MARI'S LOVING FAMILY

623 Words
Huni ng mga ibon at masinsinang pag-uusap ng mga magulang sa labas ng kanyang silid ang unang bumati sa pandinig ni Mari. Kakauwi niya lang kahapon sa kanilang probinsiya galing Cebu sapagkat katatapos lang ng ikalawang semester at iyon ang pagtatapos niya sa ikatlong taon ng kursong Nursing. Ito pa lang din ang ikalawang uwi niya simula ng mag-aral siya sa siyudad ng Cebu dahil bukod sa nagtitipid ng pamasahe kailangan niya rin na maglaan ng malaking oras sa pag-aaral at i-maintain ang hinihinging grades para sa kanyang full scholarship. Ang kanyang pagkapasok sa prestihiyosong paaralan ay bunga din ng kanyang kasipagan sa pag-aaral noon dahil natanggap lamang siya sa University of Cebu noong nagbigay ng pagsusulit ang nasabing unibersidad sa kanilang school bago siya grumaduate ng highschool at siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos. Sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil wala ng iisipin na gagastusin sa kanyang pag-aaral ang mga magulang dahil bukod sa libreng tuition at mga miscellaneous expenses sa school, libre din ang kanyang pagkain at may monthly allowance pa siya para sa kanyang mga personal needs. Kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya sasayangin ang magandang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya lalo't lalo na ito ang magiging daan upang maihaon niya sa hirap ang pinakamamahal na mga magulang. Dahil pagod sa biyahe medyo tinanghali na siya ng gising at napasarap talaga ang kanyang tulog lalo na at miss na miss na niya ang sariwang simoy ng hangin at katahimikan sa kanilang probinsiya. 'There's no place like home talaga.' Sabi niya sa sarili bago nag-inat at tuluyang bumangon dahil naaamoy na niya ang sinangag na kanin at pritong tuyo na luto ng kanyang ina. "Magandang umaga itay at inay!" Masigla niyang bati sa mga magulang. "Magandang umaga din sa iyo anak! " Magkasabay namang bati ng mga magulang sa kanya. "Pasensya na po at tinanghali ako ng gising inay. Di ko na tuloy kayo natulongan sa pagluluto ng almusal." Hinging-paumanhin niya rito. "Naku ang batang ire. Huwag mo ngang alalahanin yun. Ang tagal mo ngang di nakauwi kaya dapat lang na magpahinga ka at sulitin mo ang iyong bakasyon. Kami ng itay mo ay sabik din na alagaan ka uli. Kaunting panahon na nga lang ang inilalagi mo dito sa bahay kaya hayaan mo na kaming pagsilbihan ka. Di ba Emil?" Mahabang litanya ng kanyang ina na si Lita. Nakangiting tumango lang din ang kanyang ama dahil sa isip nito masaya silang nakabalik uli sa kanilang munting tahanan ang nag-iisa nilang prinsesa. "Kaya mahal-mahal ko kayo ng sobra eh dahil sa nag-uumapaw niyo ring pagmamahal at pagsuporta sa akin." Naiiyak niyang tugon at napayakap pa sa mga magulang. "Gustohin ko mang manatili nalang dito para makasama kayo palagi ngunit alam kong mas matutulongan ko kayo pagdating ng panahon na ako'y makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho." Masuyo niyang sabi sa mga ito. "Naiintidihan ka namin anak kahit pa sasabihin ko ng paulit-ulit sayo na kahit simpleng buhay lang meron tayo ngayon basta magkakasama ng buo mas panatag ang loob namin ng inay mo." Sabad ng kanyang itay. "Basta aalagaan mo lang lagi ang sarili mo at magdasal sa Diyos na gabayan ka palagi sa araw-araw mong mga tahak sa buhay." Patuloy pa nito. "Opo itay." Tugon niya dito at mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa mga magulang. "Kaya lalo po akong magpupursige para sa inyong dalawa. Pangako po yan inay at itay." Madamdamdamin niyang saad at taimtim pang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa pagkakaroon ng mabuting mga magulang. "Oh siya kain na tayo. Medyo napahaba na naman ang ating drama at lumalamig na ang pagkain." Masigla na ulit na sambit ng kanyang ina at lahat ay napatawa nalang sa sinabi nitong drama ng kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD