Episode 01

2203 Words
01 Alexie’s POV   "Saan ka na naman pupunta?" nakapamewang na tanong ng stepmother kong drakula. Este si Lorna. "Pakielam mo ba?" pabalang na sagot ko sa kanya. Simula ng maghiwalay ang mommy at daddy ko, nag-asawa na ng bago si daddy at dito pinatira. Ang maayos kong buhay noon ay nawala na. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palagi na lang akong tinatanong ng stepmother ko. Gusto niya lahat ng galaw ko ay alam niya para madali niya kong masiraan sa daddy ko. "Wala ka talagang galang sa mas matanda sayo 'no? Ganyan ka ba pinalaki ng mama mo?" tanong niya sa akin. Inirapan ko na lang siya kesa lumaki pa ang gulo. "Mommy, hayaan mo na siya," mahinahon na sambit ng stepsister ko sa nanay niyang palagi na lang mainit ang dugo sa akin. Bakit kasi hindi na lang siya umalis dito sa bahay namin para hindi siya naiinis sa mukha ko. "Sige na, Alexie. Umalis ka na. Kami na ang bahala kay mommy," sambit naman ng stepbrother ko. Buti na lang at palaging nandiyan ang dalawang anak niya na umaawat sa kanya dahil kung hindi baka palaging may giyera dito sa loob ng bahay ko. Si Judea ang stepsister ko. Matanda lang siya sa akin ng ilang buwan. Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa lalo na ni Francis na stepbrother ko. Parehas na maayos ang pakikitungo ko sa dalawa maliban na lang sa ina nila. Hindi ko nga alam kung bakit mabait ang mga anak niya samantalang siya mukhang mangkukulam. Malamang sa dating asawa ni Lorna, sila nagmana. Hindi na ako nagpaalam kay daddy at sumakay na lang agad ako sa van namin. Paglabas ng van namin saktong paglabas rin ng tatlo kong kaibigan sa kanilang bahay. Pinagbuksan ko sila ng pintuan para makapasok sila. "Hi sis!" bati sa akin Gab at nakipag beso sa akin pati na rin sila Ayen at Andrew. "Nakaayos na kaya si Cy?" tanong ni Andrew habang may pinipindot sa cellphone niya. "Malamang hindi pa, kilala naman natin ‘yun na sobrang bagal kumilos," sambit ni Ayen. "Naunahan ko pa yata ang bruhang ‘yun. Sa Manila pa ko ng galing nito pero siya nandito lang sa Laguna," maarteng sambit ni Andrew. Lima kaming magkaka-ibigan at nakatira rin kami sa iisang village maliban kay Cy na lumipat ng bahay. Ang dalawa kong kaibigan na lalaki ay bakla, si Andrew at Gab pero kahit ganun tanggap pa rin namin sila. Samantalang si Ayen ay ang pinakamatanda sa grupo at pinaka mature mag-isip. Kahit na lalaki siya kahit kailan hindi niya pinandirihan ang dalawang kaibigan naming bakla kahit na minsan nakaka-irita sila. Nagyaya si Gab na mag bar kaya balak namin na pumunta ngayon sa bar para naman maka pag enjoy. Sa susunod na buwan kasi papasok na kami ulit kaya mabuti ng makapag enjoy bago maging busy sa university. Iba ako sa loob ng bahay at iba rin ako sa labas ng bahay. Kapag nasa loob ako ng bahay pakiramdam ko nakakulong ako sa mga mata ng step-mom ko. Konting pagkakamali ko lang napapansin agad niya kaya mas gusto kong umalis ng bahay at makasama ang mga kaibigan ko. Kapag kasama ko ang mga kaibigan ko tsaka lang ako nagiging masaya.  Ang alam ng mga kaibigan ko ay mabait ang step-mom ko dahil tuwing nagpupunta sila sa bahay namin palaging nag babalat-kayo ang step-mom ko. Nagpapanggap siyang isang mabuting ina sa harap ng mga kaibigan ko pero kapag kami-kami na lang bigla na lang siyang bumabalik sa pagiging mangkukulam niya. "Tawagan mo si Cy, sabihin mo nandito na tayo sa bahay nila," sambit ni Ayen kay Gab. Halos kalahating oras rin ang binayahe namin papunta sa bahay nila Cy. Minsan hindi ko maiwasan na maingit sa kaibigan ko dahil may step-dad siyang mabait. Sa unang tingin mo pa lang sa daddy ni Cy malalaman mo agad na mabuting tao siya. Sa ngiti rin ni Cy alam na alam kong masaya siya sa bago niyang daddy. Sana lang maging masaya rin ako tulad niya. "Grabe Cy! Naunahan ka pa ni Andrew, samantalang sa Manila pa siya ng galing," sambit ko. Nandito kami sa sala nila Cy at kababa niya lang. Simula noon hanggang ngayon mabagal pa rin siya at siya ang palaging nahuhuli sa aming lima. "Napasarap yung idlip ko eh," natatawang sambit niya. Palagi naman iyan ang dahilan niya. "Alis na po kami mama." Nagpaalam muna kami sa mga magulan ni Cy bago lumabas at sumakay sa van namin. Pag kaandar ng van agad na nagtanong ni Ayen kay Cy. "Ano naman ang dinahilan mo kay tita?" "Sabi ko dinner lang" sagot ni Cy. "Ang sexy mo sa suot mo Cy, like me. Parehas pa kayo ni Alexie," maarteng sambit ni Andrew. Feeling sexy wala namang curve. Nakasuot lang ako ng black off-shoulder na dress na hanggang gitna lang ng hita ko. Parehas nga kami ni Cy kaya lang ang kanya ay kulay white at sa akin ay black. Sabay namin 'tong binili ng mag mall kami noon. "Bakit ba sobrang ikli ng suot niyo? Baka naman mabastos kayo niyan," sambit ni Ayen. Wala namang mali sa suot namin. Kung mababastos kami hindi namin yun kasalanan. Kasalanan yun ng mga lalaki na sadyang malibog lang talaga. Noong unang panahon nga yung mga kababaihan walang pangtaas pero hindi naman sila nabastos. Ibang-iba lang talaga ang society ngayon. "Uy! Nagagalit na naman yung tatay natin," sambit ni Gab kay Ayen na may halong pang-aasar. "Papa Ayen kaya nga po nan diyan ka para ipagtangol kami sa babastos sa amin," pakikisabay ko sa pang-aasar kay Ayen. Puro tawanan lang ang van namin hanggang sa makarating kami sa isa sa mga sikat na bar dito sa Laguna. Nag search kami tungkol sa RM's Bar at maayos naman ito. May mga bar kasi na puro illegal kaya mabuti ng mag-ingat kesa ang mapahamak. Totoo ngang sikat ang bar na 'to dahil sobrang daming tao at malaki rin naman ang bar na 'to. Nakapasok na ako sa mga bar pero kakaiba ang bar na ito dahil sobrang ganda. Napatingin ako sa bar counter ng may maramdaman akong matang nakatingin sa akin. Nakita ko ang isang napaka gwapong nilalang na naghahalo ng iba't ibang klase ng alak habang nakatingin sa akin. Bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko ng magtagpo ang mata namin. Hindi ko maiwasan na mamangha sa kagandahang lalaki niya. Gwapo naman si Ayen pero iba yung aura ng lalaking 'to. Ibang-iba siya sa lahat ng nakita kong gwapo. Sheeeet sobrang saya ko at pagbungad pa lang ng bar na 'to may gwapo na agad! His diamond-shaped face. His slim body and that f*****g pointed nose! He is super handsome! He looks like the 25 or 28 years old but I don't care. I like him. Saan ng galing ang ganyan ka gwapong lalaki?  Ano kayang pangalan ng gwapong bartender na yun?  Naupo na kami ng mga kaibigan ko at nag-umpisang mag-inuman. Habang nag-uusap kaming tatlo nila Ayen at Alexie hindi ko maiwasan na mapatingin sa bartender at agad akong napapaiwas kapag nakikita kong nakatingin rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ilang baso na ba ang nauubos ko. Kada mag sasalubong ang mga mata namin ng lalaking yun bigla na lang ako mapapalagok ng alak.  May dumi ba ko sa mukha ko? Nakakahiya naman kay kuyang pogi kung may dumi pala ko sa mukha, pakshet. Habang umiinom kami may lumapit na dalawang lalaki sa amin. "Pahiram naman kami ng babae mo pare," sabi nung matangkad na lalaki kay Ayen. Gwapo sana siya kaya lang mas gwapo pa rin yung bartender. "Hindi ko sila pinapahiram kaya umalis na kayo," seryosong sambit ni Ayen sa dalawang ito. Wala rin akong ganang sumama sa kanila dahil naagaw na talaga ng bartender na ‘yun ang atensyon ko. "Ang damot mo naman pare isasayaw lang naman," sabi naman nung isa pang lalaki. Muli akong napatingin sa bartender at sunod-sunod akong napalunok dahil sa sama ng tingin niya. Nakakatakot ang matalim na pagtitig niya sa dalawang lalaking dumating na nang aalok sa amin. "Edi mag sayaw pala kayong dalawa," seryoso pa rin na sambit ni Ayen. Habang kaming dalawa ni Cy ay nanonood lang. "Tara na nga pare wala tayong mapapala sa mukhang tukmol na ‘to," inis na sambit ng lalaking matangkad at umalis na. Parehas kaming natawa ni Cy ng mapalayas ni Ayen ang dalawang lalaki. "Iba talaga si papa Ayen, super protective," sambit ni Cy. Naku Alzola Cyrine! Kung alam mo lang na sayo talaga 'yan over protective. Sadyang manhid ang babaeng 'to at hindi man lang niya mapansin na may gusto sa kanya si Ayen. Samantalang alam namin lahat maliban sa kanya na sinalo yata lahat ng kamanhidan ng umulan. "Oo nga sister, umurong agad yung dalawang lalaki," sambit ko naman. Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa bumalik ang dalawang bakla at magsimula na naman kaming mag-asaran. Kahit kailan hindi nawawala ang asaran at okrayan namin kapag magkakasama kami kaya naman kahit kailang hindi ako na bo-boring kapag kasama ang mga kaibigan ko. Hanggang sa naisipan na namin maglaro ng truth or dare. Unang nautusan ay si Ayen at tuwang-tuwa kami habang inaasar siya dahil nakipaghalikan siya sa isang babae. Pero mas lalo kaming nagtawanan ng utusan na ni Ayen si Gab na halikan yung babae malapit sa table namin na nakakandong sa boyfriend niya. “Sige ba! Hahalikan ko na ang babaeng ‘yun para matigil na kayo,” padabog na sambit ni Gab. Akala ko hindi gagawin ni Gab pero laking gulat ko ng matapang siyang naglakad palapit sa kabilang table at hinalikan nga niya yung babae! Akala ko magiging maayos lang ang lahat pero napatayo ako sa upuan ko ng bigla na lang sapakin si Gab ng boyfriend nung babae. "Oh my God!" sigaw ko. Agad na lumapit sa kanila si Ayen para tulungan si Gab kaya lang nabugbog rin si Ayen. Kaya naman tumakbo na rin kaming tatlo papalapit sa kanila. Tinulungan ko si Gab na hindi na yata makatayo sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. "Sis, ok ka lang?" I asked. "Ngayon mo pa talaga ko tinanong," sarcastic na sambit ni Gab. Itinayo ni Andrew si Gab habang itinayo ko naman si Ayen. Tutulungan sana namin si Cy na nasa lalaking manyak ng bigla kaming harangin ng mga kasama ng bumugbog kila Ayen. Takot na takot ako, hindi para sa akin kundi para sa kaibigan ko. Buti na lamang at dumating si Chard. "Bitawan niyo 'yan," napatingin ako sa lalaking nag salita. Yung gwapong bartender pala. Mukhang natakot naman ang mga lalaking humahawak sa amin kaya agad nila kaming binatawan. "S-salamat," sambit ko sa lalaking bartender. "Lumabas na kayo. Si Chard na ang bahala dito," sambit niya. Napatango na lang ako at tinulungan ng makalakad si Ayen. Akala ko aalis na lang basta yung bartender pero nagulat ako ng siya na mismo ang tumulong kay Ayen sa paglalakad kaya naman sinundan ko na lang sila hanggang sa makalabas na sila. Inantay namin si Cy na lumabas kaya lang paglabas niya isinakay na agad siya ni Chard sa kotse.  "Umuwi na tayo, guys, mukhang ok naman na si Cy. Para na rin magamot sila Ayen," sambit ni Andrew. Tumango na lang ako at tinulungan na maisakay si Gab sa van. Samantalang si Mr. Bartender naman ang nagsakay kay Ayen sa loob ng van. Sasakay na rin sana ako ng bigla akong pigilan ng bartender. Hinawakan niya ang siko ko. "Bakit?" tanong ko. "Kailangan muna kitang maka-usap tungkol sa gulo kanina," sambit niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.  Humarap ako sa mga kaibigan ko na naka sakay na sa van. "Antayin niyo lang ako saglit," sambit ko. "Mauna na kayo, ako na ang maghahatid sa kanya," sambit ni Mr. Bartender. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Bartender dahil sa gulat. Ngayon pa lang kami nag kakilala pero gusto niya siya na agad ang maghatid sa akin? "Hindi pwede. Hindi ka naman namin kilala. Hindi kami makakasiguro kung ligtas ba yung kaibigan namin sayo," saad ni Andrew.  Tama si Andrew. Hindi naman namin kilala si Mr. Pogi pero mukha naman siyang harmless. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin. Inilabas ni Mr. Bartender ang isa niyang I.D at inabot kay Andrew. "I.D ko 'yan. Ipakulong niyo ko kapag may ginawa akong masama sa kaibigan niyo,” aniya. Napanganga ako ng biglang tumango na lang si Andrew at sinara ang pinto ng van. Sa isang iglap bigla na lang nawala ang van naming na parang isang bula. "So, pwede ka na bang maka-usap?" tanong ni Mr. Bartender. "D-dito mismo?” nauutal na tanong ko sa kanya. "Syempre hindi," sagot niya at naglakad papunta sa likod ng bar. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan niya yun at bumungad sa amin ang isang office table. Naupo siya sa swivel chair habang naupo naman ako sa visitor chair. Hindi ko alam na may ganitong opisina pala ang mga bartender na tulad niya. "Drinks po, sir," sambit ng lalaki na bagong pasok lang. Nauuhaw ako dahil sa nangyari kaya kailangan ko na munang may mainom para mahimasmasan na rin ako. "Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at parang biglang uminit yung katawan ko. "Isulat mo muna dito ang contact number mo, address, social media account, at kung single ka ba," sambit niya at inabot niya sa akin ang isang papel pero parang biglang naging blurred ang paningin ko. Napakagat labi ako ng madagdagan ang init ng katawan ko at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ng katawan ko. "f**k!" he shouted. Naramdaman ko na may labing lumapat sa labi ko. Kusa na lamang akong napatugon sa halik ng lalaking hindi ko makita ang mukha.  Sa isang iglap bigla na lang akong nakaupo sa kandungan ng lalaking 'to at nakababa na rin ang suot kong dress. "s**t! Kasalanan mo 'to kaya wala ng atrasan. Simula ngayong gabi pag-aari na kita at sa akin ka lang."                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD