1 Uncensored Series1

1068 Words
//SELENA POV// Araw ng sweldo. Tinignan niya ang lamang ng maliit na envelope ay napabuntong hininga na lamang siya. "Selena, ayos ka lang ba?" Nagalalang tanong ni Emily sa kanya. Katrabaho niya ito at malapit na kaibigan. "Akala ko kasi tataasan na tayo ng sweldo." "Iyon nga sdin ang pinagtataka ko eh. Huwag mo muna alalahanin iyan ngayon, Selena. Malay natin, baka sa susunod na buwan pa tayo dadagdagan ng sweldo." "Kailangan ko na talaga makahanap ng iba pang trabaho, Emily. Kulang na kulang pa rin ito pambayad sa mga utang ko." "Pero nakakapagod pag dalawa ang trabaho mo, Selena." "Hindi na iyan importante sa akin. Kailangan ko lang talaga ng malaking halaga ngayon." "Sige. Susubukan kong magtanong-tanong kung meron ka ba mapapasukan na trabaho kahit sideline lang." Nasiyahan siya sa sinabi nito. "Maraming salamat, Emily!" "Sus! Ikaw pa! Halika na. Umuwi na tayo." Ilang taon na ba ang dumaan ng mag-isa niyang binubuhay ang sarili niya? Apat? Pitong taon? Hindi na niya siguro alam dahil sa araw-araw siyang kumakayod. She was never born poor. She was a princess back then. Lahat ay nakukuha niya. Mula damit, pagkain at pera. Hindi siya binigyan ng limitasyon ng kanyang mga magulang sa mga bagay na gusto niya pero nanatili siyang magpakumbaba. They had a businesses, houses at ang pinakapaborito niya ay ang hacienda ng kanyang yumaong ama. Kahit na sa pagkamatay nito at lumipat sila ng tinitirhan sa ibang bansa ng kanyang ina, hindi niya ipagpapalit ang lugar na inalagaan at minahal ng kanyang ama. Nagpursige siyang gawin ang gusto ng kanyang ina noon. Lahat sinunod niya ito. Bilang isang baguhan na modelo dahil ito ang pinapangarap na gusto nito para sa kanya. Hindi man lang siya nakatungtong ng kolehiyo dahil ayaw ng kanyang ina na pagsabayon ang pag-aaral sa pagmomodelo. Masakit sa kanyang kalooban pero sa pagmamahal sa kanyang ina, sinunod niya ito. Pero, nagbago lahat ng umuwi sila ng pilipinas. Paano nga ba nangyari sa ganoong kasama, nakapanglulumong sitwasyon lalong lalo na sa kanya? Ganito siguro ang kabayaran ng mga kasalanang ginawa ng kanyang ina lalong lalo na siya. She deserves this. Kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niya. Gayunpaman, ilang taon na din naman ang lumipas ay hindi pa rin siya tinatantanan ng bangungot sa kanyang nakaraan. Kahit na mag-isa na lamang siya at may trabaho din, marami pa siyang kailangang bayaran na mga utang. Napakalaking utang na hindi kaya ng sweldo niya bilang isang tagalinis ng mga kwarto sa isang sikat na hotel. Ang daming naiwan sa kanya na responsibilidad kaya naman pursigido siyang kumayod ng kumayod para man lang makabayad kahit papaano. Sa ngayon, kailangan na niya ng isa pang mapapasukang trabaho. Pero saan naman siya maghahanap? Kulang ang mga dokyumento niya at ang kaya lamang niyang mapasukan ay isang tagalinis o tindera. Ayaw din niya pumasok sa pagmomodelo. Hindi na niya gusto pang maalala ang mga pangaral ng kanyang ina noon. Hindi dapat siya mag-isip ng negatibo. Pasasaan bat' makakaraos din siya sa sitwasyon niya at pag nagkaganoon, tatahimik na ang kanyang kalooban at pamumuhay. ------------------- //SELENA PO// Kinabukasan papalaalis na siya papunta sa pumaparadang mga Jeep ng lumapit sa kanya si Jomar. Kakilala niya ito at gusto siyang ligawan. Pero kaibigan lamang ang tingin niya rito. "Magandang umaga sa iyo, Selena." Ngiting bati nito sa kanya. "Magandang umaga din, Jomar. May kailangan ka?" "Papasok ka na sa trabaho mo? Sumakay ka na sa tricycle ko. Ihahatid na kita." "Naku, Jomar, huwag na lang. Paparating naman din ang jeep kaya salamat na lang." Sa loob kasi ng tinutuluyan niya, may mga tao na kapag nakita ka nila na magkasama lang, pinagtsitsismis agad at ayaw niyang magkaroon ng kaugnayan kay Jomar o kanino man. "Sige na. Tutal hindi pa naman ako mangunguha ng pasahero, ikaw na lang muna ang uunahin ko." "Hindi na talaga kailangan, Jomar." Narinig na niya ang busina ng Jeep. "Sige. Aalis na ako. Salamat na lang Jomar, ah?" Dali-dali siyang sumakay at naghanda ng pamasahe. Mabuti na lang dumating agad ang jeepney. Pagdating niya sa hotel ay naghanda na siya para sa trabaho. Nagpalit na siya ng uniform at inihanda ang mga gamit na panglinis. Kasama niya sa paglilinis ngayong araw ang kaibigan niyang si Emily. "Sa 7th floor tayo naka-assign ngayon. Naku! Sana naman hindi masyadong makalat ang lilinisin nating mga kwarto." Sabi nito sa kanya habang tinutungo nila ang elevator. "Hindi ba nasa floor na iyon naka-check-in ang may maraming bata?" "Mukhang doon nga, Lena. Nga pala, half day lang ako ngayong araw ah?" Nagulat siya. "Ha? Papaano iyan? Eh, ako na lang magisa ang maglilinis nga mga kwarto mamaya?" "Sige na! Nakapagpaalam naman ako sa head officer natin eh. Alam mo na, magde-date kami ng honey ko." Kita niya ang excitement nito. Oo nga din pala, sweldo nila kahapon. "Sige na nga. Huwag kang masyadong gagastos siyan sa jowa mo." "Oo na. At makakalimutan ba naman kita? Bibili ako ng pasalubong para sa iyo." "Ewan ko sa iyo. Nandito na tayo kaya naman, let's start cleaning." Ilang oras din ang kanilang paglilinis sa mga kwarto. Tama nga ang hula ni Emily dahil sa bwat kwartong kanilang nilisan, parang may dumaan na buhawi sa loob dahil sa mga nagkalat na mga unan, kumot at pati na din sa shower room. "Hay nako! Ano ba naman ang pinagkakagawa nila?! Akala nila na may tagalinis ng pinagtulugan nila, pwede na sila magkalat ng ganito!" Hindi maiwasang magreklamo si Emily sa lilinisan nilang kwarto. "Pabayaan mo na lang. Wala naman tayong magagawa, eh. Ikaw na lang kaya ang maglinis sa shower room. Ako na lang dito." Sumunod ito. Nagumpisa na siyang magligpit ng mga nagkalat na gamit. Gusto man din niyang magreklamo, wala naman din siyang magagawa dahil ito trabaho niya rito. Sabi nga, kung walang magkakalat, walang maglilnis. Kesa wala siyang mapasukan na trabaho, tinaggap niya ito. Tamang-tama lang ang natatanggap niyang sweldo pero sa kanya, kulang na kulang pa rin ito pambayad ng mga utang. Tinanggal niya ang bedsheet ng may nahulog mula rito. Nagtaka siya kung ano ito at nilapitan para tignan. Isang puting plastic rubber na may lamang sa loob.  Oh my gosh! Could this be a---! "Lena!" Bigla siya napatayo sa gulat. "Bakit parang gulat na gulat ka diyan?" "Ha? Wa-wala no! Ma-may kailangan ka?" Ayaw niyang sabihin anong nakita niya. "Kukuha lang ako ng mga bagong tuwalya sa ibaba." "Si-sige." Napabuga siya ng hangin ng umalis na ito. So this is why this bedroom is so messy. May nangyayari pala rito at may nag-iwan pa ng ebidensya. She can really tell what is this. A used condom. Wala na talaga siyang mapagpipilian pa, Kailangan na niyang linisin agad ang kwarto at baka makita pa ni Emily ito. "Ang mga tao nga naman ngayon..." ----- END OF CHAPTER 1 ---- ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD