PROLOGUE

650 Words
PROLOGUE Kailan ba masasabing wala na ang pag-ibig sa dalawang nagmamahalan? Masama ba ang mangarap at isantabi muna ang nararamdaman dahil sa ninanais na makamtan sa buhay? Napaka payak lamang ng pamumuhay namin ngunit may mga pangarap naman ako sa buhay. Isinantabi ko na iyon simula nang tumigil na ako sa pag aaral sapagkat hindi na iyon kayang tustusan nina lolo at lola. Sa murang edad ay pumanaw na kasi ang mga magulang ko. Lubos akong nalulungkot noon. Ngunit nang makilala ko ang unang lalaking nagparamdam sa akin na maikli ang buhay at kailangang pahalagahan ang bawat oras na dadaan ay natuto akong pahalagahan iyon maging ang natitirang pamilya ko. Kaya simula noon ay nagtrabaho ako bilang tour guide sa Isla Verde at totoo nga dahil kasabay ng pagmahal ko sa Isla ay unti unting nawala ang lungkot sa puso ko bilang isang ulilang anak. Bawat turistang dumarating sa isla ay mataas ang tingin ko sa mga ito. Dahil sa kanila ay unti-unti muling nabuhay ang kagustuhan kong makapagtapos sa pag aaral at ituloy ang pangarap ko sa buhay. Ang ibang turista naman ay ine-enganyo pa akong lumuwas patungong Maynila dahil gagawin daw akong model sa mga magasin ngunit wala doon ang interes ko. Malakas pa naman sina lolo at lola at pwede ko pa silang iwan dito sa probinsya kung gugustuhin ko lang ngunit hindi muna sa ngayon. Minsan ay tumutulong na lamang ako sa bukid nina lolo at lola kung walang turista. Napakarami kong gustong gawin sa buhay ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Mahal, pumunta ka raw sa bahay bukas, may kaunting salu-salo na ihahanda si nanay. Kaarawan kasi ni tatay," saad ng kasintahan kong si Omar. Nasa kusina kami ngayon. Kasalukuyan kong binabantayan ang nakasalang na takuri dahil kanina ko pa gustong magkape. Alas tres na pala ng hapon. "Naku, ang sabi ni Mang Dencio ay may turistang paparating daw bukas. Gusto ko sanang pumunta ngunit abala naman ang mga kasama ko kaya walang mag-aasikaso sa turista kung sakali. Pasensiya ka na," "Gano'n ba, mahal? Ayos lang, maiintindihan naman nina nanay at tatay," Kumulo na rin ang tubig na nakasalang kaya binaba ko na iyon saka nilagyan ang apat na baso. Nagtimpla ako ng kape at kinuha ko naman ang minatamis na saging na niluto ko kani-kanilang. Pumunta kami sa sala habang dala ang meryenda saka ako lumabas at tinawag sina lolo at lola na nasa garden. Nagpunas sila ng pawis at naghugas muna bago umupo at nagmeryenda. "Lo, la, huwag kayong masyadong magbabad sa ilalim ng araw, mamaya niyan magkasakit kayo," saway ko sa kanila. Masyado kasi silang masipag. Ang totoo ay halos ginawa na nilang garden ang paligid ng bahay. Ngunit ang maganda doon ay hindi na namin pinoproblema pa ang pang-araw araw naming lulutuin. Tapos na kaming magmeryenda kaya bumalik na sa garden sina lolo at lola. Pareho na silang nasa edad 60 kaya nagagawa pa nila ang gusto nilang gawin sa bukid. Pinasok ko sa kusina ang mga basong ginamit namin. Sumunod pala si Omar. "Mahal, uuwi na ako," napakabait niyang tao. Nginitian ko siya pabalik. "Walang anuman," Tatlong taon na kaming magkasintahan ngunit sa nagdaang taon na iyon ay pinakita niyang mataas ang respeto niya sa akin. Minsan ay nag-aalangan pa siya kung pwede niya na akong yakapin. Kung gaano ako kainosente ay mas inosente pa siya. Masasabi kong masaya kami. Natuto na rin akong makuntento sa kung anong mayroon sa amin. Ngunit, mayroon pa ring parte sa akin na hinahanap ang isang bagay na hindi ko mawari kung ano iyon. Bago umalis sa bahay si Omar ay nilingon niya ako saka ngumiti. Iyong ngiting puno ng pagmamahal. "Aalis na ako, mahal," siya. Kahit luma na ang suot niyang damit ay tumitingkad pa rin ang kanyang kakisigan. Napaka simple niya at napakabait pa. "Ingat ka hah?" at kumaway ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD