(1) A Man From Behind

1708 Words
//LEEYAH POV// She feels so safe. Parang lumulutang siya na hindi niya maintindihan pero ang isip niya, gusto niya ang ganitong pakiramdam. Wait. This is not right! What is she thinking?! May kahalikan siyang lalaki? And she's n***d! "I'll never let you go." Bulong ng lalaking sa kanya. "You're mine, Helena. Mine only." Here is it again. Iyong pangalan na iyon. "Helena". Hindi naman iyan ang pangalan niya! Pinagmasdan niya kung sino itong lalaking kayakap niya pero hindi niya naaninag ang mukha nito. Malabo ang kanyang paningin parang ayaw ng kanyang mga mata makita ng kabuuan ng mukha ng lalaking ito. ---------------------------------- Biglang nagbago ang hitsura ng kanyang paligid. Ngayon ay nasa simbahan siya at nakasuot ng putting damit at may dala siyang mga bulaklak. Papalakad siya papunta sa altar at ang lalaking iyon na naman ang nasilayan niya. Hinihintay siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya talaga masilayan ang mukha nito. Bakit siya nandito sa simabahn? Bakit siya ikakasal sa lalaking hindi pa niya nakikilala? **************************** Nagiba na naman ang kanyang paligid. Nakahiga siya at parang may oxygen na nakalagay sa kanyang bibig at... nararamdaman niya ang sobrang sakit sa kanyang katawan. At ang mga taong nakapaligid sa kanya ay nagkukumahog na parang may nangyari sa kanya na masama. "Helena! Helena! Don't close your eye!" Nandito na naman siya. Palagi na lang ang pangalan na iyong ang sinasambit nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay. What is he doing? Hindi siya si Helena. "Don't leave me, please... Helena..." "Sino ka?" Please, kahit pangalan mo lang. Sino ka ba talaga? Agad siyang napamulat sa pagtunog ng alarm clock. Ang panaghinip na naman iyon. Hindi niya alam kung binabangungot siya o hindi pero bakit palaging ganito na lang ang napapanaghinipan niya. Lalong lalo na ang lalaking iyon. Sino ba ang lalaking iyon? At sino ang Helena palaging tinatawag nito? Sa sinapit niyang aksidente ilang taon na ang nakakalipas, hindi man palagi pero minsan, napapanaghinipan lang niya ang ganitong panaghinip. Panaghinip na ni minsan hindi pa niya nararanasan o dumaan sa kanyang buhay. Sa edad niya na dalawamput tatlong taong gulang, wala pa siyang boyfriend at wala rin siyang experience sa s*x. Kaya napakaimposible itong napapanaghinipan niya. At ikakasal na siya? Wala pa nga siyang boyfriend, hindi ba? "Leeyah!" Rinig niyang tawag sa kanyang Ate Isabella sa ibaba. "Gising ka na? pagkatapos mo diyan, bumaba ka na para mag-breakfast. Ayaw mo naman siguro na ma-late sa graduation ceremony mo." "Oo nga pala!" Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng may maalala siyang pinakaimportanteng event ngayong araw at iyon ang graduation niya. Nang dahil sa panaghinip na iyon nakalimutan na niya na ngayong araw na siya ga-graduate. Ito na ang pinakahihintay sa buong buhay niya! Sa wakas, ga-graduate na siya! Business Administration Major in Finance ang kinuha niyang kurso. Sa tagal niyang naghintay, makukuha na rin niya ang kanyang diploma at makakahanap na rin siya ng mapapasukang trabaho. Laking pasasalamat niya sa kanyang Mama Raquel at Ate Isabelle dahil sa labis na suporta at lakas ng loob binibigay sa kanya lalo na sa pag-aaral niya. Tiyak na double celebration ito dahil sa susunod na linggo, nakatakdang ikakasal ang kanyang Ate Isabelle. Siya na lang kasi ang hinihintay nito na makapagtapos sa college at makahanap ng disenteng trabaho. Kaya ngayong araw na ito magaganap ang pinakamahalagang okasyon hindi lang sa kanya para na din sa kanyang pinakamamahal na pamilya. Todo ang pagmamadali niya. Mula sa pagsisipilyo, sa pagligo at pagsuot sa kanyang uniporme. Diyan na niya isusuot ang kanyang toga pag nasa school na siya. //LEEYAH POV// Dala-dala niya ang kanyang mga dadalhin pababa at tinungo ang kusina. Nandito na rin ang kanyang Ate at Mama na naghahanda ng agahan para sa kanila. "Leeyah, nakalimutan mo ba magsuklay?" Tanong kaagad ng kanyang kapatid pagkakita pa lang sa kanya. "Nagsuklay naman ako bago ako bumaba. Mabuhaghag ba?" hindi kasi siya pinagpala na "silky straight" na buhok. Kulot kasi ang kanyang buhok hindi parehas sa kanyang Ate Isabelle na parang commericial ng shampoo. "Hindi pa. pero pag hindi pa natin iyan aayusin bago tayo pumunta sa school, tiyak paghihinalaan ka na si Wicked Witch of the East." Biro nito. "Ate naman eh! Nagbibiro pa 'to." "Kung bakit ba naman kasi hindi mo kami sinabihan ng Ate mo na gugupitin mo ang buhok mo ng ganyang kaigsi." Tanong naman ng kanyang ina. Inilapag nito sa kanila ang inihandang mainit na chocolate. "Akala ko po kaso babagay sa akin." Sabi niya habang hinahawakan ang hibla ng kanyang buhok. "Isabelle, samahan mo ang kapatid mo sa parlor kapag may oras ka." "No problem, Ma. Paghahanda rin iyan bago siya makahanap ng trabaho." "Ano ba iyan? Bakit ang buhok ko pa ang pinoproblema ninyo?" "Hindi naman sa pinoproblema namin iyan, anak. Hindi lang kasi masyado maayos ang pagkakagupit mo." Sabay tango naman ng kanyang kapatid. Heto talagang dalawa, magkakasundo talaga sa iba't ibang bagay. "Sige lang, kapatid. Aayusin ko ang buhok mo pagkatapos natin kaumain. Para na rin maganda ka sa mga graduation pictures mo. Excited ka nab a para mamaya?" "Siyempre! Matagal ko na kaya itong hinihintay. Pagkatapos ko makuha ang mga documents ko, agad-agad maghahanap na ako ng trabaho. Para may happily ever after na kayo ni Kuya Zack." Tinutukoy niya ay ang fiancée nito. "Hindi naman para sa akin ito eh. Para sa iyo at kay Mama. Tama naman ang paghihintay naming ni Zack dahil ga-graduate ka nab ago pa ang kasal namin." "Oh kayong dalawa, kumain na kayo baka mahuli pa tayo sa graduation. Kayo na ang bahala magligpit pagkatapos ninyong kumain at akoy maghahanda na din." "Opo, Ma! Kumain na tayo para maayusan ko na ang buhok mo." May dalawang oras pa naman bago ang ceremony kaya meron pa silang oras na maghanda. Super excited na siya dahil ang Mama at Ate niya ang kasama niyang magsasabit sa kanyang medal. //LEEYAH POV// *Graduation Ceremony* Todo ang pag-aayos sa mga toga suot ng mga estudyanteng kasama niyang magmamartsa. Meron din todo ang pagpapakuha ng litrato sa pamilya at siyempre mga kaklase at kaibigan na dumalo para sa espesyal na ceremonya ngayong araw. Nagsimula na ang graduation ceremony. Habang naghihintay siyang matawag ang kanyang pangalan, todo selfie naman ang kanyang mga kaklase at siyempre, dahil kasa-kasama niya ang mga ito, todo tawa at biruan sa bawat sandal bago sila magkakahiwalay at tatahakin ang bagong yugto ng kanilang buhay. baka ilang taon pa bago sila muling magkita-kita. Sunod ang kanilang batch naman ang tatawagin sa stage para kunin ang diploma. Siya naman, hindi langdiploma ang tatanggappin niya pati na din isang medalya para sa kontribusyon niya bilang isang Most Valuable Player sa Volleyball. Walang pagsidhan sa tuwa ang kanyang kapatid at ina sa natanggap niya. Pagkatapos ng ilang speeches at awards na natanggap ng iba pang mga estudyante, nagtipon-tipon silang lahat sa stage para sa pag-awit ng kanilang Alma Mater. Nakita niya kaagad an ate at mama niya saan ito nakaupo at agad siyang kumayaw rito. Pinik-churan siya ng kanyang ate at agad siyang ngumiti. Nang biglang napabaling ang kanyang atensyon sa lalaking nakaupo sa likuran ng kanyang mama. Nakuha nito ang kanyang atensyon dahil nakatuon ang mga mata nito mismo sa kanya. Talaga bang sa kanya ito nakatingin ang lalaking iyon? Kahit nakaupo ito, halata ang tangkad nito. Nakasuot ito maitim na shirt na bagay sa kutis nitong Moreno. Pero, hindi gaya ng ibang tao na masaya, walang sumilay kahit konting ngiti sa labi nito. Tila ba nakaupo lamang ito na walang pakialam sa paligid at tahimik lang na nakamasid. Sino kaya ang pinuntahan nito ditto? Hindi na lang niyang pinansin ang lalaki baka siya pa ang mapaghihinalaan kung bakit nakatingin siya nito. //LEEYAH POV// Tapos na ang graduation ceremony. Nasa labas na sila ng gymnasium at kumukuha ng mga pictures kasama ang kanyang mga kaklase at mga guro. Pagkatapos ay isa-isa na sila nagpaalam ganoon na din siya. Pinuntahan na niya ang kanyang Ate at Mama na naghihintay sa kanya. Pagdating niya, bumungad sa kanya ang napakalaking bouquet of roses bigay ng kanyang Ate. Gulat na gulat siya sa natanggap niya mula rito. "Ate! Napakamahal nito!" "Ano ka ba. Special ang araw na ito para sa iyo. Favourite mo ang Rose, hindi ba?" "Pero hindi naman ganito kadami. Kahit isa o dalawang rosas ayos na sa akin." "Too late. Ako na ang magdadala sa diploma mo." "Alis na tayo. Nakapagreserved na ako sa favourite mong restaurant. Doon tayo magce-celebrate." Sabin g kanyang ina. "Sige po, Ma." Naunang maglakad ang dalawa at siya naman ay iniayos ang pagkakadala na napakalaking bouquet na natanggap niya. Sa buong buhay niya, hindi pa siya nakakatanggap ng ganitong kadaming rosas. Ang galing talaga mang-sopresa ang Ate niya. Halos di niya madala ng maayos. Tatalikod na siya ng mapadako ang kanyang tingin niya sa di kalayuan. Ang lalaki iyon. Ang lalaking nakita niya kanina sa gym na nakaupo sa likod ng kanyang mama. Nasa ilalim ito ng puno habang may kinakausap ito sa cellphone. Nagulat siya ng biglang nagtama muli ang kanilang mga mata. Agad naman siyang tumalikod at sinundan ang ate at mama niya. Bakit parang may kakaiba sa lalaking iyon? Ng nagtama ang kanilang mga mata, para bang may naalala siyang hindi niya o pakiramdam na hindi niya maintindihan. Nasa kotse na silang tatlo. Nilapitan niya ang kanyang Ate. "Ate, may tanong ako." "Ano iyon?" "Nakita mo ba iyong matanggad na lalaking nakaupo sa likuran mo kanina sa gym? Ang weird kasi. Siya lang ang parang hindi masaya." Natigil ito sa pagbukas sa pinto ng kotse. "Sino?" "Kanina sa gym. Nakasuot siya ng itim na t-shirt. Sino kaya ang pinuntahan ng taong iyon? Hindi ko rin sigurado kung ako ba ang tinitignan niya o ang pinuntahan niya. Iba kasi kung makatingin eh." "Ha-Huh? Wala lang siguro iyon. Ano ka ba? Baka ano pa iyang napapansin mo. Ang mabuti pa sumakay ka na para makakain na tayo. Baka gutom na si Mama." Sa bagay tama ito. Baka nga kung ano-ano na ang napapansin niya. Hay basta, graduate na siya! * * * To be continued... A/N: Hello and Welcome to my new story: THE WIFE'S LOST MEMORIES. If you want to read the next chapters, kindly COMMENT what are your thoughts about the First Chapter of this story. CHUAMNIDAH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD