Chapter One

1128 Words
Chapter 1 Pabalikwas na bumangon si Alfha Demetre, matapos marinig ang malakas na tunog ng alarm clock, hudyat na kailangan niya nang bumangon sa higaan at magsimulang magluto. Sinulyapan niya si Dean na katapat lang din ang higaan. Five months na silang mag-asawa nito,ngunit never pa silang nagtalik. Magkahiwalay rin sila ng higaan ngunit iisa lang ang kanilang kuwarto.  Alam naman ni Alfha na hindi nito gusto ang pagpapakasal sa kanya. Napilitan lang dahil sa supling na nagsimula nang lumaki sa kanyang sinapupunan.” “Paunat-unat siyang bumangon. Dumiretso siya sa banyo at nagsipilyo. Sinulyapan niya ang wallclock. Alas-kuwatro na ng madaling araw. Matapos, makapaghilamos at sipilyo, dumiretso na siya ng kusina. Habang nagluluto ng bacon at hotdog ay sinasabay niya ang pagpaplantsa ng suit ni Dean pang opisina. Lahat ng gawaing bahay ay ginagawa niya dahil wala silang katulong.  Kahit multi-millionaire ang asawa niya ay hindi ito nag-abalang kumuha ng katulong. Talagang sinunod ang kasunduan nilang papakasalan siya nito ngunit pagsisilbihan niya ito mula ulo hanggang paa. At dahil sa labis niyang pagmamahal dito ay pumayag siya,maging asawa niya lang ito at may kilalaning ama ang kanyang magiging anak. Hindi niya pansin ang hirap at pagod mabigyan lang ang asawa ng tamang pag-aalaga. Kahit mutsatsa lang siya sa paningin nito ay tinitiis niya dahil nga sa ngalan ng pag-ibig. Malakas na tunog ng telepono ang kumuha ng atensyon niya. Agad niya itong sinagot kahit halos madapa na sa pagmamadali. “Prepare my breakfast and my coffee, no sugar!” utos nito sa kabilang linya. Bago pabagsak na ibinaba ang phone. Kulang na lang ay takbuhin ni Alfha ang kusina. Mabilis na ipinaghanda ni Alfha ng breakfast ang asawa. Ang gusto kasi nito,kailangan pagbaba ay nakahanda na ang pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay tanaw niya na sa hagdan si Dean. Gwapong-gwapo pa rin ito kahit gulo ang buhok. Agad niya itong inasikaso, pag dulog sa hapag-kainan. Di man lang siya niyayang kumain.  Suot ang maluwang na T-Shirt na pinatungan niya pa ng apron ay nagmistula talagang atsay si Alfha. Di mo iisipin na asawa siya ng isang businessman. “Ano ‘yung amoy sunog?” kunot-noong saad ni Dean. “My God! ‘Yung pinaplantsa ko!” taranta niyang sambit bago tinungo ang pinagplantsahan. Naiwan niya pala itong nakabukas at nakapatong sa uniforme ni Dean. Nasunog ang suit nito na nakalimutan niya. “Nanlilisik ang mga matang lumapit ito sa kanya ng makita nitong nasunog ang suit na dapat nitong susuutin. “F*ck! What have you done?” singhal nito sa kanya. Kulang na lang ay sakalin siya nito sa galit.  “Why are you such a fool? Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na ‘wag mong isasabay ang pamamalantsa sa pagluluto mo! Ang tigas ng ulo mo!” Halos lumubog si Alfha sa kinatatayuan sa nakikitang galit ni Dean. Ngunit yuko lang ang itinugon niya sa mga maanghang at masakit na salita nito habang trahimik na lumuluha. “A very bad day!” asik pa nito bago siyang tuluyang iniwan. Impit na hikbi ang pinakawalan niya ng wala na ito. Unti-unting niligpit ang mga kalat na iniwan nito kagabi. Hindi alam ni Alfha, kung hanggang kailan at saan niya kayang tiisin ang pagpapahirap nito sa kanya. Isa siyang martyr na asawa na lahat ay handang gawin, makuha lang ang pagmamahal nito. Buong maghapong naglinis ng bahay si Alfha. Tatlong palapag ang nilinis niya bago tuluyang nakapagpahinga. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Lalo na at papalaki na ng papalaki ang tiyan niya. Mag-aanim na buwan na kasi ito at medyo hinihingal na siya. Pero kailangan niyang matapos ang mga gawaing bahay bago pa man dumating si Dean. Dahil hihilutin na naman niya ang mga paa nito mamaya. Pagkagaling nito ng opisina ay tinatawag siya nito sa kuwarto upang masahihin ang mga paa nito at braso. Siya naman si martyr ay parang maamong tupa na lahat ng sinasabi ng master ay sinusunod kaagad. Hindi na nga matandaan ni Alfha kung kailan siya huling nag-ayos ng sarili. Nagmumukha na siyang losyang ngayon.  Marahan niyang hinimas ang kanyang tiyan habang bumubulong, “Kapit ka lang diyan baby, ha. Gumagawa si Mommy ng paraan upang mapansin tayo ni Daddy!” Luhaang niyang kausap sa kanyang tiyan,na akala mo naman ay may tugon siyang makukuha. Dahil sa pagod ay nakatulog siyang may hawak pang basahan sa mahabang sofa na nasa second floor. Para siyang katulong na hindi pinasahod at pinapakain ng amo. Hindi na niya nga magawang mananghalian dahil sa dami ng trabaho.” Nadatnan ni Dean si Alfha na tulog na tulog sa sofa. Gusto niya sana itong gisingin upang ipagluto siya ng may sabaw. Gusto niyang humigop ng mainit na soup dahil pagod na pagod siya ngayon dahil sa dami ng paperworks.  Ngunit nang makita niya ang medyo maumbok na nitong tiyan ay nagdalawang-isip siya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makita sa puso niya ang kapatawaran dito. Nang dahil sa babaeng ito ay nawala sa kanya si Zara, ang babaeng nakatakda niya sanang pakasalan.” Kumuha siya ng kumot at dapat ay ikukumot niya rito ngunit bigla na lang itong nagising at tila gulat na gulat nang makita siya. “Ku-kumain ka na ba?” natataranta tanong ni Alfha kay Dean. Hindi alam ni Dean kung bakit bigla na naman uminit ang ulo niya. Kaya ang pagpapaluto niya sana ng soup dito ay hindi niya naituloy.  “Matutulog na ako! Make sure na naka-lock na ang gate at pinto. Mahirap na baka mapasukan pa tayo rito ng akyat-bahay,” paalaala niya kay Alfha. “Di ka na ba kakain?” “Busog ako. Kung gusto mong kumain bahala ka!” Nandoon na naman ang kurot sa puso ni Alfha. Bawat tapon ng mga masasakit na salita ni Dean sa kanya ay nagdudulot ng kirot sa kanyang puso. Hindi niya magawang salagin ang mga salita nito. Kaya’t itinatangis niya na lang sa isang tabi.  Muli ay mag-isa na namang naghahapunan si Alfha. Napakalaki ng bahay ni Dean ngunit walang kakulay-kulay. Magkasama nga sila sa iisang bubong pero pakiramdam ni Alfha ay isa lang siyang malamig na hangin para rito. Daraanan saglit at mawawala na naman.” Pagpasok ni Alfha ng kuwarto ay nakatalukbong na ng kumot si Dean. Dahan-dahan siyang lumapit dito upang nakawan ito ng halik. Gabi-gabi ay ito ang ginagawa niya. Hindi niya kasi magawang halikan ito. Ni ayaw ngang tumabi sa kanya. Talagang pinakasalan lang siya dahil may pananagutan ito. Tila tinusok muli ng pana ang puso ni Alfha nang tumambad sa kanya ang larawan ni Zara na hawak nito habang natutulog. Napaatras siya at luhaang bumalik sa kanyang higaan. Lihim siyang umiyak. Ito ’yung eksena na ayaw makita ni Alfha. Pakiramdam niya kasi,hindi niya kakayanin. Nadudurog ang kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD