lips. Now, explain. Ms. Danatil SELENE'S POV "Bagong fafa! Ang gwapo 'te!" Bulong sakin ni carlo este carla. Ininguso nya pa sa 'kin yong harapan. 'di ko man lang napansin na andyan na pala ang Professor namin sa sobrang busy ko sa pagdo-doddle sa likod ng notebook. Tumingin ako sa harapan para makumpirma kung gwapo nga ba. Tila nanigas ako sa kinauupuan ng makita ko kung sino ang nasa harapan! It's keflin! My ex! Ilang segundo pang tumagal ang tingin ko sakanya bago humarap ulit kay Carla na ngayon ay abot tenga na ang ngiti. "Oh, ang gwapo 'diba?" Tanong nya sa 'kin habang kinukurot-kurot ang braso ko. Aray, ha! Masakit na. 'di ako sumagot bagkos ay iniwas ko sakanya ang tingin at tumingin ulit sa harapan. Ba't 'di man lang ako na-update? 'di man lang umabot sa 'kin ang latest news na ang bago naming Professor ay si Keflin gayong kalat na kalat ang litrato nya kahapon na pinagpapasa-pasahan ng mga haliparot kong classmates "Woi!" Bulong sa 'kin ni Carla. Kunot-noo akong tumingin sa kanya "oh, ano?, Ang gwapo 'no?" Tulad kanina ay 'di ulit ako sumagot at ibinaling ang tingin ko sa notebook ko. Kunwaring nagbabasa. "Woi, ba't ayaw mong sumagot? Sus, kunwari kapa, nagwagwapohan ka rjn naman. Tama ako diba? Gwapo sya" "Hoy, ano gwapo diba?" Huminga ako ng malalim. "Hindi! Ang panget nya nga, e!" Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nagawa kong pagsigaw. Bumaling ako kay carla at sa mga kaklase ko. Ganon din kay sir na nakatingin sa 'kin habang nakangisi at nakataas ang isang kilay. Para akong lulubog sa kinauupuan ko sa sobrang hiya. Shiitt lang! Anong ginawa ko!?Unti-unti nang lumalapit sa 'kin si Keflin at unti unti na rin akong kinakapusan ng hininga. Oxygen please!! Nang makalapit sya ay tumayo sya sa harapan ko. Amoy na amoy ko ang manly nyang pabango na noon pa man ay gamit nya na. "What is it Ms. Danatil?" Tanong nya sa 'kin habang 'di parin inaalis ang ngisi sa mga labi nya. Bahagyang nang-aasar ang mga tingin ng kulay brown nitong mga mata sa 'kin. Halos himatayin na rin sa kilig 'tong mga kaklase kong haliparot. Kilig na kilig sa paglapit ni sir na akala mo'y sila ang nilalapitan gayong ako naman. C-chill guys, ex ko lang 'yan. "Who's ugly?" Tanong ulit nito. "I-ikaw" nauutal kong sagot. "Am i ugly, class?" Malakas nyang tanong sa mga kaklase ko habang ang mga mata nya'y 'di parin inaalis ang mga tingin sa 'kin. "No, sir!" "Sir, ikaw ang pinaka-gwapo at pinaka-hot na professor na nakilala ko, sir!" Sagutan ng mga kaklase ko. 'di pa sana sila titigil ng itinaas ni keflin ang kamay nya. Hudyat na hinto na sa pagsagot. "Am i ugly to you, Ms. Danatil?" Tanong nanaman nya. Paulit ulit nalang. Dahan-dahan akong tumango. Tila kapusin ako nang hininga ng unti-unti syang yumuko at bumulong sa 'kin. "But you loved this ugly professor before." Sabi nya at umalis sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD