PROLOGUE

1617 Words
Prologue Ang akala ko dati simple lang magmahal. Akala ko rin dati mas masaya ang magmahal. ‘Yong pakiramdam na parehas kayo nang nararamdaman at pareho ang inyong pinaglalaban. ‘Yong parehas kayo ng pananaw at parehas ang gusto niyong dalawa.   Love Trust And Sacrifice.   Hanggang saan ba tayo dadalhin ng paniniwala natin? Hanggang kailan tayo maniniwala sa mga bagay na alam natin na hindi naman panghabang buhay?   I gave up everything for him. Kahit ang sarili ko binigay at pinagkatiwala ko sa kanya pero niloko niya ako. Ilang beses akong niloko at ilang beses rin akong naniwala. Para saan? Para lang sa pagmamahal. Ngayon, dahil sa nakaraan ay hindi ko na alam kung saan pa ‘ko papunta. My heart and soul belongs to him. Ngunit ano’ng ginawa niya? Mas pinili niyang pakawalan at hayaan ako. Gumawa siya nang bagay na siyang makakasakit sa ‘kin. Ngayon sasabihin niyang mahal niya ‘ko kung kailan pinatay niya na ang puso ko. Now, I'm back for good. I'm back to face everything.   To correct everything. Bumalik ako hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko at para sa pinaglalaban ko. Bumalik ako para hanapin ang naglagay sa ‘kin sa sitwasyon na ‘to.   Now that I'm back, they will pay for what they did in the past. And I'll make sure that they would wish that I never exist nor alive. --------------------- “Dee, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tiningnan ko si Jilton habang tinatanong sa ‘kin ang bagay na ‘yun. Tumawag si Gucci at iniimbitahan nila si Jilton na mag invest sa Dynamic Horizon. “Baka pagsisihan mo lang ‘to.”   “Sigurado na ako Jilton. Isa pa nasa Pilipinas ang huling target natin. Kailangan kong matapos ang misyon ko.” Sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga klase-klaseng kutsilyo na koleksyon ko.   “Sa oras na pumunta ka sa Pilipinas, makikita mo siya. Makikita natin sila. Okay lang ba ‘yun sa ‘yo?” ngumiti ako sa kanya.   “Bakit naman hindi?” tanong ko, “Hindi na ako ang Dolly na kilala nila noon. I’ve changed, Jilton. Hindi ko hahayaang basta na lang silang papasok ulit sa buhay ko na parang walang nangyari. Hindi na ‘to tulad nang dati. Marami ang nagbago at magbabago.”   “Paano kung kakausapin ka niya?”   “Edi kakausapin ko siya,” sagot ko. Nanatili siyang nakatitig sa reaksyon ko at parang hinihintay ang idurogtong ko. Napabuntong hininga naman ako. “Ano bang masama roon, Jilton? Hindi ako babalik sa Pilipinas para sa kanya. I have a business to attent. Isa pa nandun ka at magkasama tayo.” Hindi siya sumagot sa sinabi ko at parang tinitimbang ang bawat salitang binitawan ko.   Lumabas ako sa training room at agad na pumasok sa kwarto ko. Agad namang sumunod si Jilton at nakabuntot sa ‘kin. Napabuntong hininga ako at hinarap siya.   “’Wag kang mag-alala, okay? Okay nga lang ako. Wala kang dapat ipag-alala.” Napabuntong hininga naman siya at tumango.     “Alam mo namang hindi maganda ang pag-alis na ‘tin run ‘di ba? Ano ang sasabihin natin?” napaisip naman ako.   “Kailangan pa ba nating magpaliwanag?” tiningnan niya ako, “Hindi naman sila ang sadya natin. Pupunta lang tayo sa party nila.”   “Iimbitahin ko rin sila sa masquerade party natin.” Hindi ako sumagot at pumasok sa shower room.     Ilang taon na nga ba ang nagdaan mula nang nakita ko sila? Tulad nga sa tanong ni Jk kanina, ano kaya ang magiging reaksyon ko pag nagkita ulit kami? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Marami akong iniisip kaisa atupagin ang mga taong hindi ako binigyan nang halaga.   Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tiningnan ko ang mga peklat mula sa mga laban na nadaanan ko. Sa mga barilan at pakikipagpatayan sa mga kalaban sa pamilya namin. Hinawakan ko ang may puson ko at nakita ko ang hiwa sa may tyan ko. Muling bumalik ang paningin ko sa mukha ko saka ko ‘to tinitigan. May nagbago ba?   “Bakit hindi ka pa umuuwi?” tanong ko kay Jilton nang makalabas ako sa CR na nakatowel. Pumasok ako sa walking closet ko saka nagbihis. Pagkalabas ko ay nandun pa rin siya, “Bakit?”   “Sasamahan kita. Pupunta ka sa Mommy mo at kay Mathew ‘di ba?” iniwas ko ang paningin ko.   “Hindi makabubuti kung palagi akong bumibisita sa kanya.” sagot ko at humarap sa salamin saka sinuklayan ang aking mataas at maitim na buhok.   “Pero kailangan. Aalis tayo at hindi natin alam kung kailan tayo babalik. Bisitahin natin sila.” Ilang sandali pa bago ako sumagot. Paniguradong hindi ako tatantanan ni Jilton pag tinanggihan ko siya.     “Sige,” tipid kong sagot.   Pumunta kami sa Amazons Laboratory, isang laboratory sa ilalim ng isa sa mataas at malawak na kompanya sa Japan. Isa lang ito sa pagmamay-ari ng Yamashita, ang pag-aari ni mommy. Sino ba ang makakaisip na may isang laboratory pala sa basement ng sss Laboratory?   Sa basement ng sss Laboratory ay maraming body guard ang nakabantay. Kahit sa itaas nito ay maraming security ang nakaabang. Masyadong pribado ang lugar na ‘to at ito rin ang main building ng Yamashita family.  Hindi nila alam kung ano nga ba ang nasa loob nang basement.   Pagkapasok ko sa loob nang basement ay unang sumalubong sa ‘kin ang head sa mga scientist ng Amazons. Nakasuot ito nang puting lab gown at agad namang sumunod ang alalay nito at pinasuot rin kami nang puting lab gown ni Jilton.   “Kamusta rito?” tanong ni Jilton kay Mariano, ang scientist head ng Amazons. “May naging problema ba?”   “Wala po, Mr. Kawasaki.” Pumasok kami sa main ng laboratory.   Sumalubong samin ang mga naka lab gown na busying-busy sa ginagawa nila. ‘Yong iba ay may ginagawang expirement gamit ang iba’t-ibang kulay ng chemical. Mayroon ring busy sa mga ginagawa nilang gamot. Maraming mga apparatus ang Amazons laboratory at mayroon rin itong klase-klaseng mga glass tube kung saan nanduon ang mga hinahanap ko.   “Where’s mom?” agad kaming sinamahan ni Mariano papunta sa isang glass na cylinder na kwarto.   Pumasok kami roon at isinara ito. Hindi namin naririnig ang mga nangyayari sa labas at ganun rin ang nasa labas. Naging tahimik ang paligid at tanging ingay lang mula sa isang makina nakaturok sa aking ina ang aming naririnig. Tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko. Nakaratay siya sa isang metal na higaan at may kung ano’ng nakaturok sa kamay niya na nakakonekta sa dextrose at ang katabi ng dextrose ay kulay ginto na likidong nagsusuporta sa gulay kong ina.   “Mom,” tawag ko sa kanya pero tulad nang dati ay hindi pa rin siya sumasagot.   Kung titingnan mo siya ay para lang siyang normal na natutulog at hindi mo mapapansing may mali sa kanya. Ang sabi ng doctor ay wala na siyang pag-asang mabuhay ngunit naniniwala kaming lahat nagagawa na ng siyensya.    “No reaction pa rin po sa kanya Miss. Dee. Hanggang ngayon ay under examination pa rin po ang katawan ni Mrs. Dorothy.” I nodded as an answer.   “May sinabi ba si dad tungkol kay lolo?” napakunot ang noo ni Jilton. “Alam na ba ni Lolo na nandito si mom at buhay pa?”   “Nope. Walang alam ang Lolo mo tungkol sa kanya.” I nodded. Si Lolo lang ang hindi makatanggap sa nangyari sa ‘king ina. Napangasawa ni Lolo si Lola nang hindi nalalaman ang tungkol sa pamilya ni lola. Nalaman niya lang ang bagay na ‘to nang mamatay si lola. Kaya mula noon ay protektado na ako ni Lolo mula sa Mafia at mula sa dad ko.   Pero gaya nga nang sabi ni dad. Hinding-hindi ko matatakasan ang nakatadhana sa ‘kin. Ako ang Yamashita mafia crest. Ang huling babae ng Yamashita family at ang kaisa-isang babaeng tagapagmana.   “How about Eros Mathew?” I asked.   Lumabas kami sa loob sa glass cylinder at lumipat sa kabila. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at dun ko nakita si Mathew. Nakatitig ako sa isang metal na higaan habang nakahiga run ang isang five years old na bata na walang malay at may dextrose na nakakabit sa katawan nito.   “Gumising ba siya kanina?” tanong ko kay Mariano.   “Opo Ma’am,” sagot nito, “Tulad dati, gigising siya sandali tapos ilang minuto ay matutulog ulit.” Tiningnan ko ang oxygen na nakakabit sa anak ko.   “Bukod run wala pa rin bang pagbabago sa katawan niya?” seryosong tanong ko.   “Wala pa rin Ma’am,” nakayukong sagot nito.   Pinili kong hindi sumagot. Sinenyasan naman agad ni Jilton si Mariano at ang ibang naka lab gown na lumabas muna at hayaan muna akong mapag-isa kasama ang anak ko. Hinawakan ko ang kamay ni Mathew. Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ‘to sa pisngi ko.   ‘Magiging maayos rin ang lahat, Mathew.’ Nakangiti lang ako habang nakatitig sa anak ko na mahimbing na natutulog. Napalunok ako at pinigilang maiyak. Ang importante ay buhay kami ng anak ko. Ang importante nandito pa rin siya sa tabi ko.   “Anak,” may kung ano ang bumara sa lalamunan ko. Kahit kailan hindi ko narinig na nagsalita ang anak ko. Ang mga alaala ko sa anak ko ay hindi katulad nang ibang magulang. “Aalis na naman si Mommy, anak.” Nilikot ko ang kamay niya. “Hahanapin ko ang may gawa nito sa’yo at pinapangako ko sa’yo na ipaghihiganti kita. Gaganti ako sa kanila, sa mga taong sumira at gumawa nito sa ‘tin.”   Hinawakan ko ang mukha ni Mathew.   “’Wag kang mag-alala anak. Maghahanap ako nang paraan para sa sitwasyon mo. Basta mangako ka,” hindi ko namalayang tumulo ang luha sa aking mga mata. “Mangako kang hindi mo ‘ko iiwan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD