Chapter 1

1727 Words
"Megs diba nakakainlove naman talaga si Adrian." May kasama pang kurot ang sinabi na iyon ni Cassie sa kanya. Itinuro nito ang dumaang lalaki sa table nila at umupo sa lamesang hindi kalayuan. Kasalukuyan silang nasa canteen ng kanilang Campus at kumakain. Saglit lang din siyang napatingin sa lalaki at pagkatapos ay sa kaibigan na siya tumingin, natatawa siya sa sobrang kilig nito sa lalaking iyon. Sa totoo lang ay inaamin niya na may dahilan talaga kung maging crush man nito si Adrian dahil sa kagwapuhan na taglay ng binata, matangkad at fair complexion ang kulay nito, very manly ang looks ika nga, hindi lang iyon dahil sikat din ito sa pagiging varsity player sa basketball team sa campus nila at isa pa ay matalino din ito, sa katunayan ay isa yata ito sa mga candidates na magiging Cumlaude next year sa graduation nila. Kumbaga ay all in one package talaga kapag naging boyfriend mo ito. Swerte kang matatawag. Sa pagkakaalam niya ay Engeneering ang course nito, samantalang sila ay Bsba Management. "May girlfriend na yata yan sissy." Comment niya sa katabi na agad naman nitong sinagot. "Nako wala ah!. Promise! Wala pa akong nababalitaan na may jowa na siya." Pagtatanggol ni Cassie. "Kaya nga lalo akong nafafall sa kanya eh." Bulong nito, umikot ang mga mata niya sa narinig, paano ay hindi lang naman si Adrian ang crush ng kaibigan niya, sa totoo lang ay marami at kahit saan yata sila mapadpad sa loob ng school campus na iyon ay may itinuturo ito sa kanya. Sinasakyan niya lamang ito, syempre dahil sa kaibigan niya. Mabait naman ang dalaga, bukod doon ay masayang kasama at hindi nang iiwan sa ere. Naging magkaclose sila dahil na rin siguro sa lagi silang magkatabi ng upuan simula pa lang ng first year college sila dahil sa magkasunod ang kanilang mga apilyedo, siya ay Bustamante samantalang si Cassie ay Abad. "Sigurado ka ba diyan sis?" Tanong niya dito ang tinutukoy niya ay kung wala pa itong girlfriend. Nakakacurious din talaga nasa kabila ng magagandang katangian nito ay lalo pa yatang nadagdagan nga dahil sa wala pa itong nobya, meaning ay nakapokus din ito sa pag aaral talaga. "Trust me Megs I have my source. He is absolutely single.. Isearch mo pa." Tumango na lamang siya dito para hindi na humaba ang usapan. Isip niya ay hayaan na niya ang kaibigan sa kahibangan nito, hindi naman siya affected. Basta siya ay wala pang nakakakuha ng kanyang atensyon sa kanilang University, sabagay wala na iyon sa isip niya, nakafocus kasi siya sa pag aaral ngayon at gusto niya talagang makagraduate na katulad ng ate at kuya niya. Bunso siya sa pamilya at siya na lang ang nag aaral pa. Ayaw niyang madown sa dalawa niyang kapatid na parehong graduated na. Ang ate May niya ay tapos sa kursong Nursing at si kuya Max niya ay graduated naman ng Teacher. Idagdag pa na pinahahalagahan niya ang pagbabanat ng buto ng Papa niya sa barko kaya ayaw na niya munang makipagnobyo. Actually ay maraming nagpaparamdam sa kanya sa campus, mga kaklase niya at iyong iba ay sa ibang course galing, pero hindi niya binibigyan ng pag asa ang mga iyon dahil sa isang dahilan. Pero kung tutuusin ay nakaapat na siyang nobyo simula nung first year college niya, bata pa kasi siya nuon at masyadong mapusok, hindi pa rin niya naiintindihan ang mga bagay bagay, sige lang siya sa magustuhan niyang gawin, walang magawa ang Mama niya kahit na paulit ulit siyang sawayin nito. Pero ang maganda sa kanya ay dinadala niya sa bahay ang mga naging nobyo niya at ipinakikilala sa kanyang ina, maayos naman ang ginagawang pagtanggap sa mga ito ng Mama niya kahit na alam niya na labag sa loob nito na nagboboyfriend siya. Pero nagbago ang pananaw niya sa buhay nung third year college na siya. "Anak.. Alam mo masmaganda kung magfofocus ka muna sa pag aaral mo." Payo ng Papa niya. Kinausap siya nito nung nasa bahay lang ito at wala pang akyat sa barko. Napatingin siya dito, alam na niya kung anong ibig sabihin ng Papa niya, maaaring nagsumbong ang ate May niya dito. "B-bakit po Papa?" Kinakabahang tanong niya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita muli. "Anak mahirap pagsabayin ang pakikipagrelasyon sa pag aaral, hindi mo magagawang makapagfocus. Ang pakikipagnobyo ay napakadali lang hanapin sa tamang panahon. Isa pa matanda na si Papa mo at ikaw na lang ang hinihintay ko na makapagtapos para makapagpahinga na ako sa pagbabarko." Nakatitig siya sa mukha ng kanyang Papa, kaya nasabi niya na totoo nga ang sinasabi nito. Kitang kita na ang mga bakas ng katandaan sa mukha nito, pero patuloy pa rin na naghahanapbuhay para sa pamilya nila. "Mahirap anak ang trabaho sa barko, nagtitiis ako para sa pamilya natin. Kaya sana anak ay pagbutihin muna lang muna ang pag aaral mo. Kapag nakapagtapos ka na ay maipagmamalaki ko kayong tatlo na mga anak ko dahil napagtapos ko kayong lahat." Narinig niya ang buntong hininga ng Papa niya. "Anak sa panahon ngayon ay hindi pa napapanahon na magkaroon ka ng commitment sa iba. Sa amin muna ang atensyon anak ha. Pwede ba iyon anak?." Kita niya ang pakikiusap sa mga mata ng kanyang Papa, para tuloy gusto niyang maiyak sa hinihiling nito na dapat ay hindi nito ginagawa. Simula yata ng mabuhay siya ay mabibilang sa daliri niya sa kamay ang mga ipinakiusap nito sa kanya. Ni hindi rin siya napalo nito. Lagi itong mahinahon sa lahat ng pagkakataon, pinapaliwanagan silang magkakapatid kapag may mali sila imbis na pagalitan. "O-opo Papa. Naiintindihan ko po kayo. S-sorry po." Magalang na sagot niya dito. "Megs ano nang nagyayati sa iyo?! Aba eh may next subject pa tayo, kala mo wala na ba?" Napatingin siya sa katabi niya. Naalala niya kasi ang Papa niya at ang pinag usapan nilang iyon na hindi muna siya makikipagnobyo ang lagi niyang ginugunita. Lagi niya naiisip ang hirap ng kanyang Papa kaya matapat niya itong sinusunod sa hiniling nito sa kanya. "B-bakit sis what time na ba?" Nagulat din siya, hindi pa pala niya nauubos ang pagkain niyang spagetti. "Ten minutes na lang Megs time na. Bilisan muna." Tumango siya dito sabay sumubo pa siya, pero alam niya na hindi na niya mauubus iyon. Saglit niyang sinulyapan ang crush nitong si Adrian, wala na ito sa table nito kanina kaya pala bumalik nasa normal na pag iisip ang kaibigan niya. Uminom na siya ng kanyang juice at tumayo na, lalakarin pa kasi nila ang kabilang building at kukunsumu pa iyon ng mga five minutes dahil aakyat pa sila sa third floor. May pagkamahigpit pa naman ang prof nila sa subject na iyon. "Bakit nga kaya wala pa siyang girlfriend?" Napatingin na naman siya sa kaibigan. Ang akala niya ay tapos na kanina ang topic na iyon kanina. Medyo kunot pa ang noo nito habang iniisip ang lalaking si Adrian yata. "Bakit nga kaya Megs? What do you think? Hinihintay ba niya ako? Ako na kaya ang manligaw?" Natawa siya sa huling sinabi nito. "Kahit kailan talaga Cassie patawa ka.!" Sabi niya dito, pinipigilan niya na matawa dahil baka maoffend ang kaibigan niya. "Ang hirap maging babae ano Megs." Nangalumbaba pa ito. "Hindi natin magawa na manligaw kahit na gustong gusto pa natin ang isang guy." Nagpouch pa ito ng lips at tumingin sa kanya. "Ikaw ba? Bakit hindi ka na nagboboyfriend ngayon? Actually ay matagal na rin pala ano Megs?." Sabi nito, napansin pala iyon ng kaibigan niya. "Focus muna ako sa study sis. Kinausap ako ni Papa at sa mga sinabi niya ay namulat din ang mga mata ko. Matanda na si Papa at hinihintay niya lang na makapagtapos na ako para titigil na siya sa pagbabarko." Paliwanag niya sa katabi. Kasalukuyan silang nasa last subject nila ng araw na iyon at mga sampung minuto na lang ay uwian na nila. "I see., kaya pala Megs. I understand you. Kaya pala goodgirl ka na ah." Nakangiting wika nito. "Syempre naman.! Ayaw kong sumama ang loob ni Papa. Minsan lang iyon humihiling sa akin." Sabi pa niya dito. Napatingin sila sa harapan dahil sa pumasok na sa loob ng silid ang prof nila at ipinapapasa ang kanilang mga papel. Bukod doon ay may mga ibinilin pa ito na mga homework nila at mga dapat dalhin. Next week na nila ito makikita ulit. "Yes Ma'am.!" Sabay sabay na sagot nilang lahat sa mga ibinilin nito, saka sila nagsipagtayuan para makalabas na ng silid na iyon. "Megs sabay ka na sa akin?" Yaya ni Cassie, pasakay na ito sa sarili nitong sasakyan. May kaya ang kaibigan niya kaya de kotse ito, madalas ay idinadaan siya nito sa kanila. Pero ngayon ay wala siyang balak na sumabay dito dahil may dadaanan pa siya malapit lang sa labas ng kanilang University. Pinapadaan kasi siya ng kanyang ina sa tiyahin niya na si tiya Belle na kapatid nito at doon lang iyon nakatira sa ikalawang kanto magmula sa gate ng kanilang Campus "Hindi muna ako sasabay sis at dadaan ako kila tita Belle." Wika niya dito, actually ay kilala na nito ang tinutukoy niya, nahihiya siya na abalahin pa ito. "Sure ka?" Tumango siya sa tanong nito. " Okay, ikaw ang bahala, una na ako Megs. Bye!" Kumaway din siya sa kaibigan at naglakad na palabas doon. Iba kasi ang labasan ng mga de-sasakyan sa labasan ng mga naglalakad lang. Nang mapatingin siya sa lalaking mas nauuna sa kanya, kahit nakatalikod ito ay alam niya na si Adrian iyon. Alam din niya na ang bahay nito ay banda doon sa gawi ng bahay ng tiyahin niya, pero hindi niya iyon sinasabi sa kaibigan. Ayaw niya rin kasi na panghimasukan ang buhay ng kahit na sino, panigurado din kasi niya na kukulitin siya ni Cassie kapag nalaman nito. At isa pa ay ayaw niya na matawag na tsismosa, masakit iyon sa tainga niya. Maraming beses na bahagyang tumatango sa kanya si Adrian tulad ngayon dahil lumingon ito sa gawi niya, kapag nagsasalubong ang mga mata nila o nagkakasabay sila tanda na binabati siya nito, syempre schoolmate sila at hanggan doon lang iyon ayaw na niyang mabigyan pa iyon ng ibang kahulugan. Basta ang mahalaga lang muna sa ngayon ay ang pamilya niya at makapagtapos siya ng pag aaral para sa mga magulang niya. Iyon na lamang muna ang pagkakaabalahan niya na pag isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD