KABANATA 1

1757 Words
KABANATA 1: Bridal Shower Umugong ang hiyawan ng mga kababaehan ng nagsimula nang sumayaw ang limang matchong lalaki sa harap namin. Naka boxer lang sila habang nakamaskara ng itim. Tawang-tawa ang mga kaibigan ko at maging ako na nasa gitna ng upoan. Halos pumiyok ang boses ko sa kakasigaw dahil halos dumampi saking katawan ang katawan ng lalaki. Halos ayaw ko ng buksan ang mata ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko para sa limang lalaki. Ganito ba talaga pag bridal shower? Ganito ba talaga dapat ang ginagawa ng mga babaeng ikakasal na? I dunno dahil ang mga kaibigan ko ang pasimuno ng party na 'to. Alam ko naman na gustong-gusto nila ang ganitong party lalo na't lalaki ang pag-uusapan. Nanatili parin akong nakapikit at tanging sigaw lang ni Erika, Grace, Ivony at Jessica ang pumangibabaw saking tenga. This is so insane, ito ang unang pagkakataong may sumayaw sa harap ko na nakahubad. "Mary open your eyes, huwag kang KJ!" Si Grace na halos hilahin ang dalawang kamay ko na nakatakip saking mukha. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa ingay nilang lahat. "Maey tignan mo dali, huwag mong takpan ang mata mo. Ngayon lang 'to at ito na ang huli." Umalingaw-ngaw ang boses ni Jessica sa tenga ko. "Guys hindi ako sanay sa ganito, kayo talaga bakit naisip nyo to?" Natatawa kong sagot. Sobrang lakas ng tawanan nilang lahat, feeling ko tuloy naging KJ ako sa kasiyahan na 'to. "Maey please, para lang sakin sumabay kana sa kanila please!" Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata ng marinig ko ang boses ni Erika sa tabi ko, nakangiti na sya sakin ngayon. "Oh my ghad!!!!" Sigaw ni Ivony na ikinaligon naming lahat. Nagtawanan kami sa nasaksihan. Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki. Sinayawan sya ng mga 'to habang pababa ng pababa. "Oy guys, tulongan nyo ako dito hindi ko kaya ang dalawang to." Pagmamaktol niya habang nakayakap sa kanyang sarili. Sobrang sakit na talaga ng tyan ko sa kakatawa. "Wooooh go Ivony, isa laban sa dalawa haha!" Mas lalo kaming naghiyawan sa sinabi ni Erika. "Kaya muna yan, gusto mo rin naman ng dalawahan diba?" Si Grace sa natatawang pang-aasar. Napanguso si Ivony sa narinig. "Tandaan mo Ivony, dalawa ang dibdib mo. Dapat dalawahan din ang humawak niyan." Mas lalong umugong ang tawanan naming lahat. Halos hindi ako makahinga sa kakatawa. "Guys ano ba, pigilan nyo ako! Awatin nyo ako dito." Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Ivony, sinabayan niya ang dalawang lalaki habang pinagitnaan sya ng mga to. Kitang-kita sa mukha ni Ivony ang kalasingan, maging ang ibang babae sa loob ng kwarto ay lasing narin. Sobrang ingay naming lahat sa iisang malaking kwarto. Room is tastefully furnished with large windows offering natural daylight in the room kaya kahit lasing kana hindi mahahalata dahil sa lights ng room. Sa puntong ito ay lasing narin ang iba at maging ang tatlo kong kaibigan, tanging ladies drink lang ang iniinom ko. Napaupo ako sa gilid kong nasan ang mahabang sofa. Nanatili akong nakangiti habang pinapanuod si Erika na sobrang saya kasama si Jessica, Ivony at Grace. Sumasayaw ang lahat kasama ang limang matchong lalaki. Mariin akong nagbuntong hininga bago iginala ang mata sa buong paligid. The place was so perfect! Yong tipong walang pipigil sayo dito, yong tipong pwede kang magwala sa saya at uminom ng ilang ulit. This is my first time to experience bridal shower and maybe this must be the last. Napangiti ako habang nililibot ang tingin sa buong paligid. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Isa sa pangarap ng mga kababaehan ay ang makasal sa kanilang minamahal, isa rin ito sa mga pangarap ko lalo na't maging parte ng gabing ito. Bridal shower them ideas get me inspired. Ito na yata ang pinakamasayang gabi sa buong taon na ito. Ibinalik ko ang aking tingin sa mga kaibigan kong hindi pa tapos sumayaw, dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa champagne brunch. Uminom ako kahit isang baso lang, gusto kong maging mas masayaw ang gabing ito kasama ang mga kaibigan ko. Natatawa ako dahil pinaghandaan talaga nila ito para sumaya kaming lahat at sumaya si Erika. Sobrang unique ng nagawa ni Jessica, Ivony at Grace. Ginawa nilang ka saya-saya ang party na 'to. May bar and sparklig mimosa station, may black tie glitter and glitz. The room is also set with skirted gift, food and soft drink tables at hinding-hindi mawawala ang mga nakahubad na lalaki. Erika is getting married in a few weeks and the theme of her wedding is so amazing. I thought it would be hard for Erika na patulan si Diego na mas matanda pa sa kanya. Pero hindi, dahil ikanga, age doesn't matter. Sobrang mahal na mahal ni Erika si Diego. I'm so pleased with how everything worked out like I wanted it to and I hope Erika was able to feel honored and enjoy herself for tonight until she became a officially Mrs. Alfonzo. Sobrang saya namin para sa kanya, kahit naging maldita sakin si Erika sa mga panahong nasa sweet bar ako ni Clifford, naging malapit na kaibigan naman kami sa huli. "Maey bakit ka nag-iisa dyan? Hali ka dito," kumaway sakin si Ivony tsaka ako lumapit sa kanilang lahat. Nandito ang mga pinsan ni Erika, ang dalawa niyang kapatid at iba niyang kaibigan. "Girls lumapit kayong lahat dito," isa-isang lumapit ang iba at nagkumpolan kami. Ang dami naming nilaro at tuwang-tuwa naman ako kasi first time ko sa mga ganitong bagay. Nagka inoman kaming lahat, medyo nahihilo narin ako dahil panay bigay sakin ni Erika ng alak. Ilang sandali lang ay natahimik kami at nagkausapan. Napagdesyonang dito nalang matutulog ang lahat ngunit ako kailangan kong umuwi dahil paniguradong susunduin ako ni Rocky mamaya. Sinamahan ako ni Erika na lumabas ng building. Naging tahimik kaming dalawa habang pababa ng hagdan hanggang sa makaabot kami sa main door ng hotel. Humarap sya sakin na nakangiti! "Sobrang saya ko sa araw na ito, Maey. Ganito pala ang feeling noh?" ngiti niya, inabot ko ang kanyang kamay. "We are happier for you, Erika. I hope you have a good life at sana makabuo kayo ng masayang pamilya. Ipagdadasal ko iyan!" niyakap niya ako bigla at niyakap ko rin sya. Sobrang saya ko para kay Erika at mamimiss ko sya. Humiwalay sya sa yakap. "Maey pasensya kong hindi pa ako handa sabihin sayo lahat ngayon. Sana mapatawad mo ako," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagtaka ako na may kaba. "Hindi kita maintindihan, Erika." ngiti ko kahit nakakunot noo. "Lagi mo nalang sinasabi sakin yan pero hindi mo naman itinutuloy!" ismid ko ngunit natawa lang sya. "Mary?" sabay kaming napalingon ng papalapit samin si Rocky. Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisnge. Sinundan ko ang tingin niyang malalim, dahil nakatitig sya kay Erika. "Congratulations!" bati niya. "Ahh thank you Rocky, sige mauna na ako sainyo. Mag-iingat kayo pauwi." agarang umalis agad si Erika at kumaway sakin mula sa malayo. Kunot noo kong tinignan si Rocky na ngayon ay nakangiti na sakin. Bigla akong nanghina sa ngiti niya, umiling ako at kinalimutan nalang iyon. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. "Kanina ka pa nakatingin sakin," sulyap niyang ngiti. Napayuko ako, napakagat ako saking labi sa kahihiyan. "W-wala naninibago lang ako dahil mas lalo kang gumwapo sa gupit mo." wika ko na ikinatawa niya ng mahina. "I know Mary," napataas ang kilay ko sa sinagot niya. "Masyadong mahangin ahh!" nagtawanan kaming dalawa mula sa byahe. Hanggang sa makarating kami sa condo ko. Inihinto niya ang kotse mula sa gilid ng main door. Sinabi ko na kasi sa kanya na huwag na niya akong ihatid sa loob. Inayos ko ang aking sarili bago sya tignan. "Thank you for picking me up tonight, Rocky. Umuwi ka agad okay at e text mo rin ako pag nakauwi kana." napangiti sya sa sinabi ko. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Thats why I love you even more because you always take care of me, Mary." napasimangot ako sa sinabi niya. Umusog ako at hinawakan ang kanyang pisnge. "Kasi nga mahal na mahal kita," kinurot ko ang pisnge niya ngunit hinuli niya ang kamay ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha, kahit napaka dame ng paligid ay sobrang ganda ng mata ni Rocky. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Mary. Higit pa sa buhay ko." dahan-dahan niyang hinalikan ang aking kamay patungong siko hanggang umabot sa braso. Napapikit ako dahil umabot sya saking leeg, napahawak ako sa kanyang likuran ng maramdaman kong pababa ang kanyang halik saking dibdib. "Rocky," pigil ko at napahinto sya, napayuko ako at inayos agad ang sarili. "Not now," dugtong ko. "I'm sorry Mary, nadala lang ako." napabuntong hininga na may pag sisisi. Sumulyap ako sa kanya na may ngiti. "Its okay, kailangan ko ng bumaba. Goodnight!" lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisnge. Kumaway ako at pinanuod ang paalis niyang kotse. Buntong hininga akong pumasok sa building. Habang naglalakad ay hinahanap ko ang aking susi mula saking bag, panay hawi ko sa iilang hibla ng aking buhok dahil humaharang ito saking mukha. Hanggang sa pag akyat ng hagdanan ay nakayuko at hinahanap ko parin ang aking suki. "Ouch....mag-ingat ka nga sa pag lalakad mo. " napahinto ako ng may bigla akong nabangga. Napahimas sya sa kanyang kabilang braso, galit syang napatitig sakin. Inilipat ko ang aking tingin sa kasama niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita, napahawak ako ng mahigpit saking sling ba. He stared at me without expression as if he didn't know me. Sobrang lalim ng mata niya na para bang sobrang laki ng kasalanan ko. Sa isang taon ko dito sa Manila ay ngayon ko pa sya ulit nakita. "Next time look where are you going so you dont get hurt!" matigas niyang sabi. Kumunot ang noo ko sa binitawan niyang salita. Hindi manlang ako makasagot dahil agad nila akong tinalikuran. Dali-dali ko silang nilingon. "Babe bakit mo sinabi yon sa kanya? Ako ang nasaktan, ang sakit kaya ng braso ko." pagmamaktol ng babaeng kasama niya. Gusto kong matawa ngunit hindi ko magawa dahil napatitig ako sa buong guhit ng katawan ni Matteo. Ibang-iba na sya, sobrang laki ng pinayat ni Matteo. Hindi ko alam na ka condo ko lang pala ang girlfriend niya, pero hindi na ito bago sakin. Dahil sa una naming pagkikita noon at sa unang pagkakakilala ko sa kanya, kaliwa kanan ang kanyang mga babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD