Chapter 1

1170 Words
Abala sa paghahanda ang lahat dahil darating ang kanilang CEO galing America. Halos naka-make up ang lahat at napaka elegante ang kanilang mga suot. Naghanda sila ng kaunting salo- salo para sa tagumpay ng kanilang kumpanya. Nakuha kasi nila ang big time businessman, si Arthur Briones na mag-invest sa kanila. Bukod pa roon, ngayong araw din darating si CEO Froilan Ignacio na dala niya ang kanyang tagumpay. Excited naman ang kanyang mga tauhan dahil malaking tulong din ito sa kanilang kumpanya. Makakapag-export na sila ng kanilang mga produkto sa America. Abala ang lahat sa pagpapaganda, maliban na lang kay Lorrene na walang pakialam sa kaguluhan ng kanyang mga co-workers. Nagtatrabaho lang siya at iyon lang ang kanyang concern. Hindi niya pa nakikita ang kanilang CEO sapagkat newly hired lamang siya bilang kapalit ng sekretaryang kailan lang ay tinanggal ng kanilang CEO. Nilapitan siya ni Kyla at binigyan ng lipstick pero tinanggihan niya ito. "Lorrene ano ka ba mag lipstick ka nga ang dry ng labi mo, eh. Baka mamaya tanggalin ka ng boss natin kung ganyan kadugyot ang itsura mo,” pabiro na sinabi ni Kyla. Si Kyla lang ang ka-close ni Lorrene doon. Bukod sa mabait si Kyla ay palabiro pa ito kaya nakuha niya ang loob ni Lorrene. Hindi palakibo si Lorrene. Mas gusto niya pa ang magpokus sa trabaho kaysa pagtsismisan ang iba. Tanging si Kyla lang ang may lakas loob na kausapin siya. Weird si Lorrene makaligo lang at makapagbihis ng maayos ay okay na sa kanya. Wala siyang kaarte-arte sa kanyang katawan. Wala siyang pakialam sa kagandahan ng mga kasama niya dahil mas importante sa kanya na makaipon para sa susunod na semester. "Kyla puwede ba huwag kang istorbo, inaano ka ba ng labi ko? Kuntento na ako sa hitsura ko kaya huwag kang mandamay!" "Hoy, lola! Napakasuplada mo naman! Ako lang ang nag-tiyaga na pansinin ka! Kaya huwag mo akong dedmahin!" pagsagot naman ni Kyla. "Ang arte mo napakasungit ang bata mo pa nga pero parang nag-menopause na ang hitsura mo!" dagdag na saad pa ni Kyla. "Kyla, joke pa ba yan o totoo na? Umalis ka nga sa harapan ko. Hindi mo ba nakikita na busy ako?" "Hoy, ikaw huh! Bahala ka na nga! Maiwan na kita, lola. Pero promise maganda ka kaso lang ang weird mo! Diyan ka na nga! Mamaya may lunch tayo dito, huh, baka aalis ka na naman!" saad ni Kyla. "Umalis ka nga sa harapan ko! Dalhin mo iyang lipstick mo! Hindi ko ‘yan kailangan." "Ang kulit mo!” sabi pa ni Kyla bago ito tuluyang umalis. Nang iniwan ni Kyla si Lorrene, tinapos niya agad ang kanyang trabaho para hindi na naman siya matambakan ng gagawin. Dahil sa pagod pinatong niya ang kanyang ulo sa mesa at tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Lumipas ang ilang oras ay tulog pa rin si Lorrene at nagulat siya nang may narinig siyang kalabog sa kaniyang mesa. "Miss Lorrene! Wake up! Anong ginagawa mo? Natutulog ka samantalang nagkasiyahan kaming lahat sa labas? Oh my God! Halika nga tumayo ka!" Hinila siya ni Kyla para dalhin sa functional area kung saan nagkakasiyahan ang lahat. "Kyla ano ka ba? Ang salamin ko nasaan? Wait lang, balikan ko ang salamin ko!" "Huwag na nga mas maganda kapag wala kang salamin. Hindi binitiwan ni Kyla si Lorrene at nagtagumpay siya na dalhin ito para maki-join sa kanilang lahat." “Lorrene kuhaan lang kita ng food. Dito ka lang huwag kang umalis. Alam kung mahiyain ka kaya alagaan kita ngayon.” “Kyla, salamat pero ako na ang kukuha ng food at hindi ako mahiyain nakatulog lang talaga ako.” Tumayo na si Lorrene para kumuha ng pagkain. May isang lalaki na kumuha ng pagkain, nagkasabay silang humawak sa serving spoon. Hinablot ng lalaki mula sa kanyang kamay ang serving spoon. Kaya hinayaan niya na lang ito pero ang expression ng kanyang mukha ay kitang-kita ng lalaking iyon. Kumuha si Lorrene ng drinks at tamang-tama sa pagharap niya ang mukha ng lalaki ang kanyang nakita kaya’t aksidenteng natapunan ng kanyang hawak na juice ang polo shirt ng lalaki. "Oh my god!" Saad nito. “I'm sorry nagulat kasi ako hindi ko alam na nasa likuran kita." Dagdag nitong sabi. "Clumsy! Stupid!" galit nitong sabi. Iyon ang mga salitang binitiwan ng lalaki at agad itong tumalikod sa kanya. Nakatingin ang kanyang mga co-worker sa kanila. Nagulat ang mga ito dahil natapunan ni Lorrene ang lalaking iyon ng juice. Uminit ang dugo ni Lorrene sa kanyang narinig at hindi niya matanggap na sinabihan siya ng ganoon. Sinundan niya ang lalaki para pagsabihan. Pumasok ito sa restroom pero hindi siya nagpaawat at sinundan niya ito hanggang sa loob. Pumasok siya sa loob ng restroom. Hindi niya iniisip na nasa men's restroom siya pumasok. "Hoy ikaw!" Galit niyang itinuro ang lalaki. Lumaki ang mga mata nito, nang makita niya si Lorrene na sumunod sa kanya. "Mag usap nga tayo!" saad pa ni Lorrene. "Wait! Ang lakas ng loob mong pumasok dito? Alam mo ba kung nasaan tayo?" pasinghal nitong sabi. "Anong sinasabi mo sa akin kanina? Stupid ako? Clumsy ako? Mag-sorry ka sa akin! Mag-sorry ka!" sigaw ni Lorrene. "At bakit naman ako mag sorry sa ‘yo?" tanong nito. "Nagtatanong ka pa? Hindi mo alam kung ano ang kasalanan mo sa akin?" Galit niyang tanong sa lalaki. "Kasalanan mo ‘di ba tinapunan mo ‘ko ng juice? Hindi mo ba alam? Kulang pa yang salary mo para pambayad sa damit ko na sinira mo!" ganti nito. "Wow! Ang kapal ng mukha mo! Ang yabang mo! Mag-sorry ka sa akin, hindi ako lalabas dito kung hindi ka mag-sorry sa akin!" Sigaw ni Lorrene sa lalaki. Nakita ng lalaki na may pumasok sa Men's restroom kaya agad niyang hinila si Lorrene para pumasok sa loob ng isang cubicle at agad niyang ni-lock ang pinto. Sisigaw sana si Lorrene pero tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig. Nagpumiglas si Lorrene at pinilit niyang tanggalin ang kamay ng lalaki. Sa inis ng lalaki tinanggal niya ang kanyang kamay at hinalikan niya sa labi si Lorrene. Nagpupumiglas siya kaya’t ipinasok niya ang kanyang dila sa bibig ni Lorrene. Sinipsip niya at napaka brutal ng halik na iyon dahil na din sa nagpupumiglas si Lorrene, pero mapangahas pa rin ang lalaki dahil sinipsip niya ang dila nito. Nakalimot si Lorrene dahil sa sarap ng halik at aminado siya na first kiss niya ito. Nararamdaman ng lalaki na lumambot na si Lorrene. Gumapang ang dila nito sa leeg ng dalaga. At umungol si Lorrene sa sarap. Pero nang hawakan ng lalaki ang kanyang dalawang maumbok na dibdib agad niya itong itinulak. Tinititigan ng lalaki si Lorrene at agad itong lumabas ng restroom. Naiwan si Lorrene sa loob ng restroom. Hindi siya makapaniwala na nahalikan siya ng isang lalaki na hindi niya kakilala at kahit nga pangalan nito ay hindi niya alam. Umiyak si Lorrene sa galit. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bumigay siya sa lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD