CHAPTER 1

2300 Words
Nakilala ko si Xander De Chavez sa opening ng bar nina Zach, Gab, at Drew na pinsan ng kaibigan naming si Sofia. Simula no'ng makita ko siya sa bar no'ng gabing iyon ay hindi na siya mawala sa isip ko. Dati, hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero ngayon ako ang magpapatunay na totoo pala ito. Sanay ako na ako ang hinahabol at nililigawan, pero heto ako ngayon nagmumukhang stalker ni, Xander. Pangit man pakinggan sa isang babae, but I will do everything to make him fall in love with me. Gwapo, matangkad, seryoso, at masungit. Mga katangian na nagustuhan ni Nathalie kay Xander na siyang nagpatibok ng damdamin nito para sa binata. Pero paano kung kabaliktaran ng mga katangian ni Nathalie ang gusto ni Xander para sa isang babae? Xander's ideal girl is simple. Kahit hindi mayaman at sosyalin basta mabait at hindi maingay. In short, ayaw ng binata ng madaldal. Makukuha kaya ng dalaga ang loob ng binata gayong halos lahat nang ayaw nito ay nasa kanya na? At paano kaya mapaibig ni Nathalie Fuentebella si Xander De Chavez? Alamin natin sa THE HOTTEST TRIPLETS BOOK 2 (Nathalie) ang kwentong may kilig at tawa. Pagkatapos nang halos isang linggo na walang pasok, heto at back to normal na naman ang lahat. "Guys, mauuna na ako sa inyo," sigaw ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ng aking mga kapatid. Patakbo akong bumaba sa hagdanan na animo'y may emergency na nangyayari. Mabilis akong humalik sa pisngi ng aking mga magulang at nagmadaling umalis. Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tawag ni Mom, dahil sa pagmamadali ko. Sakay ng aking kotse, pumunta ako sa isang kilalang restaurant dito sa Maynila na kung saan nandu'n lahat ng masasarap na pagkain. Kilalang-kilala ang restaurant na ito dahil para ka na rin kumain sa restaurant sa ibang bansa sa kakaibang mga pagkain na ihahain sa'yo. Filipino food, Spanish food, and even Italian food. Pagpasok ko pa lang, bumungad na sa'kin ang napakaganda at eleganteng restaurant na tanging mayayaman lang ang afford kumain. Kahit sa mga ilaw na ginamit, maging sa mga upuan at mesa ay parang sa restaurant sa Italy ang itsura. Umupo ako sa bandang dulo na kung saan kita ko ang magandang view sa labas. Napatingin pa ako sa kalangitan, parang may nagbabadyang ulan dahil na rin sa makulimlim na panahon. Hindi ko na pinatagal pa ang oras, sumenyas ako sa waitress at lumapit naman siya agad sa 'kin. "Good morning, ma'am, here's the menu." ani ng babaeng waitress na lumapit sa'kin. Naghintay pa ito sa aking gilid hanggang sa makakuha na ako ng order. "Can I have Carbonara Di Astice and pineapple juice for the drink?" Sabi ko sa waitress. "Okay, ma'am, maaring maghintay lamang po kayo nang ilang minuto," magalang na sabi ng waitress at yumuko pa sa 'kin. Tumango ako at nginitian ito. Halatang na-train nang maayos ang mga staff dito sa restaurant pati na rin ang kasuotan nila ay maayos tingnan. Bonus pang may itsura ang mga ito. Maya-maya pa dumating na ang pagkain ko. Wala pang limang minuto nang mai-serve ito sa 'kin. Seven pa lang ng umaga kaya hindi ako nag-order ng hard meal. Magana na akong kumain nang mamataan ko ang lalaking napakakisig at seryosong nakikipag-usap sa chef ng restaurant, si Alexander De Chavez. Siya ang inatasan ng mga magulang na mamahala sa restaurant ng De Chavez na siyang kinaroroonan ko ngayon. At dahil nag-iisang anak, siya rin ang namamahala ngayon sa Hotel De Chavez Empire sa edad na twenty-four. Ilan lang iyan sa mga nalaman ko kay Alexander De Chavez na mas kilala bilang Xander. "Ang gwapo talaga! Pakiramdam ko kahit hindi ko na ubusin 'tong in-order ko ay busog na ako sa pagtitig pa lang sa'yo," ani ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin kay, Xander. Lumingon ito sa gawi ko at pasimple akong yumuko sa aking plato at sumubo nang seksi. "Tsk! Mukhang mahuhuli pa yata akong nakatingin sa kanya," kausap ko ang aking sarili habang ngumunguya. Ewan ko ba kung ano 'tong pinaggagawa ko. Kung malaman lang talaga ng mga kapatid ko itong ginagawa ko baka tadtad na ako ng bala sa katawan dahil parang Armalite pa naman ang mga bunganga nila lalo na si, Ashley. Napangiti na lang ako nang lihim dahil pati si Sofia kinasabwat ko pa para lang makaiwas sa tanong ng mga kapatid ko sa 'kin. Tumingin ako sa gawi ni Xander habang kausap pa rin ang lalaking nakauniporme na puti. Malapad pa itong ngumiti habang tinatapik sa balikat ang kausap. "Mukhang masaya ang lalaking ito, ah. Masira nga ang araw mo." aniya kong umarangkada na naman ang kapilyuhan. Hindi ko na tinapos ang aking pagkain no'ng makita kong papaalis na ito. Naglagay lang ako ng pera sa ibabaw ng mesa at hindi na hinintay pa ang sukli. "Hi, Xander, what are you doing here?" kunwaring tanong ko kahit alam kong sila Xander ang nagmamay-ari nitong restaurant. Tiningnan lang ako nito at hindi na pinansin pa. Tinawag ko ulit siya pero kahit ang lingunin man lang ako ay hindi niya ginawa. Pinagpatuloy lang nito ang paglalakad. "Kanina lang ang saya mo. Ngayon naman parang binagsakan 'yang mukha mo nang sandamakmak na problema. Ang sungit akala mo naman ang gwapo!" Yamot kong sabi sa aking sarili. "Ano'ng sabi mo?" tanong n'ya at biglang lumingon sa 'kin. Nagulat ako dahil mukhang narinig pa yata ni Xander ang sinabi ko. Pero syempre mabilis akong nag-isip ng isasagot sa kanya. "Sabi ko ano'ng ginagawa mo du'n sa restaurant? Doon ka rin ba kumakain?" Kunwaring tanong ko na lang. "It's none of your business," ani nitong wala man lang kangiti-ngiti na akala mo pasan ang mundo sa pagkakakunot noo. Napahiya ako, pero syempre hindi pa rin ako magpapatinag. Para saan pa't binansagan akong madaldal ng mga kakilala ko. "Bakit masama ba magtanong? Dinaig mo pa ang babaeng may regla, napaka-sungit! Hindi na ako magtataka kung walang magkakagusto sa'yo. Ang sungit-sungit mo!" sabi ko sa kanya na nakapameywang pa. "Wala kang pakialam kung sino man ang susungitan ko or kung sino man ang papansinin ko. Ang pinsan kong si Sofia ang kaibigan mo hindi ako. I dont need to explain it to you, we're not close either," seryosong sabi pa rin nito. "Para sabihin ko sa'yo hindi ko rin maatim na maging kaibigan ka dahil ang yabang mo na ang sungit-sungit mo pa! Hindi ka naman gwapo. Pinaglihi ka siguro ng Nanay mo sa sama ng loob kaya ka ganyan. Tumanda ka sanang binata!" Naka-taas kilay na sagot ko rito habang nagpupuyos ang kalooban. Tinalikuran lang ako ni Xander at wala man lang reaksyon sa aking sinabi. Pasimple ko siyang sinundan. Papunta na ito sa kanyang kotse. "Siguro pinaglihi nga ito sa sama ng loob kaya ang sama lagi ng ugali. Hindi naman gwapo pero napaka-sungit!" Ani ko sa 'king sarili na may halong irita sa hambog na si Xander. "Hindi gwapo, ha? Pero crush mo?" Sagot naman ng aking isip. Napa-buntong hininga na lang ako dahil doon. Si Xander talaga ang dahilan kaya ako nakarating sa restaurant nila. And thanks to Sofia, dahil kahit papaano may napulot akong konting impormasyon sa pinsan n'yang ubod ng sungit. Pero kung may gusto kang makuha kailangan mo itong pagtiyagaan. Mahirap man itong kunin sa umpisa pero makukuha mo rin ito sa abot nang iyong makakaya. At 'yun ang dapat kong gawin. Konting tiyaga lang at makakamit ko rin ang tagumpay. Naglalakad na ako papunta sa aking sasakyan habang sinisipa ang maliliit na batong nadadaanan ko. Doon ko ibinunton ang inis ko kay Xander. Pero hindi ko namalayan na nasa unahan ko pala s'ya at nauna s'yang naglakad sa'kin kaya naman nagulat ako nang biglang tumama ang mukha ko sa matigas na bagay. "Sinusundan mo ba ako?" Napaangat ako ng ulo dahil bumangga pala ako sa dibdib nito. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko at kung saan-saan lang nakatingin. "Hindi kita sinusundan 'no! T'saka d'yan din naka-park ang kotse ko. Paano mo nasabing sinusundan kita? 'Wag ka ngang assume-ro!" Pairap na sabi ko sa kanya. Kahit totoo naman talaga na sinusundan ko s'ya. Nagkataon lang na pareho kami ng pinag-park-an ng sasakyan kaya 'yun na lang ang sinabi kong dahilan. Tinalikuran lang ako nito at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan. Hindi man lamang lumingon kahit saglit, bagkus pabagsak pa niyang sinarado ang pinto ng kanyang kotse na akala mo'y may kaaway. "Bwisit na lalaking iyan. Kung hindi ka lang gwapo, who you ka sa 'kin." Sabi ko na hindi alintana ang mga taong dumadaan papuntang parking area kung marinig man nila ang sinasabi ko. Wala akong nagawa kung 'di sumakay na lang din sa 'king kotse at dumiretso na lang sa skwelahan dahil forty minutes na lang ang oras ko para sa 'ming klase. Nag-text ako kay Sofia at magkunwari na lang mamaya na magkasama kaming dalawa na kumain sa labas. Dahil panigurado tatanungin ako ng aking mga kapatid kung saan ako nagpunta. Mausisa pa naman ang mga iyon lalo na si, Ashley. Baka mamaya mabuking pa ako nang wala sa oras. And worst, nakakahiyang malaman nila na nagiging stalker na ako at si Xander pa na pinsan ni Sofia ang puntirya ko. Dumating ako sa school nang walang thirty minutes sa biyahe dahil nataon na wala naman din traffic. Feeling ko tuloy sirang-sira ang araw ko dahil kay, Xander. Akala ko magiging maganda ang unang plano ko pero disaster pala. Ang buong akala ko na Xander na nakilala ko sa bar nina Zach, Gab, at Drew ay mabait at maginoo. Hindi ko akalain na nasobrahan pala sa sungit at mukhang nalipasan ng panahon. "Woooo!!! Hindi ako makapaniwala na bumiyahe pa ako nang napakalayo dahil lang sa mokong na 'yun." Inis kong sabi sa aking sarili. Para sa 'kin malayo na ang forty minutes na biyahe dahil hindi ko naman gawain ang kumain sa malayo, pero dahil kay Xander ay ginawa ko. "Nagpakapagod pa ako nang wala naman nangyari," aniya ko sa 'king sarili na nagpupuyos pa rin ang kalooban. Mabilis akong nag-ayos sa aking sarili sa loob ng sasakyan bago ako lumabas. Didiretso na lang ako sa room namin bago pa ako makita ng mga kapatid ko dahil paniguradong tadtad na naman ako ng tanong 'pag nagkataon. Pero hindi ko pa nailapag ang paa ko sa lupa nang makita kong nakasandal sa hood ng aking sasakyan si Ashley at sa kabila naman si Nikki. "Saan ka galing aber at ang aga-aga mo umalis? 'Wag mong sabihin na umaalis ka na ngayon nang hindi namin alam kung saan ka pumupunta?" Sabi ni Ashley na nakasandal lang sa aking kotse habang nakatalikod sa 'kin. "Niyaya ako ni Sofia na kumain sa labas. Hindi ko matanggihan kaya sumama na lang ako. T'saka siya ang taya tatanggi pa ba ako eh, minsan nga lang 'yun mabait," sabi ko na sinabayan nang pekeng tawa para magmukhang makatotohanan. "Niyaya ka nga ba talaga ni Sofia? O may iba pang dahilan kaya ang aga mo umalis na hindi kami kasama?" Tanong naman ni Nikki. "Kahit kailan talaga malakas ang pang-amoy nitong isa," aniya ko sa aking sarili. "Bakit hindi niyo tanungin si Sofia nang malaman niyo ang totoo," seryoso kong sabi na mukhang 'yun nga ang gagawin nila. "Tatanungin ko talaga si Sofia. Baka mamaya nagdo-droga ka na pala pero hindi lang namin alam," seryosong sabi pa ni Ashley. Tinawanan naman siya ni Nikki dahil sa kanyang sinabi. "Hoy! Hindi pa ako baliw para magdroga 'no!" natatawa kong sabi. "Hali ka na nga at baka ma-late ka na naman. Masabon ka na naman ng prof mong mukhang orangutan na laging may regla," natatawang sabi ni Ashley. Natawa na lang ako at naalala na naman kung paano ako pinagalitan ng prof kong matandang bakla na mukhang nalipasan ng gutom. Na-late lang naman ako nang five minutes pero todo sermon na ito sa 'kin. Pero kapag mga kaklase kong lalaki ang ma-late todo pa-cute pa. Kulang na lang abutan mo ng tissue at sabihang 'Sir, 'yung panis mong laway tumutulo na.' Nagmadali na kami ni Ashley at baka nga mapagalitan na naman ako ng prof kong, bakla. Tiningnan ko ang hawak kong cellphone at ilang minuto pa naman bago magsimula ang klase. "I'll go ahead. Let's meet in the cafeteria later." sabi ni Nikki habang kumakaway sa amin ni Ashley. Kumaway kami pabalik t'saka nag-umpisa na rin maglakad. Ilang minuto pa naman ang klase kaya hindi ko na kailangan magmadali dahil alam kong hindi pa ako male-late. Naghiwalay na lang kami ni Ashley sa may hallway t'saka ko binilisan ang paglalakad papunta sa aming room. Pagdating ko, wala pa ang aming prof at konti pa lang din kami sa loob ng room. Pabagsak akong umupo sa aking upuan. Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa araw na 'to. Pagod sa pag-iisip ng dahilan sa aking mga kapatid. At pagod dahil sa pagiging, stalker ng isang napaka-sungit na nilalang. Ewan ko ba simula no'ng makilala ko si Xander sa bar nina Zach, pinangako ko sa aking sarili na makukuha ko siya at hindi pwedeng hindi. Siguro ito na 'yung sinasabi nilang love, at first sight, na hindi ko pinaniniwalaan no'ng una. I meant it when I said I didn’t believe in love at first sight. But it takes time to really, truly fall for someone. At dahil kay Xander De Chavez, mukhang mababali ang kasabihang 'yun na hindi ko alam na pwede pa lang magkatotoo sa tunay na buhay. Pero paano ko naman kaya paamuhin ang taong kahit sarili hindi alam ngitian? This is going to sound crazy, but... from the moment I first set eyes on him I haven't been able to stop thinking about him. And I will do everything to make him fall in love with me. And that is my mission I must fulfill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD