Hello! Welcome to my world!
"Estudyante sa umaga, writer sa gabi."
⚠️ WARNING ⚠️
May pagka-red flag po ang mga characters ko kaya nasa inyo na po 'yan kung babasahin niyo. Thank you so much!
????COMPLETED:
* Mafia Boss Obsession
* Married To The Billionaire
* The Billionaire's Daughter
????OBSESSION SERIES COMPLETED:
* OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta
* OBSESSION SERIES 2: Calvin Razon
* OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
Puwede niyo rin po ako makausap rito:
Wp: Miss_Terious02
FB: Rovelyn Ogayco
Tiktok: oreowws
IG: miss_terious02
Gmail: rovelynogayco3101@gmail.com
THANK YOU SO MUCH AND KEEP SAFE ALWAYS!
Si Grayson Pritzker ay may-ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon ay siya na ang tumayong magulang sa dalawa niyang kapatid. Lahat ng alam niyang trabaho ay pinasukan niya makaraos lang sa kanilang pang araw-araw na gastusin.Kaya nang inalok siya ng kaibigan niya maging kasambahay sa kakilala nito ay agad niyang tinanggap. at sa pagtatagpo nilang dalawa ay ipinangako na ni Grayson na hindi niya pakakawalan pa ang babaeng unang bumihag ng kaniyang puso.Miss_Terious02All Rights Reserved 2021
Sa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang isa't isa. Masaya ang pagsasama nila. Ngunit hindi rin nagtagal dahil nauwi rin sa hiwalayan.
Dahil narinig mismo ni Anthonette ang katotohanan. Ginamit lang siya ni Aiden. At ang lahat lang pala ng pinapakita sa kanya ng lalaki ay puro kasinungalingan.
Nang umalis si Anthonette ay parang nawala na lahat kay Aiden. Makukuha niya kaya ulit ang babaeng minsan ng naging kanya? Mabibihag niya kaya ulit ang puso ng babaeng mahal niya kung ang puso nito ay puno na ng galit?
Si Allianah ay nag-iisang anak. Ngunit isang araw nagulat na lang siya na ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata na si Ezekiel Saavedra. Wala siyang ibang nararamdaman sa binara. Tanging galit lang ang mayroon siya sa binata. Kahit na gwapo, mayaman, hot, matalino, in short nas kanya na lahat ng gusto ng mga babae. Si Ezekiel noong una niyang nakita ang dalaga sa mansion nila, nabihag na kaagad ang puso niya ng dalaga. Kaya gumawa siya ng paraan upang mapasakanya ang dalaga.
Sa tagal ng pagsasama nila ay natutunang mahalin ni Allianah si Ezekiel. At kung kailan na aamin na siya kay Ezekiel tsaka niya nakita ang asawa niya na kahalikan ang dati nitong girlfriend. Umalis si Allianah at nagpakalayo layo. At sa muli nilang pagkikita ay sa restaurant ng kanyang ama.
Papayag ba siyang bumalik muli kay Ezekiel?