MADELIN
Kinaumagahan ay sinundo nga ako ni Luicke.
Eksaktong 10 am ng dumating siya.
Nang katokin ako ni Lola sa kuwarto.
Kakatapos ko lang din mag-ayos ng sarili.
Nagpantalon lamang ako ng maong jeans, na tinernohan ko ng kulay dilaw na blouse.
Pagdating ko sa sala ay nakita ko pang kausap ng mag-asawang Schueremans si Luicke.
Tila seryoso ang tatlo sa pinag-uusapan nila.
Kita ko iyon sa mukha nila. Hindi kaya may kinalaman ito sa nangyari kahapon sa pagitan nila ni Lannion?
Biglang ang pag-akyat ng nerbyos sa ugat ko.
Hindi naman siguro tungkol kahapon ang topic. Baka napapa-o-over think lamang ako dahil sa nangyari sa amin kagabi ni Lannion.
Nang mapatingin sa akin ang tatlo'y agad na ngumiti ang mga ito at nag-iba bigla ang awra ng mga mukha.
"Andito na pala si Made, nako ingatan mo 'tong isang dalaga namin Luicke, mananagot ka sa amin." may birong paalala ni Ma'am Emma sa kaniya. Binati nila akong mag-asawa.
"Magandang umaga rin po sa inyo," nahihiya kong tugon.
Muli nilang binalingan si Luicke.
"Lalo kang gumanda sa suot mo hija," ang puri pa ng mag-asawa.
"Pero bakit parang namamaga 'ata ang mga mata hija?" puna sa'kin ni Ma'am Emma.
Hindi ako agad nakasagot.
"Na-excite po 'ata ako masyado, Ma'am. Kaya 'di po ako nakatulog ng maayos kagabi." Pagdadahilan ko.
Napakagat labi ako. Kinausap nilang muli si Luicke.
Kimi naman akong naghihintay sa kinatatayuan ko.
Wala sa sariling napatingin ako sa taas. Parang may biglang sumuntok sa dibdib ko.
Natigilan ako nang makita kong naroon si Lannion.
Nakaputing t-shirt at medyo magulo pa ang buhok.
Madilim ang mukha niya. Bakit gano'n na lamang niya ako tignan?
Hindi maganda ang gising?
The high stairways of the mansion have handrail modern designs.
The railings are gold with shiny woods on the top. The combination of gold and shiny tun color of the wood made the stairways stand out.
Ang raillings ay mahaba at deretso hanggang pasilyo.
Nakahawak ang dalawang kamay sa ibabaw no'n at madilim ang mukhang nakatunghay sa amin. Napakaguwapo pa rin niya sa paningin ko kahit hari pa siya ng simangot!
"Sa resto na lang tayo mag-lunch," masuyong bulong na iyon ni Luicke sa akin ang gumising sa tila na frozen kong isip.
Nang muli akong tumingala ay wala na roon si Lannion.
Nang paalis na kami'y nagawa pa nitong pilyohin si Lola.
"Nana Lucia, magtatanan na po kami," ang may pilyong ngising malakas na sabi nito.
"May nagtatanan bang nagpapaalam? Corny," ang nagawa kong sabihin habang nanghahaba ang nguso ko.
Basta na lamang lumabas iyon sa bibig ko.
"Sige, sa susunod 'di na tayo magpapaalam, iuuwi na talaga kita sa bahay namin." Ang kindat niyang sabi sa akin.
"Gusto mo bang matuloy pa kayo o, huwag ko na lang payagan ang apo ko?" ang walang ngiting singit ni Lola.
"Luicke, sinsabi ko na sa'yo kapag may nangyari diyan sa apo ko, nako mananagot ka sa 'kin bata ka!" ang babala na naman ni Lola na kinakamot ko na lang sa kilay ko.
Si Lola talaga, akala mo naman ay may magkakainteres pa talaga sa akin.
Hindi mawaglit sa isip ko ang itsura ni Lannion. Ang madilim niyang mukha.
Ang tanong kung bakit gano'n na lamang ang turing niya sa akin.
Kahit nga nang nasa daan na kami, sakay ng kotse ni Luicke at panay kuwento nito ay sumisingit pa rin sa utak ko si Lannion.
Pansamantala ko lamang siyang nakalimutan nang marating na talaga namin ang aming distinasyon.
Sa mall of Asia niya ako dinala. Sa tv at sa social media ko lamang ito nakikita pero ngayong araw ay nakatungtong na ako mismo.
Masaya kaming namasyal, nanood ng sine at kumain sa isang mamahaling restaurant.
May ilan siyang pinamili para sa akin na hindi ko natanggihan.
At kung 'di ko lamang ito mahigpit na sinaway ay baka marami pa itong binili para sa akin.
Napansin ko rin na agaw pansin siya sa mga kababaihan.
Dahil bawat maraanan naming mga kababaihan ay napapatingin sa kaniya.
Parang gusto ko tuloy lumayo sa kaniya.
Minsan dinidistansya ko ang sarili sa kaniya. Lalo na kapag may magagadang babaing nakatingin at tila nagpapansin sa kaniya.
Nakakahiya kay Luicke kung mapagkamalan pa nilang jowa niya ako.
"Bakit ka lumalayo? Halika nga rito huwag kang hihiwalay sa akin," tila maktol nito.
"N-nakakahiya kasi sa'yo may mga nakatingin sa ating magaganda baka isipin nila--"
"Na girlfriend kita? E, ano naman? Sa akin naman walang problema, sigle naman ako," halata sa mukha niya ang muling pamimilyo.
Nanunukso na naman e. Inirapan ko siya.
Hinawakan na niya kamay ko at hinila ako.
Nagpatianod na lamang ako kung saan niya ako gustong dalhin.
Hanggang sa napagpasyahan naming mag-skating!
Napakahusay niya. Halatang madalas niyang gawin yata iyon. Sanay na sanay.
Siya ang taga alalay ko at taga turo kung paano magbalanse.
Sobrang nag-enjoy kaming dalawa nang araw na iyon.
Sa isang Japanese restaurant naman kaming dalawa naghapunan.
Mag-8pm na rin nang mapagpasyahan namin dalawang umuwi.
Dumaan pa kami sa isang kilalang fast food chain, nag-take away ng french fries, fried chicken at shakes pasalubong namin kila Lola.
Ako sana ang magbabayad ng mga orders namin sa fast food chain na iyon.
Dahil ako naman ang nagsabing dumaan muna roon dahil gusto kong bilihan sila Lola pero hindi siya pumayag. Ang ending siya talaga ang gumastos ng lahat nang araw na iyon.
Pagdating naman namin sa mansyon ay agad sumalubong sa amin si Lola.
Agad akong tinanong kung naging okay ba at nag-enjoy ako sa pamamasyal namin.
Malawak ang ngiti kong tumango.
"Ang saya-saya ko Lola. Nakakapagod po pero sobrang saya," ang masaya kong sabi.
"Bakit ang dami mo 'atang pinamili? Nako, baka inubos mo ang allowance mo?"
"Grabe naman kayo Nana Lucia, anong silbi kong boyfriend niya kung hindi rin naman ako ang magababyad? Ako pa ang nagyaya ng date kay Made--"
Hindi na naituloy pa ni Luicke ang sasabihin ng hampasin siya ni Lola.
Masusundan pa sana ang hampas ni Lola sa kaniya pero tawang- tawa itong mabilis na nakailag...
"Ikaw na bata ka, nag-uumpisa ka na naman, hindi pa puweding ligawan ang apo," ang nakairap na ani Lola kay Luicke.
"Sinagot na kaya niya ako, kaya mula ngayon, Lola na rin tawag ko sa'yo," ang pilyong hirit na naman nito.
Naiiling na lang ako sa nasasaksihang kakulitan ni Luicke.
Masaya siyang kasama. Hindi nakakailang at madalas, nasasabi ko kung ano talaga ang nararamdaman ko.
Ipinatong ko naman sa lamesa ang paper bag ng pagkain na pasalubong ko kila Lola.
Isa-isa ko na iyong inilabas at inilatag sa mesa.
Magalang kong tinawag at inaya si Aling Brenda at Aling Martha sa mesa.
Napag-alaman kong wala ang mag-anak sa mansyon.
May binisita raw ang mga itong kaibigan at do'n sila magdi-dinner.
Tumabi sa akin si Aling Brenda. Nakatayo ako samantalang nakaupo naman siya.
Si Aling Martha naman ay pumuwesto sa kabilang side.
"Magtatapos muna siya ng pag-aaral!" ang dinig naming pakli at may halong bulyaw ni Lola sa kay Luicke.
Iyong isa naman ay aliw na aliw pa rin sa pamimilyo kay Lola.
"Heto talagang si Luicke, gustong-gusto niyang sutilin ang Lola mo, napakasutil na bata," ang komento ni Aling Martha.
"Pero aminin mo, mabait na bata iyang si Luicke at siya ang pinaka-matino sa kanilang magkakaibigan," ani Aling Brenda na kinatingin ko sa kaniya.
"Saka si Paul Isiah," dugtong ni Aling Martha.
"Mabait din naman ang alaga natin a, napakababaero nga lang sana nga e, magbago pa," ang habol pa ni Aling Martha.
Natigilan ako sa aking narinig, bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi sa pagitan namin.
Ang pagbulyaw niya sa akin, kaya wala sa isip na napalabi ako.
Mabait daw? Ang sungit niya kaya.
O, baka sa akin lamang siya masungit at galit.
Siguro tulad ng iba, nandidiri siya at napapangitan talaga sa akin?
Hindi naman kasi gano'n ang mukha niya noong una namin pagkikita.
Nang makabangga ko siya noon sa piyesta ay maaliwalas ang mukha at kumikinang ang mga mata niya habang walang kurap na nakatitig sa mukha ko.
The Lannion I met before has a gentle and loving aura.
But at that time, I also possessed the beauty that every woman wish to have.
"Well, babaero nga talaga. Mahilig at mabait lang sa mga magaganda," I utterly concluded.
"Sinong babaero si Lannion? Oo nga iyan lang ang sakit ng batang iyan, hindi pumipirmi sa iisang babae----Aray, bakit mo sinipa ang paa ko, masakit kaya," biglang daing nitong reklamo kay Aling Martha.
Kahit ako ay natigilan at takang napatingin kay Aling Martha.
Pinandidilatan niya ng mata si Aling Brenda.
May halong babala ang tingin nito kay Aling Brenda habang tila may sinsenyas ang mga mata niya sa likod namin.
"O, Lannion nariyan ka pala, akala namin ay sumama ka kila Daddy mo?" ang ani Lola.
Napalunok ako.
Hindi ako lumingon sa likod ko. Nasa kusina rin siya. Hindi namin namalayan ang pagdating niya.
I bet, sa likod siya nagparada ng sasakyan at dumaan sa pinutuan papunta rito sa kusina.
"Pare, nariyan ka na pala. Musta araw natin? Nasa tambayan sila Xian, pupunta ako ngayon doon kung papayagan ako ni Made, pero kung hindi sa bahay na lang ako.
Masunurin naman akong boyfriend e," napapikit na lang ako at napailing sa kasutilan ni Luicke.
Hindi ako tumingin at 'di ako natinag sa kinatatayuan ko.
Pero dama ko ang tila init ng tingin ni Lannion mula sa aking likuran.
Narinig ko ang pagsaway na naman ni Lola at pangangaral niya kay Luicke na tanging halakhak lamang ang sinagot ng huli.
Naramdaman ko ang presensya ni Lannion malapit sa gilid ko.
Hindi ko alam pero bigla ang pagnipis ng hangin na nilalanghap ko.
Ang bawat himaymay ng katawan ko ay binalot ng tensyon.
I still wasn't comfortable with his presence.
Wala sa sariling dinampot ko ang paper bags ng pinamili namin ni Luicke.
Nagpaalam na ako kay Aling Brenda at Aling Martha.
Hindi ko nagawang tapunan ng tingin si Lannion. Hindi rin ako nagpaalam sa kaniya.
Bakit pa, e parang basura lang naman ako sa paningin niya. Baka masinghalan pa ako kung magpapaalam pa ako sa kaniya.
Natatakot pa ako, naiiyak pa rin kasi ako sa tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi.
"Umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin," ang malunanay na sabi ko kay Luicke.
"Pasok na ako sa kuwarto namin, hindi na kita maihahatid sa labas," marahil, hindi ko naitago ang discomfort ko sa presensya ni Lannion, kaya nakakaunawa ang tingin at ngiting binigay sa akin ni Luicke.
"Good night, at maraming salamat. Text mo 'ko or tawagan kapag nakauwi ka na." Mahina kong sabi.
Tipid ang ngiti niyang tumango sa akin.
"Pinapauwi na ako ng girlfriend ko Lola, babe kiss ko?" ang pilyo pa nitong hirit na kinailing ko na lang pero hindi ko rin naiwasang matawa ng mahina.
"Ako ang e-kiss mo kung gusto mo," ang dinig ko pang ani Lola sa kaniya.
Habang papalayo ay dinig ko pa ang tawanan nila Aling Brenda at Aling Martha.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan akong makapasok sa loob kuwarto at mailapat ang pinto pasara.