Ang klima ay nagbabago sa tao ay ang pagkatao. Maraming dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao maging sa ugali man o anyo. Ito'y nakadepende sa nararanasan.
Ang nobelang THE GIRL IN THE MIRROR , dito mararanasan ng pangunahing tauhan na si Kacey De Vera ang hirap na sinapit niya sa kamay ng mga sindikato. Matagal na pala siyang minamatyagan nito. At wala silang kaalam-alam na nakapasok na pala ito sa kanilang pamamahay upang magmatyag at makakuha ng impormasyon. Ang inakala niyang masama ay siya pala ang magproprotekta sa kanya na kahit buhay niya ang kapalit. Ngunit hanggang kailan siya proprotektahan kung pinamili siya ? Ang taong mahal niya o ang buhay ng kaniyang pamilya? Alin ang mas maninimbang para sa kanya? Tuluyan na kayang wawakasan ang kanyang pag-ibig para sa dalaga at ipaubaya nalang ito sa kamay ng mga sindikato .
Sa pagbabalik ni Kacey De Vera ang inakala nilang patay na ay muling babangon para maghigante. Ang babaeng tuluyan ng kinalimutan ang dating siya noon. Ang dating mahina at walang kalaban-laban noon ay isa ng ganap na mamamatay tao. Walang inuurungan, walang kinatatakutan. Ang puso niya ay napuno nang galit at uhaw sa dugo sa mga taong nagpabago sa kanyang katauhan. Manunumbalik pa kaya ang pag-ibig na lumisan ? O mananatiling ng matigas ang kanyang puso at balutin na ng kasamaan ang kanyang pagkatao upang makamit ang minitmithing hustisya hindi lang para sa sarili kundi sa lahat ng nabiktima lalo na sa nangyare sa kanyang ina.
Abangan ang pagdanak ng dugo at nagliliyab na galit sa bawat yugto na inyong masasaksihan .
Ang babaeng nasa salamin ngayon ay ang totoong ako! Ang papatay sayo!.