Chapter 1

1451 Words
The Antagonist's Beginning Nahagip ng mata ko ang lalaking natumba sa kanyang bisekleta. Sino yon? Tinignan ko siya sa aming glass wall nang may pagtataka sa mukha. Nakita kong napatingin din siya sa'kin at parang sinasabi sa kanyang mga mata na kailangan niya ng tulong. Bakit ba hindi tinted itong glass wall namin sa bahay? Oh come on, that kid must be from that poor village beside this exquisite subdivision where my family lives. Dapat na-demolished na yung mga bahay doon, eh, para wala nang palaboy-laboy sa kalsada namin dito. They are trespassing. And it's punishable by law. Napaiwas ako ng tingin sa lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa grand staircase namin na parang wala akong nakita kanina na humihingi ng tulong sa'kin. Ugh! Mamaya na nga lang ako magtitimpla ng gatas. Lumipas ang ilang araw at bored na bored na talaga ako sa loob ng bago naming bahay. We moved here two weeks ago and I haven't socialize with any human beings aside from my father, who, is always busy with his paperworks, and my mother, who, is always busy with her write-ups too. She's a famous anchor from world-known network in our country while my father is a public prosecutor in the city. Basically, they're not that close to their only daughter and I understand that. "Where are you going?" my father asked when I went downstairs. "I want to take a walk outside." "No, it's too dangerous." "Why?" "Just do what I've said. Don't go outside without my permission." Believe me, I tried to control not to roll my eyes but I just couldn't. Ano ba naman yan! Am I rapunzel here? Ugh! If I could make time faster, ginawa ko na para matapos na itong bakasyon at balik-eskwela na. Mas marami pa ang gala ko during school days kaysa bakasyon. Vacation went too slow. I'm an incoming senior high school student so I did some advance study para hindi naman masayang ang oras ng so-called bakasyon ko. I didn't enjoy it. Sino ba namang ma-e-enjoy sa loob ng kanyang kwarto buong bakasyon? I'm tired using social medias. I badly want to live in real world. Kaya gustong-gusto ko na talaga makalabas sa bahay namin. As I stare at the enormous road in our village, I can do so much outdoor activities here. I wear off my eyeglasses and went to my window. Pumunta ako sa gilid at doon isiniksik ang katawan upang umupo at mapagmasdan ang kabuuan ng village. Maraming puno sa gilid ng sementadong kalsada. Yun nga lang, sinimulan nang putulin ang iba upang gawing bahay. Nasa third floor ang kuwarto ko kaya kitang-kita ko ang isang maliit na village hindi malayo sa bahay namin. May mga bata na naglalaro ng chinese garter, tumbang-preso, may nagbibisekleta din, may naglalaro ng patintero. Mukhang masayang-masaya sila kahit ganoon lang ang kanilang pamumuhay. I smiled at the thought. Kailan kaya ide-demolished ang kanilang mga bahay para wala ng tresspassers na pupunta at maglalaro sa loob ng village namin? Didn't they know na kaya nga nilagyan ng matitinik na barriers para ihiwalay sila sa amin? Sa mga home owners ng subdivision na'to? Bakit marami pang mga tao ang nagbibisekleta dito sa amin gaya na lang ng lalaking 'to? Tinanaw ko ang isang lalaking nagbibisekleta sa gilid ng aming bahay. His bicycle isn't even eye-catching. Medyo rusty na yung kadena. Huminto siya sa tapat ng bahay namin at hindi ko inakala ang kanyang susunod ma gagawin. O my freaking God, did he just use his saliva as a freakin' gel to fix his hair? Nakita kong ginawa niya pa talagang salamin ang glass wall namin sa ibaba para tignan kung maayos ba ang kanyang buhok. Due to my irritation, I grab one of my book, open the window, and throw it away on his face. Shoot! He fell on his bicycle and groaned painfully. That's what you get for trespassing again in our village. I think this kid is from that poor village. He shouldn't be here. "S-Sino yun?" Natatakot niyang usal at napatingin sa paligid. Tch, anong akala niya? Multo yung bumato ng libro? God, so pathetic. "Pssst!" I called him and crossed my arms at my chest. "What are you doing here?" I continued but his eyes keeps on roaming around. Rolling my eyes again, I said. "Dito. Sa itaas." "Sino ka? Bakit mo ako binato ng libro?" Aba, nagtanong pa at mukhang galit na galit dahil binato ko siya ng libro. "Huh? Libro?" maang-maangan ko sa kanya. "At anong sabi mo? Binato ka ng libro? How dare you accuse me, you intruder!" He smirked and get up on his knees. Itinuro niya bigla ang posisyon ng librong nahulog at nagsalita. "Look at the position of the book. It must came from above, not thrown away horizontally or vertically. And oh, by the way, you just showed up in front of me after you've thrown the book in my head. Now, tell me if I'm guilty of accusing you, or just admit yourself-" Napakagat ako sa labi at nagpakawala ng buntung-hininga. "Fine. Ako nga yung bumato sa'yo. So?" maarte kong sabi. Biglang umasim ang kanyang mukha. "Mag-sorry ka sa'kin." "Edi sorry." "Hindi dyan, dito sa harapan ko." "Anong-" "Sorry ang kailangan ko, hindi ano." I smiled sarcastically and close the window. "I already said sorry, it's up to you if you will take it." So much time wasting for this village boy, no fun at all. Bago ko pa maisara ang kurtina ay nagsalita ulit siya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagso-sorry sa'kin. Mismo. Sa harapan ko." Wow! Gusto niya pa talagang pumunta ako sa harapan niya, ah? Feel special, hon? Bahala ka dyan, mukhang uulan pa naman ngayon dahil makulimlim yung kalangitan kanina. A lightning striked and the flash didn't slip inside my room. Hindi ko na lang iyun pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. My friends will tease me if they'll know I become a booknerd after this vacation. It's not that I like it though, wala lang talaga akong magawa. A knock irritates me. "Sino yan?" tanong ko at hindi umalis sa higaan upang buksan ang pintuan. Unexpectedly, the door swung open and I saw my mother's angry face. Mabilis pa sa kidlat akong tumayo at pumunta sa kanya. "Mom? Ano pong kailangan niyo?" malambing kong sabi at kinuha ang kanyang kamay. "Oh by the way, medyo naguguluhan ako sa mga terms sa Philo. Can you check it out for me, please?" I even made a puppy eyes in front of her. God, this is a rare scenario na pumasok si Mommy sa loob ng kwarto ko because she's always busy, might as well grab this opportunity. "Anak, may naghahanap sa'yo sa labas. Isasauli daw niya yung libro mo." Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. What? Motherfuck, don't tell me yung lalaki kanina ay hindi pa umalis. I run fastly towards my window and push aside the curtains. Nakita ko ang lalaki kanina na nakatayo pa rin ngayon sa gitna ng ulan hawak-hawak ang libro na ibinato ko sa kanya. His rusty bicycle stands beside him, holding it, while his other free hand is holding my book. Maingay na sa ibaba, yung mga maid ay pilit siyang kinukumbinsi na pumasok sa loob ng aming bahay upang magpasilong dahil sa lakas ng ulan pero hindi siya nakinig. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa itaas, sa akin, at ngumiti. Alam kong plastic iyon. Pathetic! Stupid! Fool! Ano bang ginagawa niya? Ikina-cool niya yan? Pwes, hindi para sa'kin! Mas lalo ko lang siyang kinakaawaan in a rude manner. I don't want to help him. "That boy is stubborn. Ayaw niyang pumasok sa loob," sabi ni Mommy sa likod ko. "Really?" bulong ko. Nagtitigan pa rin kaming dalawa ng lalaki sa ibaba. "Then let him be, hindi naman natin siya kilala," sabi ko at isinarado ang bintana. I cuddled on my bed and said in finality. "I'm tired of reading, Mom. Can you... " "Okay, I'll try to convince the boy outside even if I know you did something to him, I'll let it pass today." Hindi ko na lang pinansin ang last remarks ni Mommy. Why does she even care about that boy? Kilala ba namin siya? Tch, ang tigas naman pala ng isang 'yun. He dared to stand with his words. *** AUTHOR'S NOTE: Please keep on reading sa story kahit na teenagers pa sila. Gusto ko po kasing makita niyo ang character development nina Irene at Charles. Hinding-hindi po ka'yo magsisisi! Also, beke nemen maglagay naman ka'yo ng komento kung ano ang masasabi niyo sa story para malaman ko din kung saan ako nagkulang (awit) at saan dapat ko pa i-improve. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD