The World BeyondUpdated at Nov 1, 2021, 02:21
Trudy!, ang lahat!....sagot ni Sanya at biglang napaisip. Handa na silang pareho na tumalon sa isang relasyon ng bawal na pag-ibig, ang relasyong kinukutya ng marami at hindi pa rin lubusang tanggap sa mundo. Tumigil si Sanya sa paghalik at nagulat si Trudy sa paghinto ng kaibigan sa pakikipagtalik sa kaniya. Trudy, lasing ka at hindi mo alam ang ginagawa mo. Mahirap ang gusto mo, maraming masasaktan, maraming magagalit sa akin, sa atin!. I hope you understand!, paliwanag ni Sanya na ikinagulat at ikinalungkot ni Trudy. Ganun ba!, ngayon kung kailan naging honest ako sa feelings ko at gusto ko na makasama at makipag-sex sa’yo, ikaw naman ang umaayaw!. Bitch ka talaga Sanya!, napakasama mo talaga, paasa, mangagamit!, galit na galit na sambit ni Trudy sabay sampal sa mukha ng kaibigan at napahiyang pinulot kaniyang mga damit at padabog na lumabas ng kuwarto ni Sanya. Napabuntunghininga si Sanya at napaiyak sa sakit na naramdaman ng pigilan ang sarili na makipagtalik sa kaibigan dahil totoong mahal niya si Trudy at ayaw niya itong masaktan.