Chapter 1- First Day High

2268 Words
Chapter 1- First Day High "Barbara? Nagbihis ka na ba ng uniform mo? Magbihis ka na at malelate ka na naman. Magbike ka nalang kasi papasok kami ng daddy mo. Ang kuya Stanley mo ay nakila Rigan at si ate Bella mo ay pumasok na kanina pa. Kaya magasikaso ka na okay?" Nagising ako sa malakas na pag sasalita ni Mommy. Napabangon ako kahit antok na antok pa . Kinusot ko pa ang aking mata bago ako sumagot. "Yes mommy. Sige po." Sagot ko dito. Nakasara ang pinto ng kwarto ko kaya si mommy ay nasa labas lamang nito at nagbilin lamang. "Okay please lock the door huh. We gotta go-" sabi panito na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Kahit mabigat pa ang katawan ko ay pinilit kong bumangon upang ikiss goodbye si mommy. Kaya lamang pagbaba ko ay palabas na ito ng pinto. "Eat your breakfast honey." She said sweetly waved her right hand goodbye while holding a sandwich then glance at me one more time. Nakatayo lamang ako sa may tapat ng pinto at pinanuod ang paglayo ng sasakyan ni Daddy. Still wearing my pink pajamas. I looked at the mirror on the left side corner of the living room. Tinignan ko ang aking balingkinitang katawan at inayos konti. Gamit ang mga daliri ko ay sinuklay ko ito at ngumiti. "Yes! It's your first day as a third year highschool Barbara." Sabi ko pa sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at iniisip ang mga magagandang mangyayari. Nagmuni-muni muna ako at di ko namalayang 7:30 na pala. "Nako! Unang araw ng pasukan late na naman ako. Kainis kasi bakit di pa ako nagasikaso kanina." Inis na sabi ko sa sarili. Thirty minutes na lang ang meron ako para magasikaso at para pumasok sa school. "Oh god ! Help me!" Madaling madali akong naligo nagbihis ako habang kumakain ng sandwich na hinanda ni Mommy. "Kainis talaga ngayon pa ako malelate pwede naman bukas bakit kasi ang bilis ng oras kanina 6:30pa lang eh." Pagalit ko na naman sa sarili. Lagi na lang ganoon ang nangyayari sakin kahit anong aga kong gumising kapag may lakad o pasok ako ay tinatanghali pa rin ako. Siguro tama nga sila Time is gold. Matapos kong magbihis at kumain ay nagmadali akong ilock ang bahay at kunin ang japanese violet bike na gagamitin ko. Napalingon akong muli sa relo sa aking kaliwang palapulsuhan. "Jusko! 7:50 na ten minutes na lang.Ano ba to! 15km pa ang layo ng Autumn High kung saan ako nagaaral." Sobrang bilis nang pagpadyak ko. Hindi ko na iniisip pa kung maaksidente ako. Kailangan umabot ako bago magsimula ang klase ko hays. Hate na hate pa naman ako ni Ms. Gray, ewan ko ba bakit inis na inis sakin yun. Palabas na ako ng village nang bigla na lang bumangga ako sa isang nakamotor. Napakabilis nang pangyayari. Hindi ko na namalayan kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa dadaaanan ko at nabangga ko siya. Tumilapon kaming dalawa at tumumba ang aming mga sinasakyan. "Ahhhhh" malakas kong sigaw ng madaghanan ako ng bike ko. Biglang tumayo ang lalaking napahiga sa kalsada nakasuot ito ng full face helmet kaya hindi ko kita ang mukha nito. Matangkad ito at katamtaman ang katawan. Nasa 5'9 ang taas. Nakaitim na sports jacket ito at itim na pants. "Hoy !ikaw babae ka, Hindi ka ba marunong mag ingat nakabike ka na nga lang nakakabangga ka pa. Ang bobo mo magmaneho dapat sayo hindi nagbabike eh. Nakapikit ka ba para hindi ako makita,ha?" Galit na sabi ng lalaki na dinuro ako at pinagpagpag ang pants at suot nitong jacket. Napaismid ako. Kahit masakit ang mga binti ko ay pinilit kong tumayo at buong lakas na itinulak pataas ang aking bike at inayos ang palda at uniporme ko bago muling humarap sa walang modong lalaki na kaharap ko. Hindi na nga ako tinuluyang tumayo ay sinabihan pa ako ng bobo. "Hoy lalakeng tanga! Mas bobo ka. Hindi mo ba nakita na Village to kala mo nasa highway ka magpatakbo. Sobrang bilis mo kaya hindi kita namalayan. Wag ako ang sinisisi mo." Matapang na sagot ko dito inayos ko ang bag ko at sumakay na muli ako sa bike.. ipapadyak ko na sana ang bike ko nang biglang magsalita muli ang lalaki. "Oh saan ka pupunta tatakasan moko?" Nakakairitang sabi nito. Humarap ako ditong muli at binigyan ito ng mapangasar na ngiti. "Sorry ah? Kahit hindi ako ang may kasalanan. Ako na aako mukhang hindi ka magpapatalo eh. Malelate na ako sa school." Sarkastiko ko pang sabi dito at tuluyan ng ipanadyak ang bisikleta. Napatingin pa ako sa orasan ko hays 8:20 na . Hingal na hingal ako nang makarating ako sa eskuwelahan. Ipinark ko muna sa bikers parking lane ang dala kong bisikleta at naglakad patungo sa aking class room. Lakad takbo kong binaybay ang hallway papunta sa 2nd floor ng science building. Dito ang classroom ng aking adviser at ng aking section. Nakasarado ang pinto ng classroom at naririnig ko ang boses ni Ms. Gray. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Hingal at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kahit natatakot akong mapagalitan ay kinatok ko pa din ang pinto. Narinig kong tumigil ang pagsasalita ni Ms. Gray at narinig ko ang paghakbang ng takong niya papalapit sa pinto ng silid. Nakatayo ako sa tapat ng pinto at handa na sa pagalit niya. Alam kong mapapahiya na naman ako. Huminga ako ng malalim at pumukit muna. Pagbukas ng pinto ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Muli nitong ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Ngumiti ako ng bahagya. Nakita kong itinaas nito ang kaliwang kilay at tinitigan ako. "Ms. Gray sorry po nalate ako kasi-" naputol ang aking pagsasalita ng bigla itong ngumiti. Teka? Anong nangyayare himala ata at hindi ako nito sinigawan. "Come in Barbara the class has just started." Malambing itong ngumitin at iginagaya ako papasok sa room. Nakakapagtaka mukhang good mood si Ma'am ngayon. Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa loob ng silid ang natitira na lamang na upuan ay ang upuan sa right side ng room bago mag dulo. Naglakad ako patungo sa desk na may upuan at inilapag ang violet kong bagpack. Napatingin ako sa isang lalaki na nakatitig sa akin he has hazel brown eyes. Nakita kong nakaitim na jacket ito at itim na pants. Parang pamilyar ito sa akin. Di ko lang maalala kung saan. Nagtama ang aming mata bago pa lamang ako umupo. Iniwas ko ang tingin dito at tuluyan ng umupo. Matapos ang discussion namin for the first subject ay naglunch na. As usual pumunta ako sa cafeteria mag-isa. Wala akong kaclose sa mga kaklase ko ang tingin nila sakin ay weirdo dahil sa pananamit ko. Kaya kadalasan ay magisa lamang ako kumakain. Meron din naman akong kaibigan si Xelexa hindi ko na nga lang siya classmate ngayon. She's from the other class. "Barbara!" Narinig kong tawag nito sakin. May dala itong tray ng pagkain. Ngumiti ito ng napakalaki at kita ko ang mga ngipin niyang may braces habang suot ang napakalaking eyeglass nito. Kulot ang buhok nito at medyo chubby. Nerd at weirdo ang tawag nila samen kaya no choice ako kundi kaibiganin din sya tutal kami lang din naman ang parehong inaapi. Kahit ganun I can't compare how Xelexa's being kind to those bullies, kumbaga wala siyang masamang tinapay. We've been bestfriends for almost 3 years. She knows me more than my siblings. "Halika dun tayo sa may dulo." Aya ko dito habang hawak din ang tray na may laman ng aking pagkain. Nangiinsultong tumitingin ang mga tao sa cantene na para bang may nakakahawa kaming sakit. Pero wala kaming pakialam ni Xelexa ang mahalaga ay masaya kaming magkasama at gutom na kami. Matapos ang lunch ay nagmadali kami ni Xelexa na pumunta sa kaniya kaniyang rooms namin. Sa first floor ng science building ang room ni Xelexa kaya sabay na kaming pumunta doon. Sampung minuto na lang at magsisimula na ang klase namin sa economics. Unti-unti nang pumapasok ng silid ang mga kaklase ko nagmamadali akong naglakad patungo sa upuan ko. "Mag-iingat ka kase." Sarkastikong sabi pa ni Maxine ang isa sa mga nang bubully sakin na kaklase ko. Pinatid niya ako habang naglalakad ako hindi ko naisip na gagawin niya yun sa first day ng pasukan. First year palang kami ay ganoon na siya sa akin nasanay na lang ako. Tinignan ko lamang siya, binigyan ako nito ng mapang-asar na ngiti. Agad akong tumayo at pinagpag ang palda ko. Napatingin pa ako sa ilang kaklase ko na pinipigil ang tawa. Napapikit na lamang ako at huminga ng malalim. "Patience is a virtue Barbara" Sabi ko na lang sa sarili ko. Bago pa ako tuluyang mapaupo ay napatingin ako sa kabilang bangko sa tabi ko. Matama akong tinitignan ng lalaki. Nakakunot ang noo nito at hindi ko mabasa ang gusto niyang sabihin. "All right Class. Have you eaten your lunch na ba?" Biglang pumasok si Ma'am Veronica hawak ang mga libro na gagamitin for discusion. Tuluyan na akong naupo at nakinig sa discussion, napalingon pa muli ako sa gwapong lalaki na nasa tabi ko. "What?" I heard him asked. Na parang naiirita sa paraan ng pagtingin ko. "Wala naman." Mahina kong sagot. Sa hiya ko ay napayuko ako at tuluyan ng humarap sa kinaroroonan ng aming guro. Naguguluhan ako kanina nasa may likod siya e bakit kaya nasa may tabi ko na siya umupo. Tiyaka parang pamilyar sakin ang suot niya. Inalis ko na lamang sa isip ko yun at tuluyan nang itinuon sa klase ang aking isip at atensyon. Alas singko na ng hapon ng matapos ang klase. Unti-unti nang naglabasan ang iba kong mga kaklase sa silid. Matapos kong ilagay lahat ng ginamit ko sa bagpack ko ay tuluyan na din akong tumayo. Paglabas ko nang silid ay nakita ko ang gwapong lalaki kanina na nakaupo sa tabi ko. Nakatayo siya sa hallway at tila may inaantay. Narinig kong Drew Harris ang pangalan niya. He's a transferee from WinterField High. Nakakatunaw ang bawat tingin niya his hazel brown eyes piercing mine. Parang tumatagos lagi ang bawat tingin niya sa akin. Siguro ay inaantay niya sina Peter at Bryan. Yumuko ako upang umiwas at nilagpasan siya. "Are you okay? You have bruises on your legs." Mahinahong sambit nito ng lagpasan ko siya. Napayuko ako sa aking hita at nakitang mayroon nga itong mga gasgas. Gawa siguro ng pagbagsak ko kaninang umaga sa bike at sa pag patid sakin ni Maxine. Ngumiti ako at binalik ang tingin kay Drew. "I'm fine. Don't worry." At tuluyan na akong naglakad patungo sa locker room. "Yiiieeee ang pogi niya talaga. At totoo ba to nagaaalala siya sakin,hmmm"kilig na sabi ko sa sarili habang inilalagay ang mga librong idinistribute samin ngayun. Nakangiti ako habang iniisip si Drew. Ewan ko pero iba ang epekto sakin kada mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Nagtatama ang mga mata namin na parang may gusto siyang iparating. "Slow down Barbara It's just a glance from him. Wag assuming. Wag bigyan malisya." Napailing pa ako ng sabihin ko ito sa sarili. Inayos ko ang locker ko at naglaglagan ang limang pink na envelope. Nanlaki ang mga mata ko at nagmamadali kong dinampot ang mga ito. At ibinalik sa loob ng locker. Tinignan ko ang mga nakasulat na pangalan dito at nakitang nakasulat ang mga pangalan ng mga naging crush ko. "Lance" "Jasper" "Seth" "Maximilian" "Robert" Napangiti ako at napailing nang maisip ang kilig nang maalala ang pagkagusto at kwento ko ng bawat isa sa kanila. Ibinalik ko ang mga sulat at sinalansan sa dulong bahagi ng locker at tuluyan ng nilock itong muli. Naglakad ako patungo sa parking lot. Napukaw ang atensiyon ko ng pamilya na lalaki. Ito ang lalaking kanina ay nabangga ko. "Teacher ba siya dito o estudyante." Tanong ko sa sarili. Hays. Ang hirap naman isipin nun. Tuluyan na akong naglakad patungo sa bikers parking lot. Matapos ang twenty minutes ay nakarating na ako sa SummerVille Village kung saan kami nakatira. Malapit na ako sa bahay namin ng mapansin ko ang isang malaking truck sa may tabi ng bahay namin. Nagbaba iba't ibang furniture. Nang makarating ako sa bahay namin ay andoon na si Mommy. "How was your first day baby? " Mommy asked after I opened the door. Nagluluto siyanng dumating ako. "Ayus lang po mommy. Teka anong niluluto mo Mom?" Tanong ko dito at ngumiti. Lumapit ako sa likod niya at niyakap siya pumikit ako habang dinadama ko ang mainit na likod ni Mommy. Malambing na ngumiti ito at sumagot. "Ang favorite niyo nila Kuya mo, Chicken curry. Oh! Ito tikman mo anak kung okay na ito." Sabi pa ni Mommy at kumuha ng konting sarsa upang ipatikim sa akin. "Ang sarap mommy. Ang sarap mo talaga perfect ka po magluto." Sabi ko pa dito at niyakap siya. Ngumiti si Mommy at hinalikan ako sa ulo. "Sige na magbihis ka na muna. Pauwi na si ate mo at sila Daddy." Umakyat ako patungo sa aking kwarto. Nagbibihis ako ng mapansin ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Drew sa kabilang bintana. Magkatapat ang bintana ng aming kwarto. Nagpipigil ito ng tawa habang nakatingin sa akin. Sa galit ko ay sinamaan ko 'to ng tingin, buti na lang at naka sports bra ako. Lumapit ako patungo sa bintana at sinara ang kurtina. "Buwisit na lalaking to!" Naiinis ko pang sabi sa sarili. "I love it when I catch you looking at me, and then you smile and look away" - Anonymous

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD