Story By miaghibee
author-avatar

miaghibee

ABOUTquote
A nobody but an inspired writer
bc
PAG-IBIG SA LIKOD NG MASKARA
Updated at May 8, 2022, 05:52
Isang simpleng babae si Irene, puno ng ambisyon para sa kaniyang pamilya na nagbunsod sa kanya upang magtrabaho sa ibang bansa. Subalit ang inaakala niyang maayos na trabaho ay ang nagdala sa kanya sa isang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay. Niloko siya ng isang illegal recruiter at binalak na ibenta sa isang matandang milyonaryo, dahilan para siya ay tumakas. Sa kanyang pagtakas as isang trahedya ang nangyari sa kanya. Mabuti na lang at may isang taong nag-magandang loob na tumulong sa kanya—si Mr. Flores. One of the Asia’s young billionaire na nag-alok sa kanya ng tulong upang isagawa ang kanyang plastic surgery dulot ng pagkasira ng kanyang mukha. Nang matapos isagawa ang kanyang plastic surgery ay handa na niyang harapin si Mr. Flores, ang taong tumulong sa kanya. Ano kaya ang magiging tugon niya kung ang hilingin ng lalaki bilang kapalit ay ang pakasalan ito?
like
bc
THE SUCCESSOR
Updated at Jan 27, 2022, 15:07
Nang mamatay ang umampon kay Faith ay hindi na siya tumigil sa paghahanap ng kanyang tunay na mga magulang. Napadpad siya sa malayong isla ng Samal at isang trahedya ang nangyari. Kung papaano siya nakaligtas? Hindi niya alam. Basta ang alam niya ay dinala siya ng mga alon, sa lugar kung saan nakilala niya ang estrangherong si Yuan—ang lalaking nagligtas sa kanya. Sa maikling panahon na kanilang pagsasama ay nabuo ang lihim na pag- ibig sa isa’t-isa. Sa muling pag-babalik ni Faith sa kompanya ay hindi niya akalain na muling magku-krus ang kanilang landas ni Yuan—ang nag-iisang tagapagmana ni Rodolfo Bernabe na umampon sa kanya. May mababago kaya sa kanilang nararamdaman sa isa’t-isa ngayong "kapatid" niya ito?
like
bc
THE TEST OF LOVE
Updated at Dec 30, 2021, 18:14
Para kay Audrey tila isang sumpa ang pagiging mahilig sa guwapo dahil bigo na naman siya sa pag-ibig. Nahuli niya ang ex-boyfriend na si Liam na nambababae kaya naman nakipaghiwalay siya rito at lumayo. Muli niyang nakita ang kanyang ultimate crush na si KJ na pinsan ni Liam at pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naramdaman noon kay Liam. Sa pagkakataong ito ay naniwala na siya na posible pa pala siyang ibigin ng isang guwapong katulad nito. Subalit malupit ang tadhana, isang trahedya ang nangyari at paggising ni KJ ay hindi na siya maalala nito. Lalong naging malabo ang lahat nang inilayo ito sa kanya ng pamilya. Hanggang kailan siya maghihintay? Mababaling na kaya ang kanyang puso sa iba ngayong muling nagpapahiwatig at bumabalik sa kanya si Liam o mananatili siyang tapat sa lalaking iniibig ngunit hindi niya alam kung babalik pa?
like
bc
SAVED BY YOUR LOVE
Updated at Sep 29, 2021, 23:51
DALAWANG taong may mapait na karanasan sa pag-ibig na pinagtagpo ng tadhana ‘yan sina Camille at Izaiah. Halos nakalimutan na ni Izaiah ang maging masaya mula nang biglaang pumanaw ang kanyang asawa. Sa gitna ng madilim na bahagi ng kanyang buhay ay natagpuan niya si Camille, isang dalagang ina na pilit ding bumabangon mula sa pagkakamali sa pag-ibig. Muling binuksan ni Izaiah ang kanyang puso para magmahal hanggang sa puntong handa rin niyang akuin ang responsibilidad na hindi naman sa kanya, ang pagiging ama sa anak ni Camille. Naging malapit ang anak ni Camille na si Cyd kay Izaiah ngunit kasabay noon ang pagkahulog ng damdamin ni Camille sa lalaki. Nakita niya ang father and son relationship. Takot man siya pero muli siyang nangarap na possible pang magkaroon ng buo at masayang pamilya sa piling ni Izaiah. Ano ang kahaharapin nilang pagsubok ngayong muling nag-krus ang landas nina Camille at Ivan at nalamang may anak pala ito sa dating nobya? Magagawa pa kayang panindigan ni Izaiah ang kanyang mga binitiwang pangako kay Camille at anak nitong si Cyd?
like