Simula

204 Words
Minsan gusto kong tanungin ang Diyos kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito. Bakit ako naghihirap? Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Bakit kailangan kong maranasan ang mga ganitong bagay sa mundo? Bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa? Sobrang sama ko ba? Sobrang laki ba ng kasalanang naggawa ko? Do I deserve this pain? Do I deserve this cruel world? Or don't? Do I deserve to be here in Earth? or not? Ang tanging gawin ko lamang ay tumulala sa kalangitan at iiyak ang mga sakit na dinaranas ko ngayon. Gusto ko na lang mawala, gusto ko na lang maglaho na parang isang bula. Tanging iyak at panalangin ko lamang ang naririnig ko sa gabing ito. Kasabay ng ingay ng mga kuliglig at kulisap, sumasabay rin sila sa nararamdaman ko. Napahigpit ang hawak ko sa tagiliran ko ng lalo itong kumirot, bumibilis na rin ang paghinga ko. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Pero, bago ko pa tuluyang ipikit ang mga mata ko ay naaninag ko pa ang isang liwanag na tumama sa direksyon ko. Kasabay ng paglamon ng kadiliman ay siya namang bigkas ng mga salitang hindi ko aakalaing sasabihin ko. "Save Me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD