chapter 5
Kahit bagong kakilala pa lang ni Alfha si Diego ay nakagaanan niya na ito ng loob. Napakabait nito at talagang tinulungan pa siyang maghanda ng pagkain. Nang nakahanda na ang lahat ay tinawag niya na sina Dean at ang mga kasama nito.
"Wow! Mukhang masarap itong mga inorder mo Mister Fidistrano. Kasama rin ba itong adobo?" tanong nang kasusyo nito.
"No! Si Alfha ang nagluto nito," saad naman ni Diego na talagang unang kinuha ang kanyang adobo.
"Let me try," wika naman nang isa. Mukhang bentang-benta ang luto niya sa mga ito.
"You are lucky man to having wife like Alfha, Dean. She's really good in cooking. Ang sarap ng adobo niya, i like it!"
Natapos ang kanilang kainan na nabusog sa pamumuri si Alfha ng mga kasama ni Dean, kaya naman ang mukha nito ay hindi na maipinta. Mukhang badtrip, dahil siya na lang ang nakikita ng mga kasama nito.
"Need help?"
"Ikaw na naman!" natatawa niyang sambit kay Diego. Kinukulit na naman kasi siya nito sa kusina.
"Magaling akong diswasher," biro pa nitong sabi.
"Hindi nga? Sanay ka pala sa gawaing bahay? Wala ka bang katulong?" sunod-sunod niyang tanong dito.
"Meron, pero bago ako naging ganito ngayon, halos lahat yata ng hirap pinagdaanan ko na. I'm a half-British, ngunit hindi ako lumaki sa ibang bansa, lumaki ako sa lola ko sa probinsiya. Hindi ko nga alam kung sino ang tunay kong tatay."
Natigil si Alfha sa ginagawa at takang napatitig dito.
"Bakit ganyan ka makatingin? Nagwa-guwapuhan ka ba sa akin?" pabiro nitong tanong sa kanya sabay kindat. Kaya naman namumulang binawi niya ang mga titig dito.
"Nabigla lang kasi ako sa 'yo, bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Pangalawang beses panga lang tayo nagkita at ngayon lang tayo official na nagkakilala pero halos e-kwento mo na sa akin ang lahat tungkol sa buhay mo," hindi tumitingin na saad niya.
"Hindi ko rin alam," sagot nito habang nakikihugas na rin ng pinggan.
"Mister Montoya, pinapunta kita rito for the business proposal, hindi maging diswasher," putol ni Dean sa kanilang pag-uusap ni Diego at Alfha.
"Nariyan ka pala Dean, pasensiya na masarap kasing kausap ang asawa mo, ang dami kong natutunan," nakangiting sabi nito.
Gustong matawa ni Alfha, dahil wala naman siyang nae-kwento rito. Marahil ay sinabi lang nito iyon upang hindi siya mapagalitan nito.
"Don't disturb her! Marami pa siyang lilinisin after that! Let her be! Trabaho niya 'yan, kaya't iwan mo na siya," walang kangiti-ngiti nitong saad, bago sila muling iniwan.
"Hinahayaan mo lang ba na tratuhin ka ng 'gano'n ng asawa mo?" baling nito sa kanya nang wala na si Dean.
"Sana'y na ako, kaya't ok lang," tipid niyang tugon at pilit na ngumiti rito. Muli niyang pinagkaabalahan ang paghuhugas.
"Eh, kung 'wag ko na lang kayang pirmahan ang proposal niya, para hindi matuloy ang pag-import ng mga tela niya mula sa ibang bansa," seryoso nitong sabi sa kanya.
"Naku! huwag mong gagawin 'yan Diego! Malaking pera ang mawawala sa negosyo niya pag 'gano'n," pakiusap niya rito.
"Hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa niya sa 'yo. Nakakabastos para sa 'yo, bilang isang inang nagdadalang tao. Papaano mong nakakayanan ang pambabalewala niya sa 'yo." Halata sa mukha nito ang inis.
Gusto niyang maluha sa kasiyahan, dahil nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Diego. Natutuwa siya, dahil bukod sa kanyang mga kaibigan ay may isang tao pang labis na nagpapahalaga sa kanya, kahit bago niya pa lang nakilala.
"Huwag mo nang alalahanin. Para na lang sa akin at sa magiging baby ko."
"Ilang buwan na ba itong tummy mo?" Napapitlag si Alfha nang biglang hawakan ni Diego ang t'yan niya. Mabuti na lang at busy sa pag-uusap ang mga kasama nito, hindi sila napapansin.
"Ang lakas niyang sumipa, siguro babae ito?"
"Paano mo nalaman?" nakangiti niyang tanong. Hinayaan niya na lang ito sa trip nito. Sa unang pagkakataon ay may humawak sa kanyang t'yan. Naramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby.
"Hula ko lang, totoo ba? Is it a baby girl?" muli ay tanong nito.
"Oo, kahapon ko lang nalaman, nagpa-ultrasound kasi ako kahapon.
"Here's my calling card, call me if you need my help," pagmamagandang loob nito.
Binigyan siya nito ng calling card na agad niyang tinanggap. Wala namang masama kung makipag lapit siya kay Diego. Very friendly ito at alam niyang magiging mabuting kaibigan ito sa kanya.
Tumaas-baba ang kilay ni Dean habang pasimpleng minamasdan si Alfha at Diego na masayang nagku-kwentuhan. Hindi pa yata matapos-tapos ang dalawa. Nakadama tuloy siya ng inis, lalo na nang makitang hinahawakan ni Diego ang maumbok na t'yan ni Alfha.
Sa unang pagkakataon ay nagawang titigan ni Dean si Alfha. Ang heart shape nitong mukha, ang natural na mapupulang labi at ang mahaba at makintab nitong buhok. Hindi niya ito mapansin dati, dahil sa galit at inis niyang nadarama para rito. Sa tingin niya kasi ay ito ang dahilan ng lahat kung bakit siya nagdudusa sa pagkakahiwalay nila ng ex niyang si Zara. Matapos malaman nitong nakabuntis siya ay umatras agad ito sa kanilang kasal. Labis siyang nanghinayang dahil kasundo niya si Zara sa lahat ng bagay, lalo na pagdating sa negosyo. Magaling ito sa pamamalakad,kaya nasabi niya noon sa sarili na ito na ang babaeng hinahanap niya. Ngunit nawala ito ng dahil lang sa isang one night stand nila ni Alfha.
"Mukhang close si Mister Montoya sa Asawa mo Dean. Dati na ba silang magkakilala," tanong ng kasama niya, nakatingin na rin pala ito sa dalawa.
"I dont know. Wala namang sinasabi sa akin si Alfha about kay Diego. Anyway, 'wag na natin silang pansinin," saad niya at kunwari nagbabasa ng mga papers. Ngunit ang kanyang isip ay nasa dalawa.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Diego?" agad na usisa ni Dean kay Alfha. Nagma-map na siya ng sahig dahil nagmamarka ang mga sapatos ng mga bisita nilang kakaalis lang.
"Kahapon lang, bakit?" tanong niya habang patuloy sa ginagawa.
"Kahapon lang? Pero kung maglampungan kayo sa kusina ay gano'n na lang?!" singhal nito sa kanya.
Gulat na napalingon siya rito. Nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. May kapilyahan siyang naisip. Pasimple niya muna itong sinulyapan. Madilim ang mukha nito. dahan-dahan niyang hinila pababa ang kanyang off shoulder na damit at sinadyang inilabas ang sa may bukana ng dibdib. Humarap siya rito at buong tapang na nagtanong.
"Are you jealous?" pigil ang hiningang tanong niya.
"What?! Ako nagseselos? No way! Nagtatanong lang naman ako, dahil ayaw kong mapahiya sa mga kasusyo ko! May reputasyon akong iniingatan Alfha! Kaya naman ayusin mo 'yang mga kilos mo! At isa pa never akong magseselos! Kahit ano pa ang gawin mo! Isa lang naman ang dahilan kung bakit kita pinakasalan, dahil 'yun sa bata! And you know that!" Nanlilisik ang mga mata ni Dean at parang gusto nitong manakit.
Hindi nakapagsalita si Alfha. Para siyang sinampal ng magkabilaan sa mukha sa sinabi nito. Talagang ipinamukha na sa kanya na ang bata lang talaga ang dahilan kung bakit pinakasalan siya nito.
"Bilisan mo na ang paglilinis! Ayaw kong matulog na nakabukas pa ang lahat ng ilaw. Understood?!" galit nitong saad bago siya tinalikuran.
Nagsisisi tuloy siya na naitanong niya pa iyon, gayung alam niya naman kung ano at sino lang siya sa buhay nito. Labis s'yang nasasaktan ngunit wala s'yang magawa. Nagmamahal lamang s'ya ng labis at kung hanggang kailan man ito ay hindi n'ya alam.