Prologue

529 Words
NARITO na naman ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pinaka magandang pasahero ng bus. Sa bawat galaw ng labi niya at pagpikit ng kanyang mga mata ay namamangha ako. Maging ang pag ikot ng kanyang mga mata sa tuwing nay gustong pumorma sa kanya ay nakakahalinang tingnan. Ubod ng suplada ngunit napaka ganda pa rin niya kapag nagsusungit siya. Ngunit natigilan ako nang siniko ako ni Boy sa braso. "Lapitan mo kasi, hindi iyong hanggang paligaw ligaw tingin ka na lang," "Tsk, saka na kapag nakaipon na ako ng lakas ng loob," sagot ko at muling binalingan ang babaeng bumihag sa puso ko. "Ilang taon ka nang nag iipon ng lakas ng loob ngunut hanggang ngayon ay hindi pa ba sapat ang ipon mo?" Pareho kaming natawa. "Sira ulo, syempre, tina- timing'an ko muna," "Huwag mong hintayin ang tamang panahon para duma-moves, tol. Pwede namang ngayon na eh. Ikaw rin, napapansin kong maraming kalalakihan ang sulyap nang sulyap diyan sa babaeng kursonada mo," Napaupo ako nang tuwid sa sinabi niya. Tama. Baka oras na para kunin ang atensiyon niya at hini na hayaang makuha pa ng iba. Tiningnan ko si Boy. "Ano pang ginagawa mo? Gamitin mo ang super powers mo kasi ikaw naman si SuperMon!" biro pa niya. "Teka nga kasi, tol," "Bakit nga?" "Maayos ba ang itsura ko?" tanong ko at natawa muli ang mokong. "Oo, mas lamang ka lang sa akin ng isang ligo," Umatraas ako saka muling umupo. "Oh, bakit na naman?" "Pass tol, kung kamukha kita ay pass na lang," "Gago! Sige na! Lapitan mo na! Gwapo ka naman," sabi niya saka ako tinulak. Pinaandar na ni Boy ang bus at saka iyon pinatakbo. Nakaisip ako kung paano mapalapit sa babaeng gusto ko. Nang nasa tapat ko na siya, kunwari ay natapilok ako kaya aksidente akong napaupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ngunit, hindi pa rin niya ako pinansin at narinig kong nagsalita ito. "Tanga," bulong niya sa sarili. Dahil sa hiya ay mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa tabi ni Boy na nagmamaneho. "Narito ka na naman," nilingon niya ako. "Mag focus ka nga sa pagmamaneho," saway ko. "Tol, sobrang suplada pero sobrang bango. Nakaka adik," Natawa ang mokong sa sinabi ko. "Sumugod ka ulit at subukan mong paamuhin," sabi niya kaya sinunod ko naman. May asawa na siya at siguradong expert na siya sa pagpapaamo ng babae. Ngunit nang makalapit na ako ay lumipat sa tabi niya ang isang lalaking pasahero kaya muli akong umatras. "Takte tol, nauhan ako." Sa nakalipas na tatlong taon ay siya ang isa sa mga regular naming pasahero. Ngunit ni minsan ay ginawaran niya ako ng ngiti bagkus, laging niya aking iniirapan kapag nagkakasalubong ang mga mata namin. Sa nakalipas na taon ay nagawa kong mahulog sa kanya mula sa paligaw ligaw na tingin. Sana ay mahulog din siya sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya ngunit agad akong umiiwas sa tuwing babaling siya sa akin. Muli ko siyang tinitigan ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli niya ako kaya hindi na ako umiwas pa at hinayaan ang sariling titigan siya. Napangiti ako nang siya ngayon ang umiwas. Mapapasaakin ka rin, babaeng maganda pero suplada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD