Prologue (Posted Jan 08,2021)

2469 Words
THIRD PERSON Nagtatagis ang kan'yang mga bagang habang tila nag-aapoy ang mga matang nakamasid lamang sa mag kaparehang iyon. Masayang nagsasayaw ang dalawa na para bang walang pakialam sa paligid. Ang babae ay may hawak pang baso ng liquor habang walang pakialam na umiindak sa daloy ng masayang tugtugin. Itinataas pa ang isang kamay nito sa ere habang sumasabay ang balakang nito sa bawat beat ng musika. Mukhang sanay ito sa inuman. Ang mga mata nya'y tila tinutupok ng apoy partikular sa lalaking iyon na s'yang umagaw at sumira sa relasyon nila ng dating kasintahan. Mahina s'yang siniko ng kanyang kaibigan. "Malakas yata talaga ang gayuma ng gagong 'yon sa mga babae a, akalain mong may na-uto yata ulit na babae pagkatapos niya kay Kristen?" ani Vince na tinuro ang pares na iyon gamit ang kamay na may hawak ng serbesa. Matalim pa rin ang mga matang tinitigan ni Uno ang lalaking 'yon habang sinisimsim ang matapang na liquor sa kanyang baso. "Maganda ang kasama n'ya, parang naka-uto na naman yata ngayon ng modelo," it was Carl. "May araw rin sa 'kin ang gagu na 'yan. Matitikman din n'ya ang ganti ko. Gusto niya ng agawan? Why not.Tsk." He smirked dangerously at inisang lagok ang laman ng baso. "Maraming magaganda ngayon gabi a, pero parang nakakatakam 'yong babaeng kasama ni Miguel." Si Matthew na kadarating palang. Agad din natuon ang pansin nito sa pares na iyon. Sininyasan n'ya ang waiter at um-order ng maiinom. Niyaya niya ang mga kaibigan para magtambay at mag-inuman sa disco bar na iyon. Kung saan nagtratrabaho ang dating kasintahan. Napagalaman n'yang isang linggo na itong hindi pumapasok. Marahil ay sobra itong nasaktan sa paghihiwalay nila ng lalaking 'yon! Pagkatapos akitin ng lalaking 'yon si Kristen pinangakuan ng kung ano-ano ay saka na lang nito iniwanan, pagkatapos makuha ang gusto. At ang walang hiya, iba na naman ang kasama nitong babae. Pangalawang beses na niyang nakita ang babae na kasama si Miguel. Matagal na yong unang beses na nakita n'ya ang babaeng ito, na kasama si Miguel. Mga anim na buwan hanggang isang taon na siguro ang nakakaraan. Magaling talaga yatang mang-uto ang gago! Naalala niya ang dating kasintahan. Isang taon din silang nanatili sa relasyon. Naging masaya ang kanilang relasyon, hanggang sa isang araw ay makipaghiwalay si Kristen sa kan'ya. At ang dahilan, may iba na raw itong mahal at 'yon ay si Miguel. Tulad niya ay galing din ito sa kilala at maimpluwensyang pamilya. Senador din ang ama nito bukod sa kilala din ang pamilya nila sa larangan ng pagne-negosyo. Naikuyom niya ang mga palad habang matalim pa rin na tinititigan si Miguel. "Kung sana ako na lang ang pinili mo. Kung hindi ka nagpadala sa pang-aakit ng lalaking 'yan! Kung sana nagtiwala ka lang sa'kin na kaya kitang ipaglaban sa pamilya ko 'di sana hindi ka nagdurusa ngayon." Ang nagtatagis bagang n'yang bulong sa sarili. Sinulyapan niya ulit ang kasama nitong babae mukhang medyo lasing na ito. Sumasayaw pa rin ito pero makikitang may tama na base sa bahagyang pagsuray-suray nito habang umiindak sa daloy ng tugtugin. This woman looks hot in everyway. Ano kayang pang-uuto ang ginagawa ng gagung 'yon para maakit ang atensyon ng ganito kagandang babae? Her very innocent face is captivating. Kahit pa mukhang sanay ito sa inuman ay hindi nakaka-turn off. Her slender waist and perfect pair of boobs looks deliciously sexy. Medyo may kalakihan at bilungan iyon base sa hulma mula sa suot nitong tight top na bumagay sa suot nitong skirt. "Kung ako ang boyfriend mo, malabong makakapagsuot ka ng ganyan." Wala sa loob n'yang sabi at bahagyang napangisi. Dagling naagaw ang pandin niya ng isang grupo ng kababaehang lumapit sa kanilang mesa. Agad na lumingkis sa kanya si Malou. Ang dalawang Linggo na niyang fuckbuddy. Ang isa namang babae ay akmang tatabi kay Carl, pero bago pa man ito makalapit ay agad tumayo si Carl at lumayo. Susundan sana siya nito ngunit agad n'ya itong pinaningkitan ng mga mata. Sinabi agad nito na hindi niya kailangan ng babae, that he's married. "How many times, I have to say, this. I am married. Go to him, he could accommodate two women." Ang tila wala lang na sabi nito at tinuro si Matthew na walang habas nang nakikipaghalikan sa babaeng kasama nito. Inirapan siya ng babar at lumapit ito kay Matthew. Bukas palad naman itong tinanggap ni Matthew at agad sinunggaban. Uno smirked. Nilingon niya si Kiel. "Woman?" ang tanong nito at tinuro pa ang isang babaeng nakatayo lamang sa kanilang harapan habang panay pukol nito ng mapang-akit na tingin sa kanila. Halos labas na ang dalawang papaya nito sa sobrang hapit na suot nitong party dress. "No thanks!" agad na sagot ni Kiel na abala sa kaka-type sa cellphone nito. Si Vince ay ganon din, pumunta nga ang mga gagu rito pero nasa cellphone ang buong atensyon. "Yes! Tuloy ang bakasyon ni Noah next month." Ang masayang balita ni Vince, nasa cellphone pa rin ang atensyon. Maybe he's chatting with Noah. Naisip ni Uno. Inagaw na lang niya ang pansin ng babae at sinenyasan na maupo ito sa kabilang side. Tuwang-tuwa naman itong umabresiete kay Uno. Inakbayan naman niya si Malou. Bali napapagitnaan siya ng dalawang babae. Mapang-akit s'yang tinitigan ni Malou bago siniil ng mapusok na halik. He was a bit distracted, pero 'di niya nagawang tumugon sa halik ni Malou. Agad niya itong hinawakan sa magkabilang balikat para ilayo ang dalaga sa kanya. Dismayado naman n'yang tinitigan si Uno, and she pouted her red lips. "Not in the mood sweetheart?" ang tila nagtatampo nitong tanong. "I'm just tired." Ang pagdadahilan niya at binalik ang tingin sa dance floor kung saan nagsasayaw si Miguel at ang babae. Kumunot ang noo n'ya nang makitang nagsasayaw ang babae ngunit mag-isa na lamang ito. Napangiti s'ya nang makita itong marahang hinahawi ang ilang mga tao sa kanyang daraanan ang isang kamay naman ay nasa tainga nito at parang may kausap ito sa cellphone. At ang isang kamay naman ay bitbit na ang suot nitong high heel sandals nito. Palabas na ito mula sa gitna ng dance floor na pinanggalingan. Mukhang lalabas ito nga ito para kausapin ang taong tumawag sa cellphone nito. Pasimple si Uno'ng bumitaw sa pagkakaakbay sa dalawang babaeng kasama n'ya. Agad na nagprotesta si Malou. "Where are you going?" ang malandi nitong tanong. Hinawakan nito ang kamay ni Uno para pigilan. "I want to breathe some fresh air." Ang malamig nitong sagot akma sanang tatayo ang babae nang pigilan ito ni Uno at inalis ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanya. "I want to breathe some fresh air... alone." Ang madiin nitong sabi sa huling salita at tuloy-tuloy na naglakad paglabas. Inis na sumalampak sa upuan si Malou at humalukipkip. Tinapunan naman ni Kiel si Uno ng makahulugang tingin. Pati si Matthew ay napahinto sa pakikipag-laplapan at ngumisi sa kanya. Ang isang babae nama'y lumapit sa kinauupuan ni Vince na abala pa rin sa cellphone nito, pero bago pa man ito makalapit kay Vince ay agad nang tumayo si Vince at naglakad papuntang comfort room. Bumaling naman ang babae kay Kiel na tumutungga ng serbesa agad naman napansin ni Kiel ang babae na tila lalapit sa kanya. Makulimlim ang mukhang hinarap niya ito. "H'wag ako!" ang suplado nitong sabi. Napahalukipkip na lang din ang babae at parang isang dipa ang nguso nito sa pagbusangot na bumalik sa dati nitong upuan. Nagsindi si Uno ng sigarilyo at tumayo sa isang tabi na medyo malapit sa babaeng 'yon. Sinundan niya ito sa labas. Dinig na dinig n'ya pa ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya ngunit wala sya'ng maintindihan. Ibang lingwahe ang ginagamit na salita nito habang nakikipag-usap sa cellphone. At 'yon lamang niya narinig ang lingwahe na iyon. Well, the woman looks not a pure filipino. Matangos ang maliit na ilong nito, may kanipisan ang labi na kulay rosas at mapilantik na mga mata. She looks so innocent as he mentioned while ago. At siguro nasa 18 to 20 ang edad nito. Pabalik na ito nang muntikan na itong mabuwal at masubsob. Buti na lamang ay agad n'ya itong naalalayan. "Wooh! careful," ang pinasuyong boses ni Uno. Sinalo ng matitipuno niyang braso ang baywang ng dalaga upang 'di ito tuluyang bumagsak sa lupa mula sa pagkakabuwal. Balak n'yang makipaglapit sa dalaga. And this is the perfect time to do it. Miguel is not around. Mag-isa lang ito at malaya niyang makakausap. Namangha siya dahil mas lalo pala itong napakaganda sa malapitan. Hindi rin naman kasi siya nabigyan ng pagkakataon na mapagmasdan ito ng malapitan noong una n'ya itong makita. Kaya ito pa lang ang unang beses na mapagmasdan niya ito sa malapitan at talagang nakakatulala ang ganda nito. Although alam naman na niya na maganda talaga ang babae ngunit iba pa rin pala ang ganda nito halos isang danggal na ang lapit sa 'yo. Hindi niya maalis ang mata sa napaka-amo nitong mukha. Sa maiksing sandali'y nilibot n'ya ang tingin sa napaka-amo at inosente nitong mukha hanggang dumako sa medyo naka-awang na mga labi ng babae. Makintab ang unat na buhok nitong kulay light brown na hanggang balikat ang haba. How could that man left this beautiful woman alone in there? Hindi ba talaga nag-iisip ang gagong 'yon? Halos lahat ng mga lalake sa paligid kanina ay tinititigan siya. May ilan pa ngang parang asong ulol at nag-aabang na dumakma sa kanya. Isa rin 'yon sa rason kung bakit s'ya sumunod kaagad rito. 'Na baka may mauna nang sumunod sa babae maliban sa kan'ya. "Hey Mr, I'm just fine. You can let me go now. Thanks!" ang natatawa nitong sabi nang tila ayaw siyang binatawan ni Uno. Bigla naman nahimasmasan ang binata at pinilig ang ulo. "You're drunk, nasaan na ang mga kasama mo?" "Oh... They are maybe somewhere, but I'm just fine. I can manage, myself. I can even take more shots." Ang natatawa pa nitong sabi. Akma itong aalis para lampasan siya pero nagsalita ulit si Uno. Kailangan n'yang samantalahin ang pagkakataon na kausapin at makipag-lapit sa babae habang mag-isa pa ito at wala pa si Miguel. Ilang beses n'yang minura ang pangalang 'yon sa isip dahil sa pag-iwan nito sa babae ngunit may parte naman sa kanya ang naging masaya. Naaayon ang pagkakataon e, 'ka nga. Pa'no siya makakalapit sa babae kung nandyan si Miguel? "Hindi dapat basta-basta iniiwan ang napakagandang babaeng tulad mo." Ang sabi ni Uno na ikinatigil ng babae. Nilingon niya ang binata at ngumiti ito ng pagkatamistamis. "They didn't leave me. They are just somewhere in the club. And I'm not a.little girl. I'm totally just fine." Ang tila wala lang nitong sagot. Nakangiti pa. Namumungay ang mga mata. Napalunok siya. Nakakaakit ang pagmasdan ang dalaga. "Siguro kung ako ang kasama mo hindi ko hahayaan malayo ka sa paningin ko." Ang tila nang-aakit at hirit pa ni Uno. Natawa naman ang babae. "Really?" nakangiting tanong niya. She tilted her head. "Pinupormahan mo ba ako?" nakangisi at walang gatol nitong tanong. Ngumiti si Uno at bahagya pang lumapit hanggang magkatapat na 'uli sila. Niyuko pa siya ng binata dahilan para maging mas magkalapit ang mga mukha nila. "Oo, sana. Bakit may magagalit ba?" He smirked and pinned his seductive eyes on hers. "Yes. Isa pa, hindi kita type." Ang walang bara nitong sabi. Laglag panga 'sya nitong tinitigan. Ngumisi lalo ang dalaga at nilampasan siya. Hindi s'ya nakahuma agad sa kanyang kinatatayuan tila ba s'ya naging isang tuod. Nag-e-echo pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ng babaeng iyon. Hindi kita type. Hindi kita type. Hindi kita type. How could she? 'Ni wala pang tumatangging babae sa kanya. Kahit 'nga si Kristen ay isang araw lamang nya'ng sinuyo. At naging sunod-sunuran nga rin ito sa lahat ng gusto n'ya noon, not until she met that bastard Miguel. ** Laglag balikat siyang bumalik sa kanilang mesa. Nakita pa n'ya ang babae sa 'di kalayuan palingalinga na tila ba may hinahanap. Marahil ay hinahanap na nito si Miguel. Hindi siya makapaniwala na walang habas siya nitong tinanggihan. At ipamukhang hindi s'ya nito type. Hindi s'ya nito gusto! Kinuha niya ang isang bote ng matapang na liquor na 'yon mula sa lamesa at diretsong tinungga. "Wow... Dahan-dahan lang Uno!" ang nanlalaking matang saway ni Carl. Pinunasan ng likod ng palad nito ang tumulong liquor sa gilid ng kanyang bibig. At muling binalik ang tingin sa babae. Biglang naalarma si Uno ng mapansin ang dalawang lalaking tila nagbubulungan malapit sa babae. Huli na nang walang pakundangan sinapo ng palad nang isa sa mga lalake ang pang-upo ng babae. Nakita ni Uno ang pagbabago ng itsura ng babae. Mula sa pagiging maamo at nakangiti nitong mukha ay nanlisik ang mga mata nito bigla. Tila ba naging mabangis na hayop. Naging tingre at handang manakmal ng leeg. Hinawakan ng babae ang palapulsuhan ng lalaki na s'yang nakahawak sa kanyang pang-upo at pinilipit ito. Maliksi itong kumilos paikot. In just one swift, hawak na nito ang dalawang kamay ng lalake mula sa likod na halatang hindi magkanda ugaga sa sakit. Nasa likod s'ya ng lalake hawak ng mahigpit ang dalawang kamay nito. Namilipit naman ang lalaki. Malakas niya itong tinulak hanggang mapasubsob sa isang mesa. Naagaw na ng karamihan ang atensyon nila. Akmang susugod ang kasama nitong lalake ngunit maliksing humakbang ang babae. Tumalon sa isang upuan, umikot sa ere at nagpakawala ng malakas na sipa. Sapol ang kabilang panga ng lalake. Samantalang nakatayo pa rin ang babaeng bumagsak sa sahig na para bang walang nangyari. Nakainom at medyo lasing pero napakaliksi pa rin ang landing ng mga paa nito sa sahig. Ngumisi pa ito ng makitang bagsak ang dalawang lalake. "Huwag ako mga gagu!" ismid niya sa dalawa. Halos lahat ng nakapaligid sa babae ay laglag panga. Puro nakanganga at 'ni wala yatang gustong kumilos para gumawa ng ingay. Agad naman dumating si Miguel kasama ang dalawa nitong bodyguard. "What happend?" ang parang wala lang nitong tanong. "That bastard grabbed my ass!" ang asar na sabi nito at tinuro ang isa sa lalaking nakasalampak sa lamesa iniinda pa rin nito ang pinilipit na braso at kamay. Mayamaya pa'y lumapit ang manager ng bar. Agad naman na pumirma ng cheque si Miguel at ini-abot sa manager. "Lets go," anito pero bago pa sila lumabas ay binalingan pa ulit ng babae ang humawak sa kanyang p'wet! "Sa susunod piliin mo kung sino babastusin mo ha?" ang maangas nitong sabi sabay sipa sa lalaking tila takot na takot. Rinig pa nila ang pag-igik nito sa sipa ng babae sa tagiliran. Nakita pa n'ya ang pagngisi ni Miguel. "Buti hindi niya kayo napuruhan" mayabang nitong sabi sa dalawang lalaki. "Lets go babe," ang 'aya nito sa babae at inakbayan na ito palabas ng bar na iyon. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Lahat yata sila'y napanganga. "W-what the hell..." Naiusal ni Uno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD