Ang Barya

1403 Words
Dollar's POV   Lunes talaga ang favorite kong araw. Bakit? Teka lang lalagpas muna 'ko kay Manong guard. Okay nakalusot ako! *Grin Napatunayan kong 'when you look people in the eyes, di na nila mapapansin kung anong suot mo... at makakalusot ka hindi lang kay Manong Guard kundi pati sa rules ng school na 'to tungkol sa complete uniform. (^_^) Medyo talented ako sa ganyan.  "Dollar!" Napamulagat ako nang marinig ko ang pagtawag ng tanging tao na hindi ko malusutan. Pero siya din ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang araw na ‘to, lumingon muna 'ko sa may-ari ng matinis na boses na tumawag sa 'kin at saka humanda sa pagtakbo nang mabilis... Ito ang hinahanap ko palage, adrenaline rush. Kapag kase hinahabol ako ni Stacy, ang isa sa mga bida-bidang officers ng Student Council ng University, mas napapabilis ang pagpasok ko sa unang subject ko ngayong araw. Enjoy ako sa pagtakbo kesa pakinggan ang mga sasabihin niya sa mukha ko na mga school rules and regulations na nilabag ko. Unang tuntong ko pa lang kasi dito ay pinag-iinitan na niya ‘ko! Ano bang masama kung: 1. Naka-flat black shoes ako? Required kasi na two inches ang sukat ng heels na isusuot, asar ha, ayoko ngang magsuot ng ganon kataas, naglalakad ako papasok sa school atsaka gusto kong madali akong makakatakbo. 2. Wala akong ID? Nakalimutan ko, nakasabit ‘yon sa salamin eh. 3. Naka-highlights daw ang buhok ko? Tss… Natural 'yan, ayaw maniwalang medyo mestisa ako Uhm iyan lang naman ang sa tingin ko ay napansin ni Stacy, pero minsan pag naaabutan niya ako ay marami pa siyang napupuna katulad ng kung bakit daw nakatupi ang long sleeves ko. Well, mainit kasi lalo na at hanggang lunch break ay hina-hunting niya ‘ko. At wala sa tamang sukat ang skirt ko na parang kinapos sa tela at ire-recite na niya ang favorite piece niya tungkol sa pagiging hindi magandang ehemplo sa mga estudyante lalo na at Chairwoman ako ng klase. Haay…  Di ko naman siya iniintindi madalas dahil nga palage ko siyang tinatakasan pero sana lang tigilan na niya ‘ko soon. Tss! Mas binilisan ko ang pagtakbo, binebelatan siya kapag nililingon ko siya. Bwahaha! "Dollar Mariella Viscosss!" sigaw pa din niya. Malawak lawak din 'tong University namin kaya sige lang ako sa pagtakbo lang, walang pakialam kung may nabangga na grupo ng mga estudyante na parang hahabulin din ako. Sorry!  Nilingon ko ulit si Stacy, medyo malayu- layo na rin ako pero nakita ko pa din nang may kinausap siyang mga estudyante at tinuro ang direksyon ko.  Aba’t! Humingi ng back-up! Ano ba kasing problema sa kanila, bakit ganon na lang ang pagsamba nila sa rules and regulation samantalang ilang pirasong papel lang naman iyon di ba! Oo, oo ganyan kabaluktot ang prinsipyo ko. Sinisisi ko sa dalawa kong kaibigang lalake na walang kinatatakutan kundi lumilipad na ipis. Pumasok ako sa isang room nang medyo nakayuko... pinakiramdaman ko muna ang paligid... Hmn...walang tao ah, tahimik... Lumilinga-linga 'ko.  "Aray kup---!" Masakit iyon! Nabangga ang paa ko sa kanto ng paa ng lamesa. Natuloy na ako sa pag-upo dahil sa kawawa kong paa (Y_Y) Ang bilis ng karma ngayong umaga ha! Narinig ko ang boses ni Stacy, lalo na at hindi ko pala nasarado ang pinto. Nagtago na lang ako sa ilalim ng lamesa, nagtataka dahil bakit may mge desks? Mukhang hindi naman ito faculty room. Ilang semester na ‘ko dito pero naliligaw pa din ako sa University. Naglakad ako nang paika-ikang nakaupo. Hmn? Imagine-in nyo na lang kung paano ko iyon ginawa. Tumawid ako sa kabilang hilera ng mga lamesa, sa hindi makikita nila. Bakit nga ba umabot sa ganito ang adrenaline rush na hinahanap ko? Kung kinausap ko na lang si Stacy ay di nakapasok na sana 'ko sa klase ko. Pero huli na, pag nahuli niya ‘ko ay baka kaladkarin na 'ko sa Guidance Office, kahit hindi talaga ako sigurado kung anong violations ko. Nangalumbaba na lang ako habang himas-himas ang kaliwang paa ko. Nasa ilalim pa din ako ng lamesa. Hay, ano nga ba tong room na napasukan ko? Nagpalinga-linga 'ko at dahil nasa ilalim nga lang ako ng lamesa (paulit-ulit talaga?!) ay limited lang ang nakikita ko, katulad ng isang pares ng malaking… black leather shoes? Hmn.. Inangat ko pa ng medyo ang tingin ko.... A pair of legs... Mukhang strong... halata kahit naka-slacks.... Hmn...paano kaya to sumipa? Malakas din kaya talaga? Higher...and higher..... "TEKA! ARAY!" Sa sobrang pagkagulat ko ay masyadong napa-exag ang pagtingala ko kaya umumpog sa lamesa ang ulo ko. Paa at ulo ko na ang nasaktan, ano kaya ang sunod? Balikat, tuhod? Kasi naman pag-angat ko ng tingin ay biglang umurong 'yong swivel chair at niyuko ako ng may-ari ng pair of legs na tinitingnan ko! "Are you done?" came that baritone voice. At sinilip ako sa ilalim. Do you know that dangerous and serious look on his handsome face? I almost gasped, hindi na dahil sa sakit ng nasaktang body part. Bumalik ang adrenaline came ko, mas matindi pa dahil sa ginawa kong pagtakas kay Stacy. Huli na nang ma-realize ko kung gaano katanga ang pagkakaupo ko sa ilaim ng lamesa, nakahawak ang kaliwa kong kamay sa nasaktan kong kaliwang paa at ang isa naman ay nakasapo sa nasaktan kong bumbunan. Okay, idagdag nyo na din na medyo napanganga ako sa nakita ko, at huli na din nang ma-realize ko kung gano kasagwa para sa ibang makakakita na may babaeng nasa ilalim ng lamesa habang may prenteng nakaupong lalake sa harap nito. Eeeng!!! Hindi niya na kailangang magsalita para itanong kung anong ginagawa ko sa ilalim ng lamesa. His eyes asked it all, nadoon ang paninita and amusement? No, imagination ko lang yata  'yon because I'm sure that this serious-looking guy is the type na hindi madaling mapaluguran at ano nga ba ang nakaka-amuse sa posisyon ko sa ilalim ng lamesa? And why does he have to look verrry handsome kahit visible sa mukha niya ang kaseryosohan?  Hinamig ko muna ang sarili ko and slowly give my sweetest smile ever! "Hello! Gumulong kasi 'yong barya ko and I think sa direksyon na 'to 'yon pumunta, teka 'asan na ba iyon?" with matching linga-linga pa sa sahig. Thank God for giving me the talent sa bilis sa pagdadahilan. Nakatingin lang siya sa 'kin, hindi nagbabago ang kaseryosohan sa mukha. Parang sinusubok kung totoo nga ang pinagsasabi ko. Ngiti at beautiful eyes lang katapat nito. "Can you walk?" tanong niya at pinagkrus niya ang mga braso niya at patamad na sumandal sa headrest ng upuan. "Ha? Oo naman…" at lumabas na 'ko sa ilalim ng desk niya. Haaay, napasarap ako dun ah. Humakbang ako at mas naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko.  -_- Nang lumingon ako sa kanya ay busy na siya sa kung anu-anong sinusulat niya at noon ko lang napansin na naka-school uniform siya. Hmn, he must be one of the students in the higher years. Ngayon ko lang siya nakita pero sabagay, madami din namang estudyante sa school na to. Ano kayang schedule ng pagpasok niya? *Grin "Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?" tanong niya nang hindi nag-aangat ng tingin sa'kin OO, OO! Ikaw na, ikaw ang hinahanap ko! "Ahm pwede bang bumalik na lang ako, kasi male-late na ko." Pa-cute ko. Saka niya 'ko tiningnan. Okay, I know that questioning look. Sino nga ba namang mag-aaksayang hanapin ang nawawalang barya kundi ako lamang, at imaginary barya pa!  "Lumang barya na kasi iyon, alam mo na pamana pa sa 'kin, iniingatan ko kasi baka after 10 years, malaki na lalo ang value niyon pag pinapalit sa bangko" palusot ko. Tumango lang siya. Di ko alam kung naniwala nga sa 'kin si Unsmiling Prince,  'di ko mabasa ang reaction ng mukha niya, poker face, and that made him had that mysterious vibe. Ayoko pa sanang umalis pero late na ‘ko sa Statistics. Tsk! "Sige sa susunod ulit ha!" paalam ko sa kanya at nag-wave pa. Paatras na naglalakad habang hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya pero sandaling tumigil sa pagsusulat at tiningnan lang ako. Destiny ang paghabol sa ‘kin ni Stacy kanina, ang pagtatago ko sa room at ang pagkauntog ko. I found a very interesting guy and I will call him my Unsmiling Prince, bwahaha! Hindi maalis ang ngisi ko habang tinatakbo ko ang papunta sa classroom namin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD