Prologue

685 Words
Pagod na pagod si Alhena galing sa trabaho, pero kahit pagod siya ay binabantayan niya pa rin si Gavin. Na aksidente kasi sina Gavin at Gael nang minsang hiramin ng binata ang bata para ipasyal ito pero sa hindi inaasahang pangyayari ay na aksidente sila. Dahil nawalan ng preno ang kotse ng binata, kaya abot langit na lamang ang galit niya sa binata. Ngunit hindi siya nawawalan pag-asa na magigising na ito sa bawat araw na daraan. Gavin is her strength and happiness, kaya hindi pwedeng hindi niya ito puntahan. Because every time she sees her child she gains hope. Pahikab-hikab niyang tinutungo ang kwarto ng anak niya, pero pagbukas niya ng pintuan ay hindi niya inaasahang makita si Gael sa kwarto ni Gavin. “Ang lakas ng loob mong puntahan ang anak ko?" Dinuro-duro niya ang binata na. Nakapwesto ito sa gilid ng kama ng kanyang anak. He sobs. "I'm so sorry Alhena, hindi ko sinasadya,” umiiyak nitong sagot sa kanya at agad siya nitong niyakap sa kanyang bewang. Natawa siya sa sinabi sa kanya ni Gael. Pero ni katiting na awa ay walang siyang maramdaman para sa binata. Kaya buong lakas niyang tinanggal ang kamay nito at galit na galit niya itong tinignan. "Gael, 'pag may nangyaring mas malala sa anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad! Gago ka!” "Sorry talaga, Alhena.” "Ano ka ba tanga?” hindi niya makapaniwalang tanong rito. “Nakapikit ka ba, habang nagmamaneho?” Pinandilatan niya ito. "Nawalan ng preno ang kotse ko, sorry talaga,” paliwanag naman nito sa kanya. Gustong-gusto na niyang saktan ang binata. Halos isumpa niya na ito sa dinami-rami nang kasalanan nito sa kanila. Una ay sinaktan siya nito, tapos ngayon ang anak naman niya ang pinahamak nito. Kinaya at tiniis niya noon ang ginawa ng binata sa kanya. Pero ngayon na ang anak na niya ang napahamak ay hindi na niya magagawa pang manahimik. Dahil si Gavin ang buhay niya at bumuo sa pagkakababae niya. "Do you think your sorry will make my son awake from the coma?" madiin niyang tanong. Umiling ito. "Alhena pinagsisihan ko naman, ang nangyari sa amin ni Gavin.” "Alam mo ba kung ga'no kasakit sa'kin bilang ina ang makita ang anak kong nakaratay sa kamang ‘yan!” “Habang punong-puno siya ng mga aparatus!” Tinuro pa nito ang anak nila. "Masakit din sa'king makitang ganyan ang anak natin Alhena.” "He's no longer your son, Gael!” malumanay ngunit madiin niyang saad sa binata. “Anak ko na lang siya, at simula ngayon ay wala ka ng karapatan sa anak ko!” madiin pa rin niyang sabi. "Promise Alhena, hindi ako mawawala sa tabi ni Gavin hanggang sa magising siya. That's all I can do as his father,” pakiusap pa nito sa kanya. "Alam mo Gael, sa lahat ng sakit na pinaramdam mo sa'kin, ito yung pinakamasakit!” naluluha niya ng saad sa binata . “Ito yung ikakamamatay ko ‘pag nagkataon, Gael mawala na ang lahat sa'kin huwag lang ang anak ko, he's my happiness Gael, he's my life, siya ang pahinga at lakas ko sa tuwing nasasaktan ako at sa tuwing napapagod na ako, huwag naman sana pati siya mawala sa'kin," punong-puno ng hinanakita niyang sabi at hindi niya namalayang napaluhod na siya sa harapan ng binata, habang humagulhol sa iyak. Pero nang mahimas-masan na siya ay agad niyang pinahiran ang kanyang mga luha at humugot siya ng lakas ng loob para harapin muli ang binata. "Umalis ka na Gael! Bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sayo bilang ama ng anak ko," malumanay niyang sabi at tinuro nito ang pintuan. "Alhena please let me stay, hayaan mong bantayan ko muna si Gavin,” pagmamakaawa pa ulit nito sa kanya. "I can take care of my son at hindi kita kailangan! Get out now!” Tinuro pa ulit niya ang pintuan. Gustohin man ng binata na bantayan pa ang anak ay pinili na lamang niyang huwag ng mag pumilit. Ayaw niyang mas magalit at masaktan pa ang dalaga. Kaya bagsak ang balikat na lumabas na lamang siya sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD