CHAPTER 1

1738 Words
“Trishia! Mauuna na ako ah? Andyan na kasi ang sundo ko,” paalam ni Amber nang biglang dumating ang kotse sa tapat namin. Nasa tapat kami ng gate sa labas ng school at medyo madilim na rin dahil ginabi na kami at natagalan doon sa group work na tinapos namin sa Library. Nauna na rin si Kelly at Aila dahil may dadaanan pa raw sila.  “Uy! Okay ka lang ba?” tanong ni Amber nang napansin na wala ako sa sarili. Agad naman akong napalingon sa kaniya at ngumiti.  Tumango ako, “ Oo naman, ayos lang ako. Ingat ka ah?”  Agad naman siyang ngumiti pabalik at saka niyakap ako bago tuluyang pumasok sa kotse nila.  Nang makalipas ang ilang minuto, wala pa ring jeep na dumadaan. Kapag hindi pa ako nakasakay kaagad, paniguradong malalate na ako sa part time ko.  “Miss! Mukhang uulan na, hindi ka pa ba uuwi?”  Napalingon ako sa Guard na naglalakad papalapit sa akin.  “Naku! Kuya, wala pa rin kasing jeep na dumadaan. Mukhang may bagyo pa naman.” Binaba ko ang tingin ko sa relo para tignan kung anong oras na. “At mukhang malakas pa! Magpasundo ka na kaya?”  “Wala naman pong susundo sa akin,” matipid akong ngimiti. Magsasalita pa sana si Kuya Guard nang biglang may bumusina kaya’t bumalik siya kaagad sa pwesto niya.  Huminga ako ng malalim at kaagad na tumakbo. Doon na lang ako sa pangatlong kanto sasakay. Malamang ay makakasakay na siguro ako doon.  Makalipas ang mahabang takbo-lakad na ginawa ko ay sawakas, naka sakay na rin ako.  “Miss, gising.” Napakusot ako sa mata ko nang may kumalabit sa akin. Agad akong napatingin sa relo ko at napag tanto na nakaidlip ako. “Kuya! Bakit po tayo huminto?” natatarantang saad ko.  “Nasiraan tayo ng gulong. Lumipat ka na lang muna sa iba. Pasensya ka na,”  Matamlay na napasandal ako at madiin na pumikit. Late na naman ako.  Ilang beses na akong na-late sa trabaho. Baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho. Imbes na mainis at umiyak, agad akong bumaba sa jeep at saka nagsimulang tumakbo. Ilang minuto pa lang akong tumatakbo ay nararamdaman ko na ang patak ng ulan. Agad kong niyakap ang librong hawak ko at baka mabasa pa ang mga ito.  “Pambihira naman,” bulong ko sa sarili ko.  Ginawa ko ang lahat para makarating sa Coffee shop na pinag ttrabahuan ko.  “Oh, basang basa ka na. Wala ka bang payong?” nag-aalalang tanong ni Levi nang makita akong papasok sa loob ng coffee shop.  “Naiwan ko sa library, nagmamadali na kasi kami kanina,” nanginginig pa ang boses ko dahil sa lamig. Basang basa na ang damit ko nabasa rin ang mga dala kong libro.  “Magpalit ka na muna, wala pa namang costumer, ako na muna ang bahala dito,” nakangiting sabi niya pero bakas sa mukha niya ang pag aalala.  Ma-swerte pa rin ako na napunta ako dito. Bukod sa mabait ang amo ko, mabait din ‘tong katrabaho ko na school mate ko.  Napalingon kaming dalawa sa entrance ng store nang may biglang pumasok na matangkad at basang basa rin ng ulan.  Nagtitigan muna kami ni Levi bago ibinalik ang atensyon doon sa lalaking pumasok at mukhang lasing. Agad naman sumensyas si Levi na magpalit na ako kaagad para maasikaso ang costumer. Nagpalit na agad ng uniform. “Ano? Kumusta ‘yung lalaki?” tanong ko kay Levi habang isinusuot ang hairnet ko at siya naman ay abalang inaasikaso ang order noong iba pang costumer.  “Ay nako, ikaw na ang lumapit doon. Mukhang lasing eh. Medyo marami kasi ang order nitong isang costumer. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya,” paliwanag ni Levi.  Agad naman akong tumango at napalingon doon sa costumer. Napa-buntong hininga ako at saka napag desisyonan na kunin ‘yung extrang towel sa locker.  “Uy teka, teka!” napalingon ako nang bigla na lang nagsalita si Levi. “At saan mo naman dadalhin iyan?” pinanliitan ako ng mata ni Levi at nag-cross arms pa. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. Hindi ako nagsalita at lumingon na lang sa kinaroroonan noong lalaki.  “Hindi na ‘yan kasama sa trabaho mo Trishia. Gusto mo bang pagalitan ka na naman ng amo natin?” Seryosong sabi nito habang nagsasalin ng kape. “Kawawa naman ‘yung tao,” mahinang sabi ko sa kaniya. “Ay nako, wala na ako diyan ha? Kapag napagalitan ka, hindi na kita sasaluhin.”  Tumango lang ako at saka tumungo na sa direksyon noong lalaki.  Ewan ko ba, hanggang kaya kong tumulong, gagawin ko. Hindi dahil sa naawa ako, o ano man. Siguro ayaw ko lang maranasan nila ‘yung nararanasan ko. Mahirap lumaki na walang magulang. Walang tumutulong, walang malalapitan at walang masasandalan.  “Sir,” mahinang tawag ko.  Mahiyain ako, mahina rin ang boses pero ewan ko ba. Nawawala lahat iyon kapag may tinutulungan ako.  Dinilat niya ang mata niya at nag angat ng tingin.  “Sir oh, baka po magkasakit kayo.” Tinitigan lang niya ako, medyo nailang ako noong una pero agad ko na lang binuklat ‘yung towel at saka isinabit sa likod niya.  “Tawagin niyo lang po ako kapag may order po kayo,” nakangiting sabi ko at saka bumalik na sa pwesto ko.  “Oh ano? Omorder ba? Bawal tambay dito ha? Mamaya mapagalitan na naman tayo. Nako Trishia! Sinasabi ko talaga sa’yo!” Umiling siya at saka bumalik sa ginagawa. “Hayaan mo na, Umuulan sa labas oh? Kahit ikaw ‘yung sa posisyon niya, gagawin ko rin naman sa’yo ‘yun.”  “Tignan mo naman kasi oh?” Ngumuso siya doon sa kinaroroonan noong lalaking tinanggal ang towel na nakalagay sa likod niya at saka tinanggal rin ang jacket niya. “Nako! Tignan mo! Ang dami pang tattoo! Nako! Sinasabi ko na sa’yo! Pag iyan?” Itutuloy pa sana ni Levi ang sasabihin niya nang bigla ko siyang titigan ng masama. “Nako, ikaw ha? Judger ka na naman eh!” pinanliitan ko siya ng mata at binalik ang atensyon ko sa pagpupunas. “Judgemental ‘yon!” pagkokorek niya pa.  Napailing na lang akong natawa.  Napansin kong naging abala si Levi kaya ginawan ko ng kape ‘yung lalaki. Bumalik ako sa loob at kinuha ko sa locker ‘yung natitirang towel. Nabangga pa ‘yung braso ko kaya natagalan ako. Habang sinasara ko ang locker ay bigla na lang akong nakarinig ng sigaw mula sa labas kaya nataranta ako. “Alam mo namang bawal ‘yun sa shop natin hindi ba?” rinig kong bulyaw noong anak ng amo namin kay Levi.  Habang papalapit sa kinaroroonan namin ay kinakabahan ako. Nadamay na naman si Levi sa ginawa ko. “Bumili ba?” seryosong tanong ni Sir Coco. Hindi makasagot si Levi kaya yumuko lang siya. “Eh ‘yung towel ng shop sino ng bigay?”  “Hinayaan niyo pang maghubad sa loob!” Sigaw ni Sir Coco. “Sir,” mahinang sabi ko. “Ikaw ba ang may pakana nito?” Mataas ang boses ni Sir Coco kaya mas lalo akong kinabahan.  Dahan dahan akong tumango at yumuko.  “Hindi ka na talaga nadala! Tignan mo! Takot na takot ‘yung mga customers natin dahil doon sa paghuhubad niyang binigyan mo ng towel!”  “Sir, nabasa po kasi siya ng ulan, gusto ko lang naman pong tumulong,” mahinang paliwanag ko.  Nandito kami ngayon sa likod ng cashier. Nagtatalo at nagpapaliwanag.  “The hell Trishia! Ang bait mo naman! Sa tuwing may ganyan lagi mong tinutulungan! Ginawa mo nang sagip kapamilya ‘tong shop ko!”  “Late ka na nga madalas, panay suway ka pa sa rules!”  “Sir pasensya na po kayo. Hindi na po mauulit,” mahinang sabi ko na ano mang oras ay iiyak na ako. “Hindi na talaga! Dahil huling gabi mo na’to!” inis na inis na sabi nito at umalis sa harapan ko. Nagtitigan kami ni Levi at halos lantang gulay ang mga tuhod ko dahil nawalan ng lakas. ‘Yung trabahong bumuhay sa akin, nawala na.  Lalapitan sana ako ni Levi para yakapin pero agad akong umiwas at ngumiti. Ayokong niyayakap kapag ganito.  Pakiramdam ko, kawawa ako. Pakiramdam ko, aping api ako. “Bumalik ka na sa trabaho mo Levi. Pasensiya ka na at nadamay ka na naman.” Iyon lang ang sinabi ko at umalis na sa harap niya.  Nahihiya ako kay Levi. Sa totoo lang, siya na lang palagi ang sumasalo sa kasalanan ko at bawat palapak na nagagawa ko. Agad kong kinuha ‘yung kapeng tinimpla ko at saka naglakad palapit sa kinaroroonan noong lalaki. Wala sa sarili akong naglalakad at pakiramdam ko, ano mang oras ay bubuhos na ang luha ko.  “Sir, pasensya na po kayo. Pwede po bang pagkatapos ninyong inumin ang kape niyo at tumila na po ang ulan ay umalis na po kayo?” Nahihiyang sabi ko pero ginawa ko pa rin dahil ayoko na madamay pa si Levi. Nag-angat ng tingin ‘yung lalaki kaya’t nagtama kami ng tingin at dahil traydor itong mga luha ko, kusa na lang silang tumulo. Agad ko namang pinunasan iyon at inilapag ang kape sa mesa niya. Nginitian ko muna siya at tinalikuran. Akmang aalis na ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Nagulat ako kaya napalingon ako sa kaniya. “Hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong nito. Lasing pa rin siya pero sa tingin ko ay seryoso ang tanong niya.  “Bakit po ako matatakot sir? Dapat po ba kayong katakutan?” wala sa sariling sagot ko dahil hindi ko pa nakakaya ‘yung mga nangyari kanina. “Dahil madami akong tattoo sa katawan.”  Napangisi ako. Marahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.  “Sir, wala naman po akong nakikitang mali sa mga tattoo niyo. Papatayin po ba ako ng mga tattoo niyo? Hindi po hindi ba? Kaya sa tingin ko po wala namang rason para matakot sa inyo,” mapait akong ngumiti at tinalikuran siya.  Nakakailang hakbang pa lang ako palayo at bigla akong napalingon ulit sa kinaroroonan niya at saka bumalik. “Sir, ‘wag niyo na po palang bayaran ‘yan. Mag-iingat po kayo sa susunod! Enjoy your coffee po!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD