PROLOGUE

1054 Words
Jana's POV" "Dito na talaga tayo titira kuya?" I asked him, dahil hindi talaga ako makapaniwalang lumipat kami sa province. Pero ayun masaya naman fresh air new people and new surroundings. "Yes of course. Pati nga ang mga papasukan nating school ay ready na diba? Wala nang atrasan ito. Alam mo naman na mas gusto nila mommy at daddy na dito tayo." sabi ni kuya Carl at binaba na lahat ng bagahe namin sa sasakyan niya. Nauna na kasing mag-move sila mommy at daddy dito last week pa dahil kami sinulit pa ang bakasyon doon sa manila dahil magpapasukan na rin kasi sa bago naming lilipatan na school dito. Inakyat ko na ang mga gamit mas malaki nga ang bahay na ito compare doon sa bahay sa manila. Pinama pa kasi ito kila mommy at daddy ni lolo. At ang sabi ni mommy ang hiling daw ni lolo ay dito kami tumira para maalagaan ang bahay. Na renovate na rin naman siya kaya kasabay sa mga bagong style ng bahay dito sa village. Halos naipasa pasa na rin ang bahay na ito sa iba't - ibang generation nila ang galing lang kasi ang tibay pa rin. Inasikaso ko na ang mga gamit ko sa aking bagong kwarto nakakapanibago rin 'to kasi mas malaki ito compare sa dati pero sakto na rin ang kulay nito sa akin minimalist lang ang sarap sa pakiramdam at hindi masakit sa mata. Una kong inayos ang study table ko at nilagay ang lahat ng gadget doon. Then I also put may w*****d book collection sa katabi nung mini shelf. Hilig ko rin kasi ang pagbabasa ng libro kapag may time ako ang sarap kasing makatakas sa mundo ng realidad. Sinunod ko naman ang paglalagay ng damit ko sa closet. Nakita ko naman ang paper bag kung na saan ang bago kong uniform dinaanan namin ito ni kuya sa shop kanina. Private school din naman ang papasukan ko nag-search pa nga ako kung maganda ba ang feedback ng school na 'yon eh pero wala naman akong masyadong nakalapat na information pero iba ang kutob ko kaya mas lalo akong kinakabahan. Kung ano-ano na rin ang na-iimagine ko. Pero baka doon na ko magkaroon ng jowa joke lang wala pala akong balak. Pero 'di natin sure baka will ni Lord na doon ko makilala ang the one ko. Ay sus kakabasa ko ito ng w*****d eh. Tamang tama tapos na ko mag-ayos ng gamit kaya pwede na ko magbasa. Kumuha ako ng isang libro sa shelf at humiga sa kama. Kailangan ko na magbasa gusto kong sulitin ang araw na ito dahil bukas hello school na naman ako at sana lang magkaroon ako ng mga bagong kaibigan doon. Ma-mimiss ko talaga ang mga kaibigan ko sa Manila. Mga ilang oras lang ay sinara ko na ang libro na aking binabasa at ipinatong sa mesa. Hindi ko na rin alam kung anong oras na pero nagugutom na ko. Bumalik na naman ako sa realidad at bukas maaga na kong gigising dahil may pasok na at mukha matatagalan ulit ako bago makabasa ng mga w*****d books. Sa muli nating pagkikita, paalam muna. Mamimiss ko talaga magbasa ng libro. At mga pinakaayaw ko sa mga libro na aking nabasa ay ang bully, sa totoo lang kumukulo ang dugo ko sa mga gano'n tao. Tas ewan ko rin ba kung bakit ang mga bidang babae sa mga story ay nagkakagusto at nakakatuluyan pa nila ang mga bully na lalaki tapos nagkakaroon tuloy ng second male lead syndrome. Ang sakit sakit no'n kung sino pa mabait at laging nand'yan para saiyo 'yun pa ang 'di napipili. Kung pwede lang pumasok sa story nila para makabatok at sabihin "Hala ka 'te ayusin mo desisyon mo sa buhay kung ayaw mo sa kanya akin na lang willing naman ako." Kaso ang labo bahala sila lovelife nila 'yan pati ako namomoblema. Masyado lang din akong nadadala sa mga story ang gagaling din kasi ng mga author. Pero kung ako 'yun mas pipiliin ko ang mabait at laging nandyan para sa akin, never ako magkakagusto sa bully lols. At sana wala bully sa bago kong school na papasukan 'yun lang naman ang hiling ko. Peaceful life sa new school, period no erase padlocked tapon susi sa ilog. Hindi naman ako na-bubully sa dati kong school kasi parang wala naman bully doon or 'di lang ako aware kasi naman hindi ako lapitin ng gulo dati. At tsaka marami rin akong kaibigan doon halos lahat ata kilala ako. Sayang nga at isang tao na lang hindi ko pa natapos ang pag-aaral ko doon. Binuksan ko naman ang pinto ng kwarto ng marinig ang mahinang pagkatatok sa labas. "Jana kain na tayo." bungad ni kuya Carl sa akin pagbukas 'ko ng pinto kaya sumunod na ko sa kanya. Sakto gutom na rin ako at sa wakas makakain na rin nakakapagod kaya mag-ayos ng kwarto gusto ko rin sana nang bumaba kanina kaso lang tinatamad ako. "Hahatid nga pala kita bukas sa bago mong school dahil baka maligaw ka pa." sabi niya sa akin habang kumakain kami. "O sige kuya salamat ang bait mo talaga susulitin ko na ito." sabi ko at ngumiti. "Sus h'wag mo kong bolahin Jana hindi ako magdadagdag ng allowance mo sila mommy at daddy pero sige bibilhan na lang kita ng libro mo." sabi ni kuya sa akin kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa kaso kumakain kami. "Pwede na rin ba ko mag boyfriend gano'n?" nasamid si kuya sa tanong ko, mukha ba kong nagbibiro o ano? "Hindi pa pwede magbasa ka na lang ng mga w*****d books." deretso niyang sagot. "Bawal because?" tanong ko pa ulit. "Kasi bata ka pa." hala ka d'yan bata kapag sa gano'n stage pero sa gawaing bahay matanda.Hustisya please! Napaka unfair ha. Sabagay wala rin naman akong panahon sa mga gano'n bagay. "Edi don't, wala rin naman akong balak eh tiningnan 'ko lang talaga magiging reaksyon mo." sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain. After no'n ay ako na ang naghugas nang plato dahil si kuya naman ang nagluto so bawal tamad. Pagtapos 'ko ay umakyat na ko sa kwarto para maglinis at ihanda ang mga gamit ko para bukas at ipagpatuloy ang pagbabasa ng libro maaga pa naman at kaya ko naman din gumising ng maaga bukas.Kaya laban lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD