Chapter 1

2316 Words
[Ella's POV] “Good morning anak!” maagang bati sa akin ng aking ina. “Bangon na at nang makapag-almusal ka na,” ani nito. “Sige po, Mama, maghihilamos muna po ako.” Bumangon na ako at naghilamos bago tumungo sa hapag kainan at naroroon na ang lahat ng aking mga kapatid at ang aking ama at ina. “Kain na tayo, Ate. Kailangan malakas ka dahil sa graduation mo na mamaya! haha!” Sabay-sabay pa silang nagtawanan. Panganay ako sa limang magkakapatid, tatlong babae at dalawang lalaki na sina Mara ang sumunod sa akin, si Jake ang pangatlo, si Jim ang pang apat at ang bunso naman ay si Joy. Laki kami sa mahirap ngunit masayang pamilya. Ang tatay ko ay isang karpintero at ang nanay ko naman ay isang Barangay Health Worker. “Anak, mamaya nga pala ay hindi ako makakadalo sa graduation mo,” sambit sa akin ng aking ina. Graduation ko na kasi ng high school, sa wakas ay makakaraos na rin. Naalala ko ulit ang tinuran ng aking ina. “Bakit, Mama, sino po maghahatid sa akin sa stage?” nalulungkot kong sabi sa aking ina. “Anak, pasensya ka na, ha, ako kasi ang maghahatid kay Mara sa stage mamaya, ang Papa mo naman ay maiiwan dito sa bahay upang magluto ng munting handa natin para sa ating mga bisita.” Graduation din kasi ng pangalawang kapatid ko. Grade 6 naman ito kaya ang Mama ko ang maghahatid rito. “Ayan! Ang ganda mo na, Ella!” natutuwang sabi ng pinsan ko. “Handa ka na ba sa graduation mo mamaya?” tanong sa akin ng Tita Anne ko. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa stage. Pangalawang pinsan na ng mama ko si Tita Anne ngunit malapit ito sa pamilya namin kaya naman laking tuwa niya ng malaman niya na siya ang maghahatid sa akin sa stage. Pagdating namin sa school ay naroroon na rin ang aking mga classmates. Nakapila na ang mga ito handa upang magsimula na ang seremonyas. Palakpakan ang mga taong naroroon nang tawagin ang pangalan ko na isa sa mga honors. “Tara na, Tita Anne, at igagawad na sa akin ang aking diploma!” natutuwa kong sambit rito. Pagdating namin sa stage ay naroon na ang aking guro na si Mr. Garcia. Iginawad sa akin ang aking medalya at ang diploma. Pagkatapos ay kinuhanan kami ng litrato. Pagkakababa namin ni Tita Anne sa stage ay kinamayan ako ng mga kaklase ko dahil ka close ko rin naman ang mga ito. Natanaw ko sa may likod ang mga pinsan ko kaya nagtungo ako roon at iniabot nila sa akin ang kanilang munting regalo. “Tara, picture tayong lahat,” nakangiting sabi ng pinsan ko. Pagkatapos ng seremonyas ay nagpaalam na ako sa aking mga kaklase upang mauna na kaming umuwi. Naisipan naming dumaan sa school ng kapatid ko dahil nakita namin na hindi pa tapos ang seremonyas roon. Nakita ko ang Mama Andeng ko sa may gitnang banda kaya nilapitan namin ito. Pagkakita sa akin ng aking ina ay umiyak ito at niyakap ako. “Anak, pasensya ka na ha? Balak ko pa naman sana'ng puntahan ka roon ngunit tapos na pala ang seremonyas n'yo,” sambit nito habang yakap ako at umiiyak pa rin. “Okey lang po, Mama, narito naman si Tita Anne,” nakangiti kong sabi rito kahit na medyo nasasaktan din ang pakiramdam ko nang makita ko itong umiiyak. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na rin ang seremonyas kaya naman sabay-sabay na kaming umuwi sa bahay. Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ng mga kamag-anak namin. Masaya kaming nagsalo-salo sa aming munting handa. May mga dumalo rin na bisita masaya naming ipinagdiriwang ang graduation namin kasama ang buong pamilya. Naroon ang mga barkada ni Papa na tumulong sa kanya sa pagluluto. May isang lalaki na bigla na lang nag-abot ng regalo sa akin kaya naman agad ko itong binuksan. “Salamat po, Tito! Napakagandang kwintas nito!” nasisiyahan kong sabi rito. “Ilang taon ka na hija? Ang bata mo pa noong huling dumalaw ako sa papa mo noon, ngayon ay graduate ka na. May dalaga na si pareng Rick,” nakangiti nitong sabi. “Oo nga po, Tito!” sagot ko naman dito. Nang matapos ang munting salo-salo ay nagkatuwaan naman sa videoke ang aking mga pinsan. “Ella, tara kanta ka naman dito, kanina pa kami rito ikaw na lang ang hindi kumakanta.” “Sige na nga,” kumanta rin ako ng paborito kong kanta na "One Last Song". Masaya kaming nag kuwentuhan at nag kantahan. Nagkaroon pa kami ng pa contest na kung sino ang makaka perfect score ay may premyo na one-hundred pesos. Nakailang kanta na ako ay di pa rin ako makakuha ng perfect score samantala ang ibang pinsan ko ay nakakuha na ang mga ito. “Ohh s'ya sige, talo na ako,” sambit ko sa mga ito sabay tawa. Naubos rin kase ang liman'daan ko para sa mga pa-premyo. (10:00 in the evening) “Mama, matutulog na po ako. Pupunta pa kami sa school bukas para isauli ang toga at maglilinis pa kami sa school.” Kinabukasan ay maaga akong gumising upang maligo dahil alas otso ng umaga ay nasa school na dapat ako. Pagdating ko sa school ay naroon na ang iba kong classmates. Pagkatapos namin mag linis sa harap ng stage ay pumila kami para isa-isa naming ibalik ang aming mga toga. Masaya kaming nag kuwentuhan at nagka-ayaan mag swimming. “Swimming tayo!” sigaw ng isang classmate ko. Agad naman napapayag ang lahat maliban sa akin dahil wala akong dalang bihisan. “‘Di ako makakasama,” malungkot kong sabi sa mga ito. “At bakit!?” tanong naman ng bakla kong kaibigan na si Romar. “Wala kasi akong bihisan at higit sa lahat hindi ako nakapag paalam kay mama,” sagot ko naman sa mga ito. “Ako na bahala, pahiramin kita ng damit ko. Magkasinlaki din naman tayo. Tawagan mo na lang mama mo para makapag paalam ka,” sagot naman ng girlfriend ni Jerome na si France. Si Jerome ay ang second year crush ko. Ako kasi ang inuutusan nya noon para ibigay ang love letter nya para kay France. Habang tumatagal ay humahanga na ako sa kanya. Matapos namin masauli ang toga ay nagtungo kami sa bahay ni France kasama si Jerome at pinahiram nga ako nito ng bihisan. “Ella, isukat mo muna ang mga ito kung alin ang magkasya sa'yo,” ani France. “Sige, ako na bahala,” sagot ko naman rito. Pinili ko yong medyo malaking t-shirt at lagpas tuhod na short. Dahil sa hindi ako sanay na mag suot ng mga sexy na damit, bukod sa ang payat ko ay panlalaki rin ang mga pormahan ko pati ang lakad ko ay medyo kilos lalaki rin. Pagkatapos ko magsukat ng damit ay lumabas na ako. “Ano, tara na at baka mahuli pa tayo mag rent na lang tayo ng jeep para sabay-sabay na tayo roon.” “Mas mabuti pa nga,” sagot naman ni Jerome. Habang naglalakad ay magkahawak kamay ang dalawa at ako naman ay nakasunod lang sa kanila. Dahil walking distance lang naman mula sa school ang bahay nila France ay mabilis lang kaming nakabalik at naroroon na ang iba pang kasamahan namin sa swimming. Tinawagan ko muna si mama at nagpaalam ako na mag swimming muna kami at agad naman itong pumayag. “Halika na best, dito ka na maupo sa tabi ko,” tawag sa akin ni Jerome dahil nasa baba pa ako ng jeep. Agad naman akong tumabi rito. At napatingin na lang sa akin si France. Hindi maikakaila sa mga titig nito sakin na tila nagseselos ito kapag tinatawag ako ni Jerome. Para na kasi kaming magkapatid ni Jerome. Sa sobrang close namin ay napapadalas kaming magkasama. Pati sa lunchbreak sa school ay sabay kaming kumakain kaya alam ko na kung ano ang mga paboritong pagkain niya at kung ano ang pagkaing bawal sa kanya. Habang nasa biyahe ay nakaidlip ako sa jeep. Pagdating namin ay medyo mahaba pa raw ang lalakarin namin ayon naman sa driver. Dumaan kami sa ilog na may mataas na tulay. "HANGING BRIDGE" ang tawag nito at masyadong magalaw kapag marami ang tatawid kaya naman sa takot kong tumawid ay nagpahuli na lang ako. Hindi ko namalayan na hinihintay pala ako ng best friend ko at nauna ng tumawid sa tulay si France. “Best, halika na! Aalalayan kita.” iniabot nito ang kamay sa akin. Agad ko namang iniabot ang kamay ko rito at sabay na kaming umakyat. Noong papalapit na kami sa gitna ay nakita ko'ng huminto si France at lumingon sa amin. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad namin upang mabilis kaming makatawid. Sa kalagitnaan ay naabotan namin si France. Hinawakan ni Jerome ang kamay nito at habang ang isa naman ay naka hawak sa braso ko. Hanggang sa makatawid na kami sa tulay. May dinaanan kaming palayan at tumawid pa kami ng isa pang ilog. Medyo malayo din pala ang falls na pupuntahan namin. “Malapit na tayo, kunting lakad na lang at makakarating na tayo,” nakangiting wika ni Jerome. Si France ay tahimik lamang at napansin ko na mukhang nagseselos na naman ito kaya nagpasya akong mauna at makisabay sa iba kong classmates. “Hi Leni!” bati ko naman sa classmate ko na malapit din sa akin. Isang kilometro lang ang layo ng bahay nito mula sa bahay namin. “Oh, bakit iniwan mo na sila doon?” tanong nito. “Ahh, ehhh.. Nauna na ako kasi ang bagal nila eh, excited na kasi ako,” pabiro kong sabi rito at sabay pa kaming nagtawanan. “Dahan-dahan kayo ahh, medyo madulas at malalaki ang bato rito,” paalala ni Willie sa amin. Si Willie ay ang 4th year high school crush ko. Dahil tanggap ko na, na hanggang best friend lang kami ni Jerome ay kay Willie ko naibaling ang paghanga ko. Matalino sa mathematics si Willie, palabiro ito at mabait. Minsan ay nagpapaturo ako rito ng assignment namin. Ang kapalit nun ay gagawan ko siya ng projects. Maaga akong pumapasok sa klase at siya agad ang hinahanap ng mata ko. Parang bang buong-buo na ang araw ko kapag nasisilayan ko na sya. “Dito na tayo! Wow! Ang lamig ng tubig!” ani Jerome. “Oo nga, tara na!” sabi ko naman kay Willie sabay hatak sa braso nito papunta sa tubig. Ilang minuto din akong lumalangoy at nagpasya akong pumunta sa gilid dahil sa sobrang lamig ng tubig. Kumain ako ng dala kong Pringles. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa tubig at nakita kong nakatingin sa akin si France. Hindi ko namalayan na palapit pala sa akin si Jerome. “Pahingi naman n'yan, best,” sabay kuha ng lata ng Pringles. Tahimik lang ako at hinayaan si Jerome. Hangga't maaari ay umiiwas ako. Hindi ko alam kung bakit parang selos na selos ito kapag lumalapit sa akin si Jerome. Kumuha ako ng tamang tiyempo para makausap si Jerome habang abala sa pagligo si France. “Best, may itatanong ako sayo,” mahinang sabi ko kay Jerome. “Ano un, best?” sagot naman nito. “Pinagseselosan ba ako ng girlfriend mo? Para kasing kakaiba ang mga kilos niya. Pati mga tingin niya sa akin simula kanina,” mahinang sabi ko rito. “Oo best, nagseselos nga. Pero kinausap ko na siya na magkaibigan lang tayo at wala s'yang dapat ipag-alala. Hayaan mo na best mawawala din yan,” sagot nito sa akin. “Okay sige,” pag sang-ayon ko naman rito. Alas tres na ng hapon at nagyaya ng umuwi si Leni. “Tara! Uwi na tayo, baka a iyan tayo ng dilim sa daan.” sigaw ni Leni. Sabay-sabay ng umahon sa tubig at nagbihis. Nauna ako'ng nag lakad at sumunod sa akin si Ed at Leni. Si Ed ay ang manliligaw ni Leni na classmate din namin at same section lang kami. Matapos ang mahigit isang oras na paglalakad ay nakarating din lahat ng safe. “Hay, salamat , nandito na tayo,” sabay akyat sa jeep. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako habang nasa biyahe. “Ella, gising na. Nandito na tayo,” mahinang sabi ni Jerome sa akin. Bigla akong naalimpungatan at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. “Sige, dito na lang ako. Sasakay na lang ako ng tricycle pauwi sa bahay,” sabi ko sa mga ito. “Ohh, sige ingat ka,” ani Jerome. “Leni, sabay na tayo,” tawag ko rito. Nagpaalam muna ito kay Ed bago umalis. At kumaway ako sa mga ito upang magpaalam at agad akong pumara ng tricycle. 5:30 in the afternoon na ng makarating ako sa bahay. Nagluluto na ng haponan si Mama. Sila Papa ay umiinom kasama sina Tito. Nagmano muna ako sa kanila sabay pasok sa kwarto upang matulog dahil sa sobrang pagod. Alas otso na ng gabi nang magising ako buhat sa aking pagkakatulog. “Anak, kakain na. Tawagin mo na ang papa mo at ang mga kapatid mo!” sambit naman ni Mama. “Sige po, 'Ma!” agad ko namang tinawag ang mga kapatid at papa ko. Sabay-sabay kaming kumain at masayang nag kuwentuhan. “Siya nga pala, 'Ma. Balak ko sana na pumunta sa Maynila habang bakasyon pa. Babalik na lang ako dito sa Fiesta. Mahigit isang buwan lang naman ako roon tapos ay uuwi na rin naman ako.” “Ikaw bahala anak, isama mo na lang din si Mara para makapunta na rin siya sa Maynila,” ani nito. “H'wag na po, Mama, dito na lang siya para may makakatulong sa inyo rito,” sagot ko rito. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Sila mama ay nagpakain ng baboy at ang mga kapatid ko naman ay nanonood ng TV.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD