PROLOGUE

1180 Words
K E N A N “Uhmm, Kenen?” Tumingin ako kay Joyce na aking kamag-aral, nahihiyang lumapit siya sa akin at para bang impit ang kaniyang boses. “Joyce? Bakit?” tanong ko rito at sinara ang hawak kong libro. “Ano kasi...” Hindi ito makatingin sa akin nang diretso at pulang-pula ang mukha nito kaya naman hinawakan ko siya sa noo sa pag-aakalang may sakit siya. “Ayos ka lang ba?” Nilapit ko ang mukha ko sa kaniyang mukha kaya naman mas lalo siyang namula sa aking ginawa. Nagtaka ako at bigla siyang pumikit at bahagyang ngumuso sa akin. “Joyce? Anong ginagawa mo?” tanong ko rito at bahagyang nilayo ang kaniyang mukha dahil naaamoy ko ang kaniyang hininga na hindi kaaya-aya ang amoy. Magsasalita na sana si Joyce nang may biglang sumigaw nang malakas kaya naman nawindang ako. “KENAN!!! HINDI BA AT SABI KO AY ISANG LINGGO KANG BAN DITO SA LIBRARY!!??” Napakamot ako sa aking ulo dahil galit na naman si Madam Sales na Librarian dito sa aming paaralan. “Pasensya na po, Madam Sales. May kinailangan lang po kasi akong basahin para sa project namin,” saad ko at para bang nakakita ako ng usok sa ilong ni Madam Sales kaya naman napalunok ako bago umatras ng isang hakbang. “Aalis na po ako,” sabi ko at sumenyas na lalabas na. Tumingin ako kay Joyce nakatingin lang din sa akin habang bahagyang nakanganga. Kumaway ako sa kaniya upang magpaalam. “Siguro ay sa susunod na lang tayo mag-usap, Joyce,” ani ko at nagpatuloy na sa paglabas sa Library. Isang araw na naman ang lumipas na hindi ako kumain ng tanghalian. Mamomoblema naman ako kung saan ako kukuha ng pang-kain ko sa gabing ito. Bakit naman kasi sa dinami-raming p’wedeng matanggal sa trabaho na ’yon ay ako pa ang napag-initan ng Boss namin? Napailing na lang ako bago magsimulang maglakad. “Hay nako, Kenan. Kailangan mo na namang maghanap ng bagong trabaho para mabuhay ka.” Saan naman kaya? Mahirap ang panahon ngayon, masyadong matataas ang standard ng mga trabahong gusto ko sanang pasukan. Kinapa ko ang aking bulsa at may nakapa ako ritong barya na ipapamasahe ko sa jeep. Habang naghihintay ng jeep na p’wede kong masakyan papauwi ay nagulat na lang ako nang may isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan. Ang akala ko ay magtatanong lang ito ng direksyon pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto nito at dalawang lalaking nakaitim ang lumabas at pinagtulungan akong ipasok sa kanilang sasakyan. Manlalaban pa sana ako pero naramdaman ko na may kung anong tumusok sa aking balikat at unti-unting nanlabo ang aking paningin. ‘Sino ba ang mga taong ’to?’ Nagising ako sa isang silid na maganda at mabango. Nakahiga ako sa malambot at mabango na kama kaya naman nalaman ko agad na hindi ko pagmamay-ari ang hinihigaan ko. Pumikit pa ako dahil pakiramdam ko ay nahihilo pa rin ako. “Ahh,” daing ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng balikat ko na para bang may tinusok do’n na kung ano. “Gising ka na pala.” Agad akong napadilat nang may marinig akong isang boses anghel. “Bumangon ka na d’yan at naghihintay na ang Pari sa atin,” anito kaya naman bumangon ako upang tingnan siya. “A-ano... S-sino ka?” tanong ko rito dahil blurd pa rin ang paningin ko kaya naman hindi ko siya makita nang maayos. “Sila Recco talaga, sabi ko ay mahinang gamot lang ibigay sa’yo,” aniya kaya naman na ngunot ang aking noo dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. “S-sino ka ba?” tanong kong muli rito at umiling para luminaw na ang aking paningin. “Mamaya ka na magtanong nang magtanong, bumangon ka na d’yan at hinihintay na tayo ng Pari.” Ano? Pari? Aanhin namin ang Pari? “Teka! Teka, Pari? Ano naman ang gagawin natin sa Pari?” tanong ko rito at tumingin naman ito sa akin na nakakagat sa kaniyang pang-ibabang labi habang nakapamaywang. “Tumayo ka na d’yan kung hindi ay habang buhay ka nang matutulog,” sabi niya kaya naman nanindig ang aking mga balahibo dahil sa kaniyang sinabi. Nakakatakot ang babaeng ’to. Maganda sana siya ang kaso ay mukhang sadista. Tiningnan ko ang aking sarili at nakita kong nakasuot na akong ng isang mamahaling tuxedo kaya naman mas lalo akong naguluhan. “Tumayo ka na sabi d’yan!” Dali-dali akong tumayo dahil biglang nagtaas ang kaniyang boses. “Lumapit ka rito,” sabi niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kaniya pero hindi ako gumalaw at nanatili sa aking kinatatayuan. “S-sino ka ba talaga? At saka bakit may Pari na naghihintay sa atin?” tanong ko rito pero hindi na siya sumagot at mabilis na naglakad papalapit sa akin. Hinawakan niya ang kurbatang suot ko at hinila. “Kung ganiyan talaga katigas ang ulo mo ay siguradong masasaktan ka lang sa akin,” saad niya at nagpatuloy sa pagkaladkad sa akin. “S-sandali, nasasakal ata ako,” ani ko at hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking kurbata pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya ro’n. Napansin ko na para bang napakagara ng hallway na nilalakaran namin. Bahay ba ’to o palasyo? At saka nabanggit niya rin na may Pari na naghihintay sa amin. Ano naman ang gagawin namin sa pari? Pero ano ba talagang ginagawa ko rito? Ang naaalala ko ay nag-aabang ako ng jeep na masasakyan ko at... At... At may isang sasakyan ang huminto sa harap at may dalawang lalaki ang lumabas at pinasok ako sa loob tapos... Wala na! Wala na akong maalala! Ibig bang sabihin ay na biktima ako ng ki*nap!? Pari? Pari? Baka dadasalan muna nila ako bago k*tayin at ibenta ang mga parte ng katawan ko sa ibang s*ndikato? Napalunok ako sa aking naisip. Ayaw ko pang m*matay, mahal ko pa ang buhay ko at saka may utang pa ako kay Aling Lourdes na kailangan bayaran. Hindi siya tumigil sa pagkaladkad sa akin hanggang sa makarating kami sa isang k’warto. Pabalibag niya akong binitawan kaya naman muntik pa akong masubsob sa sahig. Nanginginig ako na inilibot sa paligid ang aking mata. May dalawang lalaki ang nakita ko na nakatingin sa akin kaya naman napalunok akong muli. Sunod naman na nahagip ng aking paningin ang isang lalaki na nakadamit na pang Pari. Totoong Pari pa talaga ang magdadasal sa akin. ‘Katapusan ko na talaga.’ “P’wede na ba nating umpisahan ang misa?” tanong nang Pari dito sa babaeng nakatayo lang sa aking tabi. “M-m-misa? P-para saan?” tanong ko sa Pari kahit na may ideya na ako sa nangyayari. “Misa para sa kasal niyo,” sagot nito na nakapagpatigil sa akin. Para akong nanigas sa aking kinatatayuan at para bang nabingi ako ng ilang minuto dahil sa kaniyang sinagot sa akin. “A-ano po? P-pakiulit,” saad ko. “Ikakasal ko kayong dalawa,” sagot niya at nanlalaki naman ang aking mata dahil sa kaniyang sinabi. “KASAL!?” malakas na tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD