Chapter 1

1362 Words
Nukks’s POV “Everyone has to be a slave for their dreams. That’s what you’ve told me before Nukk,” sambit ng lalaking kasama ko. Bagamat madilim sa pwesto, sumisilip ang malungkot na ekspresyon sa mata nito. Nanuyo ang lalamunan ko nang alalahanin ang mga salitang iyon. Nag iwas ako ng tingin. I’m scared if I look in his eyes, I might see the betrayed look which I caused him. Isang malalim na buntong hinginga ang nagawa ko bago nilagok ang alak sa maliit na baso. “Is that the reason, huh? You became a slave of your dreams? You stoop so low for your dreams?” he said with a look of desperation in his face. Hinayaan kong maiwan sa ere ang matalim na salitang iyon galing sa kanya. Maya-maya pa, muli itong nagsalita at halatang ayaw magpaawat. “Sabi mo rin nun sakin, dapat alam mo ‘yong extent at boundaries ng efforts mo towards achieving your dreams. Anong nangyari Nukk? Hanggang ngayon wala akong maintindihan.” Inabot ko iyong bote sa harapan ko at saka muling nilagyan ang loob ng baso. Maigi kong inobserbahan ang pag ikot ng likido sa loob ng baso. Halata sa consistency ng alak ang kalidad noon. I wonder how long these companies have worked on this wine before they serve it in front of us. Surely, they worked hard on this drink yet we’re the ones who enjoy the taste of their hard work. Maaaringsabihin mong binayaran ko naman ang produkto pero hindi sa ganong paraan ko nakikita iiyon. Is it just business itself? Let’s assume and leave it like that. Slowly, I sipped inside the glass until the last drop. Reminds me of something I did months ago. Preying and milking to my own advantage. I smoothly adjusted my coat. Matapos noon, maigi kong inikot ang paningin para suriin ang mga bagay na naaabot ng mata ko sa kwarto. Mala-imperyo ang datingan ng suite na kinaroroonan namin. I looked outside and I instantly felt relived after staring in the breath-taking view. Tanaw sa pwesto namin ang nagtatayugang mga building. All thanks to this wide window glasses. Nag ayos ako ng upo at muling binalik ang atensyon sa kasama. Busy siya ngayon sa pag iikot ng baso sa kamay niya. ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong nagiging tugon sa naunang sinabi ng kasama.   “I don’t have time to reminisce. What do you need Kyle?”  ani ko. Walang emosyon sa pagitan ng mga salita ko. sandali ko ulit nasilip ang mga mata niya at ganoon pa rin ang timpla nito.  It hurts me to see him hurting. Walang gabing hindi ko inisip kung bakit sa libo-libong paraan ay ang saktan siya ang napili kong gawin. Maya-maya pa, nagbaba si Kyle ng butones ng polo. Sandali akong natigil sa paghinga at nakaramdam ng tensyon dahil sa view na iyon. Mag-iisang oras na kaming magkasama at ngayon ko lang napansin ang malaking pagbabago sa apperance nito. Kyle is more buff than usual. Before, he usually cries over his “thin” body kuno. He even dreamt of having this kind of physique. Well, it is obvious that he really worked hard for it. Lucky for him though. Mapapa-sana all ako sa part na iyon. I didn’t have the courage to work hard for my current position right now. Hindi na rin lihim sa akin kung ang dahilan ng pakikipagkita niya sa akin ay komprontahin ako matapos ang mahabang panahon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung papano ang buhay namin noong hindi pa nangyayari ang lahat ng ito. Sandali lang ay narinig kong magsalita muli ang lalaki. “Explanation,” Kyle said flatly. Hindi naman malamig sa lugar pero pakiramdam ko, nagtitipon lahat ng hangin na nanggagaling sa aircon papunta dito sa table namin. Naisip ko na baka nagpapalusot lang ako. Obviously, it was his words who made me feel these chills. Ibinalik ko sa kanya ang tingin. This time, nagkataaman ang mga mata namin. Kitang-kita sa mata niya ang desperation. Pakiramdam ko naman ay may namuong bukol sa lalamunan ko. Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumabas ni-isang tinig. Mali, wala lang talaga akong malinaw na explanation para sa mga maling nagawa ko noon sa kanya. Natahimik kami sa pwesto. “May nabuo akong possible reasons para magawa mo sa’kin yun, eh.” Matapos iyon, kinuha niya ‘yong nasa harapang baso at saka mabilis na nilagok ang laman noon. Nagpatuloy siya, “It’s either wala ka lang choice that time o talagang wala ka lang puso kaya ginamit mo ko sa pangarap mo. Tell me Nukk, which one?” Halata sa mukha nito ang poot at pagka dismaya. It’s been a year since that incident. Kung tutuosin, ako naman talaga ang antagonist sa story. Sa loob ng nakalipas na mga panahon, inaamin ko na hindi masarap sa pakiramdam ang iniisip nilang success ko kuno. Some are happy for me, some are not. Maraming nagsasabi na isa ako sa mga inspirasyon nila. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganitong bati ay napapangiti ako pero deep inside, mapait para sa akin ang lahat. Sabihin na nating may kotse ako, magagarang damit, tagasuporta’t taga hanga but does this mean I’m already proud of it? I’m not. Kyle is right. I used him for my own good. Nakilala ang mga obra ko dahil sa pag gamit ko sa kanya. Now tell me, who would be proud of a success made from a dirty play? Syempre iyong mga walang puso. But Kyle has labeled me like one. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na nasaktan nang bitawan niya ang salitang iyon. Deserve ko naman hindi ba? Who knows?  “We need to be a slave to our dreams??? Pero p*tcha Nukk! You really went that far? Do you really need to ruin me for you to reach this height?” Sa sandaling iyon, pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. He is right. Why did I even drag someone into the pile of mud I am once from in order for me to achieve my dreams? Bold of me to even face him in this luxury suite. Tumingala ako sa pag asang babalik ang mga luha sa mata ko. Shortly, I replied to him. “I don’t have an acceptable reason. I’m sorry.”  I saw him project a bitter smile. Nag aabang ako ng iba pang reaksyon mula sa kanya ngunit hindi nasunod iyon. It is true; I don’t have any acceptable reason to steal his spotlight. All I know is, one morning; I woke up and felt the need to outshine Kyle, even though he really meant everything to me. And by any chance, hindi malayong mas matagumpay siguro siya sa larangan ng sining kaysa sa akin kung hindi ko sinabutahe ang pangarap niya.  Noon din, marahan siyang tumayo sa sofa at saka tinungo ang diresyon ng pintuan. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya dahil wala namang rason para gawin pa iyon. Mali naman na pilitin siyang patawarin ako dahil kung sa akin gagawin ang eksaktong ginawa ko, malamang ay kamumuhian ko rin siya. Oo nga, tama iyon. Noon din napagtanto ko na ang pananahimik ni Kyle ay nangangahulugan ng hindi masukat na galit niya sa akin. Masyadong mabigat ang kasalanan ko at hindi na niya magawang magsalita pa dahil maaaring sa loob-loob niya, pinipigilan niyang masaktan ako. Sa kabilang banda, umaasa naman ako na sa kabila ng patatahimik ay may mahanap itong kapatawaran para sa kin. Wala akong ideya kung tinatanggap niya ba ang paumanhin ko ngunit may parte sa akin na bahagyang gumaan ang loob matapos sabihin iyon. On the other hand, I felt empowered. I have no idea where that one came from but there’s no time for backing away. Nangyari na ang lahat. All of this is a result of pain. I wasn’t always like this. What’s the point of reminiscing anyway? Bago pa man ako tuluyang mapag isa sa kwarto, muli kong narinig si Kyle na magsalita. Enough reason for me to burst into countless tears.    He said, “What happened to us?” “Y-yeah, what happened to us, Kyle?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD