TEASER

317 Words
MARTIN CALDERON "MARTIN sige na," nagmamakaawang sabi ni Martina, ang kakambal ko habang abala ako sa pagsusukat ng suit na gagamitin ko sa nalalapit nilang kasal ni Atlas. "Nababaliw ka na ba Martina?! Hindi natin pwedeng gawin 'yang naiisip mo! Mapapahamak ka pati na ako," I snapped turning to her direction. Hindi ko gusto kung ano man ang nasa isip ng kapatid ko ngayon at mas lalong hindi ko gusto kung saan mapupunta ang usapan naming 'to. "Come on Martin, I'm just doing you a big favour as your twin," pangungumbinsi niya saka naglakad palapit sa'kin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Anong favor d'un? Gusto mong magpanggap akong ikaw at magpakasal sa prinsepe?! Kabaliwan 'yan!" asik ko saka pilit na tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa'kin. Gusto ko si Atlas, hindi, mahal ko siya pero hindi ako gagawa ng ganito kareckless na bagay para lang mapasakin siya. Alam ko rin namang hindi niya ko mamahalin pabalik dahil sa hindi malamang dahilan ay galit siya sa'kin noon pa. "Martin, mahal mo si Atlas and I'm not going between what you feel for him. Ayoko ring magpakasal sa kanya dahil hindi ko naman siya mahal. Please Martin pumayag ka na, hahayaan mo bang maging miserable ang buhay ng kakambal mo?" litanya niyang kinokonsensya ako. Hindi ko kayang makitang malungkot si Martina, hindi ko rin kayang makita siyang umiiyak at mas lalo namang ayaw ko siyang makitang miserable. Siya lang ang tanging tao na tumanggap sa pagkatao ko, siya lang ang tanging kakampi ko at gagawin ko ang lahat para maging maayos siya at masaya. Kaya bago ko pa man maisip ang mga salitang dapat sabihin ay nauna na ang bibig kong magsalita. "Oo, payag na ko," wala sa sariling pahayag ko bago niya ko yakapin ng mahigpit. "Thank you Martin. I love you," she whispered happily and there, there was me, regretting every single word I said. _TEI_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD