Chapter 1

3373 Words
“C'mon baby, let's dance and talk dirty,” nang-aakit na yaya ng isang sikat na babaeng modelong customer ni Kale sa VIP lounge. “Sure baby,” nakangisi niyang sagot at hinila na siya nito sa dance floor. Dahil sila lang sa kinuha nitong VIP room, ay halos sexy dance ang sinayaw nilang dalawa kasabay ang malakas na tugtugin. (Talk Dirty by Jason Derulo playing) Mariing idinidikit ng babaeng modelo ang kanyang likuran sa harapan ni Kale kaya hinila niya ito nang mabilis dahilan para mayakap ang magandang babae na kanyang customer. Nagpatuloy lamang sila sa pagsasayaw. Kitang-kita ni Kale kung paano napapakagat-labi ito. Lihim naman siyang natuwa dahil aliw na aliw ang modelo. Nang mapagod ang dalawa ay niyaya ni Kale ang babae na maupo muna sa couch at inalok ng alak. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang itinulak pahiga at mabilis na pinatungan. She started to unbutton my black vest then my white long sleeve. When my sleeve is half-buttoned, she stared at me with full of lust in her eyes. Without hesitation, she licked and kissed my neck while grinding on my top causing her to moan. Her body moves in a faster rhythm while moaning loudly because of pleasure. She clung to me as she gasped heavily. I felt that her body started to get tense, sign that she's about to come, I wrapped my arms around her waist. “Ahh I'm comiing,” the woman screamed as she reached her climax. Makalipas ang labinlimang minuto ay umalis na ito sa ibabaw ni Kale at nakangiti na sa kanya. Kinuha naman ng modelo ang kanyang black purse at naglabas ng pera. “Baby, here's five thousand pesos, your tip,” malandi nitong sabi sabay abot kay Kale ng pera. Hindi niya sana ito tatanggapin pero inilagay na ng babae sa palad niya ang pera saka siya hinalikan sa pisngi. “T-Thank you,” tanging naisagot ni Kale. “No problem baby, next time ulit,” sabay kindat sa kanya. Ngumiti na lamang si Kale at ibinulsa ang pera saka nagpaalam. Tapos na ang time niya sa pagkuha sa 'kin at kung gusto niya pa, she needs to extend her stay. Paglabas ni Kale ng room na 'yon ay saktong lumabas din si dude at nakangising tumingin sa kanya. “Hoy dude, ayos 'yang itsura at damit mo ah. Mukhang katatapos niyo at nakaiskor ka na naman ata. Jackpot ka ulit sa modelo mong customer,” nakakalokong bati nito sa kanya habang nakatingin sa kanyang kabuuan. “Iba talaga kapag nangunguna sa in-demand waiters at waitresses dito at paborito pa ng customers.” “'Di naman dude. Trabaho lang 'to.” “Utot mo dude! Ilan ng naggagandahan at nagseseksihang mga model na babae ang kumukuha sa 'yo. Hindi lang 'yon, mga bata pa,” dagdag pa nito. “Ewan ko sa 'yo dude. Balik na ako sa bar counter. Mukhang busy pa si Yan ah. 'Di pa lumalabas eh,” tugon ni Kale rito at bumaba na. Kaming tatlo kasi ang mga in-demand na waiter at waitress na kinukuha ng mga customers sa VIP lounge. Ito rin ang dahilan kung bakit pabalik-balik sila rito sa bar. Habang pababa siya ng hagdan ay nakatingin lamang siya sa sariling damit habang ibinubutones ito at nagmamadaling lumakad nang biglang may bumunggo sa kanya. “f**k! What the? I'm soaking wet kararating ko pa lang!” galit na galit na sigaw ng bumunggo kay Kale. Dahil madilim sa bahaging 'yon ay nagmadali nang umalis si Kale at pumunta na sa bar counter. Nakita niya kasing masamang nakatingin sa kanya si Manager Oli. “Ikaw Oliveros, umayos-ayos ka sa trabaho mo. Nakita ko kanina 'yong nangyari. Kapag ikaw inireklamo, ewan ko na lang. Get back to work,” sita ng manager sa kanya habang nakapamaywang. Nagsimula na siyang gumawa at maghalo ng mga cocktail drinks dahil marami na ulit siyang customers. Habang abala sa paggawa ng drinks, biglang may lumapit sa kanya. Si dude na nakangiti na naman sa kanya na parang ewan. “Dude, busy na busy ah. Tulungan na kita. Siguro napagalitan ka na naman 'no?” birong bati nito. “Tumahimik ka na dude. Paki-serve mo nga itong tatlong margarita at dalawang mojito sa table 10 at tatlong peach and pineau shrub sa table 15,” sigaw niyang utos at iniabot ang mga orders kay dude dahil hindi sila magkarinigan sa lakas ng tugtugin at ingay sa loob ng bar. “Roger that,” at sumaludo pa si dude bago kinuha ang mga drinks at umalis na. Hindi pa nagtatagal ay humahangos na lumapit sa bar counter si Yan. Si Yan at dude ang mga katrabaho at kaibigan ni Kale. “Nix! Pahiram naman ng damit mo. Galit na galit 'yong customer ko dahil may bumangga raw sa kanya at natapunan siya ng vodka. Pakihanda na rin nga itong mga order nilang cocktails,” aligagang sabi nito sabay abot ng kapirasong papel.”Kailangan ko nang bumalik sa VIP lounge dahil nandoon sila, mayayari ako. Paki-serve na rin ha, thank you Nix. I owe you one,” at nagmamadali na itong umalis. Agad na binasa ni Kale ang nakasulat at dali-daling ginawa ang mga cocktails na order ng customers ni Arian. Nang matapos niyang gawin 'yon ay ang ibang orders naman ng customers niya ang kanyang inasikaso. “Babe, mukhang bisi na bisi at nagmamadali ka. Let me help you.” 'Di niya namalayang nakalapit na pala si Ashley. Si Ashley ang pinaka-close niya sa bar. “Salamat babe. Puwede mo ba akong samahan i-serve ang mga ito?” tukoy ni Kale sa mga cocktails na order. “Sige babe, saan ba? Alam mo namang 'di kita matatanggihan eh,” ngingiti-ngiting turan ni Ashley habang itinataas pa ang dalawang kilay. Isang tease talaga itong si Ash, anang ng kanyang isip. “Doon sa isang room sa VIP lounge babe, kung nasaan si Arian ngayon.” Aalis na sana silang dalawa nang biglang maalala ni Kale ang hinihiram na damit ni Arian. Nagpahintay muna siya kay Ashley at nagmamadaling pumunta sa staff lounge kung nasaan ang kanilang mga gamit. Binuksan niya ang kanyang locker at nanguha ng black long sleeve at black t-shirt. Inilagay na rin niya sa sariling wallet ang tip niya kanina at nagmamadaling bumalik sa loob. Niyaya na niya si Ashley papunta sa isang room sa VIP lounge kung nasaan si Arian. Pagdating at pagpasok nila ay nakita nilang pito palang lahat ang customers nito. Sa tingin ko ay magkakaibigan ang mga ito base sa kilos at itsura nila. Nadatnan din nilang pinapagalitan si Yan ng isang babae pero mahinahon pa rin niya itong kinakausap at inaalo. Kaunti na lang ay maiiyak na si Yan. Habang ang iba namang naroroon ay pinapanood lang ang dalawa. Napalingon ang mga ito sa gawi nina Ashley at Kale nang ipatong ni Ashley sa mesa ang ibang orders at humalik muna ito sa pisngi ng huli saka kumindat at umalis na. Super clingy talaga nitong si Ash sa 'kin kahit busy sa trabaho. Kahit kaming apat nina dude ang close rito sa bar ay 'di talaga mawawala ang pang-aasar at panghaharot ni Ash kaya tinutukso kami ng iba pa naming kasamahan lalo na si dude. “Here are your orders ma'am and sir, three Negroni, two dry martini, three Aperol Spritz and two Waldorf. Anything you want to add ma'am? sir?” tanong ni Kale nang mai-serve niya ang mga orders nila. Napansin naman niyang nakatulala at nakatitig lamang sa kanya ang tatlong babae at dalawang lalaki. “It's alright, thank you,” pormal na saad ng isang lalaki na moreno at mukhang isang modelo base sa postura nito. “You're welcome sir, enjoy,” saad muli ni Kale at pinuntahan na si Yan. “Yan, pasensya na kung natagalan ako. Ito nga pala 'yong damit na hinihiram mo.” Bigla namang napaharap si Yan kay Kale. “Buti na lang at dumating ka na Nix. Maraming salamat ha. 'Di ko na alam ang gagawin kung wala ka rito,” at kinuha na nito ang damit na iniabot ni Kale. Akmang ibibigay na ni Yan ang damit sa babae nang biglang sumigaw ito. “You?! You were the one who did this to me, you asshole! Binangga mo ako kanina at walang pakundangang umalis ng hindi man lang nag-so-sorry,” galit na galit na sigaw nito kay Kale. “Look what you did to my expensive dress! You're gonna pay for this you f*****g waitress!” patuloy nitong sigaw habang itinuturo ang damit at bigla siya nitong sinampal nang malakas. Ay grabe namang bungad sa 'kin. Ngayon lang kami nagkita pero ginawaran na agad ako ng sampal. Anong kamay ang meron siya at naalog ata pati 'yong ulo ko. “Mc, stop! Ba't mo siya sinampal?” “What the hell Kenz? Wala naman siyang ginagawa.” “Omg Kenzie, come here. Calm your nerves, okay?” 'Yan ang sunod-sunod na awat ng mga kaibigan ng babaeng sumampal kay Kale at inilayo ito. Pero nagpatuloy lang ang babae at hindi pa rin nagpapaawat. “Naku Miss Knight, kumalma po kayo please. Hindi naman po siguro sinasadya ni Nix ang nangyari,” pakiusap ni Yan sa babae. “Ito po ma'am, damit para makapagpalit po kayo.” Si Kale naman ay himas-himas ang kaliwang pisnging sinampal. Masakit 'yon ha. “At kanino 'yang damit na 'yan ha miss? Sa bwisit bang waitress na 'yan? Ayoko niyan, baka saan pa galing 'yan. 'Di bale na lang,” bwisit na bwisit pa ring sabi nito habang itinuturo si Kale. “Ang arte naman. Akala mo naman maganda,” bulong ni Kale. “What? May sinasabi ka ba stupid waitress?” gigil pa ring saad ng babae. Pinandilatan naman siya ni Yan at sinenyasang mag-sorry. Wala ng nagawa si Kale at sinunod na lang ang gusto ni Yan para matapos na dahil customers nila ang mga ito. “Ah, miss, I'm sorry. Hindi ko po sinasadya dahil nagmamadali ako kanina at kasalanan ko dahil hindi kita nakita. Pasenya na po talaga. 'Di na po mauulit,” sinserong hingi ng paumanhin ni Kale sa babae. “Apology accepted but I won't forget this. We're not yet done stupid waitress. Nagkamali ka ng binangga mo,” mataray nitong sabi na may pagbabanta. Hindi na nagsalita pa si Kale at nagpaalam na kay Yan. Bumalik na ulit siya sa bar counter. “Oh babe, bakit namumula 'yang pisngi mo? May nanakit ba sa 'yo ha? Tell me,” seryosong tanong ni Ashley kay Kale at sinipat pa ang nananakit niyang pisngi. “Wala 'to babe, tumama lang ako sa pader,” palusot niya. Tiningnan naman siya nito nang maigi at mukhang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. “Kapag oras na nalaman ko kung sino ang may gawa niyan sa 'yo, huwag siyang magkakamaling magpakita sa 'kin,” inis na sabi nito. Niyakap na lamang ni Kale si Ashley para kumalma na. Makalipas ang ilang saglit ay tumunog ang speaker ni Kale sa bar counter na sapat lang para marinig niya. “Nix, bumalik ka rito sa VIP lounge. May mahalaga akong sasabihin,” Ito ang sabi mula sa speaker. Sa bar na kanilang pinagtatrabahuhan, napakahigpit ng mga security systems lalo na't may intercom at alert systems sa bawat room sa VIP lounge. Mabilis na tumalima si Kale pabalik kina Yan at napansin niyang may kausap na naman itong isang babae habang ang iba naman ay nagpa-party at nagpapakalasing. Lumapit naman si Kale kina Yan para malaman kung ano ang sasabihin nito. “Yan, bakit mo pala ako tinawag? May kailangan ka ba o nagkaproblema na naman?” sunod-sunod niyang tanong dito. Humarap naman si Yan sa kanya. “Hindi Nix, sa katunayan ay kinausap ako ni Miss Natalie at gusto ka niyang mag-serve para sa kanila at ikaw na ang papalit sa 'kin ngayon. Paano ba 'yan Nix, ikaw ng bahala rito at Miss Natalie, ito na po si Nix. Siya na po ang bahala sa inyo. Thank you po ulit ma'am. Babalik po ulit ako mamaya,” nakangiting paalam ni Yan sa babaeng kulay rose gold ang buhok at mas maliit kay Kale. “Thank you rin sa 'yo Arian,” nakangiti nitong sabi pabalik kay Yan at ang huli naman ay lumabas na. Bumaling naman ito kay Kale. “Hello! I'm Natalie but you can call me Nat. Finally, na-meet na rin kita, my Princess Charming,” masayang pakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay kay Kale. “Hi po Miss Nat, I'm Nixon. Nice to meet you po ma'am,” nakangiti ring pakilala ni Kale at nakipagkamay. “Can I call you Nic?” sabay yakap nito kay Kale na siyang ikinagulat ng huli. Ramdam na ramdam ni Kale ang paghagikgik ni Natalie. “Hoy Nat! Hindi mo ba siya yayayain dito at ipapakilala sa 'min? Huwag kang magsolo uy,” sigaw naman ng isang babaeng maputi na maikli ang buhok. Biglang humiwalay sa kanya si Nat at sinimangutan ang babaeng tumawag dito. Hinawakan na ni Natalie ang kamay ni Kale papunta sa mga kaibigan nito. “Guys, this is Nixon and Nic, these are my friends: Aubrey, Silver, Tyler, Black and Reign,” pakilala nito isa-isa sa mga kaibigan. Tyler pala ang pangalan no'ng lalaking moreno kanina na parang model ang dating tapos Silver naman 'yong babaeng tumawag kay Miss Natalie. Hinila na siya ni Natalie sa bakanteng couch at umupo na sila habang patuloy pa rin itong nakakapit sa kanya. “Hey Nat, can you please stop clinging to Nixon? She looks uncomfortable,” biglang nagsalita ang isang babaeng kulay honey blonde ang buhok. “Shut up Aub. f**k your own business b***h,” mataray na sagot nito pabalik. “Hey babe, Nat, tama na. Uminom na lang tayo guys. Let's parteh! Nixon, uminom ka na rin,” alok kay Kale ng isang lalaki. Black ata ang pangalan nito. Nagsimula na silang uminom at nagpaka-wild. Si Aubrey at Black ay naghahalikan habang si Natalie at Silver ay nakatingin lang kay Kale saka dire-diretsong lumagok ng alak. Napahinto lang sila nang biglang may nagsalita. “Guys, let's pa— what the f**k is that stupid waitress doing here?!” galit na namang sigaw nito. “Hey Kenz, chill ka lang okay? I thought okay na 'yong kanina? Anyways, ako ang nag-request sa kanya para mag-serve sa 'tin,” paliwanag ni Natalie rito. “Pasaway ka talaga Natalie. Humanda ka talaga sa 'kin. Nananadya ka ba?” “Do I Kenz? Save it for later babe. Nic, that is M—” “I can introduce myself but not with everyone lalo na sa tulad niyang stupid. She doesn't need to know my name. And don't you ever call me babe Nat, kilabutan ka nga,” mataray na sabi nito at umirap kay Kale. Hinayaan na lamang niyang magbangayan ang dalawa at pinanood na lang. Patuloy lang ang mga ito sa pag-iinom at mayamaya ay may tama na si Natalie. “Nic, ken weh dence?” lasing nitong yaya sa kanya at 'di pa siya nakakasagot ay hinila na siya nito sa dance floor. Nagsimula nang sumayaw at gumiling si Natalie sa harapan niya kaya sumabay na rin siya sa galaw nito. Tila wala ito sa sarili na sumasayaw at sumasabay lang sa tugtugin. Mayamaya ay biglang ikinawit ni Natalie ang kanyang kamay sa batok ni Kale at mas inilapit pa ang huli sa kanya. “Letch gwet hawt Neyk,” sabay ngiti nito na parang naka-high. “Sure hun,” sabay ngisi ni Kale rito at hinapit si Natalie. Ang sexy ni Nat, kung lalaki lang ako baka may tumayo na. Nakasuot lang naman siya ng black see through halter dress at kitang-kita ang panloob nito. Nagpatuloy ang dalawa sa pagsasayaw na sobrang lapit ng mga katawan. Tuwang-tuwa si Natalie habang si Kale naman ay nangingiti rin. “Nat, ang hot niyong dalawa! Tsug tsug na agad,” kantyaw ng mga lalaking kaibigan nito. Nagulat na lamang si Kale nang biglang hinawakan ang kanyang mukha at akmang hahalikan nang biglang may marahas na humila rito. “Nat! What do you think you're doing huh?! Kissing random stupid people?” Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Kale. “Kensh, don't syawt et Nic. Syes ey nays persyon. Neyk, des es McKenzie Nowayt,” at bigla na lang itong sumuka kay Kale. “Nat, you're really a mess! Iinom inom 'di naman kaya. Pati dress mo punong-puno ng suka,” nandidiring sabi nito kay Natalie. Lumapit na ang mga kaibigan nito at inalalayan si Natalie na maupo sa couch habang ang babae naman ay masama pa ring nakatitig kay Kale. Una, nasampal ako. Pangalawa, nasukahan naman ang damit ko. Ano naman kayang susunod? “Omg Nat, what should we do? Puno siya ng suka, she doesn't have clothes na pamalit. Paano na?” maarteng saad ni Aubrey. Biglang may lumapit sa mga magkakaibigang nagkukumpulan. Si Yan, nakatingin sa kanilang walo. “Naku Miss Natalie, magpalit na po kayo ng damit. Ikaw Nix, anong nangyari sa 'yo? Nasukahan ka rin? Magpalit ka na,” baling naman ni Yan kay Kale. “Ay miss, kapag nagpalit si Nat, naka-bra at panty na lang siya. Kailangan niya ng damit panloob. Wala naman kaming pamalit at mamaya pa kami aalis,” sabat naman ni Silver. Si Kale naman ay dali-dali nang hinubad ang suot na black vest at white long sleeve na puno ng suka. Ang suot na lamang niya ngayon ay isang black compression t-shirt. Biglang tumingin sa kanya si Yan at ngumiti nang nakakaloko. “Nix, sakto at nakaganyan ka. Hubarin mo na rin 'yang t-shirt mo ngayon, ipahiram muna natin kay Miss Natalie para may panloob siya.” Napanganga naman si Kale sa sinabi ni Yan. Seryoso ba siya? Eh di ako ang nawalan ng damit. Hay grabeng gabi naman 'to. “Pero Y—” “Dalian mo na Nix, kailangan na niyang magpalit,” at pinandilatan na siya nito ng mata. Napailing na lamang si Kale. Mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt at iniabot kay Yan ang damit. Nagtaka naman siya dahil biglang tumahimik ang mga magkakaibigan at nakatitig lang sa kanya lalo na ang babaeng masungit kanina na ngayon ay nakatulala lang sa kanya at namumula pa. “Hello? Ito na 'yong damit,” pukaw ni Kale sa kanila. Natauhan naman si Yan at kumilos na. Hay, ako naman na ang nilalamig ngayon dahil naka-sports bra na lang ako at naka-slacks plus naka-ac pa rito sa VIP lounge. “Nix, tulungan mo nga akong bihisan si Miss Natalie. Ma'am, sir, kami na pong bahalang magbihis sa kanya,” sabi naman ni Yan sa iba at pumayag naman ang mga ito. Inalalayan na ni Kale si Natalie habang si Yan naman ay dala ang isang black long sleeve na ibinigay niya kasama ang iniabot na damit kanina. “Nix, ikaw ng bahala kay Miss Natalie. Kailangan ko nang bumalik dahil hinahanap na ako,” bilin nito kay Kale pagpasok nila sa cr at mabilis din itong umalis. So, trabaho ko na ring linisan ang isang lasing? Ang miserable naman ng gabi ko. Nagsimula nang linisan at punasan ni Kale si Natalie. Dahil nahihirapan siyang ayusan ito, niluwagan niya ang suot na sinturon at ipinagpatuloy na ang ginagawa nang bigla naman itong magsalita. “Nic, you know what, I saw it. The sadness in your eyes kahit masaya at nakangiti tayong nagsasayawan kanina. Ang lungkot ng mga mata mo, parang may something. Longing? Pain? At ano itong scar sa likod mo?” out of the blue na litanya nito na siyang ikinagulat at ikinatigil ng ginagawa ni Kale. Binilisan na ni Kale ang pagbibihis kay Natalie at binuhat na ito saka bumalik na sa loob. Nadatnan niyang nag-aasaran ang lahat pero tumahimik lang ang mga ito nang mapansin siya at napangangang lalo ang babaeng masungit na nakatingin sa gawi nila ni Natalie ngayon. “Hoy Mc, matunaw naman si Nixon.” Lumapit na si Kale sa gawi ng babaeng masungit at inihiga si Natalie sa tabi nito. Aalis na sana siya nang bigla naman siyang pigilan ni Natalie. Nginitian niya ito nang tipid at umalis na para magbihis. I'm not sad. I'm hurt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD