Episode 1 "SIMULA" (Dave POV)

1002 Words
Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang pagod. Nasa New York ako ngayon dahil sa dami ng appointment ko. Isa sa pinakamayaman ang kanilang pamilya. Maraming negosyo sa pilipinas at ganoon din sa ibang bansa. Nakakalungkot lang isipin dahil mag-isa na lang niyang inihahandle ang kanilang business sa kadahilanang patay na ang kaniyang mga magulang a long time ago. He was twenty one years old ng mawala ang kaniyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Kung kaya, sa edad niyang twenty one, siya na ang namamahala ng kompanya nila bilang CEO. Tinulungan siya ng malapit na kaibigan ng daddy niya na si Mr. Kim, para mahandle niya ang pagiging CEO ng kompanya. And now he is thirty years old. Matatag at matagumpay na umuunlad ang kaniyang mga negosyo. He is a multi billionaire in the world. Simula ng matutunan niyang mamalakad ng kanilang kompanya. Doon na rin nagsimula na makilala at maging sikat ang kaniyang pangalan. Mas higit na nakilala ang kanilang mga negosyo dahil sa pamamalakad niya ng mga ito. Kung sa husay at galing, walang makakatalo sa kaniya. Dahil simula, ng hawakan niya ang kompanya, ginawa niya ang lahat kung paano maging bihasa sa pamamalakad ng mga ito. Wala siyang oras sa mga babae. Simula nang mamatay ang parent's niya, tumigil na siya sa pambabae at nag-fucos na lamang sa kompanya. Hindi na rin siya pumupunta sa mga lugar kung saan nagpapalipas ng init ng katawan ang mga kalalakihan. He's so damn busy in his own business. Hawak-hawak ko ang aking sintido habang pinipisil ito ng mahina. Nakapikit ako ng mga mata habang tinatawagan ang aking driver sa aking cellphone. "Hello, Mang Arnold. Sunduin niyo ako sa airport, tomorrow afternoon," wika ko. "Yes boss," sagot ng driver ko na nasa pilipinas. Pauwi na ako pabalik ng pilipinas. Tapos na rin naman ang mga appointment ko rito sa New York. Habang naglalakad palabas ng Airport, hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malakas na buntong hininga dahil sa mga kababaihan na panay tili at halos mabali na ang leeg kakatingin sa akin. Well, hindi naman ito bago sa akin. Hindi ko naman kasi maitatanggi ang taglay kong kagwapuhan na talaga naman kapansin-pansin at kaakit-akit. "Boss, magandang hapon po," ngiting salubong ng driver ko. Matagal na ito sa aming pamilya. Subalit hindi ko pa rin ito matanggihan sa tuwing tinatawag ako nitong 'Boss'. Ngiti lang ang tinugon ko rito sabay pasok sa sasakyan. Bigla kong naramdaman ang sobrang pagod kaya naman, mabilis akong nakatulog pagkarating ko sa mansyon ng mga magulang ko. Kasalukuyang may condo unit ako at may sariling isla na pagbabakasyunan. Subalit pinili ko pa ring tumira dito sa mansyon ng magulang ko na namayapa na. Pagbaba ko, kaagad kong nakita sa sala ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman naiwasan ang mapailing. Hindi talaga pinalagpas ang pagdating ko ng mga ito. "Sa wakas gising na rin ang kaibigan natin," ngiting wika ni Marc. Isa sa mga kaibigan ko. Ngunit ito rin ang pinakamatalik kong kaibigan sa lahat. "Bakit nandito kayo, gabi na ah," walang emosyon na wika ko sa mga ito. "Ikaw naman, syempre namiss ka namin. Aba five months ka 'ata nawala.'Di kami sanay na 'di nasisilayan ang guwapong mukha ng big boss namin," pagbibiro ni Marc, sabay tawanan ang ilang kaibigan namin. Sanay na ako sa mga ito. Madalas pinipilit ako nitong yayain pumunta ng bar tulad ng twenty one pa lang ako. Ngunit hindi na ako katulad ng dati. Dahil mas binigyan ko nang pansin ang trabaho ko. "Paano dude, alas-8 na ng gabi baka naman puwede kang sumama sa amin papuntang bar, kauuwi mo lang, kaunting kasayahan naman diyan. Kasi bukas trabaho ka na naman," wika ni Vinz. "I told you guys, hindi ko na gawain ang ganiyan," wala sa mood na tugon ko. "Sus! Iinom lang tayo," hirit pa ni Marc. "Nanay Esteng, padala nga po ng alak dito," wika ko kay Nanay Esteng. Mayordoma ito ng mansyon simula pa noon. Pero tinuring ko na siyang nanay kahit noong pang maliit pa ako. "Oh dito kayo iinom? Ano bang alak iyon anak?" tanong ni nanay. "Sigurado ka dude? Dito talaga tayo iinom?" natatawang tanong ni Marc. "Yeah, dito tayo iinom mapagbigyan lang kayo. Ayokong lumabas," simangot kong sagot. Tumawa naman ang ilang kaibigan namin. "Sure dude, aatrasan ba namin iyan. Anyway daan na lang kami sa bar mamaya para kumuha ng babae," wika ni Marc sabay tawa nito. "Bahala kayo. Isang oras lang tayo iinom at lumayas na kayo." "Naman dude, kakarating lang namin, parang pinapaalis mo na kami ah." Pa drama effect naman ni Denz. "May trabaho ako bukas, bawal akong maglasing," wika ko sa mga ito. "Palagi ka naman dude busy eh, wala ka na ngang oras para sa sarili mo, para maenjoy naman kahit minsan. Namimiss na tuloy namin ang dati naming kaibigan na palaging kasa-kasama namin," kunwa'y malungkot na wika ni Keth. "Hindi niyo ako masisisi, naiwan akong mag-isa. Hindi rin biro ang hinahawakan Kong mga negosyo," seryosong sagot ko. "Haist, sana naman kahit isang araw lang makasama ka namin ulit," himutok ni Marc. "I will see," sagot ko na lang sa mga ito. Makalipas ang isang oras nagpaalam na rin sila sa wakas. "Panoo dude, mauna na kmi. Wala talaga kaming pag-asa na sasama ka sa amin sa party-party eh," wika pa ni Marc. "Sige ingat kayo." Kumaway pa ang mga ito bago tuluyang lumisan sa mansyon ko. Kinaumagahan kaagad akong pumunta ng opisina. "Hi sir, good morning po," wika ng secretary ko habang nagpapacute ito na sinabayan ng ngiti. Ngunit, walang epekto sa akin ang pagpapa-cute nito. "Good morning," seryosong sagot ko. "How's the situation here noong wala ako?" tanong ko pa sa aking secretary na si Lea. "Everything is good sir, wala pong naging problema," wika nito. "Good, go back to your work then." "Okay sir. Anyway, mayroon po pala kayong meeting at 1pm in the afternoon po," paalala ni Lea. "Okay," sagot ko habang abalang nagpipirma ng mga papeles. Hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD