CHAPTER 1

1065 Words
I woke up in a familiar room. So, I'm here again. I've toured my vision in its entirety. White wall, white bedsheet and a few other things around me are also white. Teka ano nga ba ang nangyari sa akin? Ang naalala ko nasa loob ako ng isang kabinet sa loob ng classroom namin. Bigla na lang kasi akong tinulak ng isa sa mga kasama ni Jeka. Dahilan para patalikod akong napasubsob sa loob ng kabinet. Hindi ko na rin alam ang sumunod na nangyari dahil sa hindi na ako makahinga at nawalan na lang ako nang malay. Pinagtutulungan at binbuully na naman ako ni Jeka at ang mga kaibigan nito. I don't know why they do that to me. Sa pagkakaalala ko wala akong atraso at lalo na wala akong ginawang masama sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang ako. Inabot ko ang baso na may lamang tubig sa maliit na kabinet na nasa gilid ng kama inuupuan. Gusto kong gumanti sa lahat ng masasamang bagay na ginagawa nila sa akin. Pero paano ko naman gagawin 'yon? Si Jeka pa lang nga ang kaharap ko taob na ako. Paano pa kaya kung kasama niya na ang dalawa niyang alipores? Hindi naman ako puwedeng humingi nang tulong kay Aera sa gulong meron ako (na hindi ko malaman dahilan kung paano ako napasok) problema ko 'to kaya ako na lang ang kusang magreresulba. Hindi pa man ako nakakaiinom ng tubig nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaing hindi katandaan. "Yaya Flora," mahinang saad ko at bumaling dito. May bahid nang pag-aalala ang mukha nito. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin at niyakap ako. Lihim akong napangiwi nang maramdaman ang sakit ng likod ko. Tumama nga rin pala ang likod ko sa pader habang papasok na tinutulak nila ako sa loob ng room. "Ano ba ang nangyayari sa 'yong bata ka at napapadalas kang naisusugod na rito sa ospital?" tanong niya. Napailing na lang ako bago sumagot. "Hindi ko rin alam, yaya Flora. Ang natatandaan ko lang, nasa isa ako sa mga classroom tapos bigla na lang akong nawalan nang malay," paliwanag ko sa kaniya. Hindi ko na ni-mention pa sila Jeka. Hindi niya na kailangan pang malaman ang tungkol doon magagalit lang siya sa akin at worse baka magsumbong pa kay Daddy. "Tama nga. Pinaliwanag na sa akin ni Aera ang lahat. Ang sabi niya. Nakita ka niya sa loob ng isang kabinet sa classroom niyo. Pinagpapawisan at wala ka na raw malay. Sila Jeka ba ang may kagagawan nito? Totoo ba 'yon?" sunud-sunud na tanong niya. Hindi ako sumagot. Binaba ko ang paningin ko sa hawak kong baso. Ayaw kong magsinungaling lalong-lalo na ayaw kong masira ang ugnayan ng parents ko at ang parents ni Jeka kapag nalaman nila ito. Sigurado akong malaking gulo 'to. Baka hindi na payagan pa ng parents ko na mag invest ang Daddy ni Jeka sa Company namin. Ang pagkakaroon na lang kasi ng connection ng Daddy ni Jeka sa company namin ang dahilan kung bakit nakikilala pa ang mga negosyo nila. Sa totoo lang kilala ang pamilya ni Jeka rito sa lugar namin. Ngunit hindi sila kilala sa business world. Natatakot din naman kasing mag-invest ang ilang negosyante sa kanila dahil kilalang mapanlinlang at kurakot ang pamilya nila. Lalo na ang Lolo niyang gobernador ng bayan. Gladly, hindi nasasama sa listahan nila ang mga magulang ko. Bumutong hininga ito. "Napapadalas naman yata ang ginagawa nila sayo. Ano ba kasing ginawa mo at ginagawa nila ang mga masasamang bagay na 'to?" I shaken my head. Inisip ko lahat ng bagay na nangyari mula nang makilala ko siya hanggang sa umpisahan niya akong i-bully. "Wala akong ginagawa sa kanila, Yaya Flora. Hindi ko nga sila nilalapitan o kinakausap, kusa na lang silang lumalapit sa akin," sagot ko rito. Totoo naman, eh. Wala akong matandaan na may ginawa akong masama sa kanila. "Eh bakit nila ginagawa 'yan sa 'yo?" tanong nito. "Noong isang linggo lang tatlong beses kang idinala dito dahil sa kanila. Noong isang araw naman naligo ka sa pintura dahil sa kanila na naman, at ngayon tignan mo ang sarili mo. Nandito ka na naman dahil sa kanila. Kung hindi sila titigil. Hindi ako magdadalawang isip na isumbong sila sa mga magulang mo." Ang daldal talaga ng Aera na iyon. Hindi ko na nga sinasabi kay Yaya Flora kung sino ang nambubully sa akin dahil ayaw ko talaga ng gulo. "H'wag po, Yaya Flora. Alam niyo naman po ang mangyayari, hindi ba?" natatakot ang boses kong wila. "Dapat ang mga batang 'yon ang nag-isip ng mga bagay na 'yan. Kilala nila ang magulang mo, Rizel. Alam nila kung anong mangyayari kapag pinagpatuloy nila ang ginagawang pambubully sa 'yo. At kapag nalaman ito ng Mommy at Daddy mo malalagot sila damay na rin tayong dalawa," mahabang paliwanag niya. "Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga magulang mo? Na hinahayaan kitang saktan ng mga 'yon?" "Hindi na po mangyayari 'to, yaya Flora. Promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Tandan na tutuparin ko ang sinabi ko. "I don't let them do this at me, again... H'wag niyo lang pong sasabihin." "Hindi ikaw ang mangangako, Rizel. Kung hindi ang mga batang 'yon," sabi nito at itinuro pa ang pinto ng kwarto na ang tinutukoy ay sila Jeka. "Yaya Flora, naman..." "Ano? Muntik ka nang mamatay dahil sa kanila?" naiinis ang boses niya. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Maraha akong tumango. Hinawakan ko ang braso niya. "Pero, yaya Flora. Please. H'wag po kayong magsusumbong kay mommy. Please. Promise po hindi ko na hahayaan na ulitin nila ito sa akin," pagmamakaawa ko sa kaniya. Ayaw ko lang talaga ng gulo. Kaya ayaw kong magsumbong. "Siguraduhin mo lang bata ka. Ni minsan ay hindi ko nakitang sinasaktan ka ng magulang mo at kahit pagtaasan ka ng boses hindi nila ginawa. Ngayon hinahayaan mo lang sila sa ginagawa nila sa 'yo," sabi niya. "Yaya Flora... Pati ba naman 'yan dapat pang sabihin?" Naiilang ko itong tinignan. "Ay, aba dapat lang, Hija. Wala silang karapatan gawin 'yan sa 'yo." "Opo, yaya Flora. Alam ko 'yon," wika ko dito. "Pwede po bang umuwi na tayo? Hindi ako komportable sa lugar na 'to." "O siya. Magpahinga ka muna sandali d'yan at siyang aayusin ko ang bill. Kakausapin ko na rin ang doctor na tumingin sa 'yo," paalam niya bago ito naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD