CHAPTER 1

3455 Words
FRIDAY, 7:30 p.m. Naglalakad ako patungo sa nakaparada kong sasakyan di-kalayuan mula sa aking pet clinic nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, nasa loob iyon ng sukbit kong pulang shoulder bag. Kinuha ko ito at saglit na tiningnan kung sino’ng tumatawag. Unknown number. Ah, baka meron pang magpapa schedule for check-up…I’m definitely sure hindi naman ito for emergency treatment dahil bihira lang naman nangyayari ang ganu’ng mga pagkakataon.  But just in case, I have no choice… pets are to be loved like our own children, they should also be treated with love and care like humans too. And this is my profession, being a vet.  “Hello…”  “Hi Cuz.” I have wrongly anticipated this call. Masayahing boses ni Monique ang nasa kabilang linya.  Napangiti ako. False alarm. Masyado lang siguro akong engrossed these days sa trabaho kaya ito kaagad ang nasa isip ko…Aminin mo na puro work related lang naman halos lahat ng naka save sa phone contacts mo, wala ng iba! Sigaw ng isipan ko, at napangiti na naman ako ulit sa aking sarili. Muling nagsalita si Monique. “Busy ka ba---No, I know you’re not!” Humagikhik ito sa sariling tanong at sagot na sinabi. “Remember it’s Friday. Friday night! You know what I mean…” Nai-imagine ko ang malapad na ngiti neto habang nagsasalita. “Yes I know it’s Friday evening already.” Paglilinaw ko. “At andito pa ako sa clinic, paalis pa lang.” Kaswal na sabi ko para ipahalata sa kanya ang hindi direktang pagtanggi sa anumang binabalak nyang gawin ngayong gabi. Pero walang epekto iyon kay Monique. She has decided! “Good thing. Pauwi ka na. Meron ka pang time magpahinga. Dadaanan kita sa condo mo mamayang 9:00 p.m. we will be having fun tonight! Sagot kita my dear cousin!” Rinig ko pa ang pahagikhik na pagtawa nito. “Monique…! Wait ---“ Subalit pinutol na nito ang conversation namin. Pagtut-tut na lang ng linya ang narinig ko. Si Engineer Monica Aguirre. Masayahin ito at malambing. Mahilig sa outdoors--fun and adventures. Kelan lang kami nagkakilala nito, wala pang one year. Ako lang ang nag-iisang babae sa lahat kaming magpipinsan kaya eventually naging magkakaibigan kami ng girlfriends ng mga ito. At ito ngang si Monique, girlfriend ito ng first cousin kong si Shalil. Parehong engineer ang dalawa. Pero si Shalil ay sa abroad nakapagtrabaho. Si Monique naman ay Project Engineer sa isang malaking construction company dito sa Manila pero sa Baguio ito nadestino. Twice a month lang ito kung lumuwas ng Manila. Sa tuwing nandito ito sa Manila minsan ay bumibisita ito sa clinic, nakikipagkwentuhan. O kaya minsan ay niyayaya akong kumain sa labas. Mabait naman ito at palakaibigan. Halatang may kaya ang angkan base sa kilos at pananalita pero napaka-down to earth nito. Dagdag pa ang maputi at makinis nitong balat. Naalala ko noong halos bago pa lang kaming magkakakilala ay natatawa pa ako sa tuwing tinatawag nya akong  ‘cousin’ at balewala sa kanya kahit may mga nakakarinig na ibang tao. Naisip ko masyado namang assuming ang babaeng ito pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Pero kung tutuusin ay magka-opposite poles kami ni Monique. Tahimik naman ako at kinahihiligan ang magbasa ng libro. Mas nanaisin pa ang manatili sa loob ng bahay kesa sa gumala. Siguro ay dahil sa ganitong surroundings ako lumaki…nag-iisang anak at sa pribadong eskwelahan na pinamamahalaan ng mga madre nag-aral mula primary grades hanggang kolehiyo. Sa madaling salita, the conservative type. Opposite poles attract each other ‘ika nga. Pagkauwi ay dumiretso na agad ako ng kuwarto. At nagbihis na din kaagad ng damit pambahay. Balak kong magpahinga muna bago maligo. Sinulyapan ko ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Forty-five minutes before nine. Meron pa akong spare time for a quick nap. Pero bago pa ako tuluyang makaidlip ay may narinig akong kumakatok. “Fyona…iha, ipaghahain na ba kita?” Boses ni Nana Selya, ang nag-iisa kong kasama sa condo unit. Ito na ang nag-alaga sa akin simula pa nung maliit ako hanggang ngayon ay kasa-kasama ko pa rin. Nakamulatan kong wala si Mommy sa tabi ko, nasa abroad ito nagtatrabaho bilang registered nurse sa Canada. Mag-isa nya akong itinaguyod. Pero ngayon ay nag-asawa na ulet ito, isang Canadian citizen, doon na din sila nakatira sa Canada. At si Daddy, sa picture ko lang nakita. Nasa tiyan pa lang daw ako ni Mommy nung iniwan kami ni Daddy, naaksidente ito. Plane crash. Si Nana Selya naman, hindi na ito nakapag-asawa. Hindi rin ito humiwalay sa akin. Itinuring din akong parang tunay nyang anak. “Hindi na po Nana. Busog po ako.” Sagot ko. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagsalita ulit si Nana Selya. “Puwede ba akong pumasok sa kuwarto mo? Puwede ba kitang makausap saglit?” “Sige po Nana. Pasok po kayo.” Bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok papalapit sa akin ang 55-anyos na si Nana Selya. Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga at muling sinulyapan ang alarm clock sa bedside table. Sa mga sandaling iyon ay alam kung papunta na si Monique. “Nag-long distance call kanina ang Mommy mo. Hindi ka na daw nakakatawag man lang sa kanya. May himig pagtatampo na nga ang boses ng Mommy mo kanina nung kausap ko.” “Umm…” Napakamot ako ng ulo. “Ganyan lang yan si Mommy. Hayaan nyo at tatawagan ko sya.” Tumayo na ako at tinungo ang wardrobe para kumuha ng damit na isusuot pagkatapos ko maligo. Fitted black jeans at sleeveless white blouse ang kinuha ko mula sa mga nakasalansang mga damit. Hindi na nagsalita si Nana Selya pero nanatili ito sa kinatatayuan. Nung nilingon ko ito ay nakita ko’ng sa akin pa rin ito nakatingin. “Bakit po Nana? May kailangan pa po ba kayo? Ang seryoso naman po ng face expression nyo.” “May binanggit kasi ang Mommy mo. A-ano, ahm---“ Halatang pilit inaalala ang susunod na sasabihin. Humarap ako kay Nana Selya at iminuwestra ang kamay ko para tulungan syang masabi ang kung ano man yo’ng gusto nyang sabihin sa akin. “Sige Nana, kaya mo yan. Maalala nyo rin po yan. Eh kung yong computers nga nag-lo-loading tao pa kaya.” Malapad ang ngiti ko sa kanya. At gumanti rin ito ng ngiti sa akin. “Sige iha, iisipin ko muna. Kanina lang nasa bibig ko na yon eh.” Tumango ako sa kanya. “Sige po.” Saka inilapag sa kama ang hawak ko na damit na isusuot. “May pupuntahan ka?” Tanong ni Nana Selya habang dun nakatingin sa inilapag kong damit. “Opo. Niyaya po ako ni Monique. Dadaanan daw po ako dito.” “Ah.” Tumangu-tango ang matanda. “Sige, mag-ingat lamang kayo sa pupuntahan nyo at gabi pa naman.” Paalala nito bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi nagtagal at dumating na nga si Monique. Naka-suot ito ng maiksing bulaklaking bestida, medyo hapit sa sexy niyang katawan, na tinernuhan naman ng puting sapatos. Walang ibang accessories sa katawan maliban sa maliit na pearl earrings sa magkabilang tenga at hawak-hawak na red pouch. Maiksi hanggang tenga ang itimang buhok, na bumagay sa cute face ng babae. “Shall we?” Masigla nitong sabi sabay hawak sa isa kong kamay at hinila na ako palabas ng unit. Ang energetic talaga ng babaeng ito, parang palaging full charge ang baterya kung kumilos, sa isip-isip ko. “Wait! Linawin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta… Would it be for the good of us or the opposite?” I portrayed like her older sister this time… but it’s true. Twenty-eight years old na ako at sya ay twenty-four years old lang, kung tutuusin four years ang tanda ko sa kanya. But at the back of my mind I know  higit na mas experienced ito sa outside world kesa sa akin, at most times. “Mag-u-unwind lang. Disco. Konting inuman. Magri-relax-relax. We have to release the week’s bulky stress, you know…at gusto kita isama once in a while para maiba naman ang paligid mo Ms. Workaholic Lady. Hindi puro trabaho lang tayo.” She sound matured. And realistic. DISCO BAR. Luminga-linga muna si Monique pagkapasok  namin ng bar. “Over there.” May itinuro ito sa kabilang dulo. “Tara.” Hila-hila na naman nya ako sa isang kamay habang sinusuong ang crowd ng mga babae at kalalakihan sa gitnang dance floor para makalapit kami doon sa itinuro ni Monique na mesa. Dalawang lalaki at isang babae ang nakaupo doon. Tingin ko halos mga kasing-edad lang din ni Monique ang mga ito. “Hey!” Halos magkasabay na sambit ng tatlong nadatnan namin. Kasunod nun ay isa-isang nag-fist bump greeting ang mga ito kay Monique. Malapad ang mga ngiti. “Your new friend?” Nguso nung isang tsinitong lalaki sa akin habang nakatingin kay Monique. Fair skinned at kulot-kulot ang hanggang batok na buhok. Kita ang magandang pangangatawan nito sa suot na black and white stripe shirt at fitted black jeans. “She’s my cousin, Fyona.” “Hi Fyona. I’m Greg.” Sabay kindat at ngiti nito sa akin. “I’m Lassy.” Sabi naman ng babaeng nakaupo sa pangtatluhang malambot na upuan na kulay brown. Saka binigyan ako ng fist bump greeting, that I then responded. Nginitian ko sya. Maiksi din ang buhok nito kagaya kay Monique. Bilugan ang mukha. Morena. Simple lang din itong tingnan. Yellow blouse at white shorts ang suot nito. Walang suot na anumang jewelry sa katawan. “Mike here.” Kaway ng isa pang lalaking nakaupo sa tabi ng nagpakilalang Lassy. Nakasalamin ito at mahaba ang buhok, mas mahaba pa ang buhok nito dun sa nagpakilalang Greg. Nakasimpleng gray shirt lang ito at meron pang punit sa magkabilang tuhod ang faded jeans na suot. Matipuno ang katawan, larawan ng kahit ano pang strenuous activities ay hindi uurungan. Ganun ba ang mga engineers sa company na pinagtatrabahuan ng mga ito…? Nagpapahaba ng buhok ang mga lalaki then maiiksi naman ang buhok ng mga babae…? Nahinto ang pagkilatis ko sa mga ito nang magsalita si Monique. “Mga kasamahan ko lahat yan sa trabaho, all engineers. And all of us are singles and fun loving hehe” Ngisi ni Monique. Pagkatapos ng maiksing pagpapakilala ay napili kong dun maupo sa corner sa tabi ni Lassy. Gusto ko ang pwestong iyon, isang ikot lang ng mga mata ko ay makikita ko na ang halos buong dancefloor. Pati na rin ang elevated space kung saan nakapwesto ang DJ of the night sa unahan ng dancefloor ay abot-tanaw ko rin. Pagkatapos malagyan ni Monique ng alak ang mga baso namin ay kaagad nya itong tinungga ang laman ng baso nya. Simot agad sa isang lagukan lang. Another glass. And another glass. Tatlong basong halos magkakasunod lang. Hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa kanya. Mukhang matatag ang sikmura ng babaeng ito sa alak. Madadaig pa ang lalaki sa regular lang na inuman. Lumapit si Monique sa akin at idinikit ang bibig sa tenga ko saka sinabi, “No worries Cuz, just enjoy this evening. We need this once in a while.” Tinapik-tapik pa ako ng mahina sa balikat. Napansin siguro ako nitong tila napatulala sa kanya habang walang tigil ang pangtungga nya ng alak. Pagkatapos nun ay nagkayayaan na silang magkakaibigan na pumagitna ng dancefloor. Habang lumilipas ang sandali ay papalakas nang papalakas ang kalabog ng malalaking speakers na nasa harap ng dancefloor. Nagva-vibrate na rin ito pati sa sementadong sahig. Walang tigil ang pag-ikot ng disco lights na nakasabit sa kisame, nagbibigay ito ng ibat-ibang kulay sa buong paligid. Ang gandang tingnan. Meron pang mga grupong naghihiyawan habang sumasayaw sa gitna ng dancefloor. Everybody is enjoying the night. This whole thing is new for me. Napapanood ko na sa movies ang ganitong scenes but in real this is my first time…is this a process of learning for me yet? Well then thanks to Monique I have experienced this kind of thing. Hindi bago sa akin ang alak. Minsan napapainom na rin ako sa mga birthday parties ng mga pinsan ko, one to two glasses of those expensive wines. Hanggang dun lang. Hindi ko naranasan ang maglasing ng todo. Ang halos hindi na makalakad ng tuwid. Yong nawawala na sa katinuan sa sobrang kalasingan.  Para sa akin, ‘A true professional should always be a professional in all doings. Has self-control. And be respected’. Kinuha ko ang basong nilagyan kanina ni Monique ng alak para sa akin. I sipped it slowly. Its ice cold. Parang walang lasa. Nang maubos ko ang laman ng baso ay naisipan kong magsalin ulit…and sipped it once in a while habang nanonood sa mga nagkakasiyahan sa dancefloor. Time is slowly ticking. Hindi ko napansin kung nakapang-ilang salin na ako ng alak sa baso ko. Nawiwili ako sa kakapanood sa mga ito. Napapasabay na din sa pagsayaw pati ang DJ, kinukumpas ang isang kamay sa itaas ng ulo. Nakasuot ito ng headphones. Pawisan sila Monique nang bumalik na sa upuan. Muling tumungga ng alak. Magkakasunod ulit. Ganundin ang ginawa ng mga kaibigan nito. “Go with us to the dancefloor in the next round.” Patungkol na sabi ni Monique sa akin habang hinihiwalay niya ang mga bote ng alak na wala nang laman. Pagkatapos ay tumungo ito sa counter at may sinabi sa isang crew sabay turo sa mesa namin. Kumaway pa ito sa isang customer na nandu’n din sa counter bago bumalik sa amin.  Then kinuha ang baso ko at agad sinalinan ng alak. “Hindi pa kita nakitang uminom. Drink this.” Hindi ako tinigilan ni Monique hangga’t hindi ko kinuha ang baso sa kanya. At nakisali na rin ang mga kaibigan nito. “Bottoms up, for our new group friendship.” Nakangiting sabi ni Greg. Sinaid ko ang laman ng baso bago ko ito ilapag sa mesa. Kamuntik pa akong mabilaukan. Nakailang lunok ako bago ko naramdamang naging normal ulit ang paghinga ko. Para akong batang merong cheering squad! “Yeheeyy!” Halos magkasabay na cheers nina Monique sa kanya. “One more! One more!” Muling nagsalin si Monique. Isinenyas ko ang isang kamay para pigilin ito pero ayaw paawat ni Monique. “One more Cuz. Just one more.” Pilit nito. Muli ko itong tinungga. “Good girl.” Ngumisi pa ito sa akin. Mamula-mula na rin ang mukha ni Monique. Halatang tinamaan na rin ito ng alak. At ako, unti-unti na ri’ng nakaramdam ng pagkahilo. “Anong oras tayo uuwi?” Bigla kong naisipang itanong kay Monique. The fact is, alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari. I have exceeded to my limit. Lasing na ako. “The night is still young…the dancefloor needs me yet!” Malakas na sabi nito. Muling nagsalin ng alak, pagkatungga nito ay hinila ito ni Lassy patungong dancefloor. Sumunod na rin ang dalawang lalaki nang masaid ang kanya-kanyang baso. Mas nadagdagan pa yata ang pagkahilo ko sa umiikot na disco lights. Saka medyo marami rin kung maglagay ng alak si Monique sa baso ko kanina. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Balak kong iwasan ang nakakahilong disco lights. “Hrrmm.” Dumilat ako nang may narinig akong tumikhim. Meron lalaking nakatayo malapit lang sa akin at sa akin ito nakatingin. “Hi.” He was smiling. Most of his face was shadowed by the cap he is wearing pero naaaninag ko ang mapuputi nitong ngipin. Kita ang matipunong katawan nito sa fit na kulay white long sleeve shirt. Sa madaling salita macho ito. “H-Hi.” Itinuwid ko ang ulo ko mula sa pagkakasandal. “Are you okay?” Tanong nya. Noon ko lang napansing hawak pala ng isang kamay nito ang baso na may laman pang alak at sa kabilang kamay naman ay jacket na kulay itim. “Hmm—yah, I am.” Sagot ko pilit inaaninaw ang mukha nito. Napansin ko ang lalaking ito kanina. Mag-isa lang nakaupo dun sa farthest side ng counter patalikod sa dancefloor. Nakatali ang lagpas balikat na buhok. Sinaid nito ang laman ng hawak na baso. Then bahagyang tumango-tango. Inilibot saglit ang paningin dun sa mga sumasayaw bago ibinalik ang tingin sa akin at ngumiti. “Okay. See you around.” At lumakad na ito palayo. Nang magpahinga ulet sina Monique ay nakailang buttoms up na naman sila. “Cuz tara sama ka na sa amin sa dancefloor! Even just for once! Nasa New Millennium Era na tayo…let’s enjoy! Bawasan na yong hiya sa katawan!” Hinila ako ni Monique patayo. “No. Dito lang ako. Panonoorin ko na lang kayo.” Pero may pagkamakulit na si Monique dala ng nainom na alak. Hindi ako tinitigilan. “C’mon. Come with us! You won’t regret it! I swear!” “No. Iinom na lang ako dito kesa sa sasama sa inyo sa dancefloor.” ‘Yon ang mga salitang namutawi mula sa bibig ko. Sa isip ko ay para tigilan na ako ni Monique. Pero iba pala ang pagkakaintindi nito sa sinabi ko.   “Did I hear it right? Iinom na lang daw sya. Pagbibigyan natin guys! ‘Yon naman pala eh.” Sabay salin ni Monique ng alak sa baso ko. “Here.” Matagal kong pinagmasdan ang basong hawak niya. Kakayanin ko pa ba? Sa pangungulit ni Monique ay tinanggap ko na ang bawat basong iaabot nya. Pero yong panghuli ay  nanatiling nasa baso na lang. Nasa mesa. Di ko na nainom. Di ko na kayang inumin. And this is no joke, huh! This is reality! Si Dr. Fyona Andrada ay lasing na! Kumusta naman ang alcohol tolerance level ko… Ipinilig ko ang ulo ko. Umiikot na talaga ang paligid ko, no, sa tingin ko kasama na pati mundo ko. Sobra. Clockwise ba ito or counter clockwise? Hindi ko na alam. Ganito pala ang feeling ng isang lasing. Parang pipikit na talaga ang mga mata ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko bumalik pa sila ulit sa dancefloor. Pero ako di ko na kayang ituwid ang ulo ko. Tinutukuran ko na ito ng kamay ko pero natutumba pa rin. This is crazy. Iba na rin ang pakiramdam ko sa sikmura ko. I feel I have to blow up. Siguro sa sobrang hilo ko…wait lang pipikit lang ako saglit. Saglit na saglit lang. Kaya ko to! Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising.  Masakit ang ulo ko. Pinilit kong bumangon. May appointment ako ngayon sa clinic. Nandoon din ang assistant ko na si Julie at Chen pero mas maiging nandoon din ako if ever they still need additional hands for the pets. “Teka’t iinitin ko muna saglit ang almusal mo.” Bungad ni Nana Selya sa akin nang makita akong lumabas na ng kuwarto ko. Itinigil muna nito ang pagva-vaccum sa sala at nauna nang tinungo ang kusina. Naupo na ako sa mesa at nag-aantay sa pinaiinit na pagkain nang muling magsalita si Nana Selya. “Nalasing ka yata kagabi. Buhat-buhat ka nung kasama nyong lalaki hanggang sa kwarto mo, kasama si Monique. Nadumihan mo pa nga ang puting damit ng lalaking ‘yon.” Napatakip ako ng mukha. Oh my God. She did blow up. Without knowing it. Nakakahiya naman dun sa kaibigan ni Monique. What happened last night was the worst…though it was the best experience i ever had for the first time! Nun lang nangyari sa akin yon. Medyo makulit na si Monique kagabi dala ng alak kaya ako napasobra ng inom. Ganun pa man I was responsible for my doings. Isa pa nandun naman si Monique at mga kaibigan nito. No wonder halatang open sa isa’t-isa ang mga magkakaibigang iyon. Pag sa tunggaan, tungga ng isa tungga rin ng lahat. Pati sa dancefloor magkakasama pa rin sila… One for all, all for one. At ako hindi rin nila pinabayaan, hinatid pa dito sa bahay. “Hayan, humigop ka muna ng mainit na sabaw pantanggal ng hangover.” Inilapag ni Nana Selya sa harap ko ang niluto nyang gulay na hindi ko naman alam kung ano iyon. “Niluto ko yan para sayo. Sa probinsya namin iyan ang niluluto ng mga nanay sa umaga sa tuwing may hangover ang mga tatay sa sobrang kalasingan.” Pagmamalaki ni Nana Selya. Saka naupo ito sa tapat nya. “Naalala ko na rin pala ang gusto kong sabihin sa iyo kagabi. Isinulat ko na sa papel para hindi ko makalimutan ulet.” May dinukot ito na papel sa bulsa ng suot na bulaklaking duster. Binasa ko ang nakasulat sa papel na binigay nya sa akin. “ing-geyds-mint” Napakunot ang noo ko. “Ano ito Nana? Bakit ano po ba ang sinabi ni Mommy sa’yo?” “Hayan. Yong nakasulat dyan. Dapat daw magkaroon ka na daw nyan kasi nasa edad ka na raw.” “Ah…I know now what Mom actually is saying. Paano ako mai-engaged eh walang may gusto sa akin. Wala akong boyfriend.” Natatawa kong sabi kay Nana Selya. “Yong lalaki kagabi. Yong naghatid sa’yo. Gwapo yon. Mukha namang mabait.” Mabilis na sagot ni Nana Selya. Napatawa ako ng malakas. “Hindi naman po ganun kadali at kababaw ‘yon Nana. For me, what’s important is being loved than being inlove. Dapat truly inlove sa akin ‘yong guy. Hindi po pwedeng ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kung sin-sino lang dyan. Magiging kawawa ang puso ko pag nagkataon. Maha-heartbroken ito.” Inilagay ko ang isang palad sa dibdib at kunyari pinalungkot ang mukha ko. Natawa si Nana Selya sa akin. “Ang batang ito talaga. Haynaku, kilala kita mula pagkabata. Hindi ka mahilig makipagkaibigan sa mga kaedaran mong lalaki. Kaya hindi ka nagka-boypren.” “Correction po Nana. Lahat po kami babae sa school. Mula elementary hanggang college ko po. Kaya walang pagkakataon ang mga lalaki makalapit sa akin. Hanggang sa maubusan na sila ng panahon sa kakaabang sa akin. Yon lang po yon.” “Haynaku ikaw talaga.” Napapailing na sambit ni Nana Selya bago sya iwan neto sa hapagkainan para balikan ang naiwang gawain sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD