PROLOGUE

919 Words
Maagang nagising si Regan kahit na ang totoo ay halos hindi nga siya nakatulog. Excited siyang sabihin sa binata ang balita. Hawak ang puting bagay na iyon na kagabi pa yata niya tinititigan. Napangiti na lang siya bago ilagay iyon sa loob ng kanyang bag. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang lumabas. Hindi na siya nagdala ng sariling sasakyan dahil tinatamad siyang magmaneho, mag-tataxi na lang siya ngayong araw. May kalahating oras din siguro bago siya nakarating sa apartment unit ng nobyo. Ngiting-ngiti s'ya at akmang kakatok nang mapansing bukas iyon. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi naman kasi ugali ng nobyo n'ya ang iwanang bukas ang pinto ng unit nito. Bumilis bigla ang tahip ng dibdib niya. Bahagya s'yang nag-alala, pero mas inisip niyang baka ang kabang naramdaman n'ya ay dahil sa excitement na dala ng ibabalita niya sa binata. Marahan niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob. Makalat ang boung bahay, ang bote at can ng beer ay nasa sahig. May mga pagkain pa'ng tira sa maliit na lamesa sa harap ng tv room. Ang mga basurang balat ng chichiriya ay nagkalat sa sahig. “Hmmm dito yata nag-celebrate ng birthday si Chris.” Bestfriend ng nobyo niya sa isip-isip niya. “Ken...” mahinang tawag niya. Uulitin pa sana niya ang pagtawag sa pangalan ng nobyo nang magawi ang tingin niya sa bagay na nasa sahig, malapit sa hagdaan paakyat sa kwarto nito. Napalunok siya nang damputin ang isang pares ng stilletong kulay pula. “Anong---” tanong ng isip niya. May kung ano kasing pumasok doon ngunit pinilit niyang iwaksi iyon. Hindi iyon magagawa ni Ken. Mahal siya nito, alam n'ya 'yon. At imposibleng gawin nito ang bagay na nasa isip niya. Nag-iinit na ang pisngi niya habang humahakbang paakyat. Nasa tapat na siya ng kwarto nito pero parang ayaw na niyang humakbang pa. Nakabukas iyon at kitang-kita ng dalawang mata niya ang pambabaeng underware na nasa sahig. “This is unreal!” sigaw ng isip niya. Naninigas ang kalamnan niya, parang ayaw na niyang huminga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Ayaw sana niyang itaas ang tingin sa kama nito, pero huli na. Para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa. Parang pinipiga ang puso niya sa nakita, nanigas ang boung katawan niya sa sakit na nararamdam sa nasaksihan. “Damn, it hurts! It hurts, so much! Why Ken? Why?” tanong niya pero sa sarili lang. Hindi na niya kaya pang tingnan ito, hindi na niya kayang tagalan pa. It is breaking her into pieces. Halos takbuhin na niya ang pinto palabas. Nakabanggaan pa niya si Chris na siya namang papasok sa loob. “Hey Pretty gising na ba si Clyde?” tanong nito pero hindi na niya iyon pinansin pa, bagkus lalo niyang binilisan ang takbo. Gusto niyang makalayo agad. Malayong malayo! Malayo sa manlulukong lalaking 'yun. Hindi na halos niya makita ang dinadaanan dahil sa luhang kanina pa nag-uunahang lumabas sa mga mata niya. Nanlalambot na ang tuhod n'ya. Na-upo siya sa gather sa tabi ng kalsada upang kumuha ng lakas. Why she's hurting like this? Why Ken do this to her? Nang may matanaw na taxi ay pinara niya iyon at sumakay. “S'an tayo maam?” ani ng driver. “Hindi ko alam manong, bahala na po kayo,” sisigok- sigok na sagot n'ya na wala pa ring tigil sa kakaiyak. “Naku ma'am mahirap ho 'yan---” “Ito po ang tatlong libo manong, deretso n'yo lang kung sa'n umabot' 'yang pera ko bababa ho ako,” saad n'ya sabay abot ng tatlong lilibohing piso sa driver. Kakamot-kamot ng ulong tinanggap iyon ng driver at nag-umpisang bagtasin ang kahabaan ng South Luzon Express Way. Apat na oras din yata s'yang lulan ng taxing iyon nang magsalita ang driver. Medyo nagulat pa siya nang sabihin nitong kaylngan na niyang bumaba. “Gan'on po ba, sige po,” tanging nasabi n'ya na lang bago tuluyang umibis sa loob ng sasakyan. “Ma'am mag-ingat ho kayo o' mas mabuti pa kung bumalik na lang ho tayo at ihahatid ko kayo sa bahay n'yo,” saad ng driver. Bakas sa muka nito ang pag aalala sa ka'nya pero hindi n'ya na iyon pinakinggan. Tanging salamat na lang ang naging sagot niya rito. Saan na ba siya nakarating? Tanong n'ya sa sarili. She's nowhere to go. Ni hindi niya alam kung nasaan na siya. All she want is to run. Runaway, far, far from the pain. Far from that bastard, far from Ken. Nakakaramdam na rin siya nang pagkahilo. Good thing, bukod pala sa sakit na unti-unting lumalamon sa kaniya ay nakakaramdam pa rin pala siya ng iba. Nagpatuloy siya sa paglalakad, palingalinga siya sa paligid. Tirik na tirik na ang araw. Iba na talaga ang pakiramdam niya. Halo-halo na, bukod kasi sa pagod at hapdi ng balat, may kung anong hapdi rin s'yang naramdaman sa kaibuturan n'ya. Pero wala siyang panahon para intindihin pa iyon dahil mas nananaig ang sakit na nararamdam ng puso n'ya sa pagtataksil ng nobyo. Muli na namang naglandas ang luha sa kanya'ng mugto ng mga mata. Parang mabubuwal siya sa sakit. There's a flowershop stand na malapit at halos nasa harap na n'ya. Doon ssiya kumapit at nanghiram ng lakas. Her vision is turning blurred. “Naku ineng abay dinudugo ka!” sigaw ng matandang babaeng lumabas mula sa tindahan ng bulaklak. Ngayon lang niya napagtuunan nang pansin ang sakit at hapdi na nararamdaman. Hindi lang pala dibdib niya ang kumikirot at mahapdi. It's her body aching. It's her abdomen, cramped in pain right now, and a blood dripping from her legs. Dugo na bunga nang labis na pagmamahal niya sa binata. “My God, no! Not my baby, not my baby please!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD