PROLOGUE

2162 Words
MADELIN Namimilog ang mga mata ko habang isa-isang tinitignan ang mga dala ni Lola bilang pasalubong para sa amin ng mga pinsan ko. Mas nakakatanda sa akin ang dalawang pinsan ko, kaya puro pangpaganda ang nakita kong pasalubong ni Lola para sa kanila. Maaga pa lamang ay naglagalag na ang mga ito sa plaza at hindi na nahintay pa ang pagdating ni Lola. "Ang dami naman nito, La!" Palatak kong sabi, habang nakatingin pa rin sa mga dala ni Lola. Mga chocolates, bagong mga damit, mga gamit sa schools at marami pang iba! "'Yang mga damit, ay galing kay Ma'am Emma. Magpasalamat ka sa kaniya ng personal kapag napunta ka mamaya sa hacienda," ang mahinahon na bilin sa akin ni Lola. Nakangiti lamang akong tumango sa kaniya. Piyesta na naman sa bayan ng Mariveles. At kapag ganitong piyesta, ay umuuwi talaga ang mag-anak na Schueremans sa kanilang hacienda. Dating katiwala dito si Lola. Pero noong isang taon lamang, nang magpaalam ito sa amin. Inalok daw siya ng pamilya na maging mayordoma na lamang sa kanilang mansyon sa Manila. At kinumbisi siyang ipaubaya na lamang kay Tito Alberto ang pagiging katiwala sa hacienda. Mabait ang pamilya nila. Sa katunayan, ay pag-aari nila mismo ang lahat ng lupang kinatitirikan ng kabahayan ng buong kumunidad dito sa lugar namin kasama na ang kinatitirikan ng aming tahanan. "Lola, sila lang po bang tatlo ulit ang narito o, buong pamilya talaga?" medyo alanganin kong tanong. Bahagya lamang akong tinapunan ng tingin ni Lola habang inaayos nito ang mga dala-dalahan. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Sana... Sana nga.... Sumama siya- "Kasabay namin nagbiyahe ang mag-asawa at si Elizabeth, pero 'yong binata hindi." Sabi na nga ba e, asa pa! Hindi naman kasi iyon pumupunta dito. Laglag ang balikat na biglang napawi ang pagkasabik ko. Pero masaya pa rin ako at makakasama ko si Elizabeth at tiyak, magkukuwento 'yon tungkol sa kuya niya! Mula nga daw mabili ng pamilya ang haciendang ito sa dating may-ari, ay hindi pa napupunta ang panganay na Schueremans rito upang magbakasyon man lang. Anong itsura kaya niya sa personal? Ang guwapo niya kasi sa mga larawan na naka-display sa hacienda. Asul ang kulay ng mga mata nitong namana niya sa banyagang ama. Matangos ang kaniyang ilong na binabagayan ng manipis at mapula-pula nitong mga labi. Makapal ang kilay niya, at medyo mahaba ang makintab nitong buhok na para bang mala Leonardo Decaprio ang pagkakaayos! Nag-tangay nga ako ng isang picture niya e! Kinikilig ako sa tuwing tititigan ko siya. Para kasing, nakikipagtitigan rin ito sa akin e! Sobrang guwapo talaga! Mula nang makita ko ang mga larawan niya sa hacienda ay crush ko na siya. 'Yon nga lang, ay ayaw raw nitong magsasama papunta dito-- "Hindi sumabay sa amin si Lannion pero pupunta raw, may mga kasama yatang mga kaibigan," malumanay na ani Lola na kinabuka ng bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig! Gusto ko sanang magtatalon sa sobrang saya nang marinig ko ang magandang balita pero syempre nagpigil ako! Freeze ko muna ang kilig. Pasimple akong tumalikod kay Lola at lihim na nagpakawala ng napakatamamis na ngiti! "Yes!" ang masaya kong bulong. Tinulungan ko si Lola na magligpit muna ng mga dala nito. Mamaya ay sabay na rin kaming pupunta ng hacienda para tumulong naman doon. Kagabi pa nando'n sila Tito Alberto at Tita Linda. Siniguro nilang handa na ang mga hayop na kakatayin para sa piyesta. Tuwing piyesta ay naghahanda talaga ang pamilya para sa kumunidad at iba pang trabahador na nakatira rin sa labas ng hacienda! Nagpapalaro rin ang mag-asawa para sa mga bata at namimigay ng mga mumunting regalo! May mga palaro rin ang mga ito para sa matatanda at may mga handog din silang groceries para sa bawat pamilya. Abala ang lahat mula sa pagtulong sa pagluluto sa mga ihahanda sa piyesta. May letchon na baka at baboy, at marami pang ibat- ibang klase ng pagkain! "Ang tagal naman ng Kuya mo!" ang inip kong turan nang nasa halos mag-aala sais na ng gabi ay wala pa rin ito. Maya-maya pa'y pupunta na kami ng plaza upang manood ng mga programa at palaro! Mukhang hindi ko na naman siya makikita! Babalik na lamang ako sa hacienda mamaya. "Hmmp! Kasama kasi niya ang barkada niya! tapos dinig ko nga kila Mommy may kasama rin siyang girlfriend niya e," ang nanghahabang ngusong ani Elizabeth na para bang nagsusumbong sa akin. Napangiti ako. Ang cute cute kasi niya talaga! Alam nito ang matinding pagkakagusto ko sa kuya niya pero parang tuwang-tuwa pa nang malaman niya iyon! Gusto raw niya kasi talaga ako para sa kaniyang kuya. Gusto raw niya akong maging ate, for real! Nakakatuwa, pero alam ko naman na malabong magustuhan ni Lannion ang isang tulad ko. Sigurado naman kasing mas magaganda ang mga nagiging girlfriend no'n sa Manila. At hindi ang tulad kong isang probinsyana ang tipo nito. Pangarap na lamang ang tulad niya para sa akin. Pangarap na minsan ay hindi ko maiwasang lakipan ng pag-asam lalo na sa tuwing sinasabi sa akin ni Elizabeth kung gaano niya ako kagusto para sa kaniyang nakakatandang kapatid! Naayon dito'y, mas higit akong maganda kaysa sa mga nakita na niyang naging nobya ng kapatid! Yes, mga naging nobya! Marami raw itong nagiging nobya at halos linggo linggo nga raw ito kung magpalit! Akala ko, mababawasan man lang kahit katiting ang pagkagusto ko sa kaniya dahil sa nalaman ko pero, hindi man lang no'n naapektuhan ang solido ko na yatang damdamin para kay Lannion! Hanggang sumapit ang alas seite ng gabi ay wala talagang dumating! Niyaya ko na si Elizabeth sa plaza para manood ng mga palaro roon at ibang programa! May inanyayahan pa naman ang punong lungsod na ilang artistang magbibigay buhay sa gabing ito ng piyesta! Dalawang kumedyante at isang magandang teen star! Syempre, gusto kong manood at ayaw kong palampasin ang pagkakataon! Minsan lamang dumating ang mga ganitong pagkakataon na makakita ng mga artista e. Kasama ni Elizabeth, ay nagpunta kaming plaza. May mga kabataan din kaming nakasabay mula sa aming kumunidad. "Sigurado ka bang kaya mong maglakad at hindi ka mapapagod?" ang paniniguro kong tanong sa kaniya. May asthma kasi ito at pinagbabawal sa kan'ya ang masyadong mapagod. Ganoon din ang mga matataong lugar na maari itong makaramdam ng suffocation. Kung sabagay, trenta minutong lakad lang naman iyon. Hindi naman siguro siya gaano mapapagod. Ang tanging kailangan lang naming pag-ingatan ay ang maipit sa mga matataong lugar! Bago kami umalis, ay siniguro ko muna rito kung dala nito ang kaniyang asthma puffer. Isa iyong asthma dose inhaler na e-spray sa loob ng bibig sa tuwing makakaramdam ito ng hirap sa paghinga. Nahiling ko na lang, na sana nga ay makakita kami ng magandang puwesto mamaya habang nanonood ng programa! "Huwag kang pasaway do'n ha!" Bilin at paalala ng Mommy nito sa kaniya saka naman ako ang binalingan. "Ikaw na ang bahala kay Elizabeth, Madelin," bilin pa sa akin ni Ma'am Emma. "Huwag ho kayong mag-alala Ma'am, hindi ho kami magtatagal at ihahatid ko rin agad si Elizabeth. Mamasyal at manonood lang po kami ng konti," ang nakangiti kong paniniguro. Hindi naman talaga ito papayagang magpunta ng plaza kung hindi dahi sa akin. Marami rin dumating na mga bisita ang mag-asawa sa hacienda kaya hindi rin makakapunta ang mga ito sa plaza. Pagbibigay pa lamang ng mga palaro sa buong kumunidad kanina, malamang ay pagod na rin ang mga ito! At naaawa naman ako kay Elizabeth kung hindi man lamang ito makakapunta ng plaza upang makapanood kahit papaano! Mga mahigit dalawang oras din kaming nanood ng mga ibat-ibang palaro, naglibot para kumain ng ibat-ibang panindang kakanin! Nakita pa namin doon ang dalawa kong pinsan na sina Ate Maricel at Ate Paloma. Malapit na raw mag-umpisa ang palabas ng dalawang kumedyante saka naman ako nakatanggap ng text mula kay Ma'am Emma. Gabing-gabi na raw at baka pagod na rin si Elizabeth. Nakikita kong naaaliw pa si Elizabeth sa paglilibot at panonood, ngunit nakita ko rin na nakadalawang beses na itong nag-spray ng puffer sa bibig nito. Napasipat ako ng oras sa aking cellphone, mag-aalas diyes na nga! Niyaya ko na nga itong umuwi, at hindi naman na ito tumutol pa. Alam naman kasi nito ang kaniyang limitasyon. Pagdating namin sa hacienda ay napansin kong lalo pang dumami ang mga sasakyan sa harapan ng hacienda. "Dumating na sila kuya!" Ang masayang ani Elizabeth. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko. Nilapitan niya ang isang kotse. "Kotse niya to e," ang masayang anito na tinuro ang isang napakagarang itim na sasakyan. Parang may biglang kumislot sa loob ng dibdib ko. Kung hindi lang nakakahiya kay Elizabeth, lalapitan ko ang kotse at masuyo kong hahaplos ito na parang 'yon 'yong may-ari! Iba talaga kapag mayayaman, ilang taon pa lang din naman si Lannion pero ang kotse niya parang pag-aari ng sikat na artista! "Ito ang kotse ni Kuya, ito naman kay Kuya Xian, ito naman kay Kuya Luicke, tapos kay Kuya Sidrex!" Ang isa-isa nitong turo at banggit sa mga may-ari ng sasakyang naroon. Ngunit hindi ko na nasundan pa at natandaan ang mga pangalan nila. Nakatitig lamang ang mga mata ko kasi sa nag-iisang sasakyan! Doon lamang umaandar ang utak ko. Doon sa sasakyan ng prince charming ko! Nang yayain ako ni Elizabeth sa loob ng bahay ay wala sa sariling napasunod ako. Sinamahan ko siyang pumasok sa loob. Agad na gumala ang mga mata ko. Ngunit wala naman kaming kabinataang nadatnan doon. Nasaan kaya sila? Nakakahiya naman magtanong! Ang mag-asawang Schueremans lamang ang naroon at ilan pang mga bisita. Naroon nga rin si Lola. Nakita nga nila kami at saglit akong kinausap ni Ma'am Emma. Nagpasalamat ito sa paghatid kay Elizabeth. Pinagbilinan din lamang ako ni Lola na huwag masyadong magtagal sa plaza. Babalik kasi ako sa plaza para manood pa ng mga palabas. Pinagbilin din nitong huwag akong hihiwalay sa aking mga pinsan. Nang maayos na akong makapagpaalam sa kanila, ay agad ko nang binagtas ang daan pabalik sa plaza. Sana naman ay hindi pa nag-uumpisa ang palabas. Sa daan ay marami pang grupo ng kabataan akong nakasabay papunta roon. Pagdating ko nga roon ay sobrang dami na ng tao! In-text ko sila Ate Paloma at Maricel kung saan na sila napapuwesto! Nawala na kasi ang mga ito sa puwesto kung saan namin sila iniwan kanina ! Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong maong na jacket nang maramdaman ang pag-vibrate nito! Halo-halong boses ang naririnig ko sa paligid. Wala sa sariling naglakad ako habang nakatingin sa cellphone ko at nagta-type muli. "Damn! It's too crowded, doon na lang kaya tayo mukhang maraming magaganda do'n pare!" Pigil ang tili ko nang biglang may bumangga sa akin! Nawalan ako ng balanse. Inaasahan ko na ang malakas na pagbagsak ko sa lupa! Napapikit ako ng mariin! Pero bago pa ako bumagsak sa lupa, ay naramdaman ko na ang pagsagip ng mga matitipunong brasong pumulupot sa baywang ko. "Miss, are you okay?" ang baritonong boses ng isang lalake na siyang dahan-dahan na nagpamulat sa mga mata ko. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Namilog ang mga mata ko, nang makita ko ang pamilyar na mukha! Sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Kita ko pang titig na titig din ito sa mukha ko. Si Lannion! Hindi ako makapaniwala! Hindi ako agad nakahuma. Hawak ko nang mahigpit ang cellphone ko sa aking dibdib. Habang wala ring kurap at titig na titig sa kaniyang mga mata! "Okay ka lang ba?" ulit nitong tanong pero bakit parang naging malambing ang tono niya? "Aaayeeeh..." dinig kong sabay-sabay na sabi ng mga kasama niya. Tila panunukso sa amin-- o, sa kaniya ng mga kasamahan niya yata! Hindi ako sigurado pero marahil iyon ang mga kaibigan niyang sinasabi ni Elizabeth. Ngunit hindi ko sila nagawang tignan! Ang mga mata ko'y nakapako lamang sa iisang tao! Sa taong gustong-gusto ko nang makita ng personal! Pero, parang hindi yata ako handa! Parang biglang may nag-rigodon sa loob ng dibdib ko! Kung tatagal pa ako rito'y baka mawalan na lamang ako ng ulirat sa harapan nila. "Kung sinusuwerte ka nga naman at makabangga ka ng maganda!" dinig ko pang anang isa sa kasama niya. "Sinadya yata ni Lannion, pare," dagdag ng isa pa. Samantalang si Lannion, nangingislap ang mga mata niya. Parang amuse pang nakatitig lang din sa aking mukha! Bigla akong nahimasmasan. Tinulak ko siya nang bahagya sa kaniyang dibdib. Tinanggal ko rin ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa baywang ko. Umatras ako ng bahagya at agad na tumalikod sa kanila. At mabilis na akong lumayo sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. "Miss sandali lang!" Sigaw niya, pero hindi na ako lumingon! Sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko! "Habulin mo kaya!" Ang dinig ko pang sabi ng isa sa kanila kaya lakad takbo na ang ginawa ko para lamang makalayo sa lugar na iyon! Shocks! Ang guwapo niya! So, hindi na ako magtataka kung marami ngang babaeng naghahabol sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD