#Sad to admit pero pagsusulat na lang nkikita kong paraan para magkadolyar.
#Being poor is hard but it get’s more harder if you don’t do anything about it.
#Money cannot buy happiness, that’s wrong, money could turns everything around. I want to buy a lot of clothes and shoes. Those things could surely makes me happy but if I don’t have money, I couldn’t get those things for myself like magic.
#Money cannot buy love, wrong. Kpag wla na kaung bigas at mailuto ewan qu nlang qung di kau magbatuhan ng kaldero!
#Money cannot buy your health, wrong again.
you could buy healthy foods to have a healthy body, could pay your medicines. Could pay your doctor etc.
The only money cannot buy, is prayer… kc kahit anong dami ng pera mo kung ayaw ibigay ni God ang dasal mu, wala rin… Kaya always pray and don’t forget to pray and thank him in your prayers sa bawat dasal na dininig niya at sa mga blessing na natanggap mo. ?
⚠️ Warning! ⚠️
May contain mature scenes and words. Read at your own risk!!!
Napangiwi ako sa matapang na amoy ng alak na tila sumisingaw mula sa kaniyang katawan. Ang sabi ni Nana Salve, marami siyang nainom at hindi nila nakayang pigilan. Nagwala daw siya ng malamang umalis ako.
Alam ko, pagkagising nito bukas parang demonyo na naman ang galit sa akin.
Kita ang kamay niyang may mga galos, pati mukha niyang may kaunting gasgas at talsik ng dugo.
He's blind, nagwala pa. Malamang masasaktan lang talaga niya ang sarili niya. Kahit daw mga bodyguards niya hindi siya nagawang lapitan.
Kahit nga ngayon na nakatulog siya takot siyang lapitan ng mga kasambahay.
Tinitigan ko siya, "hindi ako nagpaalam kasi alam kong hindi mo naman ako papayagan, dinalaw ko lang ang tatay ko dahil sinugod siya sa ospital. Hindi naman talaga kita iiwanan." Ang bulong ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig dahil tulog at lasing na lasing siya.
Nanginginig pa ang kamay na kinuha ko ang bimpo sa plaganitang may malamig na tubig at piniga.
Tinitigan ko muna ang napakaguwapo niyang mukha bago idinampi ng buong ingat ang basang bimpo para kahit paano malinis ang mukha niya. Umungol siya, kaya napalunok ako.
Maya maya pa'y mahimbing na naman muli ang tulog niya.
"Alam mo, napapaisip pa rin ako hanggang ngayon. Sa guwapo mong ito, bakit nagawa pa rin niyang lokohin ka at ipagpalit sa mukhang kumag na iyon. Kung ako ang naging asawa mo, siguro lagi na lang akong walang panty sa loob ng bahay para laging ready to fight na tayo." Hindi ko maiwasang mapahagikgik sa kapilyahang naisip.
"Kung ako lang naging asawa mo, hindi kita magagawang ipagpalit, mamahalin lang kita lagi..."
Pero ngayon lang ito, dahil tulog siya. Nasasabi ko lahat ng nararamdaman ko.
Pero bukas kapag gising na siya, alam ko bagong kalbaryo na naman ang mararanasan ko sa malupit niyang mga kamay.
But I have no choice, kailangan ko ng perang binabayad sa akin ng asawa niyang nagkataong kakambal ko.
May sakit si Tatay, ang nakagisnan kong ama. Kaya kailangan kong magpanggap na bilang asawa ng kilalang Blind Evil Billionaire ng bansa kapalit ng malaking halaga mula sa kakambal kong may halang ang kaluluwa.