KABANATA 1: CAMBIO REPENTINO DE CURSO

2941 Words
On our family, there's a superstition about the possibility of traveling back in time or traveling ahead the future. The mystery of eternomaravillas, a vihuela or classic guitar, which is native from Spain was still undiscovered. Even I, don't know about the legend behind it, only my grandfather and his predecessors know its magic. Since I was a child, I loved reading children stories especially fairytales. Actually, I have a pile of books in our house and I started collecting it since I was at the age of four. Mahilig ako sa mga magic and fairytales, but I don't believe in them. Throughout my childhood until before I turned to college, nakatira ako sa province namin, which is Bulacan, and my grandfather was the one who took care of me. Palagi niya akong kinukwentuhan ng mga science fiction stories like parallel universe, reincarnation, at time travel, ngunit hindi ko naman ito pinaniniwalaan. Sa tuwing magku-kwento siya, hinding-hindi mawawala ang kwento niya patungkol sa hiwaga ng eternomaravillas, isang lumang vihuela o classical guitar na ang ibig sabihin ay "walang hanggang hiwaga" o "eternal wonder". Ito raw ay kaniyang minana mula sa kaniyang mga ninunong nagmula pa sa Espanya, and they believed that it could bring you to the past or to the future. Hindi ako naniniwala sa kanya, dahil hindi ko pa ito nakikita. My mother died when I was two years old because of plane crash, while my father died serving our country noong may hidwaan pa ang Filipinas at Tsina, on the year 1999, the same year my mom gave birth to me. It's been 19 years since I'm longing for their love and affection. At ngayon, pilit kong iniingatan at inaalagaan ang natitirang kayamanan na mayroon ako, which is my lolo who became my father and mother at the same time. Siya na lamang ang mayroon ako, at ayokong mawala rin siya at iwan ako. "Papa Lolo, are you sure you're okay? Lumalala yata ang ubo mo." Ilang buwan na simula noong magkaroon ng pag-uubo si Papa Lolo, and I am very worried. There are countless nights na wala akong tulog dahil sa madalas niyang pag-ubo. Gusto ko nang ipakonsulta siya sa doktor ngunit ayaw niya at wala rin naman kaming pambayad sa ospital. "Oo naman Apo, huwag mo akong alalahanin. Ang unahin mo diyan ay ang mga requirements mo para sa papasukan mong college. 'Yan na lamang ang makapagpapaahon sa atin sa kahirapan kaya paghusayan mo," he said while patting my shoulder. I was touched how my lolo smiled at me sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. Napansin ko na lamang na may dalawang luhang bumagsak mula sa aking mga mata, kaya agad ko itong pinunasan dahil ayaw niya akong nakikitang umiiyak. "Papa Lolo, sigurado ka bang magiging maayos ka rito sa Baliuag? Ilang taon din akong mawawala, pero uuwi naman ako kapag wala kaming pasok at kapag nagkaroon kami ng academic break sa school. Kung kakayanin, linggo-linggo ko ipapadala sa'yo 'yung pera para may panggastos ka rito. Si Tiya Loreta na lang ang bahala sa'yo rito habang wala ako, ah?" Gusto ko mang samahan si Lolo rito, ngunit kung hindi ako maghahanap ng pagkakakitaan sa Maynila, ay baka mamatay na lang kami sa gutom dito. "Hay nako apo, ayos lang ako rito. Tignan mo, ang lusog lusog pa nga ng pangangatawan ko," pagbibiro pa ni Papa Lolo habang iminumwestra ang mga muscle niyang lumaylay na sa paglipas ng panahon. Sa susunod na linggo ay luluwas na ako pa-Maynila. Ititigil ko na muna ang pagiging classical guitarist ko rito sa isang Spanish restaurant dahil sa mababang sahod na kung minsan ay nade-delay pa. Gusto ko man ang ginagawa ko, ngunit kailangan kong maghanap ng trabahong may sapat na kita para tustusan ang pangangailangan ng lolo ko. Bata pa lang ako mahilig na talaga ako tumugtog ng vihuela na itinuro sa akin ng Lolo ko, kaya mahirap sa aking iwan ang pagmamahal ko sa musika. Pinili kong maging working student sa kalakhang Maynila dahil paniguradong mas mataas ang pasahod doon kumpara rito. Though the tuition there could be way higher than here, pero ito na lamang ang last resort ko para masuportahan ang pag-aaral ko at maitaguyod ang lolo ko. Also, I'm sure that I will be safe and sound living in Manila kasi kasama ko naman ang childhood bestfriend kong si Enrique Joaquin Andrade, anak ng isa sa mga mayayaman dito sa aming baryo. Up until now, nagtataka pa rin ako kung bakit mas pinili nitong kaibiganin ako samantalang marami namang ipinakikilala ang Mommy niya sa kanya na mas maayos ang buhay at mas mapera kumpara sa aking isang kahig isang tuka lamang. Siguro "no choice" rin siya noong mga bata pa kami dahil noong lumipat sila rito sa Barrio Masinag ay ako lamang ang nag-iisang bata rito. "Hanggang ngayon ba ay undecided ka pa rin sa course mo ha, Maya? Baka maubusan ka na ng slot doon, ang dami pa naman nang nag-aapply," pag-aalala sa akin ni Enrique. Bumisita siya rito sa aming bakuran pagkatapos niyang pumunta sa bayan upang bumili ng mga gagamitin niya sa course niyang BS Architecture. Hindi kami parehas ng unibersidad na papasukan dahil sa University of Santo Tomas siya mag-aaral habang ako naman ay sa Polytechnic University of the Philippines lamang dahil hindi ko kaya mag-aral sa isang prestihiyoso at pribadong paaralan. Wala akong pera at wala rin akong resources. "Hindi ko pa rin talaga alam, Enrique. Siguro baka mag-maestra na lang ako? Hindi naman siguro mahal ang matrikula ng BS Education do'n diba?". Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga akong plano sa kukunin kong kurso, basta ang nasa isip ko ay makapag-aral sa kolehiyo, kahit ano pang kurso 'yan, at mabigyan ng pang-araw araw na panggamot ang lolo ko mula sa aking pagtatrabaho. "Sabi-sabi marami raw ang kukuha ng teacher ngayong taon dahil in demand daw ang mga English teachers sa Canada. Malaki ang pasweldo do'n," sabi niya nang may panglalaki ng mata na tila hinihikayat ako. "Alam mo ba, gusto ko talagang ipagpatuloy ang pagtugtog ko. Bata pa lang ako pangarap ko na maging isang sikat na classical guitarist sa Spain, at maging sa buong mundo, kaso hindi ko lang talaga kakayanin ang matrikula, at saka sa ibang bansa lamang may nag-ooffer ng ganoong kurso." "Ayos lang 'yan Maya, pumili ka na lang muna ng ibang kurso na mayroon dito sa Pinas, tulad ng BS Educ. Kapag nagkatrabaho ka na at nakaipon, saka mo na i-pursue ang pangarap mong kurso," he said. "Kapag kinapos ka sa pera habang nag-aaral tayo, lapit ka lang sa akin. Alisin mo na 'yang hiya mo sa akin, pambihira ilang taon na tayong magkaibigan oh," sabay irap sa akin na animo'y nagtatampo. Ilang beses ko nang tinanggihan ang pang-aalok sa akin ni Enrique ng pagbibigay niya ng pera dahil nahihiya ako at ayoko maging pabigat sa kanya. "Pero Enrique..." 'Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na ulit si Enrique. "Ang sabi ko ayos nga lang. Sarili kong pera 'to, kaya ako ang may desisyon kung saan ko ito gagastusin. At saka, ang dami kong pera na nasasayang lang sa mga walang kabuluhang bagay, kaya tanggapin mo na," mahinahon niyang sabi habang nakahawak sa dalawang balikat ko. Nalulula ako sa tangkad niya dahil hanggang dibdib niya lamang ako, kaya sobra akong nanliit. "Edi okay, ano pa bang magagawa ko diba." Nagkibit-balikat na lamang ako at saka ngumuso sa kaniya. "Oh siya, ayusin mo na ang mga requirements mo. Kapag kailangan mo ng tulong, punta ka agad sa bahay. Sabihin mo lang kay Kuya Rolly na pupuntahan mo ako." I saw a smile plastered on his face, at sa pagngiti niya na iyon ay napanatag ang loob ko. He bid his last farewell and finally turned his back away from me. Lumipas ang ilang mga araw, I noticed that my Papa Lolo's condition is worsening. He coughs often badly lately, and it really made me anxious. I really want him being checked by the professionals, but he keeps on declining. Gastos na naman daw iyon at ayaw pa niya maging pabigat sa akin. Sabi pa niya ay ayaw niyang mabawasan ang natitira kong ipon para sa pag-aaral ko. "Papa Lolo, your health is much more important than my education. Kaya ko munang ipagpaliban ang pag-aaral ko para maipagamot at maalagaan kita nang husto," I said in a worried tone. "Paano ako gagaling niyan, Maya, kung hindi ka mag-aaral. Basta apo, ipangako mo sa akin kapag nakapagtapos ka ay idala mo ako sa mamahaling ospital sa Maynila ha. Doon ko gusto magpagamot para maipagmayabang ko sa mga kakosa ko dyan sa labas," pagbibiro niyang sambit sa akin. My lolo, Frederico Hermosa, was a soldier. He influenced my father to walk on the same path as his. He is now 73, but he looks so young. His body is still well-built. He's not as thin as he ought to, so I know he can overcome his condition. "Papa Lolo naman eh." I hugged him tightly and started to cry like a flowing river. I promised that I will protect this man at all cost. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya kaya while he is still breathing, I will give the love and affection that I could. I will express how much I love him and tell him how much I'm grateful having him as my Papa Lolo. Nagising na lamang ako sa makailang tilaok ng manok. Noong binuksan ko ang phone ko para makita ang oras, I saw an email from PUP saying na there's no remaining slot on the course that I'm planning to take, which is BS Education. They also attached the three courses na may slot pa which are BS Applied Mathematics, AB History and BS Medical Science. Okay lang sa akin 'yon since wala naman akong plano kung anong kurso ang kukunin ko, and BS Education was my only option after what Enrique said about its opportunities outside the country. Sa tingin ko, BS Medical Science na lang ang kunin ko so that I could be the one who can treat my Papa Lolo's condition. I also want to save people from dying because I don't want their family to experience the same torment I had felt when both my parents lost their lives. Nagreply ako sa email ng PUP saying na BS Medical Science na lamang ang kukunin ko, and they responded immediately. It's now July 14, at ngayon na ang luwas namin ni Enrique pa-Maynila. I've already prepared my luggage and necessities last night. Nanghingi rin ako ng favor kay Enrique if I could lend some of the medical books of his sister, Ate Maureen, ngayong doktor naman na iyon sa ibang bansa at inaagiw na lamang ang mga libro niya sa kanilang library. Pumayag din naman si Ate Mau and also offered na lahat na ng med books niya ang ipahiram dahil hindi naman na niya raw ito nagagamit. I'm extremely happy and excited. I've never been felt this excitement before dahil ang pagkuha ko naman sa course ko ay bara-bara lang. I think, I will enjoy studying this course. Even though hindi pa ako totally nag-aaral, reading med books made me dream of treating my Papa Lolo from his condition. Kahit na mahirap, matagal at magastos, I will still prefer this field, because this is the easiest way na alam ko para matulungan ko ang lolo ko without relying on the others. "Mukhang excited ka ah. Kahit nasa biyahe tayo binabasa mo na agad 'yang mga medical books na "yan. Niyayakap mo pa at hinahalik-halikan, eew!", pangungutya sa akin ni Enrique habang nasa bus kami. Hindi ko dama ang hilo at pagod sa biyahe, siguro dahil na rin sa excitement ko sa Maynila at sa course ko. "Huwag mo nga ako pakialamanan, nagbabasa ako rito!" sabay irap ko sa kanya. He chuckled, but I ignored him and continued reviewing some of the lessons I would encounter. Nagising ako sa busina ng bus. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe habang nagbabasa. Pagkamulat ng mata ko ay nakita ko agad si Enrique na nakatitig sa akin, walang emosyon ang kaniyang mukha. Nagulat ako at nahiya dahil baka may muta pa ako at bakas ng panis na laway sa gilid ng labi. "'Yan sa sobrang advance mo mag-aral, 'di mo na napansin na andito na tayo sa---" Hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil bigla na akong sumabay sa dagsa ng mga bumababang tao. Bata pa lang ako ay pangarap ko na makapunta at makatapak sa Maynila, kaya nagmamadali ako. Pagkababa ko sa bus ay ibang-iba ang pakiramdam. I stretched my arms widely and feel the vibe of Manila. "Manila, andito na akooooo!", sigaw ko sa ere habang umiikot-ikot. Habang dinadama ako ang Maynila ay bigla naman akong hinila ni Enrique paalis sa kinatatayuan ko. "Aray! Basag trip ka talaga kahit kailan," naiinis kong sinabi sa kanya habang tinatawanan ako. "Para ka kasing tanga, ang daming taong nakakakita sayo oh," sabay turo sa mga taong masama ang tingin sa akin. Noong nakita ko ang mga matutulis nilang titig sa akin ay ginusto ko na lamang magpalamon sa lupa. "Tara na nga Enrique, Diyos ko po nakakahiya!" Hinila ko siya papalayo sa terminal ng bus at inayang pumunta na sa inupahan naming dormitoryo. "Oh nag-usap na tayo diba, na ako ang magbabayad ng dorm mo para 'di na mabawasan 'yung perang pampagamot ng lolo mo," pagpapaalalang sambit sa akin ni Enrique habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko sa dorm. Hindi kami nanunuluyan sa same dormitory dahil sabi niya mas okay kung sa all-girls dormitory ako tutuloy. Ayaw niyang may umaaligid sa aking mga lalaki lalo pa't bago lang ako rito sa Maynila. "Ano pa bang magagawa ko, diba?" ngumuso ako sa kaniya at tinawanan na lamang niya ako. "Nga pala, Maya, bukas na raw pala ipapaskil ang mga section sa PUP kasabay ng sa UST, Ateneo at UP. Sabay na tayo pumunta doon dahil alam ko namang 'di mo pa kabisado rito sa Maynila." "Sige sige, anong oras ba raw? Wala kasi akong balita 'tsaka 'di rin ako maalam sa mga ganyan." "Mga ala-una raw ng tanghali ipapasakil sa labas ng school." "Tanghali pa pala... Samahan mo muna ako bukas ng umaga pumunta sa in-apply-an kong fastfood chain. Sa may Moraita raw 'yon, hindi ko naman alam kung saan 'yon pero ibinigay naman sa akin 'yung full address. Libre din kita pagkain doon, may sobra pa naman akong perang naitatabi rito," I said. "Oh 'wag ka na tumanggi ha, pera ko ito at at ako ang may desisyon kung saan ko ito gagastusin...," pang-aasar ko sa kanya at mukhang naging epektibo naman dahil nakita ko siyang nakanguso at masama ang tingin sa akin. "Basta doon lang tayo sa turo-turo ha, parang nag-crave kasi ako bigla sa kwek-kwek at fishball," sabi ni Enrique na mukhang nag-aalala sa gagastusin namin kaya piniling sa mumurahin na lang pumunta. Pagkatapos namin kumain sa itinuturong bilihan ng kwek-kwek ay dumiretso na kami sa PUP upang makita ang section ko. Habang nasa jeep, nakita ko na ang kumpol ng taong tumitingin sa mga nakapaskil sa labas ng unibersidad. Pagkababa namin sa jeep ay agad akong nakipagsiksikan sa mga tao upang hanapin ang listahan ng sa BS Medical Science. Tatlong bondpaper lamang ang nakapaskil doon para sa napili kong kurso dahil kaunti lamang ang pumili nito. Ilang minuto na akong naghahanap ngunit di ko pa rin makita ang, Maya Ysabelle Hermosa, 21 years old, Bachelor of Science in Medical Science Lumipas ang kalahating oras ngunit hindi ko pa rin nakikita ang pangalan ko. Pinaulit-ulit kong tignan kung andoon ba talaga ako, ngunit wala talaga. Naluluha na ako dahil baka hindi ako naisama sa listahan, and worst baka hindi ako na-enroll ng registrar. Si Enrique ay pilit akong pinatatahan ngunit hindi ko talaga mapigilang maluha. Paano kung hindi ako naisama, sayang naman ang gastos ko sa pagluwas sa Maynila kung hindi rin pala ako makakapag-aral. "Baka naman sa ibang kurso ka lang napunta... Ano ano na lang ba yung natirang course based sa email sa'yo ng PUP?", pag-aalalang tanong ni Enrique sa akin. "BS... Mathematics. AB History... at saka 'yung course ko...," sambit ko sa kanya habang humihikbi. "Teka, dito ka lang. Upo ka muna dyan" sabay mwestra sa isang upuang bato malapit sa hardin. "Titignan ko 'yung pangalan mo sa listahan ng ibang course, pati sa course ng BS Mathematics at sa AB History. Kapag wala pa rin, kokontakin ko na 'yung admin." "Maraming salamat talaga, Enri-". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kumaripas na ng takbo si Enrique. Nawala siya ng halos 20 minuto sa paghahanap ng pangalan ko. Sinuyod niya ang 'di mahulugang karayom na bilang ng mga tao para sa pag-asang mahanap ako sa listahan. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko siya sa malayo, tumatakbo at pawis na papalapit sa akin. Hingal na hingal siya nang siya ay tuluyan nang makapunta sa kinauupuan ko. "Maya... naki...ta ko pangalan mo sa...." He is running out of breath at yumukong nakahawak sa tuhod niya. Uminom muna siya ng tubig at huminga nang malalim. "Sa? Saan? kinakabahan kong tanong. Ilang segundo niyang hinahabol ang hininga niya bago sumagot. "Sa... AB History..." "Dadalhin ka ng tadhana hindi sa kung saan mo gusto, kundi sa kung saan ka nararapat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD