Prologue

1532 Words
Prologue Pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Ligaya. Kalilipat lang sa kaniya sa recovery room matapos manganak. Hindi ko akalain na gano'n kahirap ang panganganak ng isang babae. Tatlong doktor ang naroon kanina sa delivey room dahil iyon ang ni-request ko sa ospital. Gusto kong maging maayos ang kalagayan ng mag-ina ko. Nakahiga siya sa kama sa loob ng delivery room, hawak ang sumasakit na tiyan at tila hindi alam kung ano gagawin sa sakit na nararamdaman. Nakakabaliw ang tanawing iyon. Kung pwede lang na ako na lang ang makaramdam ng sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan ay ginawa ko na. Pinagpapawisan at humihikbi si Ligaya kaya panay ang pagpunas ko sa noo at leeg niya. Panaka-naka ko ring hinahalikan ang mukha niya sa pag-asang mabawasan man lang ang sakit na dinaramdam niya. Subalit puro mura at masasakit na salita ang natanggap ko sa kaniya habang umiiri siya. Hindi ko siya masisisi dahil sa nabungaran niya sa labas ng bar kagabi. Hinaplos ko na lang ang mukha niya. Awang-awa ako sa kalagayan niya ngayon. Ipinapanganak niya ang anak ko at alam kong durog na durog ang kalooban niya, ang puso niya. Subalit wala akong magawa dahil ako ang dahilan ng mga paghihirap niya. "Sweetheart," saad ko dahil tila hindi niya narinig ang sinasabi ng doktor. "Push. Lalabas na si baby. You need to push harder. Now." Pinagsalikop ko ang mga kamay niya sa batok ko para may makapitan siya. Kasabay ng mahigpit na pagkakakapit niya sa batok ko ay isang sigaw mula sa bibig niya ang narinig ko. "Damn you, Chuck! I hate you! I hate you!" "Hate me all you want, sweetheart. That's fine with me. Now, you need to push harder. Please?" pakiusap ko sa takot na baka ma-overdue ang bata sa loob ng sinapupunan niya. Muli, isa na namang malakas na sigaw ang narinig ko sa kaniya. "I hate you!" Kahapon pa masakit ang batok ko pati na ang katawan ko, pero binalewala ko lang iyon kahit napakahigpit pa rin ng pagkakakapit niya. Ang mahalaga ay maipanganak niya nang maayos si baby. Napaluha ako dahil hirap na hirap na siya lalo na nang mapansin ko ang nag-uunahang luha sa kaniyang pisngi. Para akong mababaliw, hindi ko kayang makita ang paghihirap niya. Kung hindi pa ako tinapik sa balikat ng doktor ay hindi ako matatauhan. "I don't want to see you again! I hate you!" Papaliit na nang papaliit ang sigaw niya hanggang sa tila bulong na lang ang naririnig ko kaya naaalarma na ako. Parang mauubusan na siya ng hininga. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata niya at tila gustong-gusto na niyang matulog pero hindi niya magawa dahil nahihirapan siya. "I really hate you." Pansin ko ang tila batis na pagbagsak ng mga luha niya nang sabihin niya iyon at ilang segundo ang dumaan, isang impit ng iyak ang pumailanlang sa loob ng silid na iyon. Bigla ring natanggal ang mga kamay niya na nakakapit sa batok ko. Bumagsak iyon kaya naging maagap ako sa pagsalo. Hinang-hina na talaga siya. "Congratulations, Mr. and Mrs. Faulker," dinig kong saad ng doktor nang ilapag ang umiiyak na sanggol sa ibabaw ng tiyan ni Ligaya. "It's a bouncing baby girl. Kamukhang-kamukha ng daddy." Hawak ko ang kaliwang kamay ni Ligaya nang kintalan ko ng halik sa noo si baby. "I love you, baby," usal ko. "Daddy loves you." Walang pasidlan ang tuwa sa puso ko habang pinagmamasdan si baby na umiiyak at panay ang galaw ng mga kamay at paa. Isang katok sa pinto ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nang lumingon ako, pormal na mukha ni Mamita ang sumalubong sa akin. Papalapit na siya sa akin kaya tumayo ako para humalik sa pisngi niya ngunit napatda ako nang isang sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi. "How dare you, Charles!" saad niya at tila pinipigilang sumigaw. Nilingon niya rin si Ligaya na natutulog pa rin sa kama. Napaupo ako at itinukod ang magkabila kong siko sa mga tuhod ko saka sinapo ang aking ulo. Damn! Hindi man lang niya ako binati, sampal kaagad ang sinalubong niya sa akin. Hindi man lang tinanong kung saan ako nagpunta sa halos dalawang araw kong pagkawala. Sabagay hindi ko naman siya masisisi. Sa tabil ng bunganga ni Vivienne, malamang kumalat na talaga ang nangyari sa bar. Sumbungera ang mga kaibigan ni Ligaya at alam kong hindi nila palalagpasin ang nangyaring iyon. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo. Hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang mag-aayos sa mga gusot na kinasasangkutan mo." "Mamita..." "Hindi na ako magtataka kung sakaling hiwalayan ka EJ. At kung mangyari man iyon, hinding-hindi na kita matutulungan." Halos magdilim ang paningin ko nang marinig iyon. Hindi ako pwedeng hiwalayan ni Ligaya. Hindi pwede. Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa panenermon sa akin ni Mamita. Nang makita ko ang nurse ay nagpaalam muna ako at pinakiusapang bantayan niya muna si Ligaya. Habang patungo sa nurse's station ay dama ko ang pagtulo ng dugo sa kaliwang pisngi ko dahil doon dumapo ang sampal ni Mamita kung saan tinahi ang natamo kong sugat kahapon. Maging ang suot kong puting sweatshirt ay may mga bakas na rin ng dugo dahil may sugat din ang magkabila kong braso. Tumigil muna ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa nursery room. Naroon ang anak ko, mahimbing na natutulog. Kahit literal na masakit ang buong katawan ko ay napangiti ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang masilayan ko ang aking anak. Kahit hindi niya ako nakikita ay kumaway ako saka tumuloy na sa nurse's station. "I'll give it back to you the moment I finished filling this out," tukoy ko sa papel na sinusulatan ko ng mga kaukulang datos. Ramdam ko kasi na nagpapapansin ang nurse na naka-duty. Ipinatong pa nito ang kamay sa kaliwa kong kamay na labis kong ikinainis. Parating pa naman ang mga kaibigan ni Ligaya at ayokong makita nila ako sa ganitong sitwasyon dahil baka iba na naman ang makarating sa ina ng anak ko. Laking pasasalamat ko nang mamataan kong paparating si Rina. "I'm sorry, Sir Charles. Na-late po ako." "It's okay." Ibinigay ko sa kaniya ang papel para siya na ang magtuloy n'on. "Do me a favor, Rina. Fill this out. Make sure na apelyido ko ang dadalhin ng bata." Kailangan maayos ko kaagad ang certificate of live birth ni baby habang tulog pa si Ligaya. Knowing that woman, alam kong hindi siya papayag na ilagay ang pangalan ko sa papeles ng bata. Kapag nagkataon, wala akong habol sa anak namin lalo pa't hindi pa kami kasal ni Ligaya. "Yes, sir," sagot ni Rina. "Should I call Attorney Ramos?" "I can do that." Tumalikod na ako para tawagan si attorney nang makita kong patungo si Andy sa kwarto ni Ligaya. Kahit nanghihina pa ang katawan ko dahil sa mga nangyari kahapon ay pinilit kong tumakbo para mapigilan ang pagpasok ni Andy. May dala siyang bulaklak kaya lalong nadagdagan ang init ng ulo ko. Hindi sila pwedeng magkita ni Ligaya. "What are you doing here, Andy? You're not welcome here." Kung nagkataong nasa ibang establisimyento kami, kanina ko pa nasuntok ang walanghiyang lalaking ito kahit hinang-hina pa ang katawan ko. Siya ang dahilan kung bakit nagpunta ako kagabi sa bar. Ngumisi ito nang tumingin sa mukha ko. "As far as I know, hindi ikaw ang dinadalaw ko. Kaya wala kang karapatang pagbawalan ako." "Walanghiya ka! Ikaw ang-" "Huwag kang magmalinis, Chuckie, parehas lang tayo walanghiya. At huwag na huwag mong itatanggi ang ginawa mong panloloko kay Ligaya kagabi dahil kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mo hinalikan si Lana. Don't tell me na bumalik ka na sa dating ikaw, Chuckie boy?" "Damn you!" Akma ko ng susuntukin si Andy pero dahil sa nanghihina pa ako ay nasalag niya ang kamao ko at pabalibag na binitiwan. "Sige, Chuck, suntukin mo ako! Suntukin mo ako para lalong madagdagan ang kasong isasampa ko sa 'yo." "Damn you, Andy! As far as I know wala akong atraso sa 'yo." "Really, Chuck?" Ngumisi na naman ito na lalo kong ikinainis. "You kidnapped my son and I have all the evidences to support my claim." "That's not true. Hindi-" "At sino ang maniniwala sa 'yo, aber?" Nakangisi pa rin ito nang duruin ako. "Lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa 'yo. At kaya ako narito para sabihin sa 'yo na hiwalayan mo na si Liyaga kung ayaw mong idemanda kita." "May anak kami at alam kong hindi magagawa ni Ligaya na makipaghiwalay sa akin." "Huwag masyadong ambisyoso, Chuckie," sarkastiko niyang saad. "At huwag mong gawing dahilan na may anak kayo dahil ayaw naman talaga ni Ligaya sa anak na babae. Kaya nga mahal na mahal niya ang anak naming si Clint dahil noon pa man ay anak na lalaki ang gusto niya." Para akong sinuntok sa dibdib dahil sa mga narinig. Sapul na sapul ako. Kaya pala hindi man lang magawang ngumiti ni Ligaya nang malamang babae ang anak namin. Ni tapunan ng tingin ang sanggol ay hindi niya ginawa. Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa galit na nararamdaman. "Now, Chuckie, you'll do what I say or you'll rot in jail? Your call." Damn! Hindi ko kinidnap si Clint. This is blackmail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD