PROLOGUE

1710 Words
Basang-basa na ng luha ang mukha ko, halos mamatay na ako sa nerbyos habang naglalakad ako pauwi sa hinuhulugang condo sa QC. Pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod sa akin sa bawat kilos at bawat puntahan ko. Halo-halo ang kaba, takot, nerbyos at galit na nararamdaman ko. Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga tuhod. Naglulumikot ang mga mata para tiyaking walang ibang taong papalapit sa akin na handa akong sunggaban anumang oras. Ganito ang sitwasyon ko palagi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ito ang araw-araw kong nararamdaman dahil sa isang taong ginugulo ang tahimik kong buhay. Minu-minuto, oras-oras, araw-araw... wala siyang mintis sa pang-aabala at pang-i-stalk sa akin. Maging sa text, tawag at chat, lahat iyon ay galugad ng stalker ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumunog ang cellphone ko, nanginginig na kinuha ko ito mula sa bag ko. I got 15 unread text messages and 20 missed calls just for today. Mukhang walang ibang pinagkakaabalahan sa buhay ang taong ito na nanggugulo sa akin. May trabaho ba ito? Paano ito nabubuhay at kumakain kung panay pambubulabog sa akin ang ginagawa araw-araw? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ang ganda mo ngayon, Clarisse, pauwi ka na ba? Mag-iingat ka." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "May run na ang stockings mo, gusto mo palitan ko bukas? Ibibili kita." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Iyong inorder mo kanina sa Coffee Shop mukhang masarap kaya napabili rin ako. Gusto ko ang taste mo." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Agahan mo ang pasok bukas para maaga kitang makita. Araw-araw akong nasasabik na masilayan ang maganda mong mukha." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na tinuloy basahin ang iba pang text messages dahil sa kaba, at paranoid na ako. Alam ng unknown sender na ito ang lahat ng kilos ko. Kabado kong nilingon ang paligid, baka anytime ay may sumunggab sa akin dito sa madilim na kalyeng ito. Tumunog ulit ang phone ko. May bagong pasok na text message mula sa ibang number. Binasa ko ito at baka importante ang mensahe. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Tuwang-tuwa ako kapag nakikita kitang hinahanap mo ako sa paligid. Parang excited kang makita ako." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Abot-abot ang kaba ko na napatakbo hanggang sa harap ng building ng condo. Pabalya kong itinulak ang entrance door saka nagkukumahog na tinakbo ang elevator. Ilang ulit kong pinindot ang 'up' button hanggang sa bumukas 'to. Hindi ko na nahintay na maglabasan ang mga sakay nito, nagmamadali na akong pumasok kahit nabangga ko na ang tatlong babaeng palabas ng elevator. Ang sama ng tingin nila sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I'm sorry, I'm sorry, naiihi na kasi ako," palusot ko habang sumasara ang pinto ng elevator dahil ang sama ng titig nila sa akin. Inirapan nila ako saka tumalikod palayo ng elevator. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Huminto ang elevator sa 20th Floor, kung nasaan ang unit ko. Patakbo kong tinungo ang unit ko sa dulo ng hallway. Natataranta at nanginginig ang kamay ko habang hinalughog ko sa bag ko ang susi ng unit ko saka nagmamadaling binuksan ang pinto. Hindi ko pa maipasok nang tama ang susi sa seradura ng pinto. "s**t!" Napapamura na ako dahil sa pagkataranta. Naipasok ko rin ang susi sa seradura, malakas na pinihit iyon saka nagmamadaling pumasok sa loob. Pabalya kong isinalya ang pinto habang hingal na hingal na sumandal dito. Napaupo ako sa lapag habang nakasandal sa pinto. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Makilala lang kitang baliw ka, mata mo lang ang walang latay sa akin!" Iika-ika akong naglakad patungong sofa. Ang sakit ng paa ko. 4 inches ba naman ang suot kong sapatos tapos patatakbuhin ako ng loko-lokong stalker ko? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumunog na naman ang phone ko. Binasa ko ulit ang message. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ang ganda mo habang tumatakbo gamit ang red 4 inches heels mo. Iyan ulit ang suotin mo bukas ha, kung hindi may parusa ka sa akin." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nanlaki ang mga mata ko dahil sa takot at kaba. Nakasunod talaga ang siraulo at tuwang tuwa habang hirap na hirap ako sa pagtakbo? Tinawagan ko si Ara. "Hello, bakla, alam talaga niya kung ano ang ginagawa ko minu-minuto, natatakot na ako!" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I-report mo na kasi sa pulis 'yan para ma-trace kung sino ang gumagamit ng number na 'yan. Hindi titigil 'yan," suggestion ni Ara. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Eh ang dami niyang number na gamit. Tatlong magkakaibang number ang ginamit niya today." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Then ikaw ang magpalit ulit ng number. Mura na lang ang SIM ngayon." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Naka-apat na palit na ako ng number sa loob ng 2 weeks, 'di ba? Naguguluhan na nga ang pamilya ko kung saan ako kokontakin," naluluha kong sabi. 1 month ko nang nararanasan ang panggugulo ng unknown caller and texter ko. No'ng una ay hindi ko pinapansin dahil random text and call lang ang ginagawa niya, pero for the last 2 weeks ay lumalala na ang panggugulo niya sa akin. Every hour yata may text and call ako from that person! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napahinga nang malalim si Ara. "Sasamahan kita sa pulis bukas after ng work ko, dadaanan kita sa office n'yo ha. I-report na natin 'yan." Ramdam ko ang concern niya. She's been my friend for almost 15 years na, since grade school pa lang ay siya na ang kasa-kasama ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Thank you, Sissy. Nababahala lang talaga ako. Pakiramdam ko nakasunod siya kahit saan ako magpunta." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Don't worry, pakukulong natin 'yan kapag na-trace na ng mga pulis." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sige sissy, see you tomorrow." In-off ko na ang phone ko saka ako tumayo at dumiretso sa banyo. Maglulublob muna ako sa bath tub para ma-relax ako kahit paano. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I stayed in the tub for almost an hour, nakatulong kahit paano ang paglulunoy ko sa mainit-init na tubig with rose scented liquid bath. Umahon na ako at nagbanlaw saka nagsuot ng bathrobe. Dinampot ko ang phone ko sa ibabaw ng sink saka nag-post ng status online. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I just had a wonderful hot bath tonight. Time to go to sleep. Good night!" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I went out of the bathroom and went straight to my cabinet to pick a nice sleep wear when my cellphone rang. I picked it up and answered without looking at the number on the screen. "Hello?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "You probably looked nice in a bathrobe," sabi ng modulated male voice sa kabilang linya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Eeeeeeeeeehhhhhhh!" tili ko sabay bato ng phone. Napalingon ako sa paligid ko at niyakap ang bathrobe ko. Nakapasok ba 'yon dito? Nakapaglagay ba 'yon ng hidden camera? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napatingin ako sa nakabukas na kurtina ng glass panel window ko, may ilang building na katapat ang condo namin. "Naroon ba siya sa isa sa mga building? May telescope ba siya? May CCTV ba sa condo ko?" Patakbo kong tinungo ang bintana at isinara ang kurtina, saka nagmamdaling tinungo ang kama ko at sumiksik sa headboard. I can't live like this all my life. I'm going to be crazy like hell! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD