Mabait na anak

1028 Words
Anak gising na, umaga na pupunta ka sa mansion ngayon.. Maaga dapat ang punta mo dun at ngayon ang dating ni Senyorito Hunter mula sa competition nya abroad. Panggigising sa kanya ng Nanay nya.. Nanay naman ang sarap pa ng tulog ko eh, hindi ko din natapos ang panaginip ko. Dabog ni Mia ngunit gumising na din at ayaw naman nitong talakan na naman ng ina. Abah may continuation na pala ang panaginip ngayon. Tumayo ka na dyan. Pinag-usapan na natin diba na maaga ka dapat gigising at madami pang aasikasuhin sa mansion.. Paalaala ng ina nyang si Clara. Dalawa na lang sila ng nanay nya ang magkasamang namumuhay dahil noong isang taon namatay ang tatay nya dahil na rin sa komplikasyon sa baga nito. Nagtatrabaho ang tatay nya sa pabrika ng mga pintura at hindi naman maganda ang safety protocols sa kompanyang iyon kaya nagkasakit ang tatay nya. Dala na din ng katandaan nito kaya hindi na din nagtagal at madami ng sakit ang dumapo. Mahirap lang din sila at hindi naman matustusan ang panggagamot sa ama kaya binawian na din ito ng buhay. Nagsusumikap si Mia para mabigyan nya ng magandang buhay ang ina. Ipinagpasalamat na lang nilang mag-iina na may SSS ang ama at yun ang ginastos nila hanggang sa mailibing ito. Anak pasensiya ka na hindi na kita mabigyan ng magandang buhay.. Basta pangako mo sa akin na magtatapos ka ng pag-aaral. Sisikapin kong matulungan ka sa abot ng aking makakaya para makatapos ka at maiahon tayo sa hirap. Oo naman Nay, magsusumikap ako na makatapos para hindi na tayo maninilbihan.. Siya si Mia Manlapat, 22 taong gulang nag-iisang anak ni Clara Manlapat at namayapang si Antonio Manlapat.. May pangarap sa buhay. Nag-aaral twing weekdays at weekend naman tumutulong sa paninilbihan sa mga Delaverde. Business Ad ang kursong kinukuha nya kasi balak nya magtayo ng negosyo para makatulong sa Nanay nya. Pangako ko sayo Nay magkakaroon tayo ng sariling negosyo balang araw, sabi nito sa ina. Oo na anak, may tiwala naman ako na magagawa mo iyon. Basta sa ngayon, bilisan mo na ang kilos mo at baka mapagalitan tayo dahil wala pa tayo sa mansion. Si Nanay talaga nag-eemote pa ako bigla na lang sinupla. Oo Nay pupunta tayo doon pero syempre maliligo muna ako at darating ang aking sinisinta. Pakwela pang sabi ni Mia Naku tigilan mo ko dyan sa sinisinta mo. Anak huwag mo na muna unahin ang pag-ibig, unahin mo na ang pagligo at medyo pabulok na ang amoy mo nak, pagbibiro na din ng ina. Saan mo na naman nakuha yang punchline na yan Nay abir? Sabay bulanghit ng tawa. Maligo ka na ang dami mo pang sinasabi. Putol nito sa idadagdag pa sana ng una. Mabilis lang ako Nay promise.. At binilisan na ang pagligo nito.. Sa mansion din naman sila nakatira, nakabukod lang ang servants quarter na medyo mahaba din ang lalakarin papuntang mansion. Napakalawak kasi ng mansion ng mga Delaverde na may napakagandang landscape. Kumain ka na muna, tumawag naman ako sa mansion na pupunta na tayo dun, ok lang naman daw at hindi pa naman ganun kabusy ang mga tao doon.. Kahit doon na ako kumain Nay, sabi ng dalaga at nagkukumahog na itong pumunta sa mansion. Gusto na din nya makita ang lalaking nagpatibok sa puso nya na sa picture lang nya nakikita. Ito na ang pagkakataon nyang masulyapan ang binatang hinahangaan. Palaging nasa ibang bansa si Hunter Delaverde, ang panganay na anak ng mga Delaverde. 25 taong gulang na ang binata. Sa ibang bansa din halos ito naninirahan sa kadahilanang doon ginaganap ang kompetisyon nito sa motocross. Isa itong world champion sa motocross. Maraming achievement na nakamit. Isa din itong numero unong playboy, kung magpalit ng babae ay para lang nagpapalit ng damit. Hindi naman lugi ang mga babae dito kasi napakagwapo ng lalaki at isa din sa pinakamayang atleta. Pinipilahan din ng mga endorsement na syang pinagkakakitaan nito bukod din sa napapanalunang karera. May mga kapatid din si Hunter, si Chase 23 taong gulang, Gavin 19 taong gulang at ang bunsong si Matilda 12 taong gulang na nag-iisang babae. Kapag naglilinis si Mia sa mga Delaverde, nakita nya ang litrato ng magkakapatid at napukaw ang atensyon nya sa panganay na si Hunter, mysterious looking guy with an expressive eyes.. Yun ang nababasa nya sa libro na maihahalintulad nya sa binata.. Hindi pa nya ito nakikita ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso may pitak na ang binata.. Isa lang itong pangarap na mahirap abutin. Papunta na siya sa mansion ng masalubong ang bunsong anak ng mga Delaverde.. Magandang umaga senyorita Matilda. Pagbati nito sa napakandang bata. Hello Ate Mia, pupunta ka na ba sa bahay? Ngiting sagot ni Matilda.. Oo senorita, tutulong ako doon para mas maaga matapos, kayo po saan ang punta nyo? Hinahanap nga sana kita ate kasi magpapaturo ako sayo sa home work ko. Alam kong matutulungan mo ako dito. Paglalambing ng dalaginding. 12 years old pa lang si Matilda. Pasensya ka na kasi nahuli ako ng gising.. Mamaya na kita tuturuan at madami pa akong gagawin ha.. Pupuntahan na lang kita pagkatapos ng gawain ko promise. Nanumpa pa si Mia para maniwala ang dalaginding sa kanya. Ok ate Mia aasahan ko yan, at yumakap pa sa kanya si Matilda.. Si Matilda ay mabait sa kanya at una nyang nakasundo sa magkakapatid.. Ang hindi na lang talaga niya nakadaupang pala ay ang kanyang hinahangaang si Hunter.. Inaasahan na nyang makita ngayong araw ang binata na parating kaya mayroong salo-salo sa mansion. Inaasam nya ang araw na ito kasi minsan lang umuwi ang binata sa bansa. Sa minsang pag-uwi nito ay hindi rin naman nya nakikita kasi nag-aaral din siya. Tanging picture lang nito ang nakikita nya at sa magazine na nasa sala ng mansion nakalagay. Hindi man nya madalas makita ang binata sa personal, nakikibalita naman siya sa mga kasamahan nya na kinikilig din sa binata. Talaga naman kasing gwapo si Hunter. Yun nga lang hindi naman pwdeng dibdibin masyado at suntok sa buwan kung papansinin din siya ng binata. Sulyap na lang siguro pwede pa.. Sinarili na lang ng dalaga ang iniisip at baka hanggang panaginip lang yun mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD