Episode 1 (Sofia POV)

1501 Words
"Ma! Pa!" masiglang tawag ko sa mga ito habang papasok sa loob ng bahay. "Oh, anak. Ano ba 'yon at mukha kang galing sa karera sa itsura mo?" tanong ni mama sa 'kin. Pansin ko pa ang hawak na sandok nito sa kamay. "Ma, sa wakas matutupad na ang pangarap ko!" Nagtitili ako sa sobrang saya. Hindi ko na ulit hinayaang magtanong pa si mama at nagsalita ulit ako. "Nakakuha ako ng scholar, ma. Sa wakas makakapasok na ako sa pinapangarap kong University sa Makati," bulalas na wika ko rito habang nakangiti. Nanlaki naman ang mga mata ni mama at mabilis akong niyakap. Nasa ganoon kaming posisyon ng dumating si papa. Galing pala ito sa labas. "Anong mayroon at nagyayakapan ang dalawang babaing mahal ko ha?" nakangiting tanong ni papa. Sabay pa kaming tumingin ni mama sa gawi ni papa. "Honey, nakakuha nang scholarship ang anak natin. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap niyang makapasok sa napakasikat na University sa Makati," naluluhang wika ni mama. Hindi ko tuloy naiwasang humaba ang nguso sa pinipigilang luha. Napansin ko naman ang paglapit ni papa kay mama kasabay ng pagyakap dito at ganoon din sa 'kin. "I'm so proud of you our princess. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit nakakuha ka nang scholarship dahil sa angking talino mo. Sinamahan pa ng kagandahang nagmula sa mama eh," wika ni papa. Sabay pa kaming napangiti ni mama. "Syempre nagmana rin ako sainyo papa," sagot ko rito. "Tama, anak. Nagmana ka sa amin ng papa mo. Matalino, maganda, masipag at may pangarap. Kaya magtapos ka sa pag-aaral ha, huwag munang makipagrelasyon," wika ni mama. Kandahaba naman ang nguso ko sa tinuran ni mama. Samantalang si papa naman, natawa na lang bigla. "Kahit 'di niyo sabihin ma, wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon. Ang bata ko pa para sa ganiyang bagay, at saka pangarap kong makapagtapos bago pumasok sa ganiyan," wika ko sa mga ito habang nakanguso pa rin. Ginulo naman ni papa ang buhok ko. "That's our princess," Proud at nakangiting wika naman ni papa. Niyakap naman ulit ako ni mama habang nakangiti. Isang linggo ang nakalipas. "Anak, mag-iingat ka roon ha. Huwag masyadong pakatiwala sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo, laking maynila ang mga taong makakasalamuha mo roon. Tumawag ka kaagad kapag may problema," mahabang paalala ni mama. Ngayong araw na kasi ang alis ko papuntang Makati. Mula Legaspi to Makati ang magiging byahe ko. Dahil dito kami nakatira sa Legaspi. Nagkataon lamang na sa Makati ako mag-aaral dahil nakakuha ako ng scholarship. Hindi naman kasi sa pagmamayabang, simula elementary to senior high school ay palagi akong first honor. Kaya hindi naman nakakapagtakang makakuha ako ng scholarship. "Don't worry, about me mama. Malaki na po ako, hindi na ako bata. Hindi man ako kalakihan tingnan pero mature na ako mag-isip," nakangusong wika ko rito. "Kahit na anak, basta mag-iingat ka palagi roon at wala pa naman kami ni papa mo sa tabi mo. Nag-aalala ako ng sobra," malungkot na wika pa rin ni mama. "Mama naman, paano tayo makakagawa ng mansyon natin kung ngayon pa lang parang ayaw mo na akong paalisin," nalulungkot na ring wika ko. "Tama na 'yan at baka kung saan pa mapunta ang usapan at mag-iyakan pa kayo," wika naman ni papa na kanina pa nagmamasid. Hanggang sa lumapit ito kay mama na parang inaalo ito. Mukha na naman kasing iiyak. Pati tuloy ako napapaiyak na rin. Pinipigilan ko na nga lang eh. "Honey, huwag ka ng malungkot. Kahit ako man ay nalulungkot na mawawalay ang prinsesa natin, pero ito ang pangarap natin sa kaniya 'di ba? Ang makapag-aral sa marangyang University at ito din ang pangarap ng anak natin. Kaya 'wag ka ng mag-alala. Hindi naman pababayaan ng Panginoon ang mabait nating anak," mahabang lintaya ni papa. Napansin ko naman ang pagtango-tango ni mama. Kasabay ng pagpatuloy nitong pagligpit ng ilang gamit na dadalhin ko. "Bye ma, bye pa. Mag-iingat kayo palagi dito ha, I love you po," nakangiting wika ko pa sa mga ito habang nakatanaw sa bintana kung saan ako nakasakay ng bus. "Bye anak, mag-iingat ka rin doon. Palagi kang tumawag ha," naluluhang wika na naman mama. "Ingat, prinsesa namin. We love you so much," wika naman ni papa. Laking pasalamat ko at paandar na ang bus. Ayoko nang makita pa ang nalulungkot Kong mga magulang. Wala akong ginawa kun'di kumaway na lang at humalik sa hangin papunta sa kanila. Hanggang sa tuluyan ng naglaho ang mga ito sa paningin ko. Natahimik ako bigla. Nakaramdam ng kalungkutan. Unang beses kong mawalay sa mga ito. Ngunit kakayanin ko, alang-alang sa pangarap ko para sa kanila. Hinding-hindi ko sasayangin ang mga paghihirap nila para sa 'kin. Isang nurse ang mama ko, at si papa naman ay isang taxi driver. Pangarap ko talagang makapagtapos para mabigyan sila ng magandang bahay at maayos na pamumuhay. Nakangiti akong nakatanaw sa bintana. Punong-puno ng inspirasyon. Mabuti na lang talaga may sari-sariling dorm na matutulugan ang bawat mag-aaral sa University ng school na papasukan ko. Kaya hindi na problema. Iba talaga kapag mayayaman. Sa isip-isip ko. Sa edad kong sixteen years old, mature na ang pag-iisip ko. 5'4 din ang height ko. Hindi naman kababaan. Nagising ako dahil sa sigaw ng conductor. Hanggang sa bumaba na ako at humanap ng taxi papuntang University. "Salamat po," wika ko sa taxi driver. I heard his nodded. Malakas ang pinakawalan kong buntong-hininga habang tinatanaw ang malawak na University. Sa labas pa lang halata nang malaki. Paano pa kaya sa loob? Medyo nayamot pa ako at mukha yatang walang balak ang guard na papasukin ako. "Hmm miss, puwede ba hubarin mo ang mask mo at itaas mo ang sumbrero mo. Hindi kita mamukhaan sa picture na ito eh. Parang ang layo," wika nito sa 'kin na siyang ikinataas ng kilay ko. Ngunit hindi na lang ako umimik. Instead inalis ko sa pagkakatali ang mahaba kong buhok, inalis ang sumbrero pati na rin ang mask ko. At saka hinarap muli ang guard. At ngayon mukha pa yatang nakakita ng multo sa itsura. Nakatulala at namumula pa ang mukha. Kahit 'yong isang guard sa kabilang side eh bigla rin natulala. Anong nangyayari sa mga ito?" nakakunot-noong tanong ng isip ko. "Sir, puwede na ho bang pumasok? Siguro naman kamukha ko na 'yong nasa I. D 'di ho ba?" tanong ko rito. Napansin kong bigla itong nahimasmasan. "O-oo naman ma'am. Pasensya na at 'di ko akalain na sobrang ganda mo pa pala kaysa dito sa I. D mo. Para ka po kasing anghel, napakaamo ng mukha niyo. Napakagandang dalaga ba," papuring wika nito. Bigla namang nawala ang yamot ko sa papuri nito. "Ay, salamat po. Nagmana lang sa mama at papa ko po," nakangiting wika ko saka tuluyang nagpaalam papasok sa loob ng University. Binalik kong muli ang mask, sumbrero at pagtali ko ng buhok. Habang hinahanap ko ang dorm ko, pansin ko ang ilang lumalakad na panay tingin sa 'kin. Naririnig ko pa ang mahihina nitong mga tawa. Ngumuso na lamang ako at parang walang pakialam na patuloy sa paghahanap ng dorm ko. Wala naman akong pakialam kung mukhang manang ang suot ko. And finally, sa ilang ikot at paglalakad nahanap ko rin ang okupadong kuwarto ko. And wait. Hindi lang pala ako sa iisang dorm, kun'di dalawa kami. Nasa akto ako nang paghahanap ng susi, ng biglang bumukas ito. Awtomatikong napaangat ang mukha ko. Isang simpleng babae ang bumungad sa 'kin. "Hi, ikaw ba ang makakasama ko sa dorm na ito?" nakangiting tanong nito kaagad sa 'kin. Dahan-dahan naman akong tumango rito. "I'm Less Santiago, nice to meet you," wika nito habang nakalahad ang kamay at nakangiti. "Hi, I'm Princess Sofia. But call me 'Sofia' na lang and nice to meet you too," nakangiting wika ko rin dito sabay abot ng kamay nitong nakalahad. "What a beautiful name," palatak na turan nito habang nakangiti. "Oh siya, tara na sa loob," wika pa nito sa 'kin. Tinulungan pa ako nito sa pagbitbit ng ilang gamit ko. Napa 'wow' pa ako pagkapasok. Akala ko talaga dorm lang kung tawagin ang matitirhan ko rito. Ngunit matatawag din palang small apartment ang loob nito. May maliit na sofa, television, maliit na kitchen sa dulo at mayroon ding tatlong pintuan na sa tingin ko ay kuwarto 'yon at bathroom. At ayon nga 'di ako nagkamali ng yayain ako nito papasok sa kuwartong para sa 'kin. Napahanga pa ako dahil kahit hindi ito kalakihan eh, may aircon itong nakalagay. May lagayan din ng mga gamit at may maliit ding center table. "Nagustuhan mo ba?" Pagpukaw ng atensyon ng kasama ko sa 'kin. "Oo, maganda," nakangiting wika ko. "Oh siya, magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka. Magkuwentuhan tayo mamaya ha," excited nitong wika. Tumango naman ako rito habang nakangiti. Ay sh*t! Panay ngiti pala ako eh, naka-mask pala ako at nakasumbrero pa hanggang ngayon. Haist!" himutok ng isip ko. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. "Finally," bulong ko hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD