KABANATA 1

1652 Words
Ngumiwi si Maxine habang nakatingin sa kapatid niyang bagong kasal at nagsusubuan pa kasama ng asawa nito. Tumaas ang kilay niya sabay tusok sa slice ng cake gamit ang manipis pero matibay na tinidor.  Kalokohan! Maghihiwalay din sila at mangangabit yang si Ezmir. Para kay Maxine. Men are parasite na hindi mawala-wala, they love hurting women because they’re assholes and cannot be trusted. Tuwing malalapit siya sa lalaki pakiramdam niya ay tataas ang presyon niya sa inis. “Maxine, ayusin mo nga ‘yang pagmumukha mo.” galit na sabi ng ina niya. “Hindi ka ba natutuwa sa kasal ng kapatid mo?” Ngumiwi lalo si Maxine at nag-iwas ng tingin sa bagong kasal.  “Naawa ako para kay Amari. Kawawa lang siya kay Ezmir,” usal niya sabay hugot sa tinidor at tusok ulit sa cake at hinati gamit ang tinidor, isinubo at mabilis na nginuya na parang kumakain ng karne ng baboy. “Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Nasa kasal tayo, kaya dapat nakangiti ka.” Hindi siya nakinig sa ina niya at hindi binago ang lamukot na expression ng mukha niya. “Mom, to be honest. There’s nothing to be happy in this f*cking reception—” “Watch your word Maxine!” Pinanlakihan siya nito ng mata. “Hindi porket nabigo ka sa pag-ibig mo noon ay mabibigo na rin ang kapatid mo.” “That’s my point, Mom.” kinuha niya ang glass wine at inis-straight ang laman na champagne bago magsalita. “Hihintayin mo pa bang magaya sa’kin si Amari?” tumayo ito sa upuan niya bago magpaalam. “I’m outta here.” Naiinis na siya sa paligid niya na lalong nagpapa-bitter sa kanya. Umalis na ito sa reception hall sa isang sikat na hotel. Kahit kailan talaga ay hindi sila magkasundong mag-ina.  She snorted as she exited the gorgeous reception. Kasal-kasal pa maghihiwalay rin naman. Kalokohan talaga. Tapos sasabihin ng mga lalaki kapag na losyang ang asawa niya na busy ka kaalaga sa anak nila. Gusto nila ng ibang putahe dahil nakakasawa ang paulit-ulit. Puro kasi s*x ang nasa utak ng mga hambog na ‘yon! They are f*cking horny everyday! Tapos sisihin ang mga babae kung bakit sila nangangabit? Mga hunghang talaga. Kung kaya sila ang butasin tapos hindi sila lumuwag?  “Thank, God, I’m virgin.” mahinang sabi ni Maxine at umiling-iling habang iniisip ang kapatid niyang si Amari. Sa panahon ngayon. Normal na lang ang magkaroon ng third party sa isang relasyon. Sarap buhusan ng mga nagpapa-change oil d’yan.  Tapos when men cheat, society goes with it na parang okay lang. Pero pag babae ang nag-cheat sasabihin agad na pokpok, haliparot, makati, at mamatay ka nang dala-dala ang salitang ‘KABIT’. Paglalaki ang nangabit ‘yung kabit ang sasalo ng lahat which is deserve naman niya. Ang kinaiinisan ko lang bakit ‘yung lalaki hindi nila pupunahin like ang bilis humupa ng issue pag-lalaki na ‘yung gumawa. Kaya hindi talaga pantay-pantay ang babae at lalaki. Meron talagang makakalamang palagi. Nang maitapak na ni Maxine ang takong niya sa labas ng hotel, she sighed put on her expensive sunglasses, flipped her hair and walk towards her red lamborghini.  Hindi pa siya nakakarating sa sasakyan niya ng may humawak sa braso niya.  “Wait, Miss!” A male voice said. Alam naman natin na pag babae ang tumawag alam mo agad. Pero lalaki ang tumawag sa kanya na lalong nagpainit ng dugo niya. Tumaas agad ang dugo niya at nag-init nang marinig niya ang boses ng lalaki. Wala siyang ibang allergy pero tuwing nakakarinig siya ng boses ng lalaki. Pakiramdam niya ay kumukulo ang dugo niya. Binawi niya ang braso niya kasabay ng pagharap niya sa hindi kilalang lalaki. Tinaasan ng kilay at nginiwian. Maxine slightly stilled when she saw the man’s face. She was stunned for a few seconds. Grayish eyes, soft plump lips, pointed nose. Square jaw. Dark hair. Broad shoulder. ‘Di Hamak na mas matangkad sa kanya ito. At dahil nakalilis ang polo nito hanggang siko, kitang-kita niya ang tattoo nito sa braso. It was a chain tattoo na nakapalibot sa braso nito na umabot na sa leeg nito, pero sa parte na ‘yon halos dulo na lang ng chain ang kita. Lalo itong naging hot sa tattoo nito. Ayaw ni Maxine sa mga lalaking may tattoo and actually kahit wala silang tattoo ayaw niya pa rin sa mga lalaki. But damn, it made him hotter in her eyes. Mabilis siyang na balik sa realidad ng mapansin niyang nakatingin lang siya sa lalaki ng ilang segundo. Sigurado siyang isa ito sa mga lalaking kagaya ng ex boyfriend niya or maybe he’s worst. Siguradong manloloko. One Million percent sure siya diyan. “Who are you?” mabilis na tumaas ang kilay ni Maxine. “Mali pala. Do I know you?” “Uhm,” tila napaisip ito at bahagyang ngumiti. Damn this man has a killer smile! “Hindi mo ako natatandaan?” Tumaas na pareho ang kilay ni Maxine. Magtatanong ba ako kung kilala kita? Ano ako? Acting like a fool? “No, so f*ck off! Wala rin akong balak kilalanin ka.” Inirapan niya ito at tinalikuran. “It’s me, Law.”  Humarap siya muli rito at nagsalita. “Who cares, I don’t remember you.” “But—” “Look, whoever you are, I don’t know you, so can you please leave me alone?!” sasabog na sa pagtitimpi ang dalaga. Tsk! Ang kulit.  He blinked at her then frowned. “Hindi mo talaga ako maalala? I’m looking for you for few months now. That night, you know? Simula no’n hinanap na kita.” Kumunot ang nuo ng dalaga sa pinagsasabi nito. Wala siyang matandaan. “It’s me, Law, 3 months ago… remember? We ahm… we dance and drink.” Mas tumalim ang mata niya at mas tumaas ang matatarik na kilay. “No, I don’t remember anything.” He sighed na para bang nahihirapan itong ipaalala sa kanya ang gabing iyon. “You don’t remember that night? With me?” Pilit ginalugad ni Maxine ang isipan niya para alalahanin ang sinasabi ng lalaki pero wala talaga siyang matandaan. Madalas siya sa bar dati pero hindi na ngayon. Kaya imposibleng maalala niya. “Hindi nga kita kilala. Ang kulit mo naman, tsk!” Nawala ang pag-asa sa mukha nito. “Oh, maybe you’re not her, sorry.” Inirapan niya na ito sa huling pagkakataon saka sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palayo sa lalaking kanina pa tanong nang tanong. Pero hindi alam ni Maxine kung bakit napatingin siya sa side mirror ng kotse niya. He’s still there, nakatayo at ganun pa rin ang emosyon, nakatitig sa kotse niyang humarurot paalis sa pwesto nila kanina.  “Anong problema ng lalaking ‘yon? Ang drama naman!” Humugot siya ng malalim na hininga t’saka itinuon ang tingin sa daan. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong lalaki. ‘Yung tipong lalapit sayo at magpapakilala, with matching tanong pa kung kilala ba siya. Binilisan niya ang pagmamaneho patungo sa Hacer Clubhouse na pagmamayari ng kapatid niyang si Eren. Isa iyong gusali na tanging babae lang ang pwedeng pumasok. Ni-request niya iyon sa kapatid niya para naman malayo siya sa mga lalaki. Meron din namang Clubhouse na under construction pa lang para sa mga lalaki naman.  For her, this is paradise. No men allowed. Free from f*cking boy. At walang stress sa lugar na iyon. Nang makapasok ang sasakyan ni Maxine. Masaya siyang sinalubong ng babaeng valet na si Grasya.  “Hello, Miss Blues.” Masayang salubong sa kanya nito. “Walang bagong paandar si kuya?” she asked. “Wala, Miss, pero may paparating na events si Sir Eren.” anito. Nginitian niya ito. Kapag lalaki ang kaharap ni Maxine para itong lion pero kapag babae na ang kaharap niya. Para siyang isang maamong puting kuting.  “Here,” inabot niya ang susi kay Grasya. “Ikaw na ang mag-park ng kotse ko.”  Magiliw na ngumiti si Grasya at kinuha ang susi na inaabot nito. Maxine sighed and looked at the huge building in front of her. Itinayo talaga ang club house na ito para sa mga babaeng pinagpalit, ginamit, pinagsawaan, at kung ano pang masasamang karanasan ng kababaihan sa lalaki. Itinayo ito para sa pagbangon ng mga kababaihang nadapa sa kanilang pag-ibig na inabuso ng mga kalalakihan. Isa siyang myembro dito at hindi niya sinasabi sa mga kaibigan niya na kapatid niya ang may ari nitong Hacer Clubhouse. Wala naman siyang dapat sabihin dahil hindi rin naman sa kanya ito. Isa pa, baka magbigay lang ang mga ito ng special treatment sa kanya. As usual makikita mo agad ang babaeng umiiyak yakap ng isa pang babae. At ‘yon ang mga babaeng baguhan pa lang dito.  Ang naturang Clubhouse ay may limang palapag na kinagigiliwan ng mga kababaihan. First floor is where the cafe and restaurant located. Ang pangalawang palapag naman ay nahahati sa dalawa. Isang gym sa kanan at isang bar sa kaliwa.  Sa third floor naman ay may spa, salon, at beauty clinic para naman ma-relax ang mga kababaihan. In the fourth floor are rooms where the Club members can rest. And the last is the rooftop, ang bonding area, na kung saan masasayang nag uusap ang mga kababaihan kung paano sila nakabangon sa masalimuot na karanasan.  Meron din silang area kung saan maglalagay ng isang puting tela na kasing laki ng panyo. Ilalagay doon ang pangalan nila at kung anong message ang gusto nilang ilagay. Isa iyong achievement place kung saan nagpapatunay na naka bangon na ulit sila at hinding-hindi na sila magpapagamit sa mga lalaking iyon kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD