Story By yassieebells/entoothsiast
author-avatar

yassieebells/entoothsiast

ABOUTquote
Immac Self Published Author
bc
Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)
Updated at Nov 22, 2024, 19:04
Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiusap siya sa babae na magkunwari silang masayang mag-asawa. Kasabay ng pagpapanggap nila ay kanila ring inaasikaso ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Pero sa kasamaang palad, unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Alin kaya ang matutuloy, ang kanila kayang annulment o ang pag-iibigan nilang dalawa.
like
bc
Co- Parenting With a Playboy
Updated at Jul 27, 2024, 01:30
Sa isang malagim na trahedya, hindi inaasahan ni Alona na muli silang pagtatagpuin ni Kenneth, ang lalaking inibig niya isang taon ang nakakalipas. Isang malaking responsibilidad ang maibibigay sa kanilang dalawa na kung saan mag-aalaga sila ng isang bata at tatayong mga magulang nito. Makakaya kaya ni Alona na iwasan ang mapaglarong hagupit ng tadhana sa kanila o kanyang hahayaan na tadhana ang gumawa ulit ng paraan para ipagpatuloy ang pag-iibigan nila ni Kenneth na naputol dahil sa isang maling akala. Did she survive co-parenting with a playboy?
like
bc
HER UNEXPECTED PREGNANCY
Updated at Mar 27, 2024, 00:30
Doc. Kaiden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang babago sa kanyang pananaw. May isang babae na magpapakilala sa kanya at sasabibin na nabuntis siya nito. Kanya kayang tatanggapin ito o tatakasan katulad ng kanyang ginagawa sa tadhana?
like
bc
Yes, I do, Father (Paghanga Series #1)
Updated at Jan 3, 2024, 00:30
Si Yuzhen Mie Aquino ay isang babaeng nangarap mahalin ng totoo. Sa pangarap na mahanap ang 'the one' ay halos lahat ng lalaking kaniyang natitipuhan ay tinuturing niya itong crush. Isang araw, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng naging crush niya. Bukod sa nakakaakit na itsura ni Oli ay naakit rin si Yuzhen Mie sa kakaibang pag-uugali nito. Kaya naman ginawa niya lahat para mapansin siya ng lalaki. Brian Oliver Sarmiento ay isang nagsisilbi sa simbahan bilang isang sakristan. Mas mahalaga sa kaniya ang responsibilidad sa simbahan kaysa sa paglalakwatsa o pakikipagrelasyon. Hindi bago sa kaniya na pinagkakaguluhan at hinahabol siya ng mga kababaihan ngunit may isang tao na tatatak sa kaniyang isipan. Mamomoblema siya ng sobra kung paano takasan ang pangungulit ni Yuzhen Mie sa kaniya.
like
bc
Babysitter of A Playboy
Updated at Feb 23, 2023, 04:02
Ranz Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy at anak mayaman na ubod ng katigasan ng ulo. Lahat ng bagay ay nagagawa nya dahilan para ikuha sya ng yaya upang magtino. Ngunit, hindi inakala ng kanyang mga magulang na hindi uubra ang plano na kanilang naisip na ikuha sya ng yaya. Isang araw, may babaeng muntik na nyang mabangga noong minsan ay inutusan sya ng kanyang ina na pumunta sa probinsya. At sa inaasahan, nagalit ang babae na muntik na nyang masagasahan. Pinili nyang manahimik at dedmahin ang dalaga ngunit hindi na nyang napigilan ang sarili dahilan para patulan na nya ito. Halos hindi maputol ang sagutan nilang dalawa, walang may gustong magpatalo. Dahil sa mga lumalabas sa bunganga ng babae ay napilitan si Rhaiven na iwan na ito. Hindi maipinta ang mukha ni Haila sa inis dahil sa lalaking muntik ng makabangga sa kanya. At ang malala pa roon ay hindi nito binayaran ang mga paninda nyang natapon sa sahig. Halos isumpa nya ang lalaki dahil sa inis. Ngunit, kaagad napalitan ng swerte ang malas na kanyang naranasan. Nakatanggap sya ng tawag mula sa agency na kanyang pinagtratrabahuan. Kinuha syang yaya ng isang mayamang pamilya at hindi nya inaasahan na iyong lalaking muntik ng makabangga sa kanya ang aalagaan nya. Naranasan ni Haila ang pagmamalupit ni Rhaiven sa kanya dahil ayaw nito na magkaroon ng yaya. Pilit sinasabi ng binata na hindi nya kailangan ng yaya kaya ginagawa nya ang lahat para mapaalis ang sinumang yaya na kunin ng kanyang mga magulang. At sa kasamaang palad, kakaiba si Haila sa mga yayang naunang kinuha para sa kanya. Una pa lamang ay hindi na sila magkasundo at puro sila bangayan. Dumating pa sa punto na nagmakaawa si Haila sa harapan ni Rhaiven na kung maaari ay huwag sya nitong palayasin. Napagdesisyunan ng nanay ni Rhaiven na pag-aralin nya si Haila sa paaralan na pinapasukan ni Rhaiven. Nainis ang binata at hindi sya sang-ayon sa gusto ng ina dahil mapapahiya sya kapag nalaman ng lahat na may yaya ito. Dahil sa ayaw nyang may makaalam na yaya nya si Haila, idinahilan nya ito na pinsan ng kaibigan nya na si Kenneth. Wala na pang nagawa sina Haila at Kenneth kundi sakyan ang kalokohan ni Rhaiven. Nadala si Kenneth sa napakatamis na ngiti ni Haila dahilan para magkagusto ito sa dalaga. Kaagad nyang inamin ang nararamdaman dito at nabahala naman si Haila dahil baka madamay ang kanyang trabaho. Nalaman nina Luis ang tungkol sa pag-amin ni Kenneth kay Haila. Nagpaalam pa ang binata sa Kuya nito na kung maaari ay ligawan nya si Haila. Naging boto naman si Gino kay Kenneth na kuya ni Haila at tinulungan niya ito sa panliligaw. Unti-unti nilang nakilala ang isa’t isa dahil sa mga sikretong kanilang tinatago. Para bang isang panaginip kay Haila ang pagiging mabait ni Rhaiven sa kanya. Hindi lubos akalain ni Rhaiven na lalambot ng ganoong kabilis ang kanyang puso dahil lamang sa kakaibang karisma ng dalaga. Ang dati nyang puso na natutulog at matigas ay pinalambot ng katiting na pag-ibig nya kay Haila. Ngunit, hindi nya nagawang umamin sa dalaga dahil nililigawan ito ng kanyang matalik na kaibigan na si Kenneth. Itinago nya ang nararadaman sa dalaga sa loob ng ilang buwan. Patago syang nasasaktan dahil sa pagiging malapit nina Haila at Kenneth. Nakaramdam si Rhaiven ng inggit at selos pero hindi nya magawang aminin dahil natatakot sya. Natatakot syang pagtawanan sya ng kanyang mga kaibigan dahil sinabi nya noon na kailanman hindi sya magkakagusto kay Haila. Hindi nya inasahan na darating sya sa puntong titibok ng ganoong kabilis ang kanyang puso sa dalaga. Samantala, halos mamatay si Kenneth sa selos dahil sa pagiging malapit nina Rhaiven at Haila. Iminungkahi nya pa na may gusto na si Rhaiven sa dalaga ngunit pilit na dinedeny iyon ng binata. Napapansin ng mga taong malapit sa kanila ang kakaibang trato ni Rhaiven kay Haila dahilan para mag-isip sila ng iba. Iyon na rin ang dahilan para mainis at magtanim ng galit si Kenneth kay Rhaiven. Dumating sa punto na hindi na sila nag-uusap dahil sa kapraningan nito. Isang araw, hindi inasahan ni Rhaiven na mapapaamin sya nina Luis at Chris na may gusto talaga sya kay Haila. Nakatanggap sya ng ilang pambubuyo dahilan para makiusap syang huwag makarating ang pag-amin nya sa dalaga. Inanyayahan sila ni Luis na sumama sa kanilang resthouse dahil doon gaganapin ang kaarawan ng kanyang kapatid at sumama naman silang lahat para makapagrelax. Kinuha naman ni Rhaiven ang pagkakataon na iyon para magpapansin kay Haila ngunit mas lamang si Kenneth sa kanya dahilan para mainis sya lalo. Dumating pa sa punto na nag-away sila sa harapan ng babae dahilan para magalit ito at mainis sa kanila. Pag-uwi nila galing sa bakasyon, nakatanggap ng tawag si Haila mula sa kanyang kaibigan na si Criza. Idinahilan nila na hindi na makabangon ang Lola Sonia nya ngunit ang totoo ay umuwi ang kuya nito gayundin ang tatay nyang matagal ng hindi nagpakita sa kanila.
like