Prologue

233 Words
"Nasaan ako? Bakit ako narito? S-sino po kayo?" nahihintakutang sabi ng magandang estudyante sa lalaking nakatalikod sa kanya. Nakasuot ang dalaga ng high school uniform, bukas ang tatlong butones, nakataas ang palda, at kita ang mapuputing hita. Nakahiga siya ngayon sa kamang may itim na bedsheet at puno ng black rose petals. Nakagapos ang mga kamay sa headboard ng kama, ang mga paa ay nakatali nang magkahiwalay sa paanan. Humarap ito sa kawawang estudyante. Ngumisi ang lalaking hindi aninag ang buong mukha dahil natatakpan ng itim na maskarang bungo ang kalahati ng mukha. Nakasuot ito ng itim na kapoteng may hood pero bukas sa bandang dibdib. Kita ang matipuno nitong katawan. "Hindi ka dapat nagising agad. Matagal dapat ang epekto ng gamot. Eh ‘di sana payapa kang makakarating sa pupuntahan mo. Hindi bale, huwag kang mag-alala, saglit lang 'to. Pagkatapos nito, makakarating ka na sa paraiso." Dahan-dahan siyang lumapit sa babaeng nakagapos, inilabas niya ang karet at ipinatong sa bedside table. "H-huwag! H-huwag kang lalapit! L-lumayo ka sa akin. Lumayo ka!" nahintatakutang sabi ng dalaga. Dinaluhong siya ng lalaki. "Huwaaaaaaag!" Napabalikwas ako ng bangon. Tagaktak ang pawis ko. Ano ‘yong napanaginipan ko? Sino sila? Kawawa naman ‘yong babae. Buti na lang panaginip lang 'yon. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko dahil sa panaginip na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD